Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
SCHOOL DIVISION OF SORSOGON CITY
SORSOGON NATIONAL HIGH SCHOOL

Paaralan: Pambansang Mataas na Paaralan ng Guro: JACQUELINE P. Markahan: UNA


Sorsogon GAMIS
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipmamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto
MELCS Code: F7PN-1c-d-2
Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.
II. NILALAMAN
Paksa: Ang Aso at ang Leon (The Dog and the Lion)
(Pabula ng Maranao)
KAGAMITANG PANTURO:
A. Sanggunian
 Patnubay ng Guro
 Mga Pahina sa teksbuk: Panitikang Rehiyonal, pp.23-33
 Karagdagang Kagamitan Mula sa Portal na Learning Resources
 Iba pang Sanggunian
B. Iba pang Kagamitang Panturo
 Laptop, Powerpoint Presentation, Short Video Clips
III. PAMAMARAAN
1. PAUNANG GAWAIN (Before the Lesson)
Paalala bago magsimula ang sesyon:
 Ayusin ang hanay ng mga upuan at tingnan sa ilalim ng upuan kung mayroong kalat at
pulutin ito.
 Kapag nilagay ng guro ang kanyang kamay sa bibig ay nangangahulugan na
manahimik at magsisimula na ang talakayan
 Ihanda ang sarili sa aralin.

a. Pagbabalik-aral (WIKAHON)
 Magpapakita ang guro ng isang kahon na tatawaging wikahon. Mula sa Wikahon ay
may nakatagong mga salita na bubunotin ng mag-aaral.
 Ang nakaraang aralin ay mababalikan sa pamamagitan ng nabunot na salita na
bibigyang kahulugan o ipapaliwanag ng mag-aaral sa klase.
 Tatawag ng iba pang mag-aaral upang ibahagi ang mahahalagang kaalaman sa
tinalakay na aralin noong nakaraang araw.

b. Pangganyak (Short Video Clip-PPT)


 Magpapakita ang guro ng isang short video clip ng pabula na pinamagatang Ang Aso at
Ang Uwak. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung sino sino ang mga tauhan sa
napanood na pabula.
 Ang guro ay magbibigay ng iba pang mahahalagang katanungan batay sa napanood na
pabula.
 Tanong (pang-ugnay sa araling tatalakatin): Ano ang tawag sa akdang pampanitikan na
ang mga tauhan sa akda ay mga hayop?
 May nakalaang pagpipilian na ipapakita ang guro upang mas madaling matukoy ng
mag-aaral ang akdang pampanitikang napanood na ang mga tauhan ay mga hayop.

c. Pangganyak na tanong:
 Guro: Ano kaya ang pamagat ng pabula na tatalakayin natin sa araw na ito. Gusto niyo
bang malaman? Tara! Magtulungan tayo at alamin natin ito?

2. MGA GAWAIN SA PAGLINANG AT PAGTALAKAY SA ARALIN


(During the Lesson)

a. Paglalahad ng Aralin
 Ilalahad ng guro ang paksang aralin
Pangganyak na tanong:
 Bakit hayop ang nagsisikilos at nagsasalita na parang tao ang karaniwang ginagamit na
tauhan sa pabula? Tuklasin natin ito!

b. Pagtalakay sa Aralin (graphic organizer-PPT)


 Ang guro ay gagamit ng creative mind map, sa pamamagitan nito ang mga mag-aaral
ay makapagbibigay ng mga kaugnay na impormasyon o mga salita tungkol sa pabula.
 Ang mga mag-aaral ay makabubuo ng kahulugan ng pabula batay sa mga nakalap na
impormasyon o mga salitang ibinigay ng bawat mag-aaral.
 Pagbibigay ng panuto at mga dapat tandaan sa mabisang pakikinig tungkol sa pabulang
babasahin.
 Magkukwento ang guro gamit ang accordion/masining na pagkukwento tungkol sa
Aso at ang Leon. (accordion-fold book)
 Gagamitin ang mga sumusunod na mga tanong bilang gabay sa talakayan.
Tanong: (Call a friend)
 Sino-sino ang mga tauhan sa napakinggang akda?
 Ano-ano ang ipinakitang katangian ng bawat tauhan?
 Sa iyong palagay, kung ikaw ang nasa katayuan ni Ardilya tutularan mo rin ba ang
kanyang ginawa?
 Ano ang mahihinuha mo sa sinabi ng matangdang aso sa ardilya na “matanda na ako at
maraming karanasan?

c. Paglalapat (Pangkatan)

 Magbibigay ng panuto at pamantayan bago isagawa ang bahaging ito.


 Papangkatin ang klase sa tatlo at bawat pangkat ay magbibigay hinuha sa mga
nakalaang sitwasyon na may kaugnayan sa pahayag na napili.
 Mula sa mga pahayag ay pipili at iaangkop ng mag-aaral kung saang kahon ito
nabibilang o sinong tauhan ang nagpahayag nito.
 2 minuto lamang ang palugit na oras sa bawat pangkat na tapusin ang gawaing
ibinigay. Pagkatapos ng gawain ay ipakita at iuulat ang hinuha sa harap ng klase.
PANGKAT I – Kakainin ng mga Trolls ng Buhay sa Social Media
PANGKAT II – Paglala ng Kriminalidad
PANGKAT III- “MARITES” (Mare ano ang latest)
 Bago ang presentasyon ng output ay tiyakin na matapos sa loob ng 2-3 minuto ang pag-
uulat. Isa lamang ang itatalaga sa bawat pangkat na mag-uulat at maghahanda na ang
susunod upang maging maayos ang daloy ng presentasyon.
 Presentasyon ng mga awtput.
 Batay sa mga kasagutan, ang guro ay magbibigay ng pagkilala sa pamamgitan ng
“Aprub!, Ayos! At magaling! cheer” kung nakuha ng mag-aaral ang gawain sa aralin.
Pagpapalalim sa pag-unawa ng mag-aaral sa pamamagitan ng mga tanong batay sa
paksang hindi gaanong naunawaan.

d. Paglalahat
 Ano ang natutunan mo sa tinalakay na aralin?
 Bakit mahalagang pag-aralan ang pag-hihinuha?

3. PANAPOS NA GAWAIN (After the Lesson)

a. Pagtataya
 PANGKALAHATANG PANUTO: Magpapanood ang guro ng maikling video clip.
Mula sa napanood, magbibigay ng hinuha ang mga mag-aaral tungkol sa kinalabasan
ng pangyayari.

 Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang wastong sagot gaya ng
pagpili mo sa taong mahal mo. Titik laman ang isulat sa sagutang papel. (Multiple
Choice sa bilang 1-3)

1. Ano ang naging pananaw at saloobin mo sa naging kilos, galaw at pananalita ng


mga tauhan sa akda?
a. Ang tanging tauhan sa pabula ay tao lamang. Wala nang iba.
b. Mga bagay ang kumakatawan sa pag-uugali ng tao
c. Ang mga tauhan sa kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop ang
sumasagisag, at nasasalamin ang katangian at pag-uugali ng mga Pilipino sa
pabula.
2. Anong gintong aral ang iyong natutunan sa napanood na pabula?
a. Ang suliranin ng kapwa ay maaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya
tutulungan.
b. Ang pagiging matulungin ay may katapat na kaparusahan.
c. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay may makasariling pag-
uugali.
3. Bakit hayop ang nagsasakilos at nagsasalita na parang tao ang karaniwang
ginagamit na tauhan sa pabula?
a. Ginamit ang mga hayop bilang tauhan upang purihin ang pag-uugali ng mga
tao.
b. Karaniwang ginagamit ang mga hayop na tauhan sa pabula upang itago ang
katauhan at pag-uugali ng mga tao sa lipunan na hindi masabi nang
hayagan at huwag mapintasan.
c. Karaniwang ginagamit ang mga hayop sa pabula dahil may buhay at
damdamin ito.

 Isulat kung ano ang iyong hinuha sa mga sumusunod na pangyayari (Bilang 4-5)

4. Hindi tinulungan ni Kabayo ang kasamang kalabaw na nanghihina at wala nang


kakayahang dalhin o pasanin an napakabigat na gamit.
Hinuha:____________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Pagtutulungan ng mga Pilipino upang malabanan ang paglaganap pa ng virus na
siyang ugat kaya marami ang naapektuhan at pagbabayanihan din upang
mabawasan kundi man tuluyang mawakasan ang COVID pandemic na ito.
Hinuha:____________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pamantayan sa bilang 4-5


1. Naibibigay ang sariling hinuha sa mga ideya.
2. Wasto ang gamit ng mga salita at organisado ang ideya.
3. Malinis at maayos ang pagkakasulat/pagkakabuo
4. Naibahagi ang dating kaalaman na may kaugnayan sa napanood na pabula.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA PUNTOS


1. Lahat ng pamantayan ay naisagawa 5 puntos

2. Isa sa pamantayan ay hindi naisagawa 4 puntos

3. Dalawa sa pamantayan ay hindi naisagawa 3 puntos

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
1. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
2. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa Remediation.
3. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-
aaral na nakaunawa sa aralin
4. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remedial

5. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
6. Anong suliranin ang aking naranasan na maaring
masolusyunan sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
7. Anong kagamitang panturo ang aking natipuhan
na nais kong imungkahi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

JACQUELINE P. GAMIS
Guro, PMPS

You might also like