Professional Documents
Culture Documents
Editoryal
Editoryal
Simula ng Pagbangon
Inilahad ni Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio na ang ilang mga
kinakailangan ng mga natukoy na mahahalagang kakayahan sa pag-aaral ay nawawala at ang isang
malaking bilang ng mga kakayahan sa pag-aaral ay tumutugon sa mataas na mga pangangailangan sa
pag-iisip.
Inilahad din ni Duterte na may mahigit 81% ng Pilipinong mag-aaral ang nahihirapan sa basic
math , 81% naman angmahina sa pag-unawa sa teksto na may katamtamang haba at 78% ang
nagkakaron ng problema nakilalanin ang mga tamang paliwanag para sa mga pang-agham na
phenomena o gumawa ng mga wastong konklusyon mula sa ibinigay na datus. Malinaw na
nahihirapan ang mga Pilipinong mag-aaral sa larangan ng pagkakatuto.
Sa katotohanan nabigo ng sistema ang mga mag-aaral dahil hindi nagbibigay ng sapat na
suporta at inaalis sa kanila ang pagkakataong propesyonal na lumago at magturo at tumulong sa mga
mag-aaral. Nakasalalay sa mga guro at gayon din sa mga mag-aaral ang pag-asa ng ating bayan.