Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

GULDE, Hanna R.

PAGSUSURI SA PELIKULANG
MIRACLE IN CELL NO. 7
(The Remake)

I. Pamagat

Bakit nga ba Miracle in Cell No. 7 ang naging pamagat ng pelikula?


Pinamagatan itong Miracle in Cell No. 7 sapagkat ito ay
nagpapahiwatig ng isang milagro at pagbabago sa mga taong
nakasaksi sa ikapitong selda na kung saan nakulong si Joselito
Gopez. Ang pagpapakita ng kabutihan ng puso ni Lito at handang
tumulong sa kung sino ang nangangailangan at ang labis na
pagmamahal sa kanyang sariling anak ang tinutukoy na milagro sa
pelikula. Ito ang naging daan para imulat ang mga taong nakasaksi
sa buhay niya na hindi pala hadlang ang kapansanan na meron ang
isang tao para gawin ang nararapat at maging kontento sa buhay na
meron tayo. Pinukaw ni Joselito ang maraming puso at ito ang
pinakamalaking milagrong naganap sa akda.

II. Tauhan

Pangalan ng Artistang Paglalarawan


Karakter Gumanap
Joselito “Lito” Aga Muhlach -isang mentally challenged
Gopez ngunit responsible at
mapagmahal na ama kay Yesha
-napagbintangang may salang
pagpatay at paggahasa sa
nangyaring aksidente anak ni
Secretary Yulo na nagdulot sa
kanya upang makulong at
masintensyahan ng kamatayan
-nakaranas din siya ng pang-
aabuso mula sa pulis sa
kadahilanang siya ang naging
suspek sa pagpaslang sa kaisa-
sang anak ni secretary Yulo
-at kahit paman mapangutya at
masasakit na salita ang
natatanggap niya sa paligid
ipinakita pa rin niya ang
kabutihan sa puso sa paraan ng
pagtulong sa kanyang kapwa at
pagsakripsyo sa sariling buhay
Yesha Gopez Bela Padilla -isang mapagmahal na anak na
naghahangad ng katarunguan at
hustisya sa pagkamatay ng
kanyang butihing ama
-inampon ng pamilya San Juan
na parang tunay na anak at
pinagtapos ng kursong
abogasya
-sa bandang huli, naging
matagumpay sa pagkamit ng
hustisya sa kanyang
pinakamamahal na ama
Yesha Gopez Xia Vigor -pinakamamahal na anak ni
(bata) Joselito na nagnanais na
magkaroon ng sailor moon bag
-isang maunawain, mabait,
malambing at mapagmahal
anak
-matalinong bata na kayang
tumayo sa kanyang sariling mga
paa
Boss Sol Joel Torre -isa sa mga inmate na kasama
ni Joselito sa ikapitong selda
-siya ang itinuturing na bosing
sa ikapitong selda
-hindi marunong magbasa at
tinulungan ni Yesha upang ito ay
matoto
-naging pastor pagkatapos
makalaya
Mamboo JC Santos -kasamahan din ni Joselito sa
ikapitong selda
-siya ang unang nagpuslit sa
batang si Yesha papasok sa
ikapitong selda at nagpanggap
na bakla upang ito’y hindi
mahuli
-siya rin ang naging
tagapagmatyag kung mayroong
paparating na pulis
Choy Mon Confiado -isa rin sa kasamahan ni Joselito
sa ikapitong selda
-isa sa matalinong preso sa
pangkat
Tatang Celso Soliman Cruz -isa sa nakakatandang
kasamahan nina Joselito subalit
labis ang pagmamahal na
ipinapakita sa batang si Yesha
habang ito ay nakakulong rin sa
ikapitong selda
-matalino sapagkat
nagboluntaryong basahan si
Yesha ng aklat sa pagnanais
sana nitong si Boss Sol ang
magbasa subalit hindi pala ito
marunong
Bong Jojit Lorenzo -isa sa pinakamakasariling
kasamahan nina Joselito sa
ikapitong selda sa kadahilanang
naiinggit siya dahil nakakapuslit
si Yesha sa selda samantalang
siya ay sabik na sabik sa
kanyang sariling anak
-tinulungan ni Yesha na
makausap ang kanyang
asawang kapapanganak pa lang
na naging dahilan upang
magbago ang kanyang
pagtingin sa bata
Johnny San John Arcilla -ang may pinakamataas na
Juan ranggo ng pulis sa kulungan
kung nasaan si Joselito at naging
mapanghusga sa pangunahing
tauhan
-sinagip ni Joselito mula sa
kapahamakan na naging dahilan
kung bakit nag-iba ang
pakikitungo niya rito
-tumulong para makita ni
Joselito ang anak na si yesha sa
loob ng selda
-sinubukang mapawalang-bisa
ang sintensya ni Joselito ngunit
hindi naging matagumpay ito
-umampon at umaruga kay
Yesha na naging daan upang
maging abogado ito
Secretary Yulo Tirso Cruz III -isang makapangyarihang
opisyal sa gobyerno na nanakit
sa mall kay Joselito sa
kadahilanang hinawakan nito
ang kanyang anak
-ama ng nasawing bata sa
aksidente
-ang dumiin kay Joselito sa
karahasang inaakala nila na
nangyari sa kanilang kaisa-isang
anak
-tinakot si Joselito na papatayin
ang anak na si Yesha kung hindi
aaminin ang kasalanang hindi
naman niya nagawa
Mrs. Yulo Andrea del -asawa ni Secretary Yulo
Rosario -ina ng nasawing bata sa
aksidente
Titser Marilou Mayton Eugenio -ang butihin at maunawaing
guro ni Yesha sa bahay
ampunan
-sinamahan si Yesha sa
kulungan upang bisitahin ang
kanyang ama
Imbestigador Ronnie Lazaro -isa nautusang idiin si Joselito sa
Romeo kasalanang hindi niya nagawa
-pinapirma niya ito kapalit ng
pagsabing papauwiin at
bibigyan ng Sailor Moon na bag
si Yesha

III. Tagpuan
Ibigay at isa-isahin ang mga lugar na pinangyarihan sa mga
kilos ng pelikula at ibigay ang importanteng pangyayari.

 Tahanan ng mag-amang Gopez - masaya at simpleng


namumuhay ang mag-amang Gopez
 Mall - saan mabibili ang Sailor Moon na bag, dito rin unang
nakita nina Joselito sina Secretary Yulo
 Kalye - ang pinangyarihan ng insidente na kung saan
napagbintangan si Joselito
 Ikapitong Selda - kung saan nakakulong si Joselito at iba pang
kasama niya. Maraming mga naganap na milagro sa seldang ito.
Dito nasaksihan ng mga tauhang pumapalibot sa pangunahing
tauhan kung gaano inosente si Lito. Nasaksihan nila ang mga
kabutihang pinabatid nito sa kanila sa likod ng kapasidad nito sa
pag-iisip. Ang pagsagip ni Lito kay Boss Sol sa pagkakasaksak at
ang pagtulong nito kay Johnny na masagip mula sa isang sunog
sa selda.

IV. Direktor ng Pelikula


Ibigay ang pangalan ng direktor/mga direktor sa pelikulang
sinuri at ilarawan ito/ang mga ito.

Direktor: Nuel Naval


 isang direktor at production designer na naging sikat sa
kanyang mga pelikulang Love Affair, Kailangan Kita.
Secret Affair
Script Writer: Mel Mendoza-del Rosario

V. Prodyuser ng Pelikula
Ibigay ang pangalan ng prodyuser/mga prodyuser ng
pelikulang sinuri at ilarawan ito/ang mga ito.

Vic del Rosario


 73 taong gulang
 Founder at chairman ng Viva Entertainment Inc.
 Tinatawag na Bos Vic sa industriya
 Ang kanyang buhay ay nasa entertainment industry. Ito na ang
naging buhay niya sa loob ng 50 taon.

VI. Buod ng Pelikula

Ang kwento ay umiikot sa relasyon ng mag-amang sina


Joselito Gopez isang mentally challenged subalit isang mapagmahal
at responsableng ama sa isang anim na taong gulang na batang
babae na si Yesha. Masaya at simple ang kanilang pamumuhay nang
biglang nangarap na magkaroon ng isang mamahaling Sailor Moon
bag si Yesha. Nais ng ama na ibigay ang hinihiling nito subalit hindi
pa sapat ang kanyang pambili kaya araw-araw nila itong
dinadaanan subalit isang araw ay nabili ito ng pamilya Yulo para sa
kanilang kaisa-isang anak. At dahil kulang sa pag-iisip si Lito
sinubukan niya itong agawin mula sa bata na naging dahilan para
masaktan siya ng ama ng bata na isa palang makapangyarihang
personalidad sa gobyerno.
Isang araw, habang nabibilang si Lito sa kakarampot na pera
niya na pambili sa Sailor Moon bag nadaanan siya ng anak ni
Secretary Yulo at tinanong kung nabili na ba niya ang bag para sa
anak nito. At nang sumagot si Lito na hindi pa ay dali dali siyang
tinuruan ng bata kung saan mabibili ang bag na kapareha sa kanya.
Habang papunta sila sa kung saan mabibili ang bag ay biglang
nadulas ang batang babae at nabagsakan ng hollowblock sa ulo at
dahil maalalahanin at matulungin si Lito ay gumawa siya ng paraan
para masalba ang buhay nito. At dahil naaalala niyang mag-CPR,
ginawa niya ito sa batang babae. Subalit iba ang pagkakaintindi ng
babaeng nakadaan at nakakita sa ginawa niya, buong akala nito ay
hinalay nito ang batang babae.
At dahil malaki ang katungkulan at makapangyarihan si
Secretary Yulo, walang nagawa si Lito kundi pagdusahan ang
kasalanang idinidiin sa kanya at hinatulan ng death penalty.
Samantalang ang kanyang anak na si Yesha ay dinala sa kustodiya
ng DSWD(bahay ampunan). Nakilala niya sa ikapitong selda sina
Boss Sol, Choy, Mamboo, Bong at Tatang Celso na kalaunay
nakapalagayan at naging kakampi niya. Kahit paman naging
masama at mapangutya ang pakikitungo sa kanya ng mga pulis ay
napabago ni Lito ito sa pamamagitan ng kabutihan at bukal sa
pusong pagtulong niya. Naunawaan siya ni Johnny San Juan at
nagbakasakaling tulungan ito para mapawalang sala subalit sa
ikalawang beses ay tinakot siya ni Secretary Yulo na papatayin si
Yesha kung hindi aaminin ang kasalanan. Sa bandang huli,
napatungan ng death penalty si Joselito. At lahat ng nakakakilala sa
kanya ay labis ang lungkot na nadarama lalong lalo na ang kanyang
anak na si Yesha.

VII. Musika
a. Ibigay ang musikang mas lalong nagpatingkad sa emosyon at
mensaheng inihatid ng pelikula.
b. Ibigay rin ang kumanta at lumikha ng awiting inilapat sa
pelikula. Ano ang kinalaman ng awitin sa pelikula?

1. Tag-araw ni Janine Teñoso


 Ang kanta ay nagpapahiwatig ng pagmamahal ng anak sa ama.
Na tila ba hindi pa nakaahon sa isang malaking unos. Mayroong
himig ng pananabik sa piling ng ama. Kahit alam niyang hindi na
ito magbabalik ay ninanais pa rin niyang makapiling ito. Na tila
ba isang bagyong hindi humuhupa ang nararamdaman at
nanabik sa tag-araw na kapiling ang pinakamamahal na ama.
2. Isang Himala ni Katrina Velarde
 Bilang isang anak, damang dama sa musika ang pangungulila sa
kanyang ama. Nagnanais ng isang himala na mayakap at
maramdaman muli ang pagmamahal ng ama. Isinasaad din sa
kanta na si Joselito ang nagsisilbing dahilan para magpatuloy sa
buhay. Ito ang naging inspirasyon niya para mubangon at
makapagtapos ng kursong abogasya.

VIII. Tema at Mensahe ng Pelikula


Ibigay ang paksang tinalakay ng pelikula kung ito ba ay
napapanahon, angkop ba sa mga manonood at kung anong
mensahe ang inihatid ng pelikula.

Ang tema ng pelikula ay ang pagmamahal ng ama sa sariling


anak, handang gawin at isakripisyo ang lahat alang-alang sa
kabutihan at ikasisiya ng anak. Hindi naging hadlang ang
kapansanan upang panindigan,ipadama at ipakita ang pagmamahal,
pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa. Handang isakripisyo ang
sarili para sa kaligtasan at buhay para sa iba. Maaaring may
kapansanan man si Lito sa paningin ng lahat subalit hindi natin
maiwawaglit na mas tao pa siyang mag-isip kumpara sa iba.
Maaaring kayang paikutin ng mga makapangyarihan ang tao
sa pamamagitan ng pera subalit mas mahalaga ang kabutihan na
ipinapakita mo sa iba. Pwedeng baliktarin ang katarungan subalit
hinding hindi nito mababaliktad ang tunay na katotohanan.
Ang pelikulang ito ay hindi tayo basta naaliw subalit natoto rin
tayo sa maraming bagay na maaaring nating magamit sa tunay na
buhay. Ito ang isa sa nagmulat sa atin na maging makatao tayo sa
ating kapwa taliwas man sa estado ng pamumuhay, itsura at
kapabilidad ng isang tao.

IX. Sinematograpiya
Isa-isahin at ipaliwanag ang mga visual effects na ginamit at
inilapat sa pelikula, ang pagkakakuha ng mga eksena ng camera at
ang iba’t ibang anggulo sa pagkuha ng larawan.

Batay sa naobserbahan ko, maayos talaga ang pagkakakuha sa


bawat eksena. Wala namang hindi magandang ipinakit sa kabuuan
ng pelikula kung kaya ay maituturing kong epektibo talaga ang
pagkakabuo rito.

X. Paglalapat ng mga Teoryang Pampanitikan


Isa-isahin ang mga teoryang pampanitikan na nakalapat sa
pelikula at sa ano-anong mga pangyayari makikita ang paglalapat
nito. (P. S. Magbigay ng limang teorya)
1. Teoryang Realismo - hango sa totoong buhay, mas
mahalaga ang katotohanan kaysa sa kagandahan
 Ang pag-ipit kay Joselito sa kasalanang hindi naman niya
nagawa ay isang pagpapatunay ng kawalan ng katarungan.
Ginamit nila ang kamangmangan ng tao para gawing
kahinaan nito sa kaso. Isa lamang iyan sa patunay na kaya
talagang baliktarin ng kapangyarihan at pera ang hustisya
at katarungan.
2. Teoryang Sosyolohikal-Naipakikita rito ang pamaraan ng
mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan
na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa
mga katulad na suliranin
 Ang mga karanasan at nangyari sa buhay ni Joselito ay
nagsisilbing milagro sa bawat isa sa atin. Ito ang
nagsisilbing gabay natin para gawin ang kung ano ang
nararapat. Marami siyang naidulot na kabutihan sa kapwa
kagaya ng mga kasamahan niya sa selda, si Johnny San
Juan at pati kay Yesha nagdulot ito ng pagbabago sa pag-
uugali nila. Natoto silang pahalagahan ang mga bagay na
mas mahalag at ito ay ang pagmamahal at
pagmamalasakit sa kapwa.
3. Teoryang Simbolismo - ang paggamit ng iba’t ibang
pagpapakahulugang pampanitikan , pag-ugnay ng sariling
interpretasyon sa akda
 Ang Sailor Moon bag na ninanais ni Yesha ay ang
nagsisilbing suliranin sa akda. Ito ay sumisimbolo sa mga
pangarap at ambisyon natin sa buhay. Hindi natin
maisasakatuparan ang ating mga mithiin sa buhay kung
hindi tayo dadaan sa mga pagsubok at dagok sa buhay.
4. Teoryang Humanismo-tao ang sentro ng mundo,
binibigyang-tuon nito ang kalakasan at mabubuting katangian
ng tao gaya ng talino, talento at iba pa.
 Ang pagtulong ng mga kasamahan sa ikapitong selda ni
Joselito sa kanya upang patunayan ang kanyang sarili. Ang
pag-aanalisa nila sa tunay na nangyari sa insidente at
pagtulong kay Lito sa mga tamang isasagot sa mga
posibleng ibabatong katanungan sa kanya sa korte.
 Ang pagmulat ni Johnny San Juan sa katotohanan at
paninindigan sa kung ano ang tama at nararapat para kay
Joselito. Pinandigan niya ang katotohanan kahit paman
malaking tao ang makakabangga niya sa ginawa niya. Ang
pagpasyang ampunin ang anak ni Lito na si Yesha ay isang
humanismong gawi.
 Ang pagpapahalaga ni Joselito sa sariling anak at pati na
rin sa kapwa.
5. Teoryang Feminismo - kalakasan at kakayahang pambabae
na iangat ang pagtingin ng lipunan sa kababaihan ,
ipamayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng
tauhan
 Ang pagsikap ni Yesha na makapagtapos ng abogasya
upang maipagtanggol at malinis ang pangalan ng kanyang
amang si Joselito.

XI. Bisa sa Manonood


1. Bisa sa Kaisipan
 Mapapaisip tayo na may kabutihan pala sa bawat tao.
Hindi basehan ang natapos o nakamit para mapatunayan
may maipagmamalaki ka dahil sa busilak na kalooban
marami kang mapapatunayan.
 Hindi porket may masamang nagawa ang isang tao sa
kaniyang nakaraan ay hindi na siya pwedeng magbago.
Iyan ang ipinakita sa atin ng mga nakasama ni Joselito sa
ikapitong selda.
2. Bisa sa Damdamin
 Tumatak sa puso ng bawat isa sa atin ang kahalagahan
ng pagmamahal ng isang ama. Mahalin ng husto ang
mga taong handang magsakripisyo para sa ikasasaya
natin dahil sila ang tunay na nagpapakita ng
pagmamahal. Gagawin nila ang lahat mabigyan lang tayo
ng isang magandang kinabukasan. Sila ang nagsisilbing
milagro na naganap sa buhay natin kung kaya’t
pahalagahan ang bawat sandali na kasama natin sila
bago pa tayo magsisi sa huli.
3. Bisa sa Kilos
 Alamin ang magkabilang panig ng kwento bago humusga
sa isang tao. Itinalakay sa pelikula ang isyu ng "death
penalty", isang kritikal na paksang tinatalakay ngayon
lalo na sa ating bansa. Sa pamamagitan ng pelikula ay
nalaman nating hindi isang magandang solusyon ang
pagpapatupad ng "death penalty" lalo na sa ating bansa
kung saan hindi pantay ang pagbibigay ng kaukulang
parusa at hindi pantay na hustisya lalo na sa pagitan ng
mayaman at mahirap, naapi at inakusahan, biktima at
maysala.

XII. Kabuuang Pananaw


Maganda ba at makabuluhan ang pelikula? Ano ang
ipinagkaiba ng pelikulang ito sa pelikulang napanood mo na?
Mairerekomenda mo ba ang pelikula sa iba? Bakit?

Batay sa napanood ko, masasabi ko talagang tumatak ito sa


isip at puso ng bawat manonood base na rin sa aking sariling
karanasan. Madarama mo talaga ang bawat eksene na ipinapakita
ng mag-ama sa pelikula. Sa bawat eksena talaga ay
makakaramdam ka ng halo-halong emosyon. Matutuwa at
matatawa ka sa karakter na ipinapakita ng mga pangunahing
tauhan sa akda subalit kabaliktaran ang mga ipinapakita ng mga tao
sa paligid nila. Mapagtanto natin kung gaano pala kahalaga ang
isang pamilya. Masisiyahin din tayo sa pagiging maaalalahanin at
matulungin
Naiiba ito sa ibang mga pelikula sapagkat isa ito sa mga
pelikulang nagtataglay ng napakaraming aral. Ito ang
pinakaimportante sa isang pelikula , kinakailangang maging
makabuluhan ito sa para sa mga manonood. Lahat naman sigurong
pelikula ay may hatid sa ating kirot subalit iba ang kirot na
ipinadarama sa atin ng pelikula. Hindi lang basta bastang patak ng
luha bagkus isang hagulhol na nagpapahiwatig ng pagkadala sa
mga kaganapan sa pelikula.

XIII. Reaksiyon
Sang-ayon ka ba o hindi? Patunayan ang sagot.

Ako ay hindi sang-ayon sa naging kaparusahan ni Joselito.


Ginamit lang ni Secretary Yulo ang kahinaan nito (anak) para
makamit ang baluktot na hustisya kinakamit nila para sa kanilang
anak. Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang nakakulong ay
masasama bagkus karamihan sa kanila ay walang pera para
patunayan ang sarili at ang katotohanan. Hindi rin kasi sila naging
patas sa sitwasyon nila, ang walang kaalaman alam at inosenteng si
Lito ay pinagbayaran ang kasalang ni kailanman ang hindi niya
magagawa.

XIV. Refleksiyon
Paano mo ilalapat ang iyong natutunan sa pang-araw-araw na
buhay?

Isang pelikulang napakaraming aral na mapupulot, pero ang


higit na natutunan ko mula rito ay ang pagiging kontento at
mapagpasalamat sa kung anong meron ka. Isa iyan sa ipinamulat sa
atin ng mag-ama sa pelikula na maging masaya sa simpleng buhay
na meron tayo. Hindi importante ang materyal na yaman sa mundo
sapagkat higit na mas importante ang pagmamahal, pagbibigay-
respeto sa kapwa, pagiging mapagkumbaba at bukal sa pusong
tumulong sa kapwa. Malaki ang naging impak nito sa akin sapagkat
ito ang nagsilbing ‘eye opener’ ko na maging maunawain tayo sa
kapwa natin lalong lalo na sa mga taong may kapansanan.

Kinakailangan din nating pahalagahan ang mga taong


handang magsakripisyo para sa ikabubuti at ikasasaya natin. Ipakita
natin sa kanila kung gaano tayo kaswerte at sila ang naging mga
magulang natin. Huwag na huwag nating ikakahiya ang kapansanan
na meron at dinaranas ng ating mga magulang. Utang natin sa
kanila ang ating buhay kung kaya’t habang buhay pa sila at iyong
nasisilayan ipadama sa kanila ang iyong pagpapasalamat bago pa
mahuli ang lahat.
Lahat ng tao ay pwedeng magbago kagaya na lamang ng mga
nakasama ni Joselito sa ikapitong selda. Nakulong sila subalit
pinagsisihan nila ito at natutong magbago para sa ikabubuti ng
kanilang sariling buhay. Huwag tayong basta bastang humusga
sapagkat hindi tayo perpekto bagkus unawain at alalahanin na pare-
pareho lang tayo sa mata ng Diyos.

You might also like