Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

I. LAYUNIN:

Inaasahang maipamamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

a) Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan
b) Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at pagmamahal sa kapwa na
kailangan upang maiwasan at tugunan ang karahasan sa paaralan
c) Naipaliliwanag ang Batayang konsepto ng aralin
d) Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga karahasan
sa kaniyang paaralan.

II. PAKSANG ARALIN

a) TEMA: Karahasan sa Paaralan


b) PAKSA: Pambubulas
c) PAGPAPAHALAGANG DAPAT LINANGIN: Pagmamahal at Paggalang sa
Kapwa
d) SANGUNIAN: Teacher’s Guide, Learner’s Manual sa EsP 8
e) KAGAMITAN: Projector, Laptop, Video Clip, Puzzle Board, Mga Larawan

III. PANIMULANG GAWAIN:

a) Pagbati
b) Pagdarasal
c) Pagtatala ng Liban
d) Pagbabalik aral
e) Motibasyon :
1. Ipapakita at lalaruin ang “FOUR PICS, ONE WORD”.
2. Papakingggan ang awiting “ HIGH SCHOOL LIFE”

Sasagutin ang mga repleksiyong tanong:

1. Masaya mo rin bang kakantahin ang mga linyang ito?


2. Ano nga ba ang damdamin mo sa yugtong ito ng hayskul?
3. Masaya ka ba dahil maganda ang iyong pakikipag-ugnayan sa lahat ng tao
na nasa iyong paligid?
4. Masaya ka ba dahil marami kang natututuhan at mas nais mong manatili sa
paaralan? O malungkot ka dahil mayroon kang mga karanasan na kung
maaari lamang ay iyo ng kalilimutan?

IV. PAGPAPAYAMAN NG KONSEPTO

a) Panoorin ang video na may pamagat na Kapuso Mo, Jessica Soho Bully learns
his lesson upang matukoy ang isa sa mga pangunahing dahilan ng karahasan sa
paaralan
b) Habang pinapanood ang mga video, itala ang hinihingi ng bawat kolum sa ibaba:
Sanhi ng pagkakaroon ng karahasan sa paaralan Epekto ng pagkakaroon ng
karahasan sa paaralan
c) Tatalakayin at aalamin ang karanasan at kahalagahan ng paaralan sa buhay ng
isang mag aaral
d) Tatalakayin ang iba’t ibang uri ng karahasan sa loob ng paaralan
1. Pambubulas at mga Uri nito

V. PAGSASABUHAY

1. ATING BUUIN
Hahatiin ang klase sa apat (4) na grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng puzzle board upang
ito ay kanilang buuin. Matapos buusin ang mga puzzle board, kanilang tutukuyin kung
anung uri ng pambubulas ang nasa larawan. Ang unang grupo na makabuo at makatukoy
sa larawan ang siyang panalo.

2. SAGUTIN ANG MGA TANONG:


1. Ano ang sanhi ng karahasan sa paaralan? Isa-isahin ang mga ito?
2. Ano ang dahilan kung bakit umiiral ang karahasan sa paaralan?
3. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng karahasan sa paaralan?
4. Paano ganap na masusugpo ang mga karahasan sa paaralan?
5. Bakit mahalagang iwasan ang anumang karahasan sa paaralan? Ipaliwanag.
6. Paano mo mailalarawan ang isang paaralang ligtas sa anumang uri ng karahasan?

VI. TAKDANG-ARALIN:

1. Lumikha ng isang newsletter na ang pangunahing paksa ay tungkol sa karahasan sa


paaralan.
2. Isalaysay dito ang sumusunod:
a) Mga mahahalagang kaalaman na nais na ibahagi sa maraming mga mag-aaral
sa paaralan
b) Mga tunay ng kuwento ng karahasan mula sa mga kapwa mag-aaral na
makatutulong upang mas maimulat ang mata ng lahat tungkol sa panganib na
dulot ng pambubulas at paglahok sa fraternity o gang.
c) Pagninilay tungkol sa naging karanasan sa kabuuan ng aralin
d) Mga mungkahing proyekto o gawain na makatutulong upang mapigilan ang
paglaganap ng karahasan sa paaralan
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

I.       Layunin      
A)   Napatunayan ang kahalagahan ng disiplina  sa pagpapairal ng kaayusan
sapaggawa
B)     Nabibigyan diin ang kahalagahan ng disiplina sa paggawa.

 II.          Nilalaman: Aralin 4
        Paksa:                Mga Pananagutang Kaakibat ng mga Karapatan
        Sanggunian:        Sulo ng Buhay III, ph. 16 - 20
        Kagamitan:         Tsart, aklat, larawan
        Pagpapahalagang lilinangin > Disiplinang Pansarili

               III.          Pamamaraan

A)     Pagganyak
Tayo’y mga taong may karapatan at pananagutang kailangang gampanan.

B)     Gawain
Basahin ang dayalogo upang lubos na maunawaan sa

C)     Pagsusuri
1.      Ano ang paksa ng usapan nina Marc at Ryan?
2.      Bakit itinapon lamang ni Marc ang kalat sa lapag?
3.      Ano ang sinabi ni Ryan sa inasal ni Marc?
4.      Bakit mahalaga na magampanan natin ang mga pananagutang kaakibat ng ating
mga karapatan?

D)     Paghahalaw : Tuon
Tayong lahat ay hindi lamang may karapatan kungdi may mga tungkulin at
pananagutan ding kailangang magampanan. Dito hindi tayo makaabuso sa
kalayaang ating tinatamasa. Para rin ito sa ating mga kapakanan at
kapakinabangan. Marapat lang na gawin ang ating mga pananagutan upang
mapabuti tayo at maging isang huwaran at makabuhulang mamamayan.

E)      Pagsasabuhay
Basahin ang sanaysay. Bilang mabuting mamamayan, paano mo matutulungan ang
iyong mga kababayan na malaman ang kanilang mga tungkulin at pananagutan?
Magsulat ng halimbawa.

F)      Pagpapatibay
Basahin at intindihin “Ang ating mga tungkulin” ph. 1-8
Punan ang kahon ng mga angkop na tungkuling kaakibat ng mga binanggit na
karapatan at ilagay kung bakit mahalagang magampanan ang mga ito.
Mga karapatan Tungkulin Bakit mahalaga
Mag – aral
Magsaya
Maghanap buhay
Malaya
Makipagkapwa

              IV.          Pagtataya
Buuin ang puzzle sa pamamagitan ng mga clue na matagpuan sa mga pahayag.

Clue:
1)      Nagtatamasa ng karapatan at pananagutan.
2)      Katapatan ng ating pananagutan.
3)      Ibang salita ng tungkulin o pananagutan.
4)      Ang ating karapatan ay may _________ na pananagutan.
5)      Ibang tawag sa IBIG _________ .

               V.          Kasunduan
Magbigay ng maaaring bunga o kahihinatnan ng mga hakbang na inilahad na
tungkulin at pananagutan.

You might also like