Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

"LUGMOK SA KAHIRAPAN,

UHAW SA HUSTISIYA"
Likha ni: Shiela Myka Jajim

Isang mapayapang araw sa ating lahat, lalong-lalo na sa ating guro na si Ginang.


Irene Tupaz. Ako si Shiela Jajim na narito ngayon sa inyong harapan upang
pukawin ang inyong kaisipan at nawa'y kayo'y may matutunan. Bago ko simulan
ang aking talumpati, nais ko sanang hingin ang atensyon ng bawat isa.

Maraming pilipino ang gustong umangat, maraming pilipino ang nais na


umasenso, maraming pilipino ang nag-titiis sa hirap dahil rin sa kapwa nila
pilipino.

Bilang isang mag-aaral, hindi ko lubos na maisip kung bakit mas maraming
pilipino ang nag-hihirap kesa sa mga uma-angat. Dahil ba sa bulok na sistema? O
dahil rin sa taong nasa taas at may maling pamamahala?

Tayo'y mag-isip isip, kung palalawigin ang kaisipan ng bawat isa, hindi ninyo rin
nanaisin ang ganitong sistema ng pamamahala, kundi mabigyan kayo ng linang at
kontrahin ang di aniyang sumisira sa kabuhayan ng pilipino.

Mga tanong na gumugulo sa aking isipan, nais ko sanang mabigyan ng kasagutan.


Ano ba ang silbi ng demokrasya? nasaan naba ang hustisiya? Makakamtan pa nga
ba?

Alam niyo bang, pitumpu't limang porsyentong mamamayang pilipino ang biktima
ng maling paratang? Pitumpu't limang porsyentong mamamayang pilipino ang
lugmok sa kahirapan? at pitumpu't limang porsyentong mamamayang pilipino ang
biktima ng karahasan. Dalampu't porsyentong mamamayang pilipino nalang ba
ang nabubuhay sa karangyaan?

Napaisip ako, bakit karamihan sa namamatay ay mahihirap? mga bigating


sindikato ba'y mahirap mahagilap? Bakit lahat ng maling paratang ay dinidiin sa
mahihirap? Sabihin na nating akusado nga sila ngunit hindi kamatayan ang
solusyon ng lahat. Tao rin sila na may karapatang mag-bago at mangarap.

Bulok na sistema at pamahalaang may pusong patay, huwag ninyong ilagay ang
batas sa inyong mga kamay. Kundi pairalin ninyo sana ito ng pantay-pantay, upang
mamamayang pilipino ay makaranas rin ng mapayapa at tahimik na pamumuhay.

Bulok na Industriya't kinakalawang na batas, ang guminhawa't nakinabang ay ang


mga taong nasa taas. Mga taong gahaman at dahas, kapag mayroong kokontra
tiyak buhay at mag-wawakas.

Ako bilang isang mamamayang pilipino, walang kalaban-laban, ano nga ba ang
mai-kokomento ng damdamin ko? Bago pa man mag-wakas ang lahat, patagin na
natin ang Bundok ng kasakiman. Hukayin na natin ang nakalibing na karapatan,
sungkitin na natin ang nakabitay na katarungan, palayain na natin ang naka-
bilanggong kalayaan.

Marami man ang lugmok sa kahirapan, ngunit sana'y huwag mawalan ng pag-
asang may bukas pang nakalaan. Isa ka man sa naging biktima, Isa ka man sa
taong nadapa sa putik ng pagdurusa, Isa ka man sa taong uhaw na uhaw sa
hustisiya, tandaan mo na habang may buhay, may nakalaan pang pag-asa na
balang araw ay makakamit mo rin ang Hustisiya.

You might also like