Professional Documents
Culture Documents
ArPan 10 3rd Quarter Exam
ArPan 10 3rd Quarter Exam
Department of Education
Region V
Schools Division of Albay
Malabiga HighSchool
Libon, Albay
A. MARAMIHANG PAGPIPILI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Pillin at bilugan ang pinaka tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa iyong kakayahan na magkaroon ng atraksyong pisikal, kung siya ay lalaki o babae o
pareho.
A. Heterosexual
B. Oryentasyong seksuwal
C. Homosexual
D. Pagkakakilanlang pangkasarian
2. Ano ang tawag sa mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian?
A. Asexual C. Intersex
B. Bisexual D. Queer
3. Kinikilala ito bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na
maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
A. Heterosexual C. Oryentasyong seksuwal
B. Homosexual D. Pagkakakilanlang pangkasarian
4. Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal.
A. Breast flattening C. Female Genital Mutilation (FGM)
B. Breast ironing D. Foot Binding
5. Sa panahong ito nagkaroon ng pagbabago sa mga gampanin ng kababaihan sa lipunan gaya ng paglahok sa
pagboto at karapatang makapag-aral.
A. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Hapones
B. Panahon ng Espanyol D. Panahong Pre-Kolonyal
7. Noon, kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa ay maaari niya itong gawin sa pamamagitan
ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama. Subalit kung ang babae ang
magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, ano ang maaaring mangyari?
A. Maaari siyang magsampa ng demanda.
B. Wala siyang makukuhang anumang pag-aari.
C. Makukuha niya ang kostodiya ng kanilang mga anak.
D. Mababawi niya ang mga ari-ariang ibinigay sa kaniya sa panahon ng kanilang pagsasama.
11. Anong oryentasyon mayroon si Erica kung siya ay nakararamdam ng pisikal o romantikong atraksyon sa
kapwa niya babae?
A. Asexual C. Lesbian
B. Gay D. Transgender
12. Anong oryentasyon mayroon si Paolo kung siya ay nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian?
A. Bisexual C. Heterosexual
B. Gay D. Intersexual
14. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o
kalayaan.
A. Diskriminasyon C. Karahasan
B. Gender roles D. Magna Carta
15. Ano ang tawag sa proseso ng pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan
ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy?
A. Breast ironing C. Female Genital Mutilation
B. Foot binding D. Suttee
18. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasan sa mga kababaihan.
A. GABRIELA C. USAID
B. LADLAD D. UNDP
19. Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae upang hindi ito lumaki nang
normal.
A. Breast ironing C. Female Genital Mutilation
B. Foot binding D. Suttee
21. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng Seven Deadly Sins Against Women?
A. Pananakit C. Pananakot
B. Exploitation D. Prostitusyon
25. Ano ang tawag sa mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae upang hindi ito lumaki
nang normal?
A. Breast ironing C. Female Genital Mutilation
B. Foot Binding D. Suttee
26. Anong batas ang nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. Humanity Act
B. Anti-Homosexuality Act
C. Magna Carta for Women
D. Violence Against Women and Children
27. Ang sumusunod ay halimbawa ng Seven Deadly Sins Against Women maliban sa isa.
A. Incest C. Pangangaliwa
B. Pambubugbog D. Panggagahasa
31. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay lunas at
proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag nito.
A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women and Children in Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
32. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna Carta for
Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
33. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad o primary
duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. Paaralan C. Senado
B. Pamahalaan D. Simbahan
34. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima
ng pang-aabuso, karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at mga babaeng
nakakulong.
A. Women of the Society
B. Able Women of the Society
C. Especial Women in Difficult Circumstances
D. Women in Especially Difficult Circumstances
35. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong ipinatutupad ang
community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan nabibilang ang mga biktima ng
prostitusyon?
A. Marginalized Women
B. Women in Marginal Society
C. Focused Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
38. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalang- tao. Bilang
isang empleyado, anong benepisyo ang makukuha niya sa kompanya kapag nanganak na ang
kanyang asawa?
A. Maternity Leave
B. Paternity Leave
C. Leave for Fathers
D. Paternity Leave of Absence
40. Ito ay isinabatas upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat
ng bagay alinsunod sa mga Batas ng Pilipinas.
A. Magna Carta for Men
B. Magna Carta for Women
C. Gender and Equality Rights
D. Anti-Discrimination Act for Men and Women
41. Ito ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong
sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw at
pagkalooban ng kaukulang pasahod.
A. Republic Act 1161 C. Republic Act 8187
B. Republic Act 8971 D. Batas Pambansa Bilang 1162
42. Sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit sa mga kababaihan at
anak nito?
A. Live-in partners na lalaki
B. Kasalukuyan at dating asawang babae
C. Kasalukuyan at dating kasintahan babae
D. Mga lalaking nagkaroon ng anak sa lalaki
43. Ang sumusunod ay mga dahilan upang mag-file ng Paternity Leave ang isang empleyadong
lalaki maliban sa:
A. pagkatapos ng kasal
B. habang nagbubuntis ang legal na asawa
C. pagkatapos manganak ng kanyang legal na asawa
D. bago, habang at pagkatapos manganak ng legal na asawa
44. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalangtao. Bilang
isang empleyado, anong benespisyo ang makukuha niya sa kompanya kapag nanganak na ang
kanyang asawa?
A. Maternity Leave C. Leave for Fathers
B. Paternity Leave D. Paternity Leave of Absence
46. Binubuo ang prinsipyo ng Yogyakarta ng 29 na prinsipiyo. Saan nakaayon ang mga ito?
A. Batas Pambansa
B. Pandaigdigang Batas ng mga Kristiyano
C. Batas ng Pagkakapantay-pantay sa lipunan
D. Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao
47. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-unahang mambabatas na transgender. Siya
ang nagpanukala ng SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang isinasaad sa
sitwasyong ito?
A. karapatang mabuhay
B. karapatan sa trabaho
C. karapatan sa edukasyon
D. karapatang lumahok sa buhay-pampubliko
49. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may karapatang maipagtanggol ang sarili sa
tulong ng isang abogado sa harap ng korte o hukuman. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang
nagsasaad nito?
A. karapatan sa patas na paglilitis
B. karapatan sa seguridad ng pagkatao
C. karapatan sa hindi arbitraryong mapiit
D. karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit
50. Ipinakikilala ng prinsipyong ito ng Yogyakarta na ang lahat ng tao ay isinilang nang malaya at
pantay sa dignidad at mga karapatan.
A. karapatan sa trabaho
B. karapatang mabuhay
C. karapatan sa pribadong buhay
D. karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao
51. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang mapayapang
demonstrasyon. Ito ay naglalayon na maipaglaban ang kanilang karapatan. Ang pangungusap ay
nagpapahayag na:
A. anuman ang kasarian ay maaaring makibaka
B. ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya
C. ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon
D. walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo kung saan nila gusto
52. Si Ilo ay isa sa mga pasyenteng tinanggihan ng ilang mga ospital dahil sa siya ay kinakitaan ng
sintomas ng COVID-19. Anong karapatan niya ayon sa Yogyakarta ang binalewala?
A. karapatang tanggapin sa ospital
B. karapatan sa mga pasilidad ng ospital
C. karapatan sa social security at iba pang proteksiyong panlipunan
D. karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit
53. Ayon sa GAD ang lalaki at babae ay mayroong pantay na pagkakataon sa pagkukunan ng
kabuhayan para sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita nito?
A. pantay na pagtrato sa pagpapaunlad na kaalaman
B. pantay na access sa ligtas at malusog na kapaligiran
C. patas na pagbibigay ng mga insentibo sa pagbili ng pangangailangan
D. pantay na pakikilahok sa mga pagpapasya sa lahat ng antas sa trabaho
55. Paano makatutulong ang mga polisiya ng GAD sa pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa
lipunan?
A. pagpapatupad ng mga patakarang pangkabuhayan
B. pagrereporma ng mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian
C. pagsusuri sa ginagawang pagtutulungan ng lalaki at babae sa lipunan
D. pagpapanatili ng maayos na relasyon ng lalaki at babae sa pamayanan
57. Paano makatutulong ang mga polisiya ng Gender and Development sa pagkakapantay-pantay
ng lalaki at babae sa lipunan?
A. pagpapatupad ng mga patakarang pangkabuhayan
B. pagrereporma ng mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian
C. pagsusuri sa ginagawang pagtutulungan ng lalaki at babae sa lipunan
D. pagpapanatili ng maayos na relasyon ng lalaki at babae sa pamayanan
59. Ang pagpapaunlad ng kasarian ay hindi lamang para sa mga kalalakihan, ito ay para sa mga
kababaihan din. Paano pinauunlad ng GAD ang kapakanan ng mga kababaihan?
A. pinahahayag ang malayang opinyon ng kababaihan
B. pinagtitibay ang mga kakayahan ng kababaihan sa lipunan.
C. pinahahalagahan ang pagkakakilanlang panlipunan ng kababaihan
D. pinagbubuti ang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan para sa kababaihan
60. Isang aplikanteng lalaki ang hindi tinanggap sa paaralang kaniyang inaaplayan sapagkat
pawang mga babae lamang ang nagtuturo rito. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nabalewala?
A. karapatang mabuhay C. karapatan sa malayang pagkilos
B. karapatan sa trabaho D. karapatang magbuo ng pamilya
-LOLLI-