Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

11.

Ang Yungib sa Bundok Gidday

Sagot sa teorya: Eksistensyalismo

Paliwanag: Sa istorya ng Yungib sa Bundok Gidday pinakita kung gaano kahalaga ang pagbibigay desisyon
sa sarili at sa paniniwala. Binigyan ng permiso si Apocalipsis na magdesisyon kung ano ang sa tingin niya
ay nararapat at nakakabuti sa bangkay ni Apong Isis. Nakatulong ang mga katagang iniwan ni Apong Isis
at ang pilat nito sa ulo na nakuha niya noong isinama siya sa Yungib sa Bundok Gidday kung saan
ipinanganak si Apong Isis. At Ito na marahil ang nagsilbing daan at liwanag upang mapagtanto ni
Apocalipsis ang nararapat para sa bangkay ni Apong isis .

12. Walang Panginoon

Sagot sa teorya: Sosyolohikal

Paliwanag: Ang teoryang pampanitikan na ginamit sa kwento ay sosyolohikal dahil may mga dinanas na
kaapihan ang pangunahing tauhan na si Marcos na nagsilbing dagok sa buhay, pangarap at pag-ibig niya.
Ang ilan sa mga dinanas nitong kaapihan ay isinama niya sa talaan niya ng pagmamalupit sa kanila ni
Don Teong. Inisa-isa niya ito simula nang pang-aagaw ng lupa sa kanila, Pagpapautang nang patong-
patong, pagkamatay ng kaniyang ama at kapatid, pagtatangka sa kaniyang buhay, ang pagkamatay ng
tuluyan ng pinakamamahal niya na si Anita at walang habas na pagpapaalis sa kaniya at sa kaniyang ina
ni Don Teong ng tuluyan. Ang akda ay sumasalamin sa makatotohanan na pangyayari tungkol sa pang-
aalipin at umaalipin.
I. PANIMULA

q. Pamagat ng katha - “Si Kesa at Morito”

r. May-akda – Ryunusuke Akutagawa

- Anong istilo ng kaniyang pagsusulat. Anog ang kadalang tema nito

II. TAUHAN (talakayin lang ang 3 pangunahing tauhan)

1.

2.

3.

III. TAGPUAN (angkop ba ang tagpuan sa kwento?)

IV. MGA SIMBOLO/TAYUTAY

V. BUOD NG KATHA (laktawan)

VI. GALAW NG PANGYAYARI

Simula - Ang maikling kwento ay isinalin at inilahad sa paraan ng paghahati sa dalawang


monologo ni Kesa at Morito. Sa simula ay pinangunahan ito ni Morito at ipinakilala ang iba pa
niyang mga kasama at ang kaniyang iniibig na si Kesa. Isinasalaysay dito ang pagsikat ng buwan
kung saan si Morito ay kinakailangang paslangin ang isang lalaking hindi niya kinasusuklaman.

Gitna – Ang nilalaman nito ay patuloy na paglalahad ng monologo ni Morito kung saan
kinukwestyon na niya ang kaniyang sarili kung totoo nga ba niyang iniibig si Kesa. Noong makita
niya ulit ito pagkaraan ng tatlong taon ay wala itong sinayang na pagkakataon at tinupad ang
hangaring makalaman na inihalintulad pa niya sa besyon ng motibong pagtulak kay Adan sa
piling ni Eba. Ngunit, mapapansin din dito ang labis na pagkadismaya at pagkasuklam nito kay
Kesa sa kadahilanang hindi ito ang imahen ng malabantayog na kagandahan na binuo ni Morito
sa kaniyang isip sa loob ng nakalipas na tatlong taon.

Wakas – Sa bahaging ito, ang monologo ni Kesa ang tumapos sa maikling kwento. Sa kabila ng
kahihiyang nadarama at paghihintay sa iisang taong kaniyang minahal, kinukwestyon niya ang
kaniyang sarili sa labis na kahihiyan at kasamaan na taglay. Dito nagimbal, nayanig,
nagdalamhati ang kaniyang sarili dahil sa pagbibigay ng kaniyang sarili at dangal sa isang lalaking
hindi niya iniibig at sagad ang pagkasuklam at pandidiri sa kaniya. Siniil siya ng matinding
kahihiyan at ang huli niyang desisyon ay mamatay para sa kaniyang sarili upang parusahan ang
kaniyang kaluguyo sa pananakit sa kaniyang puso at pagdungis sa kaniyang katawan. Gabi, sa
ilalim ng lampara, nang sandaling hinipan niya ito ang kaisa-isahang lalaki na maaari lamang
niyang mahalin ay dumating upang ang buhay niya ay kunin. Noong gabing iyon, bumaha sa loob
ang maputlang sinag ng buwan sa kaniyang silid.

VII. PAGSUSURI

a. Uri ng Panitikan – Ang “ Si Kesa at Morito” ay isang uri ng Maikling kwento na naglalahad ng
pagkamuhi at pag-iibigan ng tauhan

b. Estilo ng Paglalahad

Ang ginamit ng manunulat sa estilo ng paglalahad ay sa paraan ng Pagbibigay katuturan. Sa


pamamagitan ng pagbibigay ng katuturan napapalinaw nito ang pag-unawa sa dinarama ng mga
tauhan sa maikling kwento kung saan nabigyan ng katuturan kung bakit ganoon na lamang ang
pagkasuklam ni Morito kay kesa at kung gaano nahiya si kesa sa kaniyang ginawang kahihiyan at
kasamaan. Ang naging wakas nito ay nasa malungkot na bahagi kung saan siya ay kailangan
lumisan upang ang sarili ni kesa ay kaniyang mapalaya at mapadama sa kaniyang kaluguyo ang
pait at kalungkutan ng kaniyang pagkamatay. Inilahad din dito ang pag-unawa sa konsepto ng
masama at maling pag-ibig.

c. Sariling Reaksyon

Hindi masamang umibig ngunit kailangan gawin ito sa tamang pagkakataon at sa tamang tao
lamang. Sa sitwasyon ni Kesa na umibig sa lalaking katawan at pagnanasa lamang ang nais ay
hindi magandang ibigay ang dangal at pagkatao mo dito lalo na at ito ay hindi mo naman iniibig
o asawa kundi isang kalaguyo lamang. May tao na magmamahal at magbibigay ng respeto na
hinihingi nating bilang babae. Hindi masamang umibig, ngunit kung ang pag-ibig ay hindi totoo
Mabuti na lamang na mahalin at unahin ang mo ang sarili mo. Bukod doon, para sa akin kung
hindi niya tuluyan na mahal ang natura niyang iniibig o asawa ay hindi na dapat pang pilitin ang
kaniyang sarili na mahalin ang taong iyon dahil siya lamang ang mahihirapan at masasaktan sa
huli.

d. Aral/Pag-uugnay sa tunay na siwasyon ng buhay.

Nik aylabyu ikaw na dine HAHAHHAH

You might also like