Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

DEREGULATED STATUS- CHED


PAARALANG GRADWADO
Lungsod ng Roxas
Tel No. (036) 6212-317, Fax No. (036) 6213-057
Website: http://www.filamer.edu.ph/

—------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
FILIPINO 416
Maunlad na Retorika (Advanced Rhetoric)

YUNIT 7: Ang Diskurso

Chard Garciano Esico, LPT Doc. Melody J. Blance


April Dolorico, LPT Propesor
Marian Famoso Furton, LPT
Rowella Mae U. Ebacuado, LPT
VJ Espiga, LPT
—----------------------------------------------
Mga Taga-ulat

Kahulugan ng Dikurso:
1. Discourse- Ingles, Medya
2. Discursus –Latin, nangangahulugan ng diskusyon o argumento

● Kumbersasyon –isang verbal na pagpapalitan ng mga ideya na pwedeng


naganap sa mga sosyalang pampamilyaridad o kaya’y sa isang pormal at
maayos na karaniwang humahabang pagpapahayag ng mga kaisipan
hinggil sa kung anong paksa na maaaring pasalita o pasulat.
● Isa rin itong yunit panlinggwistik na mas malaki kaysa sa isang
pangungusap gaya ng isang kumbersasyon o isang kwento. (Merriam
Webster, 1996)
● Tumutukoy ang diskurso sa paggamit ng wika, sa paraan ng
pagpapahayag at sa pag-unawa kung paano ginagamit ang wika.
(McCarthy,1991)
● Ang diskurso ay ang pagpapabatid ng iniisip at nadarama sa hangaring
maunawaan at unawain ang kausap na maaaring isagawa nang pasalita
at pasulat. Ito ay ang kakayahang maunawaan at makabuo ng sasabihin
o isusulat sa iba’t ibang genre gaya ng narativ (pagsasalaysay),
deskriptiv (paglalarawan), expositori (paglalahad), argumentative
(pangangatwiran) o persweysiv (panghihikayat) atbp.

● Ang tawag sa pagkakaroon ng makahulugang palitan ng mga


pangungusap ng dalawa o higit pang tao. Ito ay maaaring gawin sa
pamamagitan ng pagsasalita o pagsusulat. Sa diskurso, ang mga
indibidwal ay nagpapahayag ng kanilang mga opinyon, paliwanag, at
argumento tungkol sa isang partikular na paksa. Isang interaktibong
gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon.
● May mga diskurso rin na layuning manghikayat, kumbinsihin, o
makapagbigay ng persuwasyong mga argumento. Halimbawa nito ay
mga talumpati sa pulitika o pampulitika, kung saan ang layunin ng
nagsasalita ay hikayatin ang mga tao na sumuporta sa kanilang pananaw
o adhikain.

Ang diskurso ay tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan gayon din


naman ang malalim na pagtingin sa mga ideyang inilahad. (Millrood, 2002)
Samakatuwid, ang pagdidiskurso ay hindi lamang nakapokus sa mismong salita; sa
halip, bahagi rin nito ang mga tagong mensahe (implied messages).

Sa pagdidiskurso, mahalaga na:


1. Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob dito;
2. Mahusay maghinuha ng mga impormasyon gaya ng integrasyon ng kilos sa
salita;
3. Magkaroon ng kritikal at malalim na kakayahan sa pag-unawa ng mga
mensahe;
4. Maisaalang-alang ang mga sumusunod na dimensyon:
a. Konteksto –gaya ng inilahad ni Hymes sa kanyang SPEAKING theory,
tungo sa ikatatagumpay ng isang pakikipagtalastasan, mainam na makita
ang kabuuang konteksto (setting, participants, ends, acts, keys,
instrumentalities, norms at genre). Sa pamamagitan nito maaaring
mapaangat ang sensitibiti ng dalawang nag-uusap.
b. Kognisyon –tumutukoy sa wasto at angkop na pag-unawa sa mensahe
ng mga nag-uusap. Bahagi ng kognisyon ang oryentasyon at kulturang
kanilang kinabibilangan.
c. Komunikasyon –ang dimensyong ito ay tumutukoy sa berbal at
di-berbal na paghihinuha ng mga impormasyon.
d. Kakayahan –Likas sa mga tao ang pagkakaroon ng kakayahan sa
pakikikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Ang mga ito ang siyang
pangunahing kailanganin sa mahusay na pagdidiskurso.

Dalawang paraan ng pagpapahayag o diskurso:

● Pasalita (berbal) - ito ay diskursong oral, ang masining na pagpapahayag ng


iyong ideya sa paggamit ng berbal na pamaraan.
Ang diskursong pasalita ay ang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon,
ideya, at kaisipan sa pamamagitan ng pag-uusap o pagsasalita. Ito ay isang anyo ng
komunikasyon kung saan ang mga tao ay nagbibigay at tumatanggap ng mga mensahe
sa pamamagitan ng kanilang mga salita at wika.

Sa diskursong pasalita, maaaring maganap ang talakayan, pagtatalo, presentasyon ng


impormasyon, pagsasalaysay, o anumang uri ng komunikasyon na nangangailangan
ng pagsasalita. Ito ay isang mahalagang aspeto ng pang-araw-araw na
pakikipag-ugnayan ng mga tao sa iba't ibang larangan ng buhay tulad ng edukasyon,
trabaho, pulitika, at panlipunang pag-uugali.

Mga halimbawa ng diskursong pasalita ay ang mga sumusunod:

1. Paggabay ng guro sa kanyang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.


2. Pagsasagawa ng isang business meeting kung saan nagpapalitan ng mga plano at
ideya ang mga empleyado.
3. Panayam ng isang reporter sa isang personalidad o opisyal.
4. Pagbibigay ng sermon o pagpapahayag ng pananampalataya sa isang simbahan.
5. Talakayan sa pamilya ukol sa mga mahahalagang desisyon o isyu sa kanilang
tahanan.

● Pasulat - gumagamit ng mga ortograpikong simbolo gaya ng mga letra. Ang


diskurso na pasulat ay ang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon, ideya, at
kaisipan sa pamamagitan ng pagsulat. Ito ay isang anyo ng komunikasyon kung
saan ang mga tao ay nagbibigay at tumatanggap ng mga mensahe sa
pamamagitan ng mga titik, salita, at pangungusap.

Sa diskurso na pasulat, ang mga tao ay nagpapahayag ng kanilang mga


kaisipan, argumento, opinyon, at impormasyon sa pagsulat ng mga liham, mga
akda, mga report, mga pahayag, mga tesis, mga blog post, at iba pang uri ng
dokumento.

Mga halimbawa ng diskurso na pasulat ay ang mga sumusunod:

1. Pagpapadala ng liham o sulat sa isang kaibigan, kamag-anak, o kasosyo


upang magbahagi ng balita o magbigay ng mga mensahe.
2. Pagsulat ng mga akademikong papel o tesis na naglalaman ng pananaliksik
at argumento ukol sa isang tiyak na paksa.
3. Paglikha ng mga pahayagan at artikulo upang ipahayag ang mga balita at
impormasyon sa madla.
4. Pagsulat ng mga aklat, kuwento, o nobela upang ipahayag ang mga
kathang-isip na kwento at ideya.
5. Pagsulat ng mga opisyal na dokumento at kontrata sa larangan ng negosyo at
pamahalaan.

Sa diskurso na pasulat, mahalaga rin ang tamang paggamit ng wika, bokabularyo,


gramatika, at pagkakabuo ng mga pangungusap upang maipahayag nang malinaw at
tumpak ang mga mensahe. Ito ay isang mahalagang aspeto ng komunikasyon, lalo na
sa larangan ng edukasyon, akademiya, negosyo, at pang-araw-araw na
pakikipag-ugnayan.

Organisasyon ng Diskursong Pasalita at Pasulat

A. Kaisahan

- Isang tiyak na katangian o aspeto ng pagpapahayag. Sa literal na kahulugan, ito ay


“magkakalapit lahat”.

Ang kaisahan sa komposiyon


- Kaisahan sa ideya
- Kaisahan sa layunin
- Kaisahan sa tono
- Mga hiblang tagapag-ugnay

B. Pagkakaugnay-ugnay o Kohirens

- Tumutukoy sa pagkakahanay-hanay ng mga ideya o pangyayaring tinatalakay.


- Pagkakaroon ng tuloy-tuloy na daloy ng diwa ng isang komposisyon.

C. Diin o Emapsis

- Pagbibigay ng higit na pansin sa pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang


komposiyon.

D. Paggawa ng balangkas

- Ang isang balangkas ay nahahati sa tatlong kategorya: dibisyon, sabdibisyon at


seksyon.

Sanggunian:

https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/diskurso-sa-filipino
https://www.scribd.com/doc/67134301/ANG-DISKURSO#

https://prezi.com/hk4nva2vowhe/pasalita-at-pasulat-na-diskurso/

You might also like