Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Isang Pagbabagong Anyo ni Palunsai

Mula sa Panrehiyong Sentro ng Wikang FilipinoCotabato City State Polytechnic College


Mahirap lamang si Palunsai ngunit siya’y madasaling tao. Tulad ng iba, meron din siyang pangarap
. Nasa wastong taong gulang na siyaupang mag-asawa kaya naghahanap siya ng babaeng mapapangasawa. Alam niyang may
naggagandahang anak na dalaga si Dipatuan,ang pinuno ng kaharian, at alam niyang may balak ang haring papag-asawahin niya
ang mga ito mula sa kaniyang mapipiling mgamanliligaw. Gayunpaman, nakapagpasya pa rin si Palunsai na subukan ang
kaniyang kapalaran at pinuntahan niya si Dipatuan sa Palasyo.
2
nd
Page
“ Ang inyong Kamahalan,” sabi ni Palunsai. “May balak po akong hingin ang kamay ng isa sa mga anak niyong babae.”“ Maari, kung
may kakayahan ka.” Sagot ni pinakadiplomatikong taong si Dipatuan. Nakita niyang mahirap lamang si Palunsai ngu
nit
pinakitunguhan niya ito tulad sa iba pang panauhin. “Tiyak na alam mong meron akong kondisyon…”

“Ano
-ano a
ng inyong mga kondisyon, kamahalan? Nakahanda po akong gawin ang lahat ng nananaisin ninyo.” Sagot ni Palunsai.

“Kung mabibigayan mo ako ng dalawang supot ng perlas na dikya, mapapasaiyo ang sinuman sa mga anak kong mapipili mo. Hindi
la
ngiyan, may pagka
kataon ka pang maging raha at tagapagmana dahil wala akong anak na lalaki.”

Nanlulumong umuwi si Palunsai “Ano ang gagawin ko?, Hindi ako mangingisda at hindi rin ako magaling na manlalangoy. Saan at p
aano
ako makakaipon ng perlas na dikya?” Malungkot na i
binulong sa sarili.Gayunpaman, nagpapasyang niyang ialay sa kamay ni Allah ang kaniyang kapalaran. Buong araw siyang
nanalangin at umaasangpapatnubayan ng Poong Maykapal.Kinabukasan, ginawa nila ang naayon sa simbuyo ng kaniyang dadamin,
pinuno niya ang dalawang sako ng bao ng niyog at nagtungo.Habang nagdarasal nililimas niya ang tubig sa karagatan gamit ang
mga bao ng niyog. Nang tuluyang bumigay ang pinakahuling bao.Natagpuan ni Palunsai ang sarili sa gitna ng malawak na tuyong
lupa.
“Ano ito? Bulalas ni Palunsai, napatuyo ko ang tubig karagatan… maawaing langit, tingnan mo ang mga dikyang iniwan ng umurong
natubig… lahat sila’y perlas. Isang milagro! Pinagmilagruhan ako ni Allah!”
Hindi nag-aksaya ng panahon si Palunsai, dali-dali niyang pinuno ang perlas ang dalawang sako. Nang mapuno, mabilis siyang
tumakbo sa
dalampasigan, tumayo siya’t pinagmasdan ang muling panunumbalik ng tubig sa karagatan. Lumuhod siya at nagpapasalamat sa
wala
ng-hanggang biyaya ni Allah.Pagdating sa bahay Hinanap ni Palunsai ang mga bag na buri upang paglagyan ng dikyang perlas.
Dahil sa higit na maliit ang mga bag naburi kaysa sa dalawang sako, marami pa ang natirang perlas sa kaniya.
“Naku po! Mga perlas na dikya” bulalas ni Dipatuan
nang ilapag sa harapan niya ang kayamanan.
“ Palabasin ang mga prinsesa, nang makapili si Palunsai kung sino ang gusto niyang mapangasawa.” Utos ni Dipatuan.
Nang maiharap kay Palunsai ang mga anak nito, minabuting pinili ni Palunsai ang pinakabunso hindi

You might also like