Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Araling Panlipunan

Mina de Oro Catholic School, Inc. Week:__1 Quarter: _1


Fr. Peters St., Zone III, Socorro,
Oriental Mindoro 5207, Philippines
“Parochial Schools:
Content Evangelized and Standard:

Lesson No 1 Katangiang Pisikal ng Daigdig

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigaydaan sa pag-usbong
ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon

Performance Standard:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng
mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sasusunod na Henerasyon

Most Essential Learning Competency:


Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

MY LEARNING TARGETS:

Pagkatapos na mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul, inaasahang magagawa ang mga sumusunod:
1. Nasusuri ang mga mahalagang konsepto sa katangiang pisikal ng daigdig;
2. Napapahalagahan ang mga biyayang bigay ng kalikasan para sa mga tao; at
3. Nakakagawa ng slogan at nakakasulat ng tula tungkol sa pangangalaga ng daigdig

Prayer before Study


Creator of all things, true source of light and wisdom, origin of all being, graciously let a ray of your light penetrate the darkness of
my understanding. Take from me the double darkness in which I have been born, an obscurity of sin and ignorance.

Give me a keen understanding, a retentive memory, and the ability to grasp things correctly and fundamentally. Grant me the talent
of being exact in my explanations and the ability to express myself with thoroughness and charm. Point out the beginning, direct the
progress, and help in the completion.

I ask this through Jesus Christ our Lord. Amen.

👌PRELIMINARY ACTIVITY:
Maala-ala Mo Kaya?
Sariwain ang mga mahahalagang natutuhan sa nakaraang aralin. Isulat ang mga hinihinging impormasyon sa talahanayan .
Mga Kontinente ng Daigdig Mga Karagatan ng Daigdig Mga Planeta ng Solar System

INTRODUCTION

MDOCS, Inc.: ServiceExcellenceRespectVirtuousnessEmpathy Vivire servire est (To live is to serve)


Learning Module
Araling Panlipunan 8

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan at masusuri ang kahulugan ng
heograpiya, ang limang tema na napapaloob dito at kung paano nakikiayon ang tao sa kaniyang pisikal na kapaligiran upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong
pag-aaral. May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong
gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig na nahahati sa sumusunod na paksa:
Paksa 1 - Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
Paksa 2 - Estruktura ng Daigdig

Build Your Understanding

May dalawang paraan ng pagbibigay ng kahulugan ng heograpiya.


Una, ang etimolohikal na kahulugan o ang pinagmulan ng salita. Ang heograpiya ay mula sa dalawang salitang Latin na “geo”-
na ang ibig sabihin ay mundo at “graphien”-ibig sabihin ay magsulat. Kung uunawain, nangangahulugan na ang ibig sabihin ng
heograpiya ay magsulat tungkol sa mundo. Ang isa pang paraan ay ang konseptuwal. Sa paraang ito, ang heograpiya
nangangahulugang pag-aaral ng katangiang pisikal, ang ugnayan ng kapaligiran at ng mga nilalang, at mga phenomena na
nagaganap sa daigdig. Ang unang gumamit ng salitang heograpiya ay si Erasthosthenes.
Bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang heograpiya . Tumingin ka sa iyong paligid, ano ang iyong nakikita? Ang
mga gusali, mga halaman, hayop, anyong tubig, anyong lupa, maging ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong kamag-aral, sa iyong
kaibigan at sa malalayong kamag-anak ay bahagi ng heograpiya. Sabi nga ang “heograpiya ay buhay”.

Sa taong 1984 nang simulang balangkasin ang limang temang heograpikal sa pangunguna ng National Council for
Geographic Education at ng Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas madali at
simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham panlipunan at upang mas madaling mauunawaan ng tao
ang daigdig na kaniyang ginagalawan.
Napapaloob dito ang limang tema ng heograpiya na pinabibilangan ng sumusunod:
1. Lokasyon. Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. Ang sumusunod ay ang dalawang pamamaraan ng
pagtukoy nito:
a. Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude line na bumubuo sa grid. Ang
pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig;
b. Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito. Halimbawa ang mga anyong lupa at tubig,
at mga estrukturang gawa ng tao.
2. Lugar. Tumutukoy ito sa mga katangiang natatangi sa isang pook. Ang sumusunod ay ang mga paraan ng pagtukoy nito:
a. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman;
b. Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao, kultura, at mga sistemang pulitikal.
3. Rehiyon. Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang
pisikal o kultural.
4. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran. Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang
kinaroroonan. Sakop ng pag-aaral nito ang kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao; gayon din ang
pakikiayon ng tao sa mga pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran.
5. Paggalaw. Ito ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga
bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan. Ang tatlong uri ng pagtutukoy ng distansya ay ang sumusunod:
a. (Linear) Gaano kalayo ang isang lugar?
b. (Time) Gaano katagal ang paglalakbay?
c. (Psychological) Paano tiningnan ang layo ng lugar?

Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano 09669353461/ sheridandimaano186@gmail.com Page 2


Learning Module
Araling Panlipunan 8

Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao


Ang pisikal na katangian ng daigdig ay binubuo ng kalawakan, kalupaan, klima, katubigan, buhay-halaman, buhay-
hayop, at mga mineral. Ang bawat isa ay may impluwensya sa katangian ng mga ito. Halimbawa na lamang ang sistema ng
halaman o behetastasyon (vegetation cover) kung saan nakasalalay sa nagbabagong klima na dulot naman ng nagbabagong
temperatura at presipitasyon. Ang mga hayop ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman o sa pagkain ng ibang
hayop at lamang-dagat at lupa. Maging, ang mga halaman ay may benepisyong nakukuha buhat sa mga tao. llan lamang ang
mga nabanggit sa mga pisikal na katangian ng nagbabagong daigdig. Upang lubusang maunawaan, tatalakayin natinang
kaanyuan at galaw ng daigdig.
Ang compositional layer ng daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Crust angmatigas at mabatong bahagi ng
planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Ang bahanging karagatan
naman ay may kapal lamang na 5-7 km. Ang mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw
ang ilang bahagi nito. Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at
nickel. Ang mechanical layer naman ay may inner core, outer core, mesophere, aesthenosphere at lithospehere. Lithosphere ang
tawag sa pinakaibabaw at pinakamatigas na bahagi ng daigdig. Ang asthenospehere ay may kapal na 100 kilometro at
madalas na pinagdadaluyon ng bahagi ng mantle. Ang mesosphere ay nasa bahagi ng lower mantle kung saan dumadaloy ang
mga materyal nang mas mabagal. Ang outer core ay ang bahagi ng daigdig na totoong likido at ang nagbibigay ng magnetic
field sa planeta.
Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito
ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle. Ang daigdig ay may apat na hating-globo (hemisphere): Ang Northern
Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati
ng Prime Meridian. Umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon ang galaw ng mga plate. Ngunit ang paggalaw at
ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng
bulubunduking bahagi ng daigdig. Ito rin ang tinatayang dahilan kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng
mga kontinente sa daigdig ay nagbabagobago.

BIBLIOGRAPHY/ REFERENCES:
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S.
Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ngmag-aaral.
Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of EducationInstructional Materials Council Secretariat (DepEd-
IMCS).
Modyul
"EASE Modyul 1: Heograpiya Ng Daigdig". 2014. Deped LR Portal.
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6035.

Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano 09669353461/ sheridandimaano186@gmail.com Page 3


Learning Module
Araling Panlipunan 8

Name: __________________________________________________________ Date: ______________________


Section: _________________________________________________________

ACTIVITY 1

Suriin ang bawat sitwasyon kung ito ba ay may kaugnayan sa lokasyon, lugar,rehiyon, interaksiyon ng tao at
kapaligiran, at paggalaw. Punan ang patlang ng tamang tema at isulat sa sagutang papel.
________________1.Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
________________2. Malamig na klima ang mararanasan sa Baguio.
________________3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang bansa.
________________4. Ang malaking sahod sa bansang Germany ang nag-eenganyo sa maraming nars na Pilipino na doon
magtrabaho.
________________5. Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng bansang India.
________________6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region (NCR) sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang patuloy na
pagtuunan ngpansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa lungsod.
________________7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang
pasyalan.
________________8. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West
Philippine Sea.
________________9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud.
________________10. Portuges ang wikang ginagamit ng mga mamamayan ng Brazil.

ACTIVITY 2

Gumawa ng isang slogan tungkol sa mga maaari mong magawa upang mapangalagaan ang daigdig. Isulat ang iyong
slogan sa isang short bond paper (Landscape).
Rubric Para sa Paggawa ng Slogan
Pamantayan Mahusay Katamtaman Nangangailangan ng Puntos
5 puntos 3 puntos Pagsasanay 2 puntos
Nilalaman Napakabisang Mas mabisang Mabisang
naipakita ang naipakita ang naipakita ang
mensahe mensahe mensahe
Pagka Napakaganda at Mas maganda Maganda at
malikhain napakalinaw ng at malinaw ang malinaw ang
pagkakasulat ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng
mga titik mga titik mga titik
Kaugnayan Napakalaki ng Mas malaking Malaking
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa paksa paksa
Kalinisan Napakalinis ng Mas malinis ang Malinis ang
pagkakabuo pagkakabuo pagkakabuo

Kabuuang Puntos

Mini Task 1
Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano 09669353461/ sheridandimaano186@gmail.com Page 4
Learning Module
Araling Panlipunan 8

Sumulat ng isang tula na may dalawang saknong tungkol sa wastong pangangalaga sa ating daigdig. Isulat ang iyong tula sa
sagutang papel.
Pamantayan Rubric Para sa Paggawa ng Tula
Mahusay Katamtaman Nangangailangan Puntos
5 puntos ang Husay ng pagsasanay
4 puntos 3 puntos
Pagkabuo Napakaangkop at wasto Angkop at wasto ang Kakaunti ang angkop
ang mga salitang ginamit salitang ginamit sa pagkabuo ang salitang ginamit
sa pagkabuo. sa pagkabuo
Nilalaman Buong husay ang Mahusay ang pagpapahayag Di gaanong mahusay
Pagpapahayag ng mensahe ng mensahe ang pagpapahayag ng
mensahe

“ParochialSchools:
Evangelized and

Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano 09669353461/ sheridandimaano186@gmail.com Page 5


Learning Module
Araling Panlipunan 8

Content Standard:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigaydaan sa pag-usbong
ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon

Performance Standard:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng
mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sasusunod na Henerasyon

Most Essential Learning Competency:


Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

MY LEARNING TARGETS:

Pagkatapos na mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul, inaasahang magagawa ang mga sumusunod:
1. Nasusuri ang mga mahalagang konsepto sa katangiang pisikal ng daigdig;
2. Napapahalagahan ang mga biyayang bigay ng kalikasan para sa mga tao; at
3. Nakakagawa ng slogan at nakakasulat ng tula tungkol sa pangangalaga ng daigdig

Prayer before Study


Creator of all things, true source of light and wisdom, origin of all being, graciously let a ray of your light penetrate the darkness of
my understanding. Take from me the double darkness in which I have been born, an obscurity of sin and ignorance.

Give me a keen understanding, a retentive memory, and the ability to grasp things correctly and fundamentally. Grant me the talent
of being exact in my explanations and the ability to express myself with thoroughness and charm. Point out the beginning, direct the
progress, and help in the completion.

I ask this through Jesus Christ our Lord. Amen.

👌PRELIMINARY ACTIVITY:
Gawain: Maala-ala Mo Kaya?
Sariwain ang mga mahahalagang natutuhan sa nakaraang aralin. Isulat ang mga hinihinging impormasyon sa talahanayan .
Mga Kontinente ng Daigdig Mga Karagatan ng Daigdig Mga Planeta ng Solar System

INTRODUCTION

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan at masusuri ang kahulugan ng
heograpiya, ang limang tema na napapaloob dito at kung paano nakikiayon ang tao sa kaniyang pisikal na kapaligiran upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong
pag-aaral. May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong
gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano 09669353461/ sheridandimaano186@gmail.com Page 6
Learning Module
Araling Panlipunan 8

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig na nahahati sa sumusunod na paksa:
Paksa 1 - Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
Paksa 2 - Estruktura ng Daigdig

Build Your Understanding

May dalawang paraan ng pagbibigay ng kahulugan ng heograpiya.


Una, ang etimolohikal na kahulugan o ang pinagmulan ng salita. Ang heograpiya ay mula sa dalawang salitang Latin na “geo”-
na ang ibig sabihin ay mundo at “graphien”-ibig sabihin ay magsulat. Kung uunawain, nangangahulugan na ang ibig sabihin ng
heograpiya ay magsulat tungkol sa mundo. Ang isa pang paraan ay ang konseptuwal. Sa paraang ito, ang heograpiya
nangangahulugang pag-aaral ng katangiang pisikal, ang ugnayan ng kapaligiran at ng mga nilalang, at mga phenomena na
nagaganap sa daigdig. Ang unang gumamit ng salitang heograpiya ay si Erasthosthenes.
Bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang heograpiya . Tumingin ka sa iyong paligid, ano ang iyong nakikita? Ang
mga gusali, mga halaman, hayop, anyong tubig, anyong lupa, maging ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong kamag-aral, sa iyong
kaibigan at sa malalayong kamag-anak ay bahagi ng heograpiya. Sabi nga ang “heograpiya ay buhay”.

Sa taong 1984 nang simulang balangkasin ang limang temang heograpikal sa pangunguna ng National Council for
Geographic Education at ng Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas madali at
simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham panlipunan at upang mas madaling mauunawaan ng tao
ang daigdig na kaniyang ginagalawan.
Napapaloob dito ang limang tema ng heograpiya na pinabibilangan ng sumusunod:
1. Lokasyon. Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. Ang sumusunod ay ang dalawang pamamaraan ng
pagtukoy nito:
a. Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude line na bumubuo sa grid. Ang
pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig;
b. Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito. Halimbawa ang mga anyong lupa at tubig,
at mga estrukturang gawa ng tao.
2. Lugar. Tumutukoy ito sa mga katangiang natatangi sa isang pook. Ang sumusunod ay ang mga paraan ng pagtukoy nito:
a. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman;
b. Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao, kultura, at mga sistemang pulitikal.
3. Rehiyon. Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang
pisikal o kultural.
4. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran. Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang
kinaroroonan. Sakop ng pag-aaral nito ang kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao; gayon din ang
pakikiayon ng tao sa mga pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran.
5. Paggalaw. Ito ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga
bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan. Ang tatlong uri ng pagtutukoy ng distansya ay ang sumusunod:
a. (Linear) Gaano kalayo ang isang lugar?
b. (Time) Gaano katagal ang paglalakbay?
c. (Psychological) Paano tiningnan ang layo ng lugar?

Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao


Ang pisikal na katangian ng daigdig ay binubuo ng kalawakan, kalupaan, klima, katubigan, buhay-halaman, buhay-
hayop, at mga mineral. Ang bawat isa ay may impluwensya sa katangian ng mga ito. Halimbawa na lamang ang sistema ng
halaman o behetastasyon (vegetation cover) kung saan nakasalalay sa nagbabagong klima na dulot naman ng nagbabagong
temperatura at presipitasyon. Ang mga hayop ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman o sa pagkain ng ibang
hayop at lamang-dagat at lupa. Maging, ang mga halaman ay may benepisyong nakukuha buhat sa mga tao. llan lamang ang
Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano 09669353461/ sheridandimaano186@gmail.com Page 7
Learning Module
Araling Panlipunan 8

mga nabanggit sa mga pisikal na katangian ng nagbabagong daigdig. Upang lubusang maunawaan, tatalakayin natinang
kaanyuan at galaw ng daigdig.
Ang compositional layer ng daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Crust angmatigas at mabatong bahagi ng
planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Ang bahanging karagatan
naman ay may kapal lamang na 5-7 km. Ang mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw
ang ilang bahagi nito. Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at
nickel. Ang mechanical layer naman ay may inner core, outer core, mesophere, aesthenosphere at lithospehere. Lithosphere ang
tawag sa pinakaibabaw at pinakamatigas na bahagi ng daigdig. Ang asthenospehere ay may kapal na 100 kilometro at
madalas na pinagdadaluyon ng bahagi ng mantle. Ang mesosphere ay nasa bahagi ng lower mantle kung saan dumadaloy ang
mga materyal nang mas mabagal. Ang outer core ay ang bahagi ng daigdig na totoong likido at ang nagbibigay ng magnetic
field sa planeta.
Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito
ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle. Ang daigdig ay may apat na hating-globo (hemisphere): Ang Northern
Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati
ng Prime Meridian. Umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon ang galaw ng mga plate. Ngunit ang paggalaw at
ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng
bulubunduking bahagi ng daigdig. Ito rin ang tinatayang dahilan kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng
mga kontinente sa daigdig ay nagbabagobago.

BIBLIOGRAPHY/ REFERENCES:
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S.
Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ngmag-aaral.
Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of EducationInstructional Materials Council Secretariat (DepEd-
IMCS).
Modyul
"EASE Modyul 1: Heograpiya Ng Daigdig". 2014. Deped LR Portal.
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6035.

Name: __________________________________________________________ Date: ______________________


Section: _________________________________________________________

ACTIVITY 1 (FORMATIVE ASSESSMENT)

Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano 09669353461/ sheridandimaano186@gmail.com Page 8


Learning Module
Araling Panlipunan 8

Suriin ang bawat sitwasyon kung ito ba ay may kaugnayan sa lokasyon, lugar,rehiyon, interaksiyon ng tao at
kapaligiran, at paggalaw. Punan ang patlang ng tamang tema at isulat sa sagutang papel.
________________1.Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
________________2. Malamig na klima ang mararanasan sa Baguio.
________________3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang bansa.
________________4. Ang malaking sahod sa bansang Germany ang nag-eenganyo sa maraming nars na Pilipino na doon
magtrabaho.
________________5. Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng bansang India.
________________6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region (NCR) sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang patuloy na
pagtuunan ngpansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa lungsod.
________________7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang
pasyalan.
________________8. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West
Philippine Sea.
________________9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud.
________________10. Portuges ang wikang ginagamit ng mga mamamayan ng Brazil.

ACTIVITY 2 (SUMMATIVE ASSESSMENT)

Gumawa ng isang slogan tungkol sa mga maaari mong magawa upang mapangalagaan ang daigdig. Isulat ang
iyong slogan sa isang short bond paper (Landscape).
Rubric Para sa Paggawa ng Slogan
Pamantayan Mahusay Katamtaman Nangangailangan ng Puntos
5 puntos 3 puntos Pagsasanay 2 puntos
Nilalaman Napakabisang Mas mabisang Mabisang
naipakita ang naipakita ang naipakita ang
mensahe mensahe mensahe
Pagka Napakaganda at Mas maganda Maganda at
malikhain napakalinaw ng at malinaw ang malinaw ang
pagkakasulat ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng
mga titik mga titik mga titik
Kaugnayan Napakalaki ng Mas malaking Malaking
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa paksa paksa
Kalinisan Napakalinis ng Mas malinis ang Malinis ang
pagkakabuo pagkakabuo pagkakabuo

Kabuuang Puntos

Mini Task 1

Sumulat ng isang tula na may dalawang saknong tungkol sa wastong pangangalaga sa ating daigdig. Isulat ang iyong tula sa
sagutang papel.
Pamantayan Rubric Para sa Paggawa ng Tula
Mahusay Katamtaman Nangangailangan Puntos
Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano 09669353461/ sheridandimaano186@gmail.com Page 9
Learning Module
Araling Panlipunan 8

5 puntos ang Husay ng pagsasanay


4 puntos 3 puntos
Pagkabuo Napakaangkop at wasto Angkop at wasto ang Kakaunti ang angkop
ang mga salitang ginamit salitang ginamit sa pagkabuo ang salitang ginamit
sa pagkabuo. sa pagkabuo
Nilalaman Buong husay ang Mahusay ang pagpapahayag Di gaanong mahusay
Pagpapahayag ng mensahe ng mensahe ang pagpapahayag ng
mensahe

Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano 09669353461/ sheridandimaano186@gmail.com Page 10

You might also like