Kring Kwenyo Ni Ian at Droid New Final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON III
Diosdado Macapagal Government Center, Brgy. Maimpis,
City of San Fernando, 2000 Pampanga

Kuwento at guhit ni:


Marc Joel P. Reyes
KRING!!! Kwento nina Ian at Droid
Aklat Pang-Komiks: Karagdagang Kagamitan Pampagkatuto
Para sa Katapatang Pang-Akademiko
Edisyon 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa komiks na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng kagamitang ito. Hindi inaangkin ng tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa komiks na ito ay nangangailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Direktor Panrehiyunal ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III: May B. Eclar

Lupon ng Tagapagbuo ng Komiks

Manunulat: Marc Joel P. Reyes

Editor: Ma. Editha R. Caparas


Garry M. Achacoso
Tagasuri: Ma. Lilybeth M. Bacolor
Mary Anne C. Angeles
John Paul C. Paje
Mark Asuncion
Tagaguhit: Marc Joel P. Reyes

Tagalapat: Marc Joel P. Reyes

Tagapamahala: Librada M. Rubio


Ma. Editha R. Caparas
Romeo M. Alip
Michelle A. Mejica
Manolito B. Basilio
Garry M. Achacoso

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III


Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis City of San Fernando, (P) Telefax (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Isang gabi habang nagsasagot ng modyul si
Ian…
Ngiyaw!

Iaaaannn!

Ian! Dahil naging masipag kang


bata, may ireregalo ako para
sa iyo.

Yehey! May cellphone


na ako!
Sobrang saya ni ian, kaya naman agad
Walang anoman, anak. Sana ay niyang binuksan ang kaniyang bagong
makatulong iyan sa iyong pag- cellphone.
aaral.
O, sige matulog ka na
Maraming salamat, pagkatapos mo sa modyul.
mama.
Ipinapangakoko pong
pagbubutihin ko pa ang
aking
pag-aaral.

Kring! Ako si Droid. Ako ang


iyong bagong kasama sa iyong
pag-aaral.

Kring! Kring! Kring!


Hello, Ian!
Marami akong puwedeng maitulong
upang mas mapadali ang iyong pag-aaral.
Kring!

Puwede ka ring mag- install ng


apps na magagamit mo sa pag-
aaral. Kring!
Wow! Ang galing mo
naman Droid. Ang dami Aba! Syempre
palang puwedeng i-install naman. Isa yata
sa iyo. ako sa
pinakamodelong
uri ng gadget.
Halos nasa akin
na ang lahat.
Kring!

Puwede rin pala akong mag


install sayo ng…

Ngiyaw!

Ang pinag- aalala


ko ay baka
mawili ka sa
paglalaro ng
online games at
makalimutan mo
na ang pag-
aaral.Kring!

Puwede naman…
Pagkatapos mag-install ng ML ay nagsimula
nang maglaro si Ian.

Ayos ito! Open


mic tayo mga
Lods.

Babawi ako mga Lods.


Isa pang game .

Dahil sa magdamag na
paglalaro ng online games,
hindi na natapos sagutan ni
Ian ang kanyang mga
modyul.

Hindi ka naman
marunong.
Matulog ka na!

Buong magdamag naglaro si Ian.


Kinabukasan…
Sorry,
Ian, bakit ganito?
mama.
Hindi pa tapos ang modyul
nakatulugan
mo. Kailangan ko na kasi.
na itong ipasa bukas.
Tatapusin ko
na po ang
mga iyan
mamaya.

Sinabi ko
naman sa iyo,
hindi ba?
Hindi maganda
ang naidudulot
ng online
games lalo na
kapag sobra.
Kring!

Ang problema ko ngayon, paano


ko mabilis na masasagutan ang
mga modyul ko?
Ang sarap kasi
maglaro lalo na
kapag nananalo.

Kring!!!
Kung hindi
lang talaga
ako naawa sa
iyo, hindi ko
sana ituturo
ito.
Ang tawag sa ipinakita ko sa iyo ay Search
Engine. Ito ay isang program sa mga
browser na makatutulong sa iyo para
mahanap o makuha ang mga impormasyon na
iyong pag-aaralan. Kadalasan dinadala ka
nito sa mga sites na may kaugnayan sa iyong
gustong hanapin sa internet. Kring!!!

Aba, iyon naman


pala! Pwede ko na
lang hanapin sa
internet ang mga
sagot sa modyul ko.

Ilang sadali pa …

Ang problema, hindi


lahat ng impormasyon
sa internet ay tama at
nakabubuti. Kailangan
mo pa ring maging
mapili sa mga
impormasyon at hindi
dapat basta lamang
kopyahin ang nasa
internet. Kring!
Mas madali nga iyong ganito eh.
Hindi ko na kailangang
magpakapagod pa.
Mabilis akong makatatapos sa
Hayaan mo na modyuls at makapaglalaro na ako
Droid, ngayon lang agad Mubayl Legends.
naman ito. Saka
hindi naman
malalaman ni mama
at ni teacher na
galing ang mga
sagot ko sa
internet.

Pero mali pa rin ang


gagawin mo Ian.
Sabihin na natin na
hindi ka mahuhuli,
pero ano naman ang
matututuhan mo
kung hindi mo
sasagutin ang
Ok tapos na!
modyuls sa sariling
Mubayl Legends
mong pagsisikap?
na ulit. Madali
Kring!
lang pala
magsagot ng
modyuls basta
may internet.

Naku naman!
Ngayon ka pa
nalowbat. ML na ML
na ko eh.. Teka
nga…
Magdamag na naglaro uli si Ian habang naka-
charge si Droid.

Push! Push! Tara na tapusin


na natin ang laro.
Nariyan na ang mga kalaban,
atras muna mga pre!

Nang biglang …

Droid,
Bakit di ka na
gumagana?
Dumating ang araw ng pagsusulit ni Ian. Tuluyan nang hindi
gumana ang kaniyang cellphone. Naalala niya ang mga payo
at aral sa kaniya ni Droid.

Naku! Napakahirap ng
ibang mga tanong. Sa
palagay ko, ito ang mga
aralin na hindi ko napag-
aralan.

Ito pala ang sinasabi sa


akin ni Droid na
kahalagahan ng pag-aaral
at paggamit ng sariling
kaalaman.

Kung pinakinggan ko lang


ang mga sinabi ni Droid,
may naisasagot sana ako
ngayon.

Sa huli, napagtanto na rin ni Ian ang kaniyang mga pagkakamali. Nang biglang…

Sa susunod, mag-aaral
na akong mabuti at
gagamitin ko na nang
tama ang mga bagay na Kring!
mayroon ako.
Kring!
Kring!

Sana maayos na uli


si Droid.

Wakas
Ang android phones ay unang inilabas Isa sa mga sanhi ng pagkasira ng mga
noong 2008 at mayroon na itong 11 electronic gadgets gaya ng smart phones
android versions na lahat ay ay ang madalas na paggamit nito habang
ipinapangalan sa mga matatamis na naka-charge. Nagdudulot ito ng tinatawag
pagkain tulad ng ice cream, jelly bean, na over-heating na nagpapababa sa
lollipop, marsmallow at iba pa. kapasidad ng baterya na maaaring mauwi sa
pagkasira ng gadget.

Mayroong features na tinatawag na


Parental Control ang mga smart phones na
kung saan maaaring lagyan ng limitasyon ng
magulang ang mga gadget ng kanilang mga
anak upang hindi sila mapunta sa
applications o websites na hindi makabubuti
sa kanilang pag-aaral.

Ang Academic Dishonesty ay anomang uri ng pandaraya o maling gawain na nakahahadlang sa pagsukat ng
tunay na antas ng kaalaman at pagkatuto ng mga mag-aaral. Hindi dapat gawin ng mga mag-aaral na
tulad mo ang mga ganitong uri ng gawain sapagkat hindi ito makatutulong sa paglinang at paghubog ng
iyong kaalaman at kasanayan. Narito ang ilan sa mga anyo nito:

1. Pangongopya (Cheating) - Ito ay paggamit o pagkuha ng anomang impormasyon, kagamitan,


sanggunian o mga kasanayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pampagkatuto mula sa iba. Halimbawa nito
ay pangongopya ng sagot mula sa ibang mag-aaral sa isang pagsusulit. Kabilang din dito ang pagpayag
ng isang mag-aaral na kopyahin ng kapwa mag-aaral ang kaniyang sagot.
2. Plahiyo (Plagiarism) - Isang uri ng pandaraya kung saan kinukuha o ginagamit ang ideya, pananalita,
disenyo, sining, musika o iba pang mga likha at inaangkin ang mga ito nang hindi kinikilala ang
pinanggalingan o hinihingi ang pahintulot mula sa may-ari ng mga ito.
3. Pabrikasyon (Fabrication) o Palsipikasyon (Falsification) - Tumutukoy sa hindi awtorisadong
paggawa o pagbabago ng mga impormasyon sa mga gawaing pang-akademiko. Halimbawa, paglikha ng
hindi makatotohanang datos na dapat ay magmumula sa isang aktuwal na eksperimento o pag-iimbento
ng sanggunian ng mga impormasyon.
4. Sabotahe (Sabotage) - Ito ay pangingialam o paninira sa gawa ng iba upang mahadlangan ang
matagumpay na paggawa o pagtapos sa isang gawaing pang-akademiko. Ang paninira sa likhang sining,
eksperimento o disenyo ng iba ay maituturing na pananabotahe. Ang hindi pakikilahok o hindi pag-
aambag sa isang pangkatang proyekto ay masasabi ring isang uri ng sabotahe.
5. Pagpapagawa sa Iba (Contract Cheating) - Isang anyo ng academic dishonesty na maaaring
maganap alinman sa mga sumusunod na sitwasyon: pagpapagawa sa mga kaibigan o miyembro ng pamilya
upang matapos ang isang gawain nang walang kapalit paglikha at pagkuha ng sanaysay mula sa isang
free essay website at aangkinin bilang sariling likha isang takdang gawaing ginawa ng ibang tao nang
may kapalit na bayad

Sanggunian:
Department of Education. 2021. "PROMOTING ACADEMIC HONESTY (DM-OUCI- 2021-395)".
Pasig City: Department of Education.
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel

Kung ikaw si Ian, gagawin mo rin ba ang kaniyang


ginawa? Bakit? Ipaliwanag.

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
___________________________________________________.

Bilang isang mag-aaral, ano ang mga bagay na ginawa ni


Ian na hindi mo dapat tularan?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
___________________________________________________.
Isang gabi habang nagsasagot ng modyul si Ian ay sinorpresa siya
ng kaniyang mama. Binigyan siya ng bagong cellphone at ito ay si Droid.

Inaasahan ng mama ni Ian na makatutulong si Droid na pagbutihin


pa ang kaniyang pag-aaral ngunit hindi ito nangyari. Bakit kaya?

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education- Regional Office III


Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resources Management Section (LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis,City of San Fernando, (P)
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like