Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALMACEN-TORREVILLAS NATIONAL HIGH SCHOOL

Lamintak Sur, Medellin, Cebu


JUNIOR HIGH SCHOOL

UNANG MARKAHAN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Name: _____________________________________________________Grade & Cluster: _________________Date: __________


I – MARAMING PAGPIPILIAN. Panuto: Piliin ang titik ng pinakamahusay na sagot at bilugan ito.
1. Dahil ang hayop ay may kakayahang kilalanin ang anumang bagay, tunog o amoy ng mga nakapaligid, may pakiramdam ito sa kapaligiran
nito. Para sa ikabubuti nito, ang hayop ay mayroon ding pakiramdam ng kung ano ang mabuti at masama. Ano ang kakayahan ng hayop batay
sa mga pahayag? (2 pts.)
A. Kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila
B. Ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kanyang sarili
C. Mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
D. Upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao
2. Ano ang kakayahan ng kaisipan na magnais na lagumin ang bawat karanasan at lakipan ng salita upang mabigyan ito ng kahulugan? (2 pts.)
A. Mag-isip B. Makaunawa C. Maghusga D. Mangatuwiran
3. Tinatawag itong kakayahan o karakter upang makaramdam ng pangangalaga sa iba. (2 pts.)
A. Umiiral ng nagmamahal C. Kamalayan sa sarili
B. Kakayahang mag-abstraksiyon D. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
4. Bakit posible sa isang tao na makontrol ang sarili at kung ano ang kanyang nararamdaman? (2 pts.)
A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili C. May kakayahan ang taing mangatuwiran
B. Malaya ang taong pumili o hindi pumili D. May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
5. Ibigay ang ipinapahiwatig sa kaisipan na nagbibigay ang isip ng katwiran bilang isang kakayahang maimpluwensyahan ang likas na ugali. (2 pts.)
A. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
B. Walang sariling paninidigan ang kilos-loob
C. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.
D. Hindi maaring maghiwalay ang isip at kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito.
6. Anong mensahe ang inilalarawan sa kakayahan ng tao na nasusubukan ang pagpipigil sa sarili at sa nararamdaman? (2 pts.)
A. Magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksyon
B. Ang tao ang namamahala sa kanyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kanya ng kailangan niyang gawin
C. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit
D. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga tao ay natatangi
7. Ang isinasaad na pananaw ng taong ito na pinakapangunahing kilos ay ang pag-ibig dahil ito ay batay sa iba't ibang pagkilos ng tao. (2 pts.)
A. Sto. Tomas de Aquino B. Max Scheler C. Mother Teresa D. Fr. Roque Ferriols
8. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano ang ibig sabihin nito? (2 pts.)
A. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob
B. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
C. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
D. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito
9. Kabilang sa mga paggpipilian, halawain ang hindi kasali sa mga katangian ng kakayahan ng tao at hayop. (2 pts.)
A. Pandama B. Pagkagusto C. Manghusga D. Paggalaw
10. Kung may kasalukuyang depekto ang pandama, mayroon ba itong epekto sa isip? (2 pts.)
A. Oo, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
B. Oo, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
C. Hindi, dahil magkahiwalay ang pandama at kakayahan ng isip
D. Hindi, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyong naihahatid dito
11. Sa pagtugon sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon, ano ang tawag dito? (2 pts.)
A. Pagmamahal B. Paglilingkod C. Hustisya D. Respeto
12. Ayon kay Fr. Roque Ferriols, “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto.” Ano ang kahulugan ng katagang ito? (2 pts.)
A. Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito
B. Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan
C. May kasama akong nakikita sa katotohanan
D. Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao
13. Paano tayo nagaganyak sa pagtulong at paglilingkod sa kapwa? (2 pts.)
A. Kakayahang mag-abstraksiyon B. Kamalayan sa sarili C. Pagmamalasakit D. Pagmamahal
14. Ang isang sitwasyon ay binibigyang kahulugan ng pag-iisip dahil mayroon itong kamalayan at kakayahang abstraksyon. Ang pagtawag
(calling) ay nilikha na dapat natutugunan ng tao kapag natutukoy ang isang bagay o sitwasyon. Ano ang iyong kaisipan dito? (2 pts.)
A. Nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo
B. Nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapwa
C. Napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
D. Nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
15. Ito ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa iba. (2 pts.)
A. Kamalayan sa sarili B. Pagmamalasakit C. Pagmamahal D. Kakayahang mag-abstraksiyon
II – MAGBILANG. Panuto: Isulat ang iyong sagot sa bawat puwang sa ibaba.
16-20. Anu-ano ang mga PANLABAS NA PANDAMA?

16. ______________________________________ 19. _______________________________________

17. ______________________________________ 20. _______________________________________

18. ______________________________________
21-23. Anu-ano ang mga MATERYAL na kalikasan ng tao?

21. ______________________________________ 23. _______________________________________

22. ______________________________________
24-25. Anu-ano ang mga ISPIRITWAL na kalikasan ng tao?

24. ______________________________________ 25. _______________________________________


26-29. Anu-ano ang mga PANLOOB NA PANDAMA?

26. ______________________________________ 28. _______________________________________

27. ______________________________________ 29. _______________________________________

III – PUNAN ANG KAHON. PANUTO: Punan ng tamang konsepto ang graphic organizer. Pumili ng sagot sa loob ng kahon at isulat
sa tamang kalalagyan.

“Being entirely honest with oneself is a good exercise.” – Sigmund Freud


GOD BLESS!!!

Prepared by:

MAILENE L. YAP
Subject Teacher

You might also like