Alamat NG Tsismosa-Pt4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MA.

GENEVIER MAMARIL
7 GALILEO
PERFORMANCE TASK #4

ALAMAT NG TSISMOSA

“LOLA, KWENTUHAN NIYO NAMAN PO KAMI!” sigaw ng mga bata, napangiti ang
matanda at tumingin sa kanila.
“Hay mga apo, sige na nga.” napakamot sa ulo ang matanda bago isinuot ang
kanyang salamin.
“Yehey! Ikaw lang po talaga ang natatangi!”
“Narinig niyo na ba ang ‘Alamat ng Tsismosa’?”
Umiling ang mga bata kaya’t tumango ang matanda at napangiti.
“Halina’t alamin natin ang kwento ni Mosa.” sambit nito at binuklat ang
makalumang libro kung saan nakatala ang kwento.
**
Noong unang panahon kilala ang residente ng piptisiyam bilang maunlad at
mapayapang komunidad.
Ang bayan ng piptisiyam ay dinarayo dahil sa kasiyahan, pag diriwang at pag
kakaisang nagaganap dito.
Isang araw may mga kalalakihan na dumayo sa kanilang, sila ay matitikas, malalaki
at may matapang at mayabang na awra.
Ang mga bentahin sa gilid ng residente ay kanilang tinumba, maraming tao ang
natakot kaya’t hinayaan na nila ito sapagkat hindi nila kayang sila ang
mapagdiskitahan ng mga dayuhan.
Sa kabilang dako, sa lahat ng tao sa residente ng piptisiyam, may isang
natatanging babae ang nag lakas ng loob na sila’y harapin, siya ay si Mosa, siya ay
napakaganda kaya’t maraming lalaki ang nagkakandarapa na siya’y maangkin.
Napatingin sa kanya ang mga kalalakihan at nabighani. May bitbit si Mosa na
isang basket na puro laman ay keso, binuksan niya ang mga ito at isa isang
tinapon sa paligid, kinain niya ang natitirang isa. Siya ay ngumiti sa kanila na unti
unting nagpaamo ng kanilang itsura, namangha ang mga tao at hindi maiwasang
mag bigay ng komento.
“Hala bakit tinapon yung cheese?!”
“May silbi talaga ang kagandahan ni Mosa.”
Maya maya lang napalitan ng ngisi ang magandang ngiti ng dalaga bago nag salita.
“Wag kayong tumingin sa akin ng ganyan dahil mukha kayong mga
aso!”natatawang sigaw nito sa kanila, kaya’t ang malalambot na mukha ay
napalitan ng galit ng mga dayuhan.
“Aba! Anong karapatan mong sabihin sa amin yan?!”
Isa rin sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ni isa ay walang lakas na loob
lumapit sa kanya dahil sa kanyang mapanghusgang mga salita at pakikipag usosyo
sa mga usapan sa kanilang bayan.
“Bawat isa ay may karapatang magsalita, ikaw ay manahimik, mukhang espasol!”
Ang mga tao’y napuno ng halakhak at palakpak ngunit natigil ang ingay dahil sa
isang sigaw.
“KATAHIMIKAN! KUNG AYAW NIYONG MASAKTAN!”
Nagkagulo ang mga tao, kaba’y nabuhay at mga tawa ay napawi ngunit sadyang
matapang ang dalaga, hinarap nya ng buong lakas ang mga dayuhan.
“At anong karapatan niyong manggulo sa aming teritoryo?! Ano ang inyong
pinagmamalaki ang mga mukha niyong mukhang pusit? Pugita? O mukhang
baboy?! ”
“Ikaw babae! Sumosobra ka na sa iyong mga sinasambit, hindi hamak namang
mas matino kami sa iyo, hindi mo ba kayang manahimik?!”
Marahas na huminga si Mosa at napangiwi, umiling siya bago inikutan ang mga
kalalakihan.
“Sa tingin mo’y kailangan ko ng iyong opinyon? Hindi! Ako si Mosa at ako ang taga
husga sa lugar na ito! Keso!”
Nanggagalaiting humawak ang lalaki sa kanyang braso at marahas itong hinatak.
“TSIS!”
“MOSA!”
Natumba si Mosa dahil sa sakit ng paghila sa kanya ng lalaki at ang kanyang
tinapon na keso ay kumalat sa kanyang damit samantalang ang lalaki naman na
nag ngangalang Tsis, ay napahiga dahil sa malakas na pag kakasuntok ng dalaga sa
kanya.
Ang mga tao’y pumalibot sa kanila kabilang na ang mga dayuhan at sila’y sabay
sabay na sumigaw.
“TSIS!”
“MOSA!”
At dahil sa pangyayaring iyon nauso ang salitang ‘tsismosa’ na pinagmulan ng
isang babae na si Mosa at dayuhang lalaking si “Tsis.”
Simula noon ang mga taong mahilig magkomento sa kung ano anong bagay at
mahilig makiusosyo ay tinawag nilang ‘TSISMOSA’
THE END.

You might also like