Pagpapakilala Sa Mga Magsisipagtapos at Pagpapatibay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagpapakilala sa mga Magsisipagtapos

Magandang umaga po sa ating lahat.


Bilang kinatawan ng paaralang elementarya ng Niňo Jesus at sa
pagkakataon at sa bisa ng kapahintulutang iginawad sa aking ng
Kagawaran ng Edukasyon, ay malugod ko pong ipinakikilala ang mga
magsisipagtapos sa ika-anim na baitang na may bilang na anim (6) na
lalaki at limang (5) babae. Na may kabuuang bilang na labing-isang
mag-aaral na kasiya-siyang nakatupad sa mga kinakailangan sa
kurikulum nang Elementarya na itinakda ng kagawaran ng
Edukasyon. Ipinapakikilala ko rin ang paghakbang ng mga mag-aaral
sa Kindergarten na may bilang na sampung (10) lalaki at apat (4) na
babae, na may kabuuang bilang na labing-apat (14) na mag-aaral na
kasiya-siyang nakatupad sa mga kinakailangan sa Kurikulum ng
Kindergarten na itinakda para sa mababang paaralan ng Kagawaran
ng Edukasyon. Ngayon isang karangalan na epresenta sa lahat ng
naririto at hilingin ang pagpapatibay ng kanilang pagtatapos ngayong
ikalabing-apat ng Hulyo, taong dalawang libo, dalawangput tatlo, sa
ating Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang, Lungsod Iriga,
Mariano B. de Guzman, na gagampanan ng kanyang kinatawan na si
Bb. Shara Lyn G. Ramos, Project Development Officer I., Maam para
sa iyong Kompermasyon at Pagpapatibay.

You might also like