Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang iba’t ibang kahulugan ng panitikang


Pilipino; at
2. Nakapagbibigay ng kahalagahan ng pag-aaral ng
panitikang Pilipino.
Ano ang Panitikan?
Aralin 1
Ano ang panitikan? (etimolohiya)

• Mula sa salitang Kastila na literatura at


tinumbasan ng panitikan sa Filipino.
• literature sa Ingles
• batay sa Latin na litera na nangangahulugang
letra o titik.
Ano ang panitikan? (etimolohiya)

• ang salitang panitikan:


• unlaping pang- na nagiging pan-
(alomorp) kapag ang kasunod na salitang-
ugat ay nagsisimula sa alinmang titik na d,
l, r, s, at t;
• sa salitang-ugat na “titik” na nawawala ang
unang titik nito sa pagkakasunod sa
unlaping pan- at dinagdagan ng hulaping
–an.
Ano ang panitikan?

• ayon kina Casanova et al. (2001) ay


pangunahing salamin ng kultura ng isang
sambayanan.
• Dahil sa panitikan natatanto ng nagsisisunod
na salinlahi ang mga pangyayari at kaisipan
ng mga nauuna sa kanila.
• Ang mahahalagang kaisipang ito ay patuloy
na dadaloy sa kamalayan ng mga susunod
pang lahi at siyang magiging gabay nila sa
pagtahak sa isang magandang bukas.
Ano ang panitikan?
• Ayon kay Sonquit (1982) ang panitikan sa kumbensyunal na
pagkaunawa ay sumasaklaw sa iba’t ibang anyo o sangay tulad
ng tula, dula, maikling kwento, nobela at sanaysay.

• Ang tula ang waring pinakapopular dahil mas madaling


bigkasin. Nagagamit ito ng Pilipino mula sa duyan hanggang sa
huling hantungan.

• Lahat ng mga ito ay naglalarawan


ng kultura at pamumuhay ng
isang lipi sa iba’t ibang
katutubong pamamaraan.
Ganito rin ang sinasaklaw ng
panitikang Pilipino.
Ang Panitikang Pilipino

• salamin ng kaparaanan ng pamumuhay ng mga Pilipino, ang


katauhang Pilipino, ang ritmo ng buhay Pilipino at ang
katutubong pambansang pagkakakilanlan ng mga Pilipino (San
Diego,1980)
• Ito’y hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan,
paniniwalang pampulitika at pananampalatayang niyakap ng
mga Pilipino. Ito ay may hatid na bisa, gaya ng bisa sa isip, sa
damdamin, at bisa sa asal na siyang huhubog ng katauhan ng
babasa nito (Campos, 1997)
Ang Panitikang Pilipino

• ang panitikang alam ng nakararami ay ang panitikang Tagalog.


Ito marahil ay dala ng pangyayaring ang Tagalog ay naging
batayan ng wikang Pambansa (Hontiveros, 1982)
• Kaya madalas ang panitikang Tagalog ay ipinagkakamaling
panitikang pambansa. Ang paniniwalang ito ay mali sapagkat
ang wikang Tagalog ay ang wikain ng mga tao sa katagalugan
samantala ang wikang pambansa ay ang wikang Filipino.
Ang Panitikang
Pilipino
• Ito’y nagpapahayag ng damdamin
ng mga tao tungkol sa mga bagay-
bagay sa daigdig, sa pamumuhay,
sa lipunan, sa pamahalaan,
at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang
Lumikha.

• Ang pagpapahayag ay iniayos ayon sa karanasan ng mgta tao,


kalagayan ng kalooban at kaluluwa na nababalutan ng pag-ibig o
poot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba.
Ang Panitikang Pilipino

• Ang panitikan ay ulat na nagpapakilala ng


pagkukuro at mga damdamin ng lahi nito.

• Sa panitikan ng isang bansa mababakas ang


mga kaisipan at mga bagay na nilulunggati,
kinahuhumalingan o kinasusuklaman ng lahi
nito.

• Ang pagbabago sa kabuhayan ng isang


bansa ay nakaiimpluwensiya sa panitikan nito
(Lalic & Matic, 2004).
Ang Panitikang
Pilipino

• Talaan ng buhay
• sapagkat dito nailalahad ng tao ang kanyang mga
kaisipan at damdamin;
• dito niya nailalarawan nang tapat, tunay at totoo ang
kanyang mga kaugalian, saloobin at paniniwala;
• dito niya naisasalaysay ang bawat takbo ng mga
pangyayari na naganap, nagaganap at magaganap sa
kanyang panahon ng pag-unlad mulang siya’y binhiin,
sumilang, magmusmos, mamulat, magkaisip, matuto,
gumulang at mamatay
Ang Panitikang
Pilipino

• dito niya napangangatuwiranan ang kanyang mga


karanasan-pagkatakot, pagkabigo, pagtatagumpay,
pakikiayon, pagsusuwail, pakikibaka, pag-iisa;
• dito niya nabibigyan ng katuturan ang kanyang sariling
kahalagahan ayon na rin sa kanyang sariling mga
teorya at tradisyon ng lipunang kanyang ginagalawan
at bayang tinubuan na kung minsan kapag hindi
nagkakatugma-tugma kaya siya ay nauuwi sa isang
mabigat na pakikipagtunggali sa sarili, sa kapwa, sa
kalikasan
Bakit Mahalagang Pag-aralan ang Panitikang
Pilipino?

1. Upang makikilala ang kalinangang Pilipino,


malaman ang ating minanang yaman ng
kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing
ating pinagmulan.

2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating


mabatid na tayo'y may dakila at marangal na
tradisyon na ating ginawang sandigan ng
pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa
ating bansa.
Bakit Mahalagang Pag-aralan ang Panitikang
Pilipino?
3. Upang matanto natin ang ating mga
kakulangan sa pagsulat ng panitikan at
makapagsanay upang maging matuwid
at maayos.
4. Upang makilala at magamit natin ang mga
kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y
pa lalo.
5. Ang pag-aaral ng panitikan ay
nakapagpapalawak ng imahinasyon at
nakapagpapabuti sa paraan ng pagbabasa at
pagsusulat.
Bakit Mahalagang Pag-aralan ang
Panitikang Pilipino?

6. Ang pag-aaral ng panitikan ay nakatutulong upang


mararanasan na makita ang buong mundo.
7. Sinasalamin din ng panitikan ang pagkakaiba at
pagkakapareho ng pamumuhay ng mga tao sa iba’t
ibang lugar. Binibigyan tayo nito ng kaalaman tungkol
sa iba’t ibang kultura, pinahuhusay din nito ang
kakayahan natin sa pakikipag-usap sa iba.
8. Ang pagkamulat ng kamalayan sa pag-aaral ng
panitikan ay naglilikha ng sariling paniniwala, opinyon
at pananaw ng isang tao. Ang mahuhusay na akda ay
tumutulong upang mapalawak ang karanasan ng isang
tao.
Bakit Mahalagang Pag-aralan
ang Panitikang Pilipino?

• 9. Dahil sa panitikan, nakapag-iisang damdamin ang


tao sa kapwa at nagbibigay daan sa pag-unawa sa
kung anuman ang kanilang nararamdaman sa isang
sitwasyon o pangyayari. Ang panitikan ay parang
isang mahabang tulay na nagdudurugtong sa
sangkatauhan.
10. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal
sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang
pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.
Panuto: Pumili ng larawan na nagsisimbolo sa
panitikang Pilipino at ipaliwanag ito.
Takdang-aralin: 10 puntos
Panuto: Unawaing mabuti ang pahayag sa ibaba.
Pagkatapos ay ipaliwanag ito at bigyan ng mga tiyak na
halimbawa ang bawat parirala na nakanumero. Tingnan
ang kasamang rubrik nito sa Canvas assignment.

• Ang pagka-Pilipino ng Pilipinas ay sumisikat:


1. tulad ng araw na tinutunton
2. tinitingala sa silangan ang katalinuhan,
3. katapangan,
4. kagitingan,
5. kabayanihan at
6. kalayaan ng lahing kayumanggi.

You might also like