Katangian NG Pananaliksik LP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro


Kampus ng Mindanao
Ang Multikultural na Edukasyon

Mala-masusing Banghay-
Aralin
Sa Pagtuturo ng Filipino
Sa Baitang 11

Ipinasa ni:

Borja, Keezha Mae B.


Practice Teacher

Ipinasa kay:

Bb. Charlyn G. Estobo


Cooperating Teacher

(January 22-23, 2019)


Mala-masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Baitang 11

I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. matatalakay ang mga katangian ng pananaliksik;
b. makapagbabahagi ng sariling ideya tungkol sa mga katangian ng pananaliksik;
c. makakasagot sa pagsubok na inihanda ng guro.

II. PAKSANG ARALIN:


Lunsaran: Katangian ng Pananaliksik
Sanggunian: Pluma, pahina 123-124
Kagamitan: mga tsart, yeso, pambura

III. MGA GAWAING DEBELOPMENTAL:

Gawain ng Guro

A. Pagtsek ng atendans

Sino ang liban ngayon sa klase?


Mabuti naman kung ganoon, ipagpatuloy
ninyo ang magandang gawaing iyan.

B. Balik-aral

Ano ang pananaliksik?


Ano-ano ang tatlong layunin sa
pananaliksik na inilahad ni Galero-Tejero?
Ano ang kahalagahan ng pananaliksik sa
buhay ng tao?

A. MGA GAWAING DEBELOPMENTAL

1. Aktibiti

Panuto: Hanapin sa kahon ang mga salita.

D I N O M A S I N O P A E Z
O A M A C H E J S H Z I Y M
K J E M P I R I K A L O U A
U E Y K X A A D P V J B P L
M R C B U G P L Y S D H K I
E K R I T I K A L W X T W N
N Z I P S L T F N B U E N I
T C F K D F G C T A O H E S
A E G Q Z J N M Q V H B S D
D S I S T E M A T I K O V W
O B H E T I B O S R O H N Q

Mga salita:

Dokumentado Empirikal
Sistematiko Obhetibo
Masinop Malinis
Napapanahon Kritikal
A. Analisis

Base sa ating ginawang gawain, ano ang inyong napapansin?


Ano kaya ang topikong tatalakayin natin ngayon?

B. Abstraksyon

Katangian ng Pananaliksik

 Obhetibo – naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o


kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat
na sinasaliksik, tinataya at sinusuri.
 Sistematiko – sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa
pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na konklusyon.
 Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan – nakabatay sa kasalukuyang
panahon, nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan
ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
 Empirikal – ang konklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa
tunay na naranasan at/o naobserbahan ng mananaliksik
 Kritikal – maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang
proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang
paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
 Masinop, Malinis at Tumutugon sa Pamantayan – nararapat itong sumunod sa
mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa
kabuuan.
 Dokumentado – nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos.
Binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.

C. Aplikasyon

PAGTUTUKOY
Panuto: Tukuyin kung anong katangian ng pananaliksik ang ipinapahiwatig sa bawat
bilang.
___________ 1. Ang konklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa
tunay na naranasan at/o naobserbahan ng mananaliksik.
___________ 2. Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso.
___________ 3. Ito ay naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa
opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat.
___________ 4. Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos.
___________ 5. Maingat na sinuri, inalisa at hinabi ng mananaliksik upang
mapatunayan.

Mga sagot:

1. empirical
2. sistematiko
3. obhetibo
4. dokumentado
5. kritikal

VI. TAKDANG ARALIN:


Panuto: Magsaliksik ng mga Katangian ng Mananaliksik at isulat ito sa inyong kwaderno. Ipasa sa
susunod na tagpo.

You might also like