Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Detailed Lesson Plan in Filipino Grade 5

Detilyadong Banghay Aralin sa Filipino 5


I. LAYUNIN:
 Matututo kung ano ang kahalagahan 3R’s
 Ma

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Mag isip bago magtapon: Responsableng pagtatapon ng basura, sa kapaligiran at tao,
dulot ay pag papala.
B. Sanggunian: Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma, pahina 21-28
C. Kagamitang Panturo: Laptop, white board, marker
D. Values: Kooperasyon/ Pagbibigay halaga

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagdadasal
Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin *Panalangin*
2. Pagbati
“Magandang umaga sa inyong lahat mga bata” “Magandang umaga din po ma’am”

“Maari na kayong umupo mga bata” “Salamat po, Ma’am”

3. Pagtatala ng Pagliban

“May nagliban ba sainyo? “Wala po ma’am”

B. Pag-ganyak

“Ngayon may ipapakita akong larawan at sabihin


ninyo kung ano-ano ang mga nilalagay o tinatapon
ninyo sa basurahan o mga bagay na itinuturing
ninyong basura sa inyong tahanan o pamayanan.”

*Mag-aaral 1 nag taas ng kamay*


“Sino ang unang gustong sumagot?”
“Ako po, Ma;am”

“Sige”
“Ang mga bagay na pwede po ilagay sa
basurahan na makikita po sa aming bahay ay
kagaya po ng papel, karton, metal, plastik,
gulong, tela, baterya, at iba pa”

“Magaling! Tama ang iyong mga nabanggit”

“Sino pa ang gustong sumagot? *Mag-aaral 2 nag taas ng kamay*


“Tira-tirang pagkain po ma’am gaya ng
kanin, gulay, isda karne at buto”

“Mahusay! tama ang iyong sagot, Ano pa?


*Mag-aaral 3 nagtaas kamay at tumayo*

“Sige”
“Mga balat ng prutas,gulay, rekado at mga
halaman na mula sa hardin po ma’am”
“Magaling mga bata, tama po lahat ang inyong mga
sagot”

C. Paglalahad

“Alam niyo ba ang paghahakot at pagtatambak ng


basura sa ating nakagisnan ay hindi wasto. Ito ay
isang malaking banta sa kalusugan at buhay ng mga
mamamayan at sa ating kalikasan. Kaya importante
na maayos ang pagtatapon at pag iipon natin ng
basura.”

“Kagaya ng pag hihiwalay sa nabubulok at di


nabubulok na basura, Isa ito sa magandang
halimbawa ng pagpapahalaga sa ating kapaligiran at
kaunlaran ng ating bansa.”

“Nagyon ipapaliwanag ko sa inyo ang mabisang


paraan para mabawasan ang ating mga basura, ito ay
ang 3R’s

*Pinaliwanag kung ano ang 3R’s*

3R’s
(1) Reduce – pagbawas ng paggamit ng mga bagay
na hindi mabuti sa kapaligiran.
(2) Reuse – muling pag gamit ng bagay na luma o
pagrerenta na lamang sa halip na bumili ng bago *nakikinig ng mabuti ang mga mag-aaral*
(3) Recycle – pag poproposeso ng mga bagay na
patapon o itinuturing na basura gaya ng plastic,
metal, bakal at iba pang bagay na hindi natutunaw.
“Opo, ma’am!”
“Naintindihan niyo na ba ang tatlong R?”

“Ngayon, meron na kayong ideya patungkol sa


wastong pag tapon ng basura upang mapanatiling
malinis ang ating kapaligiran. ‘Ika nga sa tulang
iyong mababasa sa araling ito, ‘Mag-isip Bago
Magtapon!’
*Nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral”
“Sa pagpapatuloy ng ating aralin, sino po ba sainyo
ang maaring magbasa ng tula sa pahina 24 na
pinamagatang ‘Mag-isip Bago Magtapon’
*Binasa ni Cecilia ang tula
“Sige Cecilia, basahin mopo ang tula at bigya ng Mag-isip Bago Magtapon
buhay ito” By Mary Grace del Rosario

Tapon dito... Tapon doon


Walang humpay ang iresponsable sa
pagtatapon,
Bagay na puwede pang pakinabangan,
Itinatapon na lang nang walang alinlangan.

Bakit hindi muna mag-isip,


Kung bagay ay puwede pang magamit
Nang hindi ito masayang
At mauwi lamang sa basurahan?

Matuto tayong sumuri kung alin sa mga ito


Ang puwede pang gamitin at man iresiklo,
Sikapin nating tipirin ang mga bagay-
bagay
Upang sa planeta’y makatulong na tunay.

Lumang bote'y puwede pango magamit,


Maaaring gawing plorera o pamparikit.
Papel na sinulatan, 'wag basta lukutin,
Maaari pang gamitin sa susunod na sulatin.

Reduce, reuse, recycle ang laging isaisip


Upang sa pagkasira ang daigdig nati'y
masagip
Isa lamang ang mundong ating tinitirhan
Mahalin natin ito at pangalagaan.

“Salamat Cecilia, napakaganda ng iyong


pagkakabasa maari kanang maupo” Cecilia: “Salamat po, ma’am”

“Buksan ang libro sa pahina 29, Ngayon ay aalamin


natin kung paano ang wastong paggamit ng Tulang
May Sukat at Malayang Taludturan”

“Ang akdang binasa ni Cecilia ay isang tula. Ito po


ay naglalarawan ng buhay ng nagtataglay ng
madaming pahayag at binibigkas nang masining o
puno ng damdamin. Ito ay maaring may sukat o
malayang taludturan.” Athena: “Ang sukat ay tumutukoy sa bilang
ng pantig sa bawat taludtud. Ang
“Athena paki-basa po ang sunod na talata” karaniwang sukat ng isang tula ay
wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing
animin, at lalabingwaluhing pantig.
Samantala, ang malayang taludturan ay
yaong tulang walang tiyak na sukat o bilang
ng pantig sa bawat taludtod o saknong.

“Salamat, Athena maari kana maupo”

“Narito ang halimbawa ng tulang may sukat mula sa


Ibon Adarna”
Sa halimbawang ito ay mapapansin natin na ang
bawat parilala ay may bilang na tig lalabing waluhin
ang sukat ang bawat talata.

Ngayon basahin naman natin ang nasa pesira na


pinamagatang Ecological Waste Managemnet Act
*Binasa ang patalastas sa pahina 31*

Kasarian at Kailanan ng Pangngalan

Ang pangngalan ay may apat na kasarian

1. Panlalaki – ang kasariang ito ay tumutukoy sa


ngalan ng lalaki.
Halimbawa: ama, tiyuhin, lolo, buriko, tandang

2. Pambabae – Ang kasariang ito ay tumutukoy


naman sa ngalan ng babae
Halimbawa: nanay, tiyahin, lola, dumadalaga,
inahin
3. Di tiyak – Di tiyak ang kasarian ng maaring
tumutukoy sa ngalan ng isang lalaki o babae.
Halimbawa: mamamayan, kabataan, mag aaral

4. Walang kasarian – ito ang mga ngalang


tumutukoy sa mga bagay na walang kasarian.
Halimbawa: basura, pera, bayan, pagkain

*Ipaliwanag sa mga mag aaral*

“Ang pangngalan ay mayroon din tatlong


kailanan. Ito ay maaaring maging isahan,
dalawahan, at maramihan. Makikilala ito sa
papamagitang ng:

1. Mga Pananda (pantukoy at pang-ukol)


Isahan – si, ang, kay
2. Mga Pang-uring Panlawaran
Isahan – mabuting kaibigan malinis na puso
Maramihan – mabubuting kaibigan, malilinis
na puso
3. Mga Pang- uring Pamilang
Isahan – isang kaibigan
Dalawahan – dalawang kaibigan
Maramihan – maraming kaibigan
4. Paglalapi
Dalawahin - magkaibigan, magkapatid
Maramihan – magkaibigan, magkakapatid

D. Pagsasanay

“Sagutan natin sabay sabay ang nasa pahina 23 na


pinamagatang ‘Payabungin Natin’

Ibigay ang kahulugan ng salita batay sa depinisyong


nakatala sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

lukot marikit plorera reduce reuse

_______1. pagbabawas ng paggamit o pagkunsumo


_______2. iba pang tawag sa maganda o kaakit-akit Mag-aaral: reduce po ma’am!!
_______3. isang uri ng palamuti na maaring lagyan ng
bulaklak
_______4. gusot o may mga bakas ng tupi
_______5. gumamit na muli o muling gamitin ang isang
bagay
Mag-aaral: marikit po ma’am!!
“Sa unang depenisyon, ano sa tingin ninyo ang
nakatalang salita para dito?

“Magaling! Tama ang inyong sagot” Mag-aaral: plorera po ma’am


“Sa ikalawang depinisyon naman, ano sa tingin niyo
ang nararapat na salita dito?”
*Mag-aaral nag taas ng kamay*
Mag-aaral “Ako po, ma’am!”
“Mahusay!”

Sa sunod na bilang, ano ang inyong napiling salita?


Mag-aaral: “gusot o may mga bakas ng tupi,
ang sagot ko po ma’am ay lukot”
“Tama ang iyong sagot, magaling!”

“Sa ika-apat na bilang sino ang gustong basahin


muna bago sagutin? *Mag-aaral nag taas ng kamay*
Mag-aaral “Ako po, ma’am!”
“Sige, basahin mo muna bago mo sabihin ang iyong
sagot”
Mag-aaral: gumamit na muli o muling
gamitin ang isang bagay
“Mahusay!” Sagot: Reuse!
“Sa pang limang bilang sino ang gustong sumagot?

“Opo, Ma’am”
“Sige, basahin mo muna bago mo sabihin ang iyong
sagot”

*Nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral”


“Ngayon sa pagpapatuloy ng ating aralin, sino
sainyo ang nakapagbasa na ng tula sa pahina 24 na
pinamagatang “Mag-isip Bago magtapon” Mag-aaral: Tungkol po sa wastong tapon ng
basura”
Patungkol saan ang tula na inyong nabasa?

“Mahusay” Mag-aaral: Ang tamang pagtapon po ng


basura ay naayon sa segregation o ang
Sa iyong palagay paano ba ang tamang pagtatapon paghihiwalay sa nabubulok, di nabubulok at
ng basura?” recycle.

Mahusay!

Ang kabuluhan ng kaalaman sa tamang pagtapon ng


basura ay nakasalalay ang ating kalikasan, kung
patuloy tayong tapon ng tapon sa kung saan malaki
ang posibilidad na masira ang iniingatan nating
kalikasan at maapektohan ang ating kalusugan.

Gawin Natin

A. Isulat sa bilog ang MS kung ang saknong sa loob


ng kahon ay may sukat o ang MT kung ito ay
isang malayang taludturan.
E. Pangwakas na Gawain

“Bilang pang wakas na Gawain, ay sagutan ninyo


ito”

Kompletuhin ang talahanayan ng kasarian ng pangngalan sa


kabilang pahina. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Abogado Bayani Dukesa Inahin


Kaharian Korte Magulang Manok
Modista Sastre Tatay Tiyuhin

Panlalaki Pambabae Di-Tiyak Walang


Katausan
tandang (1) (2) hawla
(3) nanay (4) Tahanan
duke (5) pinuno (6)
(7) abogada manananggal (8)
(9) (10) mananahi makina

F. Takdang Aralin:

Bumuo ng tula tungkolsa responsableng pagtatapon


ng basura kaugnay ng paksang reduce, reuse, o
recycle. Isaalang- alang ang natutuhan sa Alamin
Natin tungkol sa tula. Malayang pumili kung may
sukat o malayang taludturan ang tulang bubuoin.
Gawin ito sa isang malinis na papel.

____Eloisa Parada___
Tagapagturo

You might also like