Professional Documents
Culture Documents
Filipino 10 4th Quarter Week 3-8
Filipino 10 4th Quarter Week 3-8
Filipino 10 4th Quarter Week 3-8
1. Simoun – siya ay si Juan Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere; ang mayamang mag-aalahas
2. Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
3. Basilio - ang mag-aarál ng medisina at kasintahan ni Juli.
4. Kabesang Tales – ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka
5. Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kaniyang sariling apo.
6. Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
7. Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez.
8. Placido Penitente - mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
9. Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
10. Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
11. Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
12. Padre Florentino - ang amain ni Isagani
13. Don Custodio - ang kilalá sa tawag na Buena Tinta
14. Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
15. Juanito Pelaez - kinagigiliwan ng mga propesor; kabilang sa angkang na may dugóng Kastila
16. Macaraig/Makaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
17. Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
18. Donya Victorina - mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
19. Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
20. Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
21. Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
22. Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
23. Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
24. Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
25. Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
26. Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibígan daw ni Don Custodio.
27. Camaroncocido - espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa panlabas na anyo.
28. Tiyo Kiko - matalik na kaibígan ni Camaroncocido.
29. Gertrude - mang-aawit sa palabas.
30. Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
31. Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.
PANUTO:
Itapat sa Hanay B ang mga salita na may kaugnayan sa Hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot
Hanay A Hanay B
_____ 1. Simuon a. ang kilalá sa tawag na Buena Tinta
_____ 2. Kabesang Tales b. masigasig na nakikipaglaban sapagtatatag ng Akademya
_____ 3. Donya Victorina c. naghimok kay Juli na humingi ng tulong kay Camorra
_____ 4. Hermana Bali d. mapagpanggap na isang Europea ngunit isa Pilipina
_____ 5. Makaraig e. naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupa
f. siya ay si Juan Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere
___________________________________________________________________________
Aralin : El Felibusterismo (Kabanata 23, Isang Bangkay)
Markahan 4 Linggo 3 LAS 2
Pamagat ng Gawain : Pagbibigay - kahulugan
Layunin : Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa
Sanggunian : MELC, F10PT –lVb –c-83
________________________________________________________________________________
BUOD NG KABANATA 23
Sa ikapito ng gabi ay naroon na si Simoun. Naroong umalis at bumalik nang makalawa sa
kaniyang bahay na may kasamang ibang tao. Naroong may binabantayan sa isang daang kalapit ng
kumbento ng Sta. Clara at naroong nakita ni Camaroncocido sa dulaan na may kausap na mag-aaral.
Tapat ang hangarin ni Basilio na mapagaling ang kaniyang tagapag-ampon. Ngunit
ipinagtataka nito kung bakit sa kaniyang panggagamot sa ospital ay dinatnan niya si Kapitan Tiago
na tulog, naglalaway, at namumutlang parang isang patay. Hindi niya malaman kung sino ang
nagbibigay ng apyan gayung si Simoun at Padre Irene lamang ang dumadalaw dito.
Nang gabing iyon ay nagsadya si Simoun sa bahay ni Basilio upang ipaalam ang gagawing
himagsikan noong gabing iyon. Nais ni Simoun na pangunahan ang isang pulutong na gigiba ng pinto
ng kumbento upang makuha si Maria Clara.
Subalit huli na ang lahat dahil si Maria Clara ay namatay nang hapon ding iyon. Sa una ay di
makapaniwala si Simoun ngunit naniwala lang ito nang may ipadala si Padre Salvi kay Padre Irene
upang ipaalam kay Kapitan Tiago ang pagkamatay ng dalaga.
Halos sumabog ang puso ni Simoun sa balitang natanggap dahil ito ang dahilan ng kaniyang
paghihimagsik. Samantala’y naiwan si Basiliong awang-awa kay Simoun.
PANUTO:
Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Ipaliwanag ang iyong pagkakaunawa sa
pangyayaring naganap sa nobela. Iugnay ito sa mga pangyayari sa kasalukuyan.
“… iba’t ibang anyo ng kasakiman ang namasid kong nakapangyayari – kubli, hayag,
malupit parang lawing nagpapasasa sa isang bangkay.”
Rubriks sa Pagwawasto
5 puntos – Malinaw at napapanahon ang kaisipang nais iparating at maayos na naorganisa ang
mga salita sa pangungusap.
4-3 puntos – Malinaw at napapanahon ang kaisipang nais iparating ngunit hindi organisado ang
paggamit ng mga salita.
2-1 puntos – Malinaw ngunit hindi napapanahon ang kaisipang nais iparating.
[[
______________________________________________________________________________
Aralin : El Felibusterismo (Kabanata 36 ,Ang Kagipitan ni Ben Zayb)
Markahan 4, Linggo 3, LAS 3
Pamagat ng Gawain : Paghahambing
Layunin : Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip
ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda
Sanggunian : MELC, F10PS-IVb-c-82
________________________________________________________________________________
Buod ng Kabanata 36
Agad na umuwi si Ben Zayb mula sa bahay ni Kapitan Tiago at hindi makatulog. Dito ay
nakaisip na naman niyang gumawa ng balita na bayani raw ang kapitan, ang mga prayleng sina Salvi
at Irene, at si Don Custodio. Gayunman, ibinalik ng patnugot ng kanilang diyaryo ang sulat ni Ben
dahil ipinagbawal daw ng heneral ang pag-alala sa anumang nangyari noong gabing iyon.
Nabalitaan naman ni Ben ang pagsulob sa Ilog Pasig. Ninais na naman niyang gumawa ng balita
ukol doon.
Ngunit natagpuan niya ang sugatang si Padre Camorra na pinagnakawan daw ng mga
naghimagsik. Gustong dagdagan ni Ben ang bilang ng mga lumusob. May nahuli sa mga tulisang
naghimagsik. Umamin itong kasama sila sa pangkat ng isang alyas Matanglawin. Hudyat dawn g
paglusob nila ang pagputok na nangyari. Di naniniwala ang mga nag-aklas na si Simoun ang pinuno
nila. Ngunit nawawala na si Simoun at wala na rin ang mga armas doon.
Aral: May mga kuwento at bali-balitang ginagawa at pinalalala lamang ng mga mananahi ng istorya.
May mga taong napapahamak at naniniwala kaya kailangan ay maging mapagmatiyag.
PANUTO:
Gamit ang Ladder Organizer, ilahad ang mga pangyayari, tunggalian, at lugar na
pinangyarihan upang mailarawan ang buhay ni Simuon.
Bilang Kasintahan:
Bilang Kaibigan:
Bilang Kalaban ng Lipunan:
________________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 4 Linggo 4 LAS 1
Pamagat ng Gawain : Mekaniks sa Pagsulat ng Buod.
Layunin : Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay,
bantas, at iba pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga
pangungusap/ talata.
Sanggunian : SLM Filipino 10, MELC-F10PU-IVb-c-86
Manunulat : Esmeralda M. Sucal
Ang bantas ay mga simbolo na tumutulong sa tama at wastong pagkakaintindi ng mga teksto.
Mga Bantas:Gitling o hyphen, Tuldok o period ( . ), Pananong o Question Mark ( ? ), Padamdam o
Interjection ( ! ),Tutuldok o Colon ( : ),Tutuldok – kuwit O Semicolon ( ; ), Panipi O Quotation Mark( “
“), Panaklong o Parenthesis ( ),Tutuldok- tutuldok o Elipsis ( ... ), Kudlit O Apostrophe ( ‘ ),Gatlang
( - ).
Baybay – sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng “baybay” at
kung saan ito ginagamit. May mga alituntunin sa pagbaybay na pagsulat
Pagbigkas na Pagbaybay, Pagsulat na Pagbaybay at Panumbas sa mga Hiram na Salita.
Ang Pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na gaya ng kaniyang pangalan ito ay nag-
uugnay sa mga salita, sugnay, parirala o pangungusap. Ang Pang-ugnay ay tumutukoy sa mga salita
na nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang yunit o bahagi sa isang pangungusap.
Mga halimbawang pang-ugnay
Pagdaragdag, Paghahambing, Pagpapatunay, Pagpapakita ng Oras, Pag-uulit, Pagpapakita ng
pagkakasunud-sunod, Pagbibigay halimbawa, Pagbubuod o pagbibigay ng kongklusyon.
Gawain 1: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Kopyahin ang Gawain sa sagutang.
________________1. “Namatay si Maria noong Enero 25, 1950.” Ano bantas ang ginamit sa petsa
ng kapanganakan?
________________2. “Malaki ang pagkabagsak ng ekonomiya ng bansa sa pagdanas ng COVID.
Sa kabilang banda gumawa ng paraan ang pamahalaan para solusyunan ang
kahirapan.” Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
________________3. “Patuloy na ugaliin ang social distancing para sa kaligtasan ng lahat.” Alin
sa mga salita ang pang-ugnay?
________________4. “Dyanitor ang trabahong napasukan ni Ruel sa Ayala Center Mall.” Alin
sa paraan ng pagbaybay napabilang ang salitang may salungguhit?
________________5. “Nagpaturok ng vaccine si Ana ngayon 8:00 ng umaga.” Anong bantas ang
ginamit sa pagsulat ng oras?
Aralin : Markahan 4 Linggo 4 LAS 2
Pamagat ng Gawain : Pagsulat ng Buod
Layunin : Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata
Sanggunian : SLM Module, Filipino10, MELC-F10PU-IVb-c-86
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 4 Linggo 4 LAS 3
Pamagat ng Gawain : Nobela (El Filibusterismo)
Layunin : Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng
mga kaisipang namayani sa akda.
Sanggunian : SLM Module, Filipino 10, MELC-F10PN-IVd-e-85
PADRE FLORENTINO
________________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 4 Linggo 4 LAS 4
Pamagat ng Gawain : Nobela (El Filibusterismo)
Layunin : Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao,
magulang)
Sanggunian : SLM Filipino 10, MELC-F10PB-IVd-e-88
________________________________________________________________________________
Ang Nobela ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na nahahati
sa mga kabanata. Ang kathang ito ay karaniwang nabibilang sa katergoryang piksyon, samakatuwid,
ito ay karaniwang kathang isip lamang ng manunulat.
Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman
ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na
kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o
Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sikwel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli,
nagdanas si Rizal ng hírap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan
niya ang akda noong Oktubre ng 1887.
Basahin ang nobelang El filibusterismo, kabanata 3 at 39, pagkatapos sagutin ang sumusunod
na tanong:
PANUTO:
Basahin at ipaliwanag ang mga pahayag na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gawing batayan ang pamantayan sa ibaba.
1. Mas pipiliin mo ba ang iyong sariling kagustuhan o ang kagustuhan ng iyong magulang para
sa iyo? Paliwanag.
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Simoun, gagawin mo rin ba kaniyang pagtitiwakal upang
matakasan ang kaniyang ginawa?
3. Kung ikaw si Padre Florentino, itatapon mo ba sa dagat ang malaking kayamanan ni Simoun?
PAMANTAYAN ISKOR
Angkop ang mga salitang ginamit sa mga pangungusap. 3
Wasto ang baybay at angkop ang mga bantas na ginamit 3
Malinaw na nailalahad ang kaisipan na nais ipahiwatig 7
May kaisahan, napagsunod-sunod ang paglalahad ng kaisipan 7
sa talata
KABUUAN 20
__________________________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 4, Linggo 5 LAS 1
Pamagat ng Gawain : Talakayin Mo
Layunin : Natatalakay ang mga kaisipang : kabuluhan ng edukasyon,;
pamamalakad sa pamahalaan; pagmamahal sa Diyos, bayan, pamilya,
kapwa tao,kabayanihan, karuwagan, paggamit ng kapngyarihan,
kapangyarihan ng salapi, kalupitan at pagsasamantala sa kapwa,
kahirapan, karapatang pantao, paglilibang , kawanggawa, at paninindigan
sa sariling prinsipyo atbp.
Sanggunian : LM 10, MELC F10PB-IVd-e-89
________________________________________________________________________________
Kaisipan- tumutukoy sa mga mahahalagang salita o pahayag na pumupukaw ng atensyon sa mga
mambabasa na makikita sa akdang binasa.
Gawain 1. Talakayin mo. Panuto:Ibigay ang kahulugan ng mga kaisipan gamit ang aklat,
diksyunaryo o batay sa iyong pang-unawa sa mga salita na makikita sa ibaba.
Kaisipan Kahulugan
Kabuluhan ng edukasyon ay and Sistema ng pag-iipon ng kaalamn
tungkol sa ibat-ibang bagay na inaasahang
makabubuti sa pagkatao at kinabukasan ng
bawat indibiduwal.
Pamamalakad sa pamahalaan 1.
Pagmamahal sa Diyos tumutukoy sa relasyon ng isang tao sa
Panginoon
Bayan
Pamilya ay itinuturing na pinakamaliit nay unit sa
komunidad.
Kapwa tao 2.
Kabayanihan 3.
Kapangyarihan ay ang paggawa ng nakabubuti para sa
nakakarami.
Kalupitan 4.
Pagsasamantala sa kapwa- 5.
Kahirapan 6.
Karapatang pantao 7.
Paglilibang 8.
Panindigan 9.
Kawanggawa 10.
_______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 4 Linggo 5 LAS 2
Pamagat ng Gawain : Pagpapaliwanag
Layunin : Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay
ng: karanasang pansarili, gawaing pangkomunidad, isyung Pambansa,
pangyayaring pandaigdig.
Sanggunian : LM 10, MELC F10PN-IVf-90
_______________________________________________________________________________
Batay sa mga pangyayari sa El Filibusterismo ipaliwanag ang mga kaisipan sa ibaba at iugnay ito sa
inyong sarili, komunidad,sa bansa o sa daigdig.
Kaisipan: “
“Di kikilals sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang asal”
a. Sarili
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________
b. Komunidad
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________
c. Bansa o daigdig
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________
Pamantayan Puntos
Wasto at angkop ang ginamit na mga salita ayon
sa tamang gramatika at retorika -------------- 5
Maayos na naipahayang ang opinyon tungkol sa paksa -------------- 3
Naipahayag ang opinion ngunit hindi angkop ang mga
salitang ginamit sa pangungusap -------------- 2
KABUUAN -------------- 10
_________________________________________________________________________________________________
Pamantayan Puntos
Wasto at angkop ang ginamit na mga salita ayon
sa tamang gramatika at retorika --------------5
Maayos na naipahayang ang opinyon tungkol sa paksa
--------------3
Naipahayag ang opinion ngunit hindi angkop ang mga
salitang ginamit sa pangungusap --------------2
KABUUAN ` ------------- 10
Ipaliwanag ang kaisipan sa pamamagitan ng paggawa ng poster slogan. Gamit ang Long bond
paper.
Pamantayan
10 7 4 1
Nilalaman Mabisang Di gaanong Medyo magulo Walang
naipakita ang naipakita ang ang mensahe. mensaheng
mensahe mensahe naipakita.
pagkamalikhai Napakaganda Maganda at Maganda Di maganda at
n at napakalinaw malinaw ang ngunit d Malabo ang
ng pagkasulat pagkagawa gaanong pagkagawa.
malinaw ang
pagkagawa.
Kaugnayan sa May malaking Di gaanong Kaunti lang Walang
paksa kaugnayan sa may ang kaugnayan kaugnayan sa
paksa ang kaugnayan sa ng ginawa sa paksa ang
ginawa paksa. paksa. ginawa
Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang
malinis ang pagkakabuo. malinis ang pagkabuo.
pagkabuo pagkagawa
________________________________________________________________________________
Aralin : El Filibustersimo, Kabanata II (Sa Ilalim ng Kubyerta)
Markahan 4, Linggo 6 LAS 1
Pamagat ng Gawain : Pag-uugnay sa tunay na Pangyayari
Layunin : Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan
Sanggunian : MELC Code: F10PB-IVh-i-92,
Manunulat : Diego Pareja Lambac Jr.
Pamantayan 5 3 1
Ang pagpapaliwanag ay may Ang pagpapaliwag ay May pagpapaliwanag ngunit
tiyak na paksa. Ang lahat ng may tiyak na paksa at may iilang bahagi lamang
Nilalaman isinulat ay may kaugnayan sa may kaugnayan ang ang nagpapakita ng may
hinihinging pagpapaliwanag. isinulat sa paksa. kaugnayan sa paksa.
________________________________________________________________________________
Aralin : El Filibustersimo
Markahan 4 Linggo 6 LAS 2
Pamagat ng Gawain : Pagsasalin
Layunin : Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang
Espanyol
Sanggunian : MELC Code: F10PT-IVg-h-85,
Kabanata 2: Sa Ilalim Ng Kubyerta (Buod)
Ang Wikang Kastila ay ang opisyal na wika ng Pilipinas noong simula ng pamumuno ng mga
Kastila noong mga huling bahagi ng ika-16 na siglo, hanggang sa pagtatapos ng Digmaang
Kastila-Amerikano noong 1898.
Ang wikang Kastila ay naging wika ng pamahalaan, edukasyon, at kalakalan noong buong
panahon ng pananakop ng mga Kastila, at nagsilbi pa bilang lingua franca hanggang sa unang
gitnang bahagi ng ika-20 siglo.
May ilang libong mga hiram na salita mula sa Kastila ang nasa 170 mga katutubong wika sa
Pilipinas, at naimpluwensiyahan ng alpabetong Kastila ang paraan ng pagbaybay na ginagamit
sa pagsusulat ng karamihan sa mga wikang ito.
Mga halimbawa ng mga salitang Tagalog na galling sa salitang Espanyol
Espanyol Tagalog
Agua – bendita Banal na tubig
Libro Aklat
Verde Luntian
Revolucion Rebolusyon
Economia Ekonomiya
liquido Likido (tubig)
Educacion Edukasyon
Familia Pamilya
Appellido apelyido
Panuto: Maghanap pa ng iba pang halimbawa ng mga salitang tagalog na galing sa salitang
Espanyol, salungguhitan ito at isalin sa tagalog ang napiling salitang Espanyol pagkatapos. Bumuo
lamang ng limang pangungusap.
Halimbawa:
Wala masyadong mga kabataan ang nag-aaral sa escuelahan namin dahil malayo ito. –
Paaralan.
1. ______________________________________________________________________.
2. ______________________________________________________________________.
3. ______________________________________________________________________.
4. ______________________________________________________________________.
5. ______________________________________________________________________.
________________________________________________________________________________
Aralin : El Filibustersimo Markahan 4, Linggo 6 LAS 3
Pamagat ng Gawain : Pagbuo ng akda
Layunin : Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang
katulad na akdang binasa
Sanggunian : MELC Code: F10PU-IVg-h-88
Manunulat : Diego Pareja Lambac Jr.
PANUTO: Ipaliwanag ang katanungan sa pamamagitan ng paggawa ng sanaysay. Isulat ito sa isang
buong papel.
Ano – ano ang mga katangian mayrron si Huli/Juli at maihahambing ba ang mga kababaihan
sa panahong naisulat ang nobela sa kasalukuyang panahon?
Pamantayan 10 8 5
Ang pagpapaliwanag ay may Ang pagpapaliwag ay May pagpapaliwanag ngunit may
tiyak na paksa. Ang lahat ng may tiyak na paksa at iilang bahagi lamang ang
Nilalaman isinulat ay may kaugnayan sa may kaugnayan ang nagpapakita ng may kaugnayan
hinihinging pagpapaliwanag. isinulat sa paksa. sa paksa.
________________________________________________________________________________
Aralin : Paghahambing
Markahan 4 Linggo 6 LAS 4
Pamagat ng Gawain : Paghahambing ng mga salita
Layunin : Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing
Sanggunian : MELC Code: F10WG-IVg-h-81
Paghahambing o Komparatibo
Paghahambing na di – magkatulad
1. ___________________________________________________________________________.
2. ___________________________________________________________________________.
3. ___________________________________________________________________________.
4. ___________________________________________________________________________.
5. ___________________________________________________________________________.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “The Reign of Greed” ay isa sa dalawang
magkadugtong na nobela na sinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal
Mercado Alonzo y Realonda. Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa
Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahon ng Kastila.
Ang kabanata 5 ay may titulo na “Ang Noche Buena ng Isang Kutsero” o sa Ingles ay “A
Coachman’s Christmas Eve”.
Paghahambing
Panuto: Sa puntong ito, basahin ang buod ng kabatana 5 na “Ang Noche Buena ng Isang
Kutsero. Pagkatapos mabasa, paghambingin ang prusisyong pinaksa sa binasang kabanata at ang
prusisyon sa kasalukuyan gamit ang talahanayan sa ibaba.
Aspekto Noon Ngayon
Dumadalo
Mga Dasal
Mga Gawain
Layunin
Ang isang nobela kaya higit na nabibigyang sining ay dahil sa mahusay na paglalarawan at
pagbibigay- katangian ng mga tauhan sa akda na siyang kumakatawan sa persona ng nais bigyan ng
katuwiran ng manunulat. Madaling natatandaan at hindi malilimot ang akda dahil sa pangalan at
katangiang taglay ng mga tauhan kung saan masasalamin ng mga mambabasa ang kanilang sarili at
mga taong nasa lipunan. Sino ang hindi nakakikilala kay Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Padre
Damaso at iba pang tauhan ng Noli Me Tangere na ipinakilala ng ating pambansang bayani?
Hanggang sa kasalukuyan ay nakikita pa natin sa ating lipunan ang mga katangiang binigyan ng
katuwiran ng may-akda sa kanyang nobela.
Pagsusuri
Panuto: Magsaliksik, basahin at pag-aralan ang katangian, kaasalan ng mga tauhan sa akdang El
Filibusterismo. Pagkatapos, gamit ang talahanayan sa ibaba, tukuyin at suriin ang katangian ng
tauhang inilalarawan sa mga sumusunod at ang pagpapahalaga at kaasalang Pilipinong binibigyang-
diin ni Dr. Jose Rizal.
KATANGIAN
PRINSIPYO
Ang akdang klasiko ay isang uri ng panitikan na ang layunin ay maipahayag o mailahad ang
mga pangyayari sa paraang payak o karaniwan kung saan ang mga salita ay higit na pinili upang
maunawaan ng mambabasa. Malimit na ang paksang ginagamit ay mga karanasang natatangi, mga
pang-unawa o interpretasyon ng mga iba’t ibang pangyayari, at maging puna sa kapaligiran.
Sa puntong ito, makikita sa kabanata 31: Mataas na Kawani ang pagkakaroon ng katangiang
klasiko ng isang akda.
Pagpapaliwanag
Panuto: Basahin at unawain ang kabanata 31: Mataas na Kawani upang matukoy ang pagiging
klasismo ng isang akda. Pagkatapos, sa isang malinis na papel sagutin ang mga sumusunod
na tanong:
1. Ano ang sadya ng Mataas na Kawani sa Heneral?
________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Sino sa dalawang pinuno ang kahanga-hanga? Bakit?
________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Bakit si Basilio lamang ang naiwan sa bilangguan sa lahat ng mga estudyanteng napiit?
Makatuwiran ba ito? ________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Tama ba nag pasya ng Heneral sa hindi pagpapalaya kay Basilio? Bakit?
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ang makakaharap ng Kapitan Heneral, paano mo siya kukumbinsihin upang mapalaya
si Basilio? _______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Aralin : El Filibusterismo (Paglalarawan, Pang-uri, Tayutay, Matatalinghagang
Salita) Markahan 4 Linggo 8 LAS 1
Pamagat ng Gawain : Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika
Layunin : Nagagamit ang angkop na at masining na paglalarawan ng tao,
pangyayari at damdamin
Sanggunian : Youtube/Pinagyamang Pluma 10 Aklat 2 Module 2 Filipino 10
(F10WG-IVg-h-82)
Gamitin ang iyong imahinasyon. Baguhin mo ang paglalarawan kay Juli na magpapabago rin
sa galaw ng pangyayari upang hindi siya humantong sa ganoong masaklap na wakas. Gawing
masining ang iyong paglalarawan upang kalugdang basahin at maaaring kapulutan ng aral ng iba
pang babae upang hindi sila basta umiyak, maging mahina, at gumawa ng ikapapahamak nila kapag
naharap sa isang pagsubok.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Aralin : El Filibusterismo (Kabanata XVII: Ang Perya sa Quiapo)
Markahan 4 Linggo 8 LAS 2
Pamagat ng Gawain : Pag-unlad/Paglinang ng Talasalitaan
Layunin : Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahahalagang
pahayag ng awtor/mga tauhan;
Sanggunian : Youtube/Pinagyamang Pluma 10 Aklat 2 Module 2 Filipino 10
(F10PT-IVi-j-86)
Buod
Nailarawang mabuti rito ang perya sa Maynila-masaya dahil sa tugtugan at awitan; maraming
makukulay at magagandang bagay na paninda; at naggagandahang mga babae. Naglalabasan din
ang mga kabinataan at karamihan ng taumbayan upang maglibang. Higit pang makikilala rito ang
mga prayle kapag nakakikita ng magagandang binibini.
Panoorin ang buong kabanata sa youtube link na ito https://www.youtube.com/watch?v=N-
jewdhFVWU.
Pag-unlad/Paglinang ng Talasalitaan: Basahin at suriin ang pahayag ng manunulat. Ano ang nais
niyang ipahayag? Ibigay ang kahulugan nito at isulat sa sagutang papel.
1. Si Padre Camorra ay nasa ikapitong langit, dahilan sa naggagandahang dalaga.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Napagkamalan ni Padre Camorrang bisig ng dalaga ang bisig ni Ben Zayb.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa paglapit ng dalaga, ang mga paglakad ay napapahinto, napipipi, at napapalingon.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Minsan pa niyang sinulyapan ang dalaga at ang wika, “Mapalad siya at wala siya sa aking
parokya!”
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Ang sabi ng prayle ay nag-aangkin ang mga Indio ng katalinuhan sa pag-iiskultor ngunit paggawa
lamang ng mga santo ang dapat harapin.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Aralin : El Filibusterismo
Markahan 4 Linggo 8 LAS 3
Pamagat ng Gawain : Pagsulat at Pagbaybay
Layunin : Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na
isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang
panlarawan
Sanggunian : Youtube/Pinagyamang Pluma 10 Aklat 2 Module 2 Filipino 10
(F10PU-IVi-j-89)
Iguhit dito
Ang pangyayaring ito ay
________________________________________________________________________________
Aralin : El Filibusterismo (Pang-uri)
Markahan 4 Linggo 8 LAS 4
Pamagat ng Gawain : Pag-unawa sa Binasa
Layunin : Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-
uring umaakit sa imahinasyon at mga pandama
Sanggunian : Youtube/Pinagyamang Pluma 10 Aklat 2 Module 2 Filipino 10
(F10PB-IVi-j-83)
Si Simoun ay _______________________________________________________________