2nd Periodical Exam 2022-2023

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

POBLACION POLOMOLOK NATIONAL HIGH SCHOOL

Brgy. Pagalungan, Polomolok, South Cotabato


ARALING PANLIPUNAN 10: MGA KONTEMPORARYONG ISYU
2nd Quarter Examination

Pangalan: __________________________________________________ Iskor: ____________


Pangkat: _____________________________ Petsa: ____________________

I. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag o katanungan. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa patlang ng bawat aytem.
___1. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
a. Paggawa b. Ekonomiya c. Migrasyon d. Globalisasyon
___2. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
a. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
b. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
c. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa buong mundo
d. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa
mundo.
___3. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
a. Ekonomikal b. Teknolohikal c. Sosyo-kultural d. Sikolohikal
___4. Ito ay mga maaaring positibong epekto ng globalisasyon sa buhay ng mga tao, maliban sa isa. Ano Ito?
a. Nagkakaroon ng pagkakaisa ang mga bansa.
b. Nagkakaroon ng malayang kalakalan.
c. Panghihimasok ng ibang bansa sa mga isyu at desisyon ng pamahalaan.
d. Malayang nakapaghahanap ng trabaho ang mga tao.
___5. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
a. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na
matagal ng naitatag
b. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
c. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
d. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking
industriya
___6. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
a. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
b. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng
kapinsalaan.
c. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga
bansa
d. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
___7. Ano ang tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag ng pasilidad sa ibang bansa na kung saan
ang kanilang produkto o serbisyo na ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal?
a. Multinational Corporations b. Outsourcing c. Onshoring d. Transnational Coporations
___8. Ano ang tinatawag na domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang
kompanyang mula sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon?
a. Nearshoring b. Offshoring c. Onshoring d. Inshoring
___9. Anong konsepto ang tumutukoy sa pagsasama ng mga bansang may nagkakaisang hangarin upang bumuo
ng iisang pangkat ng mga bansa na magsulong upang makamit ang mga hangarin o layunin nito?
a. Pagsasaribado b. Integrasyon c. Migrasyon d. Deregulasyon
___10. Ano ang terminong ginagamit sa mga taong gumagamit ng social networking site bilang midyum o
entablado ng pagpapahayag?
a. Prosumers b. Mamamayan c. Netizen d. E-komersyo
___11. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang HINDI kumakatawan sa pahayag tungkol sa outsourcing?
a. Ang outsourcing ay maaaring uriin batay sa ibinigay na serbisyo.
b. Ang outsourcing ay tumutukoy sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya
na may kaukulang bayad.
c. Ang outsourcing ay pagbabawas ng mga gawaing local at pagusbong ng mga gawaing pandaigdigan
bilang kapalit nito.
d. Ang outsourcing ay maaaring uriin batay sa layo o distansiya na pagmumulan ng kompanyang siyang
nagbibigay ng serbisyo o produkto.
___12. Ito ay ilan sa mga negatibong epekto ng globalisasyon sa buhay ng tao, maliban sa isa. Ano ito?
a. Maiwasan ang monopoly sa kalakalan.
b. Kahirapan dulot ng paglaki ng agwat ng mayayaman sa i. mahihirap.
c. Pagkalimot sa nakasanayang tradisyon at kultura.
d. Pagkakataon na makagawa ng intellectual dishonesty
___13. Anong uri ng globalisasyon ang mabilis na lumaganap sa buong daigdig?
a. Pampulitika b. Pang-edukasyon c. Pang-ekonomiya d. Pangkultura
___14. Bakit marami sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?
a. Dahil nais nilang makarating sa ibang bansa para magliwaliw.
b. Dahil nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay.
c. Dahil nais nilang mabisita ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.
d. Dahil nais nilang makakita ng dayuhang magaganda at gwapo
___15. Ang mga sumusunod ay positibong epekto ng globalisasyon maliban sa:
a. Nagbibigay ng maraming trabaho
b. Pag-unlad ng ekonmiya
c. Maraming pagpipiliang produktong galing sa ibang bansa
d. Global warming at pagkasira ng ozone layer
___16. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan ng pangingibang bansa o pagmigrate ng mga Pilipino?
a. Makapag-aral sa mga tanyag na unibersidad sa ibang bansa
b. Matuto ng makabagong kasanayan at kakayahan
c. Makapaghanap buhay na may mataas na sahod
d. Makapagbisita a makapaglibang sa mga makasaysayang pook
___17. Ito ang tawag sa mga Pilipino na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa?
a. Manggagawang Pinoy b. OFW c. Pinoy workers abroad d. Trabahante
___18. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng mga dahilan ng migrasyon?
a. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng kawalan ng trabaho sa pamayanan.
b. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa.
c. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng pagkawasak ng pamilya.
d. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng digmaang sibil.
___19. Ano ang migrasyon?
a. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
b. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
c. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
isang lugar pansamantala man o permanente
d. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na
pinagmulan
___20. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa.
Ano ito? a. Hanapuhay b. Turismo c. Edukasyon d. Tirahan
___21. Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa. Tinutukoy din
bilang emigration, departures or outflows.
a. Permanent Migrants b. Flow c. Stock d. Temporary Migrants

___22. Ito ay bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.


a. Stock b. Flow c. Temporary Migrants d. Permanent Migrants
___23. Ito ay ang mga mamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para
magtrabaho.
a. Temporary Migrants b. Irregular Migrants c. Permanent Migrants d. Regular Migrants
___24. Ito ay ang mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho
kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa o tinatawag na citizenship.
a. Temporary Migrants b. Irregular Migrants c. Permanent Migrants d. Regular Migrants
___25. Ang tawag sa mga mamamayang nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang
magtrabaho at manirahan ng may takdang panahon.
a. Temporary Migrants b. Irregular Migrants c. Permanent Migrants d. Regular Migrants
___26. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba
pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
a. Mobility b. Migrasyon c. Globalisasyon d. Migration Transition
___27. Ito ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmulan ng mga nandarayuhan ay naging
destinasyon rin ng mga manggagawa.
a. Migration transition b. Inflow c. Outflow d. Stock
___28. Ito ang tawag sa isang taong lumilipat mula sa isang lugar o bansa patungo sa iba pa upang maghanap
ng trabaho.
a. Migrant Worker b. Mobility c. Immigrant d. Flow
___29. Mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at
sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
a. Stockfigures b. Permanent Migrants c. Irregular Migrants d. Flow
___30. Tumutukoy sa bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.
a. Stock b. Permanent Migrants c. Irregular Migrants d. Temporary Migrants

___31. Ang Pillar na ito ay pinapalakas ang laging “bukas na pagpupulong” sa pagitan ng pamahalaan, mga
manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.
a. Social Protection b. Employment c. Worker’s Rights d. Social Dialogue
___32. Ang Pillar na ito ay humihikayat sa mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa “proteksiyon” ng mga manggagawa.
a. Social Dialogue b. Worker’s Rights c. Employment d. Social Protection
___33. Ang Pillar na ito ay naglalayong palakasin at seguruhin ang paglikha ng mga “Batas” para sa paggawa.
a.Employment b. Worker’s Rights c. Social Dialogue d. Social Protection
___34. Tinitiyak ng Pillar na ito ang paglikha ng Sustinableng Trabaho, Malaya at Pantay na Oportunidad sa Paggawa, at
Maayos na Workplace para sa mga Manggagawa.
a. Worker’s Rights b. Social Protection c. Employment d. Social Dialogue
___35. Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay walang makita o mapasukang trabaho.
a. Job-Contracting b. Labor-Only Contracting c. Underemployment d. Unemployment
___36. May trabaho ka ngunit hindi sapat ang perang sinasahod mo, o kaya’y hindi tugma ang trabaho sa kurso na
tinapos mo.
a. Job-Contracting b. Labor-Only Contracting c. Underemployment d. Unemployment
___37. Isang paraan ng mga kapitalista o namumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod sa mga manggagawa.
a. Job-Contracting b. Unemployment c. Underemployment d. Mura at Flexible Labor
___38. Ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok
niyang manggagawa ay may deriktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
a. Eskimang Subcontracting b. Labor-Only Contracting c. Job-Contracting d. Underemployment
___39. Ang subcontactor ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga
manggagawang ipinasok ng subcontractor.
a. Eskimang Subcontracting b. Labor-Only Contracting c. Job-Contracting d. Underemployment
___40. Kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (Principal) ay kumukontrata ng isang ahensiya o
indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
a. Eskimang Subcontracting b. Labor-Only Contracting c. Job-Contracting d. Unemployment
___41. Isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalan ng benepisyo, at tanggalan ng
seguridad sa trabaho ang mga manggagawa.
a. Mura at Flexible Labor b. Job-Mismatch c. Mababang Pasahod d. Kontraktuwalisasyon
___42. Tumutukoy sa isang kalagayan sa paggawa kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi
tugma sa kakayanan o pinag-aralan nito.
a. Mura at Flexible Labor b. Job-Mismatch c. Mababang Pasahod d. Kontraktuwalisasyon
___43. Ito ang mababang pagpapasahod ng mga kapitalista sa mga manggagawang nagtatrabaho nang mahabang oras.
a. Mura at Flexible Labor b. Job-Mismatch c. Mababang Pasahod d. Kontraktuwalisasyon
___44. Ito ang Batas na nagtatakda ng pagbabayad sa mga manggagawa na napinsala sa oras ng trabaho.
a. Batas Republika Blg. 444 c. Batas Republika Blg. 772
b. Batas Republika Blg. 679 d. Batas Republika Blg. 1131
___45. Ito ang Batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawa na wala pang 18 taong gulang.
a. Batas Republika Blg. 444 c. Batas Republika Blg. 772
b. Batas Republika Blg. 679 d. Batas Republika Blg. 1131
___46. Kasabay nito ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan na makatutulong sa bawat pamilya ng mga
nandarayuhan.
a. Epektong Pangkapaligiran c. Epektong Pampolitika
b. Epektong Panlipunan d. Epektong Hanapbuhay
___47. Ang pagbabago ng sistema at pagdami ng tao ay lubos na makakaapekto sa pamahalaan.
a. Epektong Pangkapaligiran c. Epektong Pampolitika
b. Epektong Panlipunan d. Epektong Hanapbuhay
___48. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor. Alin
sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
a. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang
magiging posisyon sa kompanya.
b. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad ng malaking
pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
c. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
d. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
___49. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang suliranin tulad ng paglitaw ng iba’t ibang anyo ng
kontraktuwalisasyon. Paano madaling naipataw ng mga kapitalista ang patakarang ito?
a. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga bansa sa pandaigdigang kalakalan.
b. Binigay ito na probisyon ng pandaigdigang institusyong pinansyal sa Pilipinas.
c. Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas sa pamumuhunan, kalakalan, at batas paggawa.
d. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga kapitalista at mga collective bargaining unit.

___50. Isa sa mga naidulot ng globalisasyon ay pagtaas ng demand ng bansa para sa iba’t ibang kasanayan sa paggawa na
globally standard. Paano ito tinutugunan ng ating bansa?
a. Pagdaragdag ng sampung taon sa basic education ng mga mag-aaral.
b. Pagtatayo ng mga paaralan na maglilinang sa mag-aaral upang maging globally competitive.
c. Pagdaragdag ng mga asignatura sa sekondarya na may kinalaman sa kalakalan at pagmamanupaktura.
d. Pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education at lilinangin sa mga mag-aaral ang mga kasanayan na pang
ika-21 siglo upang sila ay maging globally competitive.

II. Pagpapaliwanag

51-53. Paano binago ng globalisasyon ang iyong pamumuhay?


54-55. Bakit nangingibang bansa ang maraming Pilipino?
56. Ano ang iyong opinion tungkol sa kontraktwalisasyon?

III. Pag-iisa-isa
57-58 Mabuting Epekto ng globalisasyon
59-60 Dalawang uri ng kompanya sa ilalim ng globalisasyong ekonomiko

Prepared by:

EUGENE D. FRENAL
Teacher I

DORCAS P. MURILLO
Teacher I

FRANZ CYRUS D. DAANOY


Teacher I

Noted by:

ROSELIE C. CAJARA
Master Teacher I

GOD BLESS EVERYONE!

You might also like