Esp Pt2w3w4 Mamaril

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA GAWAIN

GAWAIN 1.3

1. Lalapitan ko po ang bagong lipat na kamag aral at siya’y aking


kakaibiganin ngunit bago po iyon, pagtatanggol ko po sya sa aming ibang
kamag aral at pagsasabihan ko po sila na ang kanilang ginagawa ay hindi
tama, na ang kada isang tao ay may iba’t ibang nakasanayan kaya’t
kailangan po nila itong respetuhin, tanggapin at hindi gawing
katatawanan.

2. Hindi po, dahil ang kanyang ginagawa ay hindi kaaya aya, imbis
po na siya ay aking samahan at kuntinsihin, pag sasabihan ko po ito na
kami ay dapat pumasok, at sasabihin ko rin po sa kanya na ang baon po
niya ay hindi po basta basta nakukuha, ito po ay pinaghihirapan kaya’t
dapat ay hindi po to sayangin sa hindi gaanong importanteng bagay.

3. Sa tulong po ng mga recycle na bote o kung ano pa man pong


maaaring gamitin, gagawa po ako ng isang lalagyan na maaring paglagyan
ng mga lupa, tataniman ko po ito at isasabit sa aming bahay na maaaring
paglagyan.

4. Sasabihin ko po sa aking ina na ako nalang po ang mag lalaba at


mag pahinga na lamang po siya para po maiwas po siya sa mga stress o
problema.

5. Ako po ay mag papaalam na sa aking mga kalaro at sasabihin ko


po na may importanteng inuutos si nanay. Susundin ko po ang utos ni
nanay at tutulungan ko na rin po siyang maghain at ihanda ang kanyang
mga kakailangan.
GAWAIN

1. (FACEBOOK)

Opo, dahil ito po ang nagsisilbing gabay sa atin, ang bumubulong


po sa atin ng mga bagay na ating gagawin. Karapat dapat pong mahubog ang
tama sa ating konsensya sapagkat, ito po ay maktutulong sa atin upang
maiwasan ang mga away, di pag kakaintindihan o ang makasakit ng ating kapwa
at higit sa lahat mapanatili ang kabutihan at katapatan sa isang sitwasyon o
sangkatauhan.

2. (TWITTER)

Makatutulong po ito para sa ating sarili upang mahubog ang lawak


ng ating isipan patungo sa tama at may prinsipyong pamumuhay. Importante
din poi to dahil ang isang hindi maayos na desisyon maling pagpapasiya gamit
ang konsensya ay maaring magdulot ng pagkasira ng ating kinabukasan.

3. (YOUTUBE)

Ito ay nakalugar sa ating magkabilang parte ng isipan, ito ang


nagtuturo o bumubulong ng mga bagay sa atin, mapatama man o mali, Ang
konsensya ang nag bibigay sa atin ng kaalaman ng dapat gawin o hindi dapat
gawin ang isang bagay, nasa atin kung saan tayo papanig sa tama ba o sa mali.
Ito rin ang nagsisilbing pang unawa natin at pag mulat sa mga pangyayari na
nagaganap sating buhay. Ang konsensya ang nag bibigay sa atin ng kaalaman na
gawin o hindi gawin ang isang bagay.

4. (INSTAGRAM)

Malalaman natin na mabuti ang konsensya ng isang tao kung may


magandang hangarin ito, ang kanyang mga kilos ay may purong katotohanan at
ang dulot nito sa mga tao ay magandang impluwensya o kaalaman. Ang mga
ginagawa nito’y bukal sa loob at para sa ikabubuti ng mga mamamayan nito. Sa
pamamagitan ng tamang konsensya ay masusunod natin ang likas na batas
moral. Ang likas na batas na moral ay ang pagtukoy sa kasamaan at kabutihan
na siyang nauugnay sa konsensya natin na humusga ng moral na kaisipan.

You might also like