Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro


Kampus ng Mindanao
Ang Multikultural na Edukasyon

Masusing Banghay-
Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino
sa Baitang-11

Ipinasa ni:
Borja, Keezha Mae B.
Aplikante
Nilalaman Mga Uri ng Teksto: Persuweysib
Pamantayang Pangnilalaman Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at
daigdig.
Pamantayan sa Pagganap Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang
teksto.
Mga Kasanayang Pampagkatuto Pagkatapos ng isang oras na pagtuturo 75% sa mga mag-
aaral ay inaasahang:
A. natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong
binasa; F11PB-IIIa-98
B. naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang
teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig;
at F11PB-IIId-99
C. nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng
teksto. F11PU-IIIb-89
Inaasahang bunga ng pagkatuto A. mabibigyang-kahulugan ang tesktong persuweysib;
B. matatalakay ang layunin at kahalagahan ng tekstong
persweysib;
C. mapahahalagahan ang kalusugan; at
D. makapagtatanghal ng isang vlog na nanghihikayat
tungkol sa isang magandang tanawin na matatagpuan sa
kanilang lugar.
Inilaang oras Isang oras/60 minuto

I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. mabibigyang-kahulugan ang tesktong persuweysib;
b. matatalakay ang layunin at kahalagahan ng tekstong persweysib;
c. mapahahalagahan ang kalusugan;at
d. makapagtatanghal ng tula, jingle at awit tungkol sa epekto ng paninigarilyo sa
ating kalusugan.

II. PAKSANG ARALIN: Tekstong Persuweysib


Lunsaran: Dapat bang Itigil ang Paninigarilyo? ni Dr. Willie T. Ong
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, pahina
111
Kagamitan: mga tsart, felt-tip pen, at laptop

III. ESTRATEHIYA/PAMAMARAAN: Pasaklaw na Metodo (Inductive Method)


A. MGA PANIMULANG GAWAIN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Panalangin
Inaanyayahan kong tumayo ang lahat para sa
ating panalangin na pangungunahan ni Bb.
Montecalvo.

Magandang umaga sa lahat!


Magandang umaga rin po, titser.

2. Pagtsek ng atendans

Tingnan ang inyong mga katabi. May liban ba? Wala po, titser.

Mabuti naman kung ganoon, ipagpatuloy ninyo


ang magandang gawaing iyan.
3. Beheybyural Tsart

Bago natin simulan ang ating talakayan at


mga gawain sa araw na ito, may ipapakita
ako sa inyong Alkansya ng Puntos. Ang mga
alkansayng baboy ay lalagyan ng puntos
kada-gawain. Kapag napansin kong may
hindi aktibo sa bawat pangkat, maingay,
gumagamit ng gadgets at iba pang hindi
kaaya-ayang pag-uugali, babawasan ko ang
inyong puntos.

Maliwanag ba, klas?


Opo, titser!
Magaling!

4. Balik-aral

Ngayong umaga ay magkakaroon tayo ng


isang gawaing pinamagatang “Handa na ba
Ako?” Mayroon akong inihandang mga
katanungan patungkol sa ating talakayan
noong nakaraang tagpo. Ang klase ay hahatiin
sa tatlong (3) pangkat. Ang bawat pangkat ay
pipili ng tig-iisang representante na siyang
maglalaro. Kung sino ang unang
makakapagtaas ng emoticon ay siyang
mabibigyan ng pagkakataong makasagot at
makakahakbang pasulong. Sabihin ang letra
ng sagot. Kung sino ang pangkat na unang
makarating sa harapan ay siyang tatanghaling
panalo.

Maliwanag ba, klas?


Opo, titser.

1. Ang tekstong __________ ay inilalahad ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang
gawain upang matamo ang inaasahan.
a. impormatibo
b. naratibo
c. prosidyural
d. persuweysib
2. Layunin ng tekstong prosisdiyural na maipahatid ang mga wastong ____________ na
dapat isagawa sa isang gawain.
a. impormasyon
b. hakbang
c. kaalaman
d. b at c
3. Layunin ng tekstong prosidyural na makapagbigay ng sunod-sunod na _________ at
impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain ng ligtas,
episyente at angkop sa paraan.
a. direksyon
b. kaalaman
c. payo
d. utos
4. Bakit mahalagang pag-aralan ang pagsusulat ng tektong prosidyural?
a. Upang malaman ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga gawain.
b. Upang maging maayos at matiwasay at maiwasan ang pagkalito.
c. Upang malaman ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga gawain at upang
maging maayos at matiwasay at maiwasan ang pagkalito.
d. wala sa nabanggit
5. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng tekstong prosidyural MALIBAN sa isa:
a. 7 Hakbang sa Matagumpay na Paglangoy
b. Mga Hakbang Kung Paano Makakarating sa Cabgan Island
c. Mga Paalala sa Pagpunta sa Beach Ngayong Summer
d. Ang Pagluluto ng Inihaw na Bangus

5. Pagganyak

Sa puntong ito ay mayroon kayong


papanooring isang bidyu.

http://youtube.com/watch?v=MmKnzZqPwbk

Ano ang pinanood nating bidyu? Ito po ay isang balita tungkol sa


Anti-Smoking TV Ad na inilabas ng
DOH.

Ano ang nilalaman ng balita? Mga tala po ng bilang ng mga


Pilipinong namamatay kada taon at
ang inilabas na TV Ad ng DOH
tungkol sa pagtigil sa paninigarilyo.

Ano ang layunin ng TV Ad na nasa balita? Layunin po nitong hikayatin ang mga
Pilipino na tumigil na sa
paninigarilyo.
B. MGA GAWAING DEBELOPMENTAL
1. Presentasyon

Base sa ating pinanood na bidyu ay mayroon


akong inihandang babasahin na patungkol sa
paninigarilyo. Pero bago iyan, sagutan muna
natin ang gawaing ito.

2. Paghahawan ng Balakid
Pangkatan pa rin ang pagsagot sa gawain.
Maaaring magtulungan sa pagpili ng sagot
pero dapat ay may isang representanteng
magdidikit ng sagot sa pisara.

Panuto: Piliin sa kahon ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa bawat


bilang, emoticon lamang ang piliin.

kemikal na makikita sa kulubot


tobacco
sakit sa baga
mataas na presyon ng dugo

1. Nagdudulot ang sigarilyo ng altapresyon, atake sa puso at istrok.


2. Masama sa baga at puwedeng magka-emphysema.
3. Ang mga naninigarilyo ay mas nagkaka-wrinkles sa mukha kumpara sa taong hindi
naninigarilyo.
4. Ang sigarilyo ay may taglay na nikotina na nakawiwili sa gumagamit nito.

3. Pamantayan
Mayroon akong inihandang kontrata na
naglalaman ng mga dapat at hindi dapat gawin sa
loob ng klase. Ang inyong kontrata ay
pipirmahan ng lider ng bawat pangkat at sabay-
sabay kayong manunumpa na hindi kayo lalabag
sa napagkasunduan. Ang sinumang lalabag sa
kontrata ay babawasan ng puntos.

KONTRATA NG KAASALAN

Kami ang pangkat _________, nangangakong susundin namin ang mga sumusunod na
dapat at hindi dapat gawin sa loob ng klase:

DAPAT GAWIN:
Unawaing mabuti ang binabasa.
Aktibong makilahok sa mga gawain.
Magsalita ng Filipino
Makinig nang mabuti sa mga mag-uulat.
HINDI DAPAT GAWIN:
Huwag makipag-usap sa katabi.
Huwag gumamit ng gadgets.
Huwag maglabas-pasok sa silid.

Kami ay buong pusong nangangako na tutuparin sa abot ng aming makakaya ang lahat ng
nakasulat sa papel. Ang kontratang ito ay sumisimbolo sa aming pinanghahawakang pangako.

_________________________________
Pangalan at Lagda ng Lider ng Pangkat
4. Pagbabasa ng Teksto

Bago natin basahin ang teksto ay


kilalanin muna natin ang may-akda nito.

Bakgrawnd ng Awtor:
Ø Si Willie Tan Ong ay isang Philippine cardiologist.
Ø Siya ay Cardiology consultant sa Manila Doctor Hospital at sa
Makati Medical Center.
Ø Siya ay ipinanganak noong ika-24 ng Oktubre taong
1963 sa Maynila
Ø Noong 1992, siya ay nakapagtapos sa De La Salle
College of Medicine, Cavite, Philippines na may
Doctor of Medicine degree.
Ø Mula 1994-1996 nag-aral siya sa Manila Doctor
Hospital, na may espesyalisasyon sa internal
medicine.

Ngayon ay bibigyan ko na ang bawat pangkat ng


teksto. Bibigyan ko kayo ng tatlong (3) minuto sa
pagbabasa. Pagkatapos magbasa, ilarawan ang
epekto ng paninigarilyo sa pamamagitan ng
pagguhit, Bibigyan ko na naman kayo ng tatlong
(3) minuto para sa pagguhit. Pumili ng isang
representante na maglalahad sa harap sa loob ng
isang (1) minuto.
Pangkat 1: Bilang 1-2
Pangkat 2: Bilang 3-5
Pangkat 3: Bilang 6-8

Pamantayan:
Paglalahad 10
Wastong Gamit ng Wika 10
Kalinisan 5
Kabuuan 25

DAPAT BANG ITIGIL ANG PANINIGARILYO?


ni Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon)
Oo, sapagkat ang paninigarilyo ang pinakamasamang bisyo. Sana ay maitigil mo na ito. Heto ang aking
mga dahilan:
1. Masama sa iyong puso at utak. Nagdudulot ang sigarilyo ng altapresyon, atake sa puso at istrok. Ang
usok ng sigarilyo ay sumisira sa dingding ng ating mga ugat at nagpapakipot nito.
2. Masama sa baga at puwedeng magka-emphysema. Dahil sa usok ng sigarilyo, umiitim at naninigas ang
iyong baga. Sa katagalan ay hindi na ito makapagdadala ng hangin o oxygen sa iyong katawan.
3. Masisira ang iyong sex life. Ang sigarilyo ay puwedeng magpakipot sa ugat ng ari ng lalaki. Kapag
napigilan ang pagdaloy ng dugo sa iyong pagkalalaki, lalambot na ito at mahihirapan ka nang makipag-
sex.
4. Masama sa buong katawan. Ang mga ugat mo sa utak, baga, bato (kidney) at pati ang puso mismo ay
madadamay.
5. Kukulubot ang iyong mukha. Ang mga naninigarilyo ay mas nagkaka-wrinkles sa mukha kumpara sa
taong hindi naninigarilyo. Ang paligid ng iyong bibig ay madali ring kumulubot.
6. Nakaka-addict ang sigarilyo. Ang sigarilyo ay may taglay na nikotina na nakawiwili sa gumagamit
nito.
7. Maaaring magkakanser sa baga, bibig, bituka at iba pang organo.
8. Masama sa kasama mo sa bahay. Ang paghinga ng usok ng ibang tao (passive smoking o second hand)
ay nakasasama rin sa ating kalugusan. Madaling hikain at sipunin ang mga bata. Kawawa naman sila!
Kaibigan, kung gusto mong humaba ang iyong buhay, itigil na ang paninigarilyo. Payo po ng isang
nagmamalasakit!
(Paglalahad sa klase ng bawat pangkat) (Pangkat 1)

(Pangkat 2)

(Pangkat 3)

5. Pagnilayan

Ano ang pamagat ng tekstong binasa? Ang pamagat po ng teksto ay Dapat


bang Itigil ang Paninigarilyo?

Sino ang sumulat ng tekstong ito? Si Dr. Willie T. Ong po.

Tungkol saan ang tekstong ating binasa? Tungkol po sa mga epektong dulot
ng paninigarilyo.

Ano ang layunin ng awtor sa kanyang pagsulat


ng tekstong ito? Layunin po ng awtor na hikayatin
ang mga mambabasa na tumigil na
sa paninigarilyo.
Sa anong paraan niya inilahad ang kanyang
panghihikayat? Inilahad niya po ito sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga epektong
maidudulot ng paninigarilyo.
Sa paanong paraan tinapos ng awtor ang
kanyang teksto?
Sa pamamagitan po ng pagbibigay
ng hamon sa mga mambabasa.

Ano ang hamong ito? “Kaibigan, kung gusto mong


humaba ang iyong buhay, itigil na
ang paninigarilyo. Payo po ng isang
nagmamalasakit!”

Kung ikaw ay isang taong naninigarilyo, ano


ang inyong mararamdaman sa hamong kanyang
ibinigay?
Mapagtatanto ko pong hindi talaga
Mabuti sa kalusugan ang
paninigarilyo at ahihikatyat po
akong itigil na ito.

Bilang isang mag-aaral, paano mo mahihikayat


ang ibang tao na tumigil na sa paninigarilyo? Sa pamamagitan po ng pagsasabi na
mayroon silang pamilyang
nangangailangan sa kanila.

Bakit kailangang tumigil na sa paninigarilyo? Para po maging malusog, humaba


ang buhay at wala ng madamay
pang iba.

Sa larangan ng medisina, ano ang maitutulong


ng tekstong ito? Makakatulong po ito upang
mapukaw ang interes ng mga
eksperto na gumawa o linangin ang
mga gamot sa sakit na dulot ng
paninigarilyo.
Sa larangan ng pananaliksik, ano ang
maitutulong ng tekstong ito? Makatutulong po ito upang
mahanapan ng solusyon ang
suliraning ito.
Sa larangan ng literatura, ano ang maitutulong
ng tekstong ito? Makatutulong po ito sa
pamamagitan ng pagbibigay-malay
sa mga tao tungkol sa epektong
dulot ng paninigarilyo.

C. PANAPOS NA MGA GAWAIN

1. Paglalahat

Anong uri ng teksto kaya napapabilang ang


tekstong ating binasa? Tekstong Persuweysib po, titser.

Sa pahayag na “Heto ang aking mga dahilan:”, ano


ang ipinapahiwatig nito sa mga ideyang inilahad ng
manunulat?
Ipinapahiwatig po nito na sarili niyang
mga ideya o paniniwala ang nakapaloob
sa teksto.
Tama! Dahil ang tekstong persuweysib ay
nagtataglay ng personal na opinyon at paniniwala
ng may-akda.

Dahil taglay nito ang personal na opinyon ng may-


akda, ano kaya ang tono ng teksto?
Subhetibong tono po.
Tama! Ito ay subhetibo dahil malayang
ipinahahayag ng manunulat ang kanyang
paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyu.

Ano ang layunin ng tekstong persweysib? Layunin po nitong manghikayat o


mangumbinsi sa mga mambabasa.

2. Pagpapahalaga

Ano ang dapat tandaan sa pagsusulat ng tekstong


persuweysib? Nangungumbinsi po ito batay sa
opinyon o sariling ideya lamang ng
manunulat.
Magaling!

IV. EBALWASYON

D. ILIPAT

Batid kong naunawaan na ninyo ang ating


talakayan. Ngayon ay magkakaroon na naman tayo
ng panibagong gawain. Gagawa kayo ng tula,
jingle at awit tungkol sa epekto ng paninigarilyo sa
ating kalusugan. Ang bawat pangkat ay bibigyan
ko ng tatlong (3) minuto sa paghahanda at
dalawang (2) minuto naman sa pagpepresenta.
Upang magabayan kayo, narito ang GRASPS.
GRASPS
Goal Ang inyong gol ay makagawa ng makapanghihikayat na tula, jingle at awit tungkol
sa epekto ng paninigarilyo sa ating kalusugan.

Role manunula, mang-aawit at mananayaw at mang-aawit


Audience ang publiko
Situation Anti-Smoking Campaign Week
Product tula, jingle at awit
Tula/Jingle at Awit:
May Kaugnayan sa Paksa 15
Standard Kooperasyon 5
Pagkamalikhain/Tono 10
Panghihikayat 20
Kabuuan 50

Rubriks Para sa Tula/ Jingle at Kanta


Pamantayan Lubos na naipamalas Naipamalas lamang Hindi gaanong
naipamalas
May Kaugnayan sa 15 10 5
Paksa
Kooperasyon 5 3 1
Pagkamalikhain/Tono 10 7 4
Panghihikayat 20 15 10

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Sumulat ng reaksyong papel tungkol sa binasang akda.

Pamantayan:
Organisasyon ng Ideya - 20
Wastong Gamit ng Wika - 10
Kalinisan - 10
Kabuuan 40

You might also like