Osmosis 2nd

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Osmosis

Upang maunawan ang kahalagahan at proseso ng Reverse Osmosis kailangan mo munang


maunawaan ang natural na nangyayari sa proseso nito.
Ang osmosis ay isang natural na nangyayaring phenomena at isang pinakamahalagang
nangyayari sa kalikasan. Ito ay proseso kung saan ang isang tubig na may kaunting porysento ng
asin ay magiging isang tubig na may mataas na porsyento ng asin. Ang mga halimbawa ng
Osmosis ay ang pagsipsip ng tubig nang ugat ng halaman sa lupa at kung paano gamitin ng ating
bato ang tubig sa ating dugo.
Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita kung paano nangyayari ang osmosis. Ang mababang
konsentrasyon na solusyon ay maaaring magkaroon ng kakayahan lumipat sa mataas na
konsentrasyon na solusyon. Halimbawa, ikaw ay may lalagyanan na puno ng tubig na may
mababang konsentrasyon ng asin at isa pang lalagyanan na puno ng tubig na may mataas na
konsentrasyon ng asin at pinaghiwalay ang mga ito sa pamamagitan ng semi-permeable
membrane, ang tubig na may mababang konsentrasyon ng asin ay mag-uumpisang humalo
patungo sa tubig na may mataas na konsentrasyon ng asin.

Ang semi-permeable membrane ay isang uri ng membrane kung saan sinasala o pinipili lamang
ang atoms o molecules na maaari lamang dumaan o pumasok, isang halimbawa nalang nito ang
pinto na may screen.hinahayaan nito na dumaan ang hangin papasok sa loob maliban nalang sa
mga insecto o anumang bagay na mas malaki kesa sa butas nito. Isa pang halimbawa ang Gore-
tex na tela na mayroong napaka nipis na plastic kun saan may napaka raming maliliit na butas,
ang butas ay malaki upang ang proseso ng pagkatuyo ng tubig ay maganap ngunit malit masyado
upang ang tubig ay makaraan.
Ang Reverse Osmosis ay proseso ng Osmosis na baliktad. Kung saan ang Osmosi ay nagaganap
ng natural ng walang enerhiyang kailangan, para baliktarin ang proseso ng osmosis kailangan
mong gumamit ng enerhiya sa mas maraming solusyon ng asin. Ang reverse osmosis membrane
ay semi-permeable membrane na nagpapahintulot na maging daan ng tubig na molecules pero
hindi lahat ng tunaw na asin, organics, bacteria at pyrogens. Gayon man, kailangan mong itulak
ang tubig sa pamamagitan ng baliktad na osmosis membrane sa pamamagitan ng paglalagay ng
lakas na mas malakas sa natural na osmotic na lakas upang madesalinate (demineralise o
deionize) ang tubig sa proseso, hayaang ang purong tubig sa pamamagitan ng pagpigil sa mga
kontaminado.
Ang dayagram sa ibaba ay nagpapakita ng proseso ng Reverse Osmosis. Kapag ang
konsentrasyon na solusyon ay nilagyan ng pwersa, ang water molecules ay napupunta sa semi-
permeable membrane at ang mga kontaminado ay masasala.

Paano nangyayari/nagaganap ang Reverse Osmosis?


Ang Reverse Osmosis ay nangyayari sa pamamagitan ng malakas na pwersa na nagdadagdag ng
pressure sa parte ng asin ng RO at ang tubig ay pwersang tumatawid sa semi-permeable RO
membrane, iniiwan halos lahat (ng 95% hanggang 99%) na tunaw na asin sa reject stream. Ang
tamang pwersa na kailangan ay depende sa konsentrasyon ng asin na kailangan ng tubig. Ang
mas may konsentrasyon ay kailangan ng tubig, mas maraming pwersa ang kailangan upang
malagpasan ang osmotic pressure.
Ang tubig na walang asin ay nawawalan ng mineral o deionized, na tinatawag na permeate (o
produkto) na tubig. Ang daluyan ng tubig na nagdadala ng kontaminadong konsentrasyon na
hindi dumadaan sa pamamagitan ng RO membrane ay tinatawag na reject (o konsentrasyon) na
daluyan.
Kapag dumaan ang tubig sa RO membrane sa pwersa ( tamang pwersa upang malagpasan ang
osmotic pressure) ang tubig ay dadaaan sa semi-permeable membrane at ang asin at iba pang
kontaminado ay hindi makakadaloy at mahihiwalay o mapupunta sa ibang daluyan (tinatawag
din bilang konsentrado o daluyan ng maalat), na mapupunta sa patuyuan o maaaring bumalik sa
suplay ng tubig upang marecycle sa pamamagitan ng sistema ng RO. Ang tubig na dumadaloy sa
RO membrane ay tinatawag na permeate o tubig na produkto at kadalasan halos nasa 95%
hanggang 99% na tunaw na asin ang naalis dito.
Mahalagang maunawaan na ang RO ay mas ginagamit ang cross filtration kaysa sa standard
filtration kung saan ang mga kontaminado ay iniipon sa salaan. Sa cross filtration , ang solusyon
ay dumadaan sa salaan, o nagdaan sa salaan, na may dalawang daanan: ang salang tubig ay
napupunta sa isang daan at ang kontaminadong tubig ay sa ibang daan. Upang maiwasan ang
magkaroon ng kontaminado, hinahayaan ng cross flow filtration na mawala ang namuong
kontaminado at hinahayaan din mgkaroon ng tamang turbulence para mapanatiling malinis ang
paligid ng membrane.

You might also like