Impormatibo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Nilalaman Mga Uri ng Teksto: Impormatibo

Pamantayang Pangnilalaman Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto


ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.
Pamantayan sa Pagganap Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa
mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
Mga Kasanayang Pampagkatuto 1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri
ng tekstong binasa
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa
binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang
uri ng teksto
Tiyak na Bunga ng Pagkatuto Nakasusulat ng tekstong impormatibo na nakabatay
(Learning Outcomes) sa pangkasalukuyang isyung panlipunan.
Inilaang Oras 60 minuto
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

BALANGKAS NG ARALIN: (Lesson Outline)

1. Introduksyon/ Balik-aral: Ipabatid ang mga layunin at balik-aralan ang nakaraang aralin
(Activity) Gamit ang mapa ng pagbabago na KWL Chart sa pagkuha ng dating
kaalaman ng mga mag-aaral.
2. Pagganyak (Motivation): Pagpapakita ng video tungkol sa Brigada Eskwela 2016.
(Activity)

3. Instruction Delivery: Pangkatang Gawain: Spider Web


(Analysis) Ilahad ang paksa tungkol sa tekstong impormatibo

4. Pagsasanay (Practice): Pangkatang Gawain: Gamit ang Table Completion


(Abstraction) Pasagutan ang mga nakasaad na mga katanungan.

5. Pagpapayabong (Enrichment): Pangkatang Gawain: Eye Witness


(Abstraction) Magpabasa ng teksto at ilahad ang kahalagahan nito.

6. Evaluation (Application) : Indibiduwal na Gawain: Written Works


Pagbigay ng tekstong isyung panlipunan na gagawan ng impormatibong
teksto.
PARAAN NG PAGTUTURO

I. GAWAIN (Activity)

A. Introduksyon: Ipakita ang mga larawan ng mga sulatin mula sa dating kaalaman ng mga
mag-aaral.

1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t


ibang uri ng tekstong binasa

2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,


komunidad, bansa, at daigdig

3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto

B. Pagkuha ng Dating Kaalaman:


Gamit ang mapa ng pagbabago na KWL Chart sa pagkuha ng dating kaalaman ng
mga mag-aaral.

1. Ano ang alam ko, at nais ko pang malaman ukol sa tekstong impormatibo?

Ang Alam ko (K) Nais ko pang malaman (W) Natutuhan ko (L)

C. Motivation (Pagganyak): Pagpapakita ng video tungkol sa Brigada Eskwela 2016.

Pangkatang Gawain:
Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral at pagtulungang suriin ang videong ipinakita.

Panuto: Gabay ang sumusunod na mga katanungan:

a. Ano ang paksa sa videong nakita?Patunayan kung ito ba ay tekstong impormatibo?


b. Sino ang mga tauhan sa video?
c. Ano ang mensahe ang ipinabatid ng video?

II. PAGSUSURI (Analysis)

Daloy ng Pagtuturo- Pagkatuto (Spider Web)


1. Gamit ang Spider Web

Ideya 1

Ideya 6 Ideya 2

IMPORMATIBO

Ideya 5 Ideya 3

Ideya 4

2. Talakayin ang Tekstong Impormatibo. (ppt)

Tekstong Impormatibo ay uri ng babasahing di- piksyon, naglalayong magbigay ng


impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng
tungkol sa mga hayop, isports, agham o siyensya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, panahon
at iba pa. Ang mga impormasyong inilahad ng may-akda ay hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon
kundi sa katotohanan.

Tesktong Impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin,


textbook at mga website sa internet. Nakakatulong sa pagkakaroon nang mas malawak na pag-unawa sa
mga karaniwang paraan ng pagsulat na ginagamit ng manunulat tulad ng paglalagay ng pamagat sa bawat
bahagi, paglalagay ng larawang may paliwanag o caption at paggamit ng dayagram.

3. Pagsagot sa Pamprosesong Tanong:

a. Paano nakatutulong ang tekstong impormatibo sa pagbibigay ng maayos at maliwanag na


impormasyon?
b. Ibigay ang kahulugan ng tekstong impormatibo at ang gamit nito sa paggawa ng teksto.
c. Sa isa hanggang tatlong pangungusap ibigay ang katangian ng tekstong impormatibo.

III. ABSTRACTION: ( Pagsasanay at Pagpapayabong): Pangkatang Gawain: Gamit ang Table


Completion

1. Indibiduwal na Gawain: Pasagutan ang mga nakasaad na mga katanungan.


Kahulugan Katangian

Tekstong Impormatibo

Panuto: Gamit ang manila paper na ibinigay.Sundin ang Table Completion.

2. Pagpapayabong (Enrichment): Pangkatang Gawain

Pangkatang Gawain: Eye Witness


(Abstraction) Magpabasa ng teksto at ilahad ang kahalagahan nito.

IMPORMATIBO

Panuto: Sa kaparehong pangkat, ilahad sa klase ang layunin ng tekstong impormatibo gamit ang Eye
Witness at gumawa ng isang tekstong impormatibo.

Paalala: Ang bawat pangkat ay malayang magdagdag ng isa pang mata para sa karagdagang
impormasyon. (Rubrics).

Gabay na tanong:

a. Basahin ang tekstong ibinigay .


b. Bumuo ng mga impormasyong hinango sa nabasa at ilagay sa ginawang Eye Witness na dayagram.
c. Malayang makaragdag ng isa pang mata para sa pagalalapat ng mga ideya.
Pamantayan:

1. Kaisahan ng salita 6 puntos


Balarila, Gamit at Pagpili
2. Nilalaman 10 puntos
Datos, Kaayusan at Deritsahan.
3. Kakintalan 4 puntos
Kalinisan at Presentasyon
________
Total- 20 puntos

IV. PAGLALAPAT (Application)

1. Indibiduwal na Gawain: Written Works


Pagbigay ng tekstong isyung panlipunan na gagawan ng impormatibong teksto.

Halalan 2016 (Impormatibong Sulatin)


Rubrik:

Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng Pagpapabuti


(10) (8) (6)

Maayos na Kulang ang naibigay na Dagdagan ang impormasyon sa


Nilalaman nabigyang impormasyon sa paksang paksang ibinigay .
impormasyon ang ibinigay.
paksang ibinigay.
Maayos na Di gaanong maayos na Kulang ang paggamit ng wika ayon
Balarila/Gamit ng nagagamit ang wika nagagamit ang wika ayon na rin sa hinihingi nito sa paksa.
Wika ayon na rin sa gamit na rin sa gamit nito.
nito.
Malinaw ang Di gaanong malinaw ang Kulang at hindi malinaw ang
Kalinisan paggamit ng isang paggamit ng isang maayos paggamit ng isang maayos na
maayos na tekstong na tekstong sulatin. tekstong sulatin.
sulatin.

Inihanda nina:

Alexander M. Dubduban-Surigao City


Nikhol Jhon S. Bernal-Surigao City
Vivian B. Cabrera-Surigao City
Sonia A. Roluna-Surigao del Sur
John Rey O. Bonite- Surigao del Sur
MARAMING SALAMAT PO!

You might also like