Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

UNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4

Ikalawang Markahan

PANGALAN _________________________________SEKSYON______ MARKA_______


GURO: MELANIE G. EVANGELISTA

A. Piliin ang sagot sa kahon at isulat ito sa patlang.

1. Ang __________ ay produktong nagagawa mula sa niyog. 


2. Ang __________ ay yamang namimina at karaniwang ginagawang alahas. 
3. Ang __________ ay produktong nahuhuli sa dagat, ilog o lawa. 
4. Ang __________ napakahalagang produkto na nakukuha sa mga punongkahoy sa kagubatan. 
5. Ang __________ ay magandang uri ng bato na namimina sa romblon.

B. Basahin ang mga likas na yaman sa Hanay A at itambal ito sa kapakinabangang pang-ekonomiko na makikita sa
Hanay B. Isulat anng sagot sa patlang.
Hanay A                         Hanay B 
____6.Tuna at iba pang uri ng isda            A. yamang pangturismo dahil sa magandang hugis nito. 
____7. Bulkang Mayon     B. pinagkukunan ng ikabubuhay bilang pang export upang isalata. 
____8. Ginto, tanso at pilak C. pinatatakbo ang mga planta ng kuryente
sa pamamagitan ng puwersa ng kaniyang tubig
____9.Talon ng Maria Cristina           D. iniluluwas sa ibang bansa ang mg produkto nitong alahas
____10. Baguio City E. nagsisilbi atraksiyon sa mga turista dahil sa lamig at ganda ng paligid.

C. Piliin sa mga nakalistang sanhi mula sa kahon ang sa iyong palagay ay ang dahilan ng mga suliranin na
nasa ibaba.

A. Walang tigil na pagpuputol ng mga puno        


B. Pagkakaingin 
C. Ilegal na pagmimina o quarrying.           
D. Pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan 
E. Labis na pagbubuga ng usok at greenhouse gasses 

___11. Pagdumi ng tubig at pagkamatay ng mga yamang tubig. 


___12. Pagkaubos ng mga halamanan at mga hayop sa kagubatan. 
___13. Pagbaha at pagguho ng lupa. 
___14. Pag-init o pagtaas ng temperature ng mundo . 
___15. Pagguho ng lupa. 

D. Isulat ang T kung ang pahayag ay wastong paggamit ng likas na yaman at M kung mali ang paggamit. 
___16. Pagputol ng malalaking puno upang gamitin sa mga imprastraktura. 
___17. Pagbabawas sa paggamit ng plastic. 
___18. Pagpapanatili sa kalinisan ng paligid lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga turista. 
___19. Pagsusunog sa tanim upang mapatayuan ng mga bahay. 
___20. Pagsuporta ng inyong Barangay sa wastong pagtatapon ng basura. 

E. Sagutin ang mga tanong ng buong husay.

21. Ano-anong likas na yamang sagana ang ating bansa?


22. Ano ang naitutulong ng mga likas na yaman sa mga mamamayan ng bansa?

23. Paano nakakatulong ang mga likas na yaman sa pag-unlad ng bansa?

24. Ano ang epekto ng likas na yaman ng bansa?

25. Bilang isang mag-aaral paano ka makakatulong sa pangangalaga sa ating likas na yaman?
IKALAWANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4
Ikalawang Markahan
Pangalan________________________________________Section___________ Marka______
Guro: Gng. Melanie G. Evangelista
A. Pilin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1.Ito ay ang malikhaing pagpapatayo ng mga industriya, pagtatag ng kalakalan at iba pang mga gawaing
pang-ekonomiko.
a. global warming b. polusyon c. industriyalisasyon d. pagbaha at pagguho ng lupa
_____ 2.Ito ay ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo na sanhi ng mga Chlorofluorocarbons na
nanggagaling sa mga industriya at maging sa kabahayan.
a. Industriyalisasyon b. pagbaha at pagguho ng lupa c. global warming d. polusyon
_____ 3.Ito ay bunga ng walang habas na pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan at kagubatan.
a. pagbaha at pagguho ng lupa b. global warming c. Industriyalisasyon d. polusyon
_____ 4.Ito ay ang usok at langis na mula sa mga pagawaan at mga sasakyan na nagpaparumi sa hangin at
katubigan na maaring maging sanhi ng pagkakasakit ng mamamayan.
a. polusyon b. Industriyalisasyon c. pagbaha at pagguho ng lupa d. global warming
_____ 5.Ito ay epekto rin ng pagkakaingin o pagsusunog sa kagubatan para makagawa ng uling, pagtamnan ang
lupa, patatayuan ng tirahan o komersiyal na gusali.
a. Industriyalisasyon b. pagbaha at pagguho ng lupa c. global warming d. polusyon

B. Tukuyin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( / ) sa bawat wastong isinasaad ng mga pangungusap at ekis (X)
kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____ 6. Ang madalas na pagputol ng mga puno sa bundok at kagubatan na nagiging sanhi ng pagguho ng lupa.
_____ 7. Magtanim ng mga halaman sa sariling bakuran kahit sa maliit na espasyo lamang
_____ 8. Ang madalas na pagsusunog ng basura ay nagiging sanhi ng pagdumi ng hanging ating nilalanghap.
_____ 9. Ang pagtatag ng mga sentrong kanlungan para sa mga ligaw na hayop upang maiwasan ang pagkaubos
ng mga nanganganib na uri ng mga hayop o endangered animals.
_____ 10. Ang pangingisda gamit ang dinamita para lamang dumami ang huling isda.
_____ 11. Ang pagkakaroon ng Urban gardening kung hindi sapat ang espasyo ng lupang pagtataniman sa sariling
bakuran.
_____ 12. Ang pagtatapon ng basura sa tamang tapunan upang maiwasan ang pagdami ng kalat sa paligid.
_____ 13. Ang pananakit sa mga ligaw na hayop ay isang gawaing pinagbabawal ng ating pamahalaan.
_____ 14. Ang paghiwa-hiwalay ng basura sa nabubulok at di-nabubulok ay isa sa mga paraan upang hindi dumami
ang basura sa ating paligid.
_____ 15. Ang pagtatapon ng basura sa ilog o dagat ay isang gawaing nakasisira sa ating likas na yaman.

C. Isulat ang M sa patlang kung ang bawat bilang ay tumutukoy sa matalinong pangangasiwa ng kalikasan at DM
kung hindi matalinong pangangasiwa ng kalikasan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____16. hagdang-hagdang pagtatanim
_____17. pagsusunog ng basura
_____18. pagputol ng mga puno sa kagubatan
_____19. pagtatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis na hayop
_____20. paggamit ng Bio Intensive Gardening
_____21. paghihiwalay ng basura sa nabubulok at di-nabubulok
_____22. pagtatanim ng halaman sa sariling bakuran
_____23. palagiang paggamit ng plastic
_____24. pagtatapon ng basura sa estero o kanal
_____25. paggamit ng dinamita sa pangingisda
IKALAWANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
Ikalawang Markahan
Pangalan______________________________________Section_____________________ Marka________
Gng. Melanie G. Evangelista
A. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang titik ng dapat mong gawin upang matulungan ang
nangangailangan.

1. Nahulog ang pitaka ng iyong kamag-aral at wala siyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay. Ano ang nararapat
mong gawin sa sitwasyon na ito?

a. Hindi siya papansinin at hahayaan siyang hindi makauwi.


b. Bibigyan siya ng perang pamasahe niya upang makauwi ito sa kanilang bahay.
c. Pagtatawanan ito at kukutyahin dahil sa nangyari.

2. Magsisimula na ang online class ninyo sa asignaturang Matematika. Walang internet connection ang kamag-aral
mo na nagkataong kapitbahay ninyo. Ano ang nararapat mong gawin?

a. Ibabahagi mo sa kaniya ang iyong gamit na device upang makadalo siya sa inyong klase.
b. Pagdadamutan ito ng koneksiyon at sasabihang magpakabit ng sarili nilang wifi.
c. Paaalisin ito sa inyong bakuran sapagkat nakakaistorbo ito sa iyong pag-aaral.

3. Nilapitan ka ng isang matandang babae at humingi siya ng tubig na maiinom sapagkat uhaw na uhaw na siya. Ano
ang nararapat mong gawin?

a. Paaalisin siya dahil hindi maganda ang kaniyang amoy.


b. Tatawag ng baranggay tanod at ipahuhuli ito sapagkat hindi mo siya kakilala.
c. Bibigyan siya ng maiinom upang mapatid ang kaniyang uhaw.

4. Nawawala ang alagang aso ng kapitbahay mong si Linda. Nakita mo kani-kanina lamang na tumakbo ang aso nila
sa likod-bahay ninyo. Ano ang iyong gagawin sa sitwasyon na ito?

a. Ipagkakaila na nakita mo ang aso nila at hahayaan mong mag-alala ang iyong kapitbahay.
b. Tutulungan mo silang maghanap ng nawawalang alaga nila.
c. Sasabihin mo na pabaya siya at hindi siya karapat-dapat mag-alaga ng hayop.

5. Naubusan ng gasolina ang isang pampasaherong dyip sa tapat ng inyong bahay. Nagtanong siya kung may bote
kayo na hindi na ginagamit upang mapaglagyan niya ng gasolina. Ano ang iyong gagawin sa sitwasyon na ito?

a. Hindi siya papansinin at hahayaan siyang maghanap ng kailangan niya.


b. Pagtatawanan siya dahil wala siyang makitang bote na maaaring sisidlan ng gasolina.
c. Ipagpapaalam mo sa iyong magulang kung maaari mong bigyan ng bote ang drayber ng dyip upang makabili siya
ng gasolina.

B. Ayusin ang mga titik upang mabuo ang nakatagong salita. Ilagay ang sagot sa patlang bago ang bilang.
________________6. KAUSB LAPDA - pagbibigay ng kung ano ang mayroon ka nang walang hinihinging kapalit.
________________7. LAKBU AS OOBANKAL - paggawa mo ng isang bagay na hindi labag sa iyong kalooban.
________________8. GANNAGAILANNGAN - tumutukoy sa indibidwal na kailangan ng tulong ng iba.
________________9. LAKMIDADA - ito ay isang pangyayari na nagdudulot ng malalaking pinsala sa kapaligiran,
ari-arian,kalusugan, at ng mga tao sa lipunan.
________________10. SARO - ang pagbabahagi nito sa iyong kapuwa ay isang paraan ng pagtulong.

C. Iguhit sa patlang ang thumbs up( ) kung ang pahayag ay nagpapakita ng bukas-palad na pagtulong sa
nangangailangan at thumbs down ( ) kung hindi.
_______11. Bibili sana ng makakain si Nika ngunit paglabas niya sa simbahan ay may dalawang batang
namamalimos at nagsasabing bigyan sila ng kaunting tulong para ipambili ng pagkain. Agad na inabot ni Rica ang
dala niyang bente pesos na pambili sana niya ng makakain.
_______12. Magkakaroon ng outreach program ang inyong paaralan bilang tulong sa mga pamilya na nasunugan ng
tahanan. Sumama si Marina sa programang ito upang makakuha siya ng mataas na marka.
_______13. Nalalapit na ang eleksiyon kung kaya’t nagbigay ng mga relief goods ang pamilya ni Tonyo upang
tangkilikin sila at iboto ng mga tao.
_______14. Nalalapit na ang patimpalak na sasalihan ng iyong kapatid ngunit hindi siya maturuan ng inyong nanay
sapagkat marami siyang ginagawa. Nagpresinta ka na ikaw na ang magtuturo sa kaniya at gagawin mo ito kung
bibigyan ka ng pera ng inyong nanay.
_______15. Pasahan na ng inyong module sa darating na biyernes ngunit naputulan ng kuryente ang inyong
kapitbahay kung kaya’t inaya mo siya na doon na magsagot sa inyong bahay upang matapos niya ang
kaniyang gawain.

D. Pagtambalin ang mga sitwasyon na nasa hanay A sa mga tulong na maaari mong ibigay na nasa hanay B. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.
A B
_____16. Nagkaroon ng pagguho a. Ibibigay ko sa aking
sa isang bulubunduking lugar. Dahil kaibigan ang kaunti
dito ay nawalan ng hanapbuhay ang kong naipon.
mga tao at wala ng makain. Bagama’t
malayo ito sa inyong probinsya ay b. Papatuluyin ko muna
nanghingi pa rin ng tulong ang ang aking mga kapitbahay
inyong lokal na pamahalaan. sa aming tahanan upang
_____17. Bumaha sa inyong bayan mayroon silang
matapos ang walang humpay na masilungan.
pag-ulan dulot ng bagyo. Maraming
bahay ang lumubog sa baha.
Mapalad kayo dahil may ikalawang c. Pipiliin ko ang mga
palapag ang inyong bahay. damit na maaari pang
_____18. Biglaang pumutok ang maisuot at ipadadala
Bulkang Taal nitong nakaraang buwan. ito sa mga nasalanta.
Marami ang walang naisalbang mga
kasuotan at ari-arian. Marami kayong d. Sasabihin ko sa aking
mga damit na hindi na ginagamit na mga magulang na bumili
nakatago sa inyong bodega. kami ng mga de-lata na
_____19. Marami ang nasalanta ng ipapadala sa aming
bagyong kadadaan pa lamang sa inyong munisipyo upang
bayan. Ang ilang kapitbahay mo ay ipamahagi sa mga
walang makain dahil sa nangyari. naapektuhan ng
Mapalad kayo dahil marami kayong landslide.
imbak na pagkain sa inyong bahay.
_____20. Nagkaroon ng lindol sa lugar e. Magpapakain kami
kung saan naninirahan ang matalik mong ng kahit na lugaw sa
kaibigan. Nasira ang kanilang tahanan at aming mga kapitbahay
namatay ang kanilang mga alagang baboy upang maibsan ang
na malapit na sanang ipagbili. May kaunti gutom na kanilang
kang ipon sa iyong alkansya na pambili nararamdaman.
mo sana ng bagong cellphone

E.21-25 Sumulat nang isang sitwasyon na naipakita mo ang pagtulong sa iyong kapuwa nang bukal sa iyong
kalooban. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

You might also like