Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

ARALIN 2

Mga Unang Nanirahan sa Pilipinas:


Impluwensiya sa Panitikan ng Pilipinas
MGA LAYUNIN:
1. nakaklasipika ang mga anyo ng panitikan batay sa kinabibilangang pangkat ng
mga Pilipinong dumating sa Pilipinas, at

2. naipapaliwanag ang kahalagahan ng panitikang mula sa mga unang nanirahan sa


Pilipinas.
MGA UNANG
NANIRAHAN
SA PILIPINAS
• Negrito o Ita
(Aeta, Ati, Agta, Arya, Ata, Dumagat)
• Indones
• Malay
• Intsik
• Hindu o Bumbay
• Arabe at Persiyano
• Imperyo ng Madjapahit
• Imperyo ng Malacca
ANG MGA NEGRITO O ITA

• kauna-unahang nanirahan sa Pilipinas


• dati-rating nanirahan sa Tsina ngunit nang
magkaroon ng pagsabog ang mga bulkan
sa ilalim ng dagat ay nagkawatak-watak
ang mga gilid ng lupa ng Tsina at ang
sumabog na lupa’y naging Pilipinas
• ang lupang Pilipinas ay bahagi ng Tsina.
Mapapatunayan daw na magkatulad na
magkatulad ang mga unang Ita sa Pilipinas
at ang mga nuno ng mga Intsik
• Sila’y naninirahan na sa Pilipinas mula pa
noong 25,000 taon
ANG MGA NEGRITO O ITA

• Walang sariling kulturang masasabi ang


mga Ita
• Walang silang nalalaman sa agham, sa
paghahanapbuhay, sa pamahalaan, sa
sining, sa pagsulat at sa pamumuhay
• Sa panitikan ay wala silang nalalaman
kundi ilang awitin at pamahiin
• Ang kanilang kasangkapan ay sumpit,
busog at panang ginagamit sa paghanap
ng makakain
• Sa ngayon, sila’y sa mga bundok
naninirahan ngunit natuto na rin ng ilang
bahagi ng kulturang Pilipino. Some of the Ati beneficiaries of
the Kalahi-CIDSS shelter project,
Brgy. Caw-I, Batad, Iloilo
ANG PAGDATING NG MGA
INDONESYO
• Ang unang sapit ng mga Indonesyo ay may lahing Mongol
at Kaukaso kaya’t sila’y mapuputi at manila-nilaw ang mga
balat, matatangkad at balingkinitan ang kanilang katawan
• May manipis na labi at matangos na ilong
• Walang masasabing gaanong kultura ang kanilang dinala
dito liban sa sila’y marunong nang mamahay nang sarili,
marunong magtanim ng mga halaman at marunong nang
mangisda
• nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na ang nakaraan
ANG PAGDATING NG MGA
INDONESYO
• Pagkaraan ng 4,000 taon ay dumating naman ang
ikalawang sapit.
• Iba ang mga hitsura nito kaysa mga unang
Indonesyong nandarayuhan sa atin. Ang mga ito’y
mabubulas at matipuno ang mga katawan ngunit
maiitim sapagkat bago sila nakarating dito’y
nagdaan muna sila sa Papua, ang bansa ng mga
Negro at sila’y napangasawa ng mga ito. May
makapal na labi at malaking ilong at pangahan.
Tumira sila roon ng may isang libong taon.
• Ang mga Indonesyong ito’y nakahihigit ng
kalinangan kaysa doon sa una
• Sila’y may sarili ng sistema ng pamahalaan, may
mga hanapbuhay, marunong magluto ng pagkain at
may dalang panitikang gaya ng epiko, kwentong
bayan, mga alamat, mga pamahiin, bulong
pangmahiya, at pananampalatayang pagano.
• Sila ang mga ninuno ng Ifugao.
MGA INDONES
ANG PAGDATING NG MGA MALAY
(1 PANGKAT)
• Ang unang pangkat ay nakarating dito
noong humigit-kumulang sa 200 taon
bago namatay si Kristo at 100 taon
pagkamatay ni Kristo.
• Ang mga Malay na ito’y nagdala ng
kanilang pananampalatayang pagano
at mga awiting panrelihiyon.
• Sila’y nangatira sa kabundukan ng
Luzon at sila ang mga ninuno ng mga
Igorot, Buntok at Tinguianes.


ANG PAGDATING NG MGA MALAY
(2 PANGKAT)
• Ang ikalawang pangkat ay dumating dito
mula noong 100 hanggang 1,300 taon
pagkamatay ni Kristo.
• Sila ang mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya,
Ilokano, Pangasinan, Ibanag, Kapampangan,
Bikolano at iba pa.
• Sila’y may dalang wikang alpabeto, awiting
bayan, kwentong bayan, mga alamat at mga
karunungang-bayan.
• Ang mga ito bagamat mga tubong Malaysia
ay kung saan-saan nanggaling na mga
kalapit bansa gaya ng Borneo, Malacca at
Indonesya at pagdating sa Pilipinas ay
kumalat sila sa iba’t ibang lalawigan ng Luzon
at Bisaya.
• Sila ang nagdala ng barangay.
ANG PAGDATING NG MGA MALAY
(3 PANGKAT)
• Ang ikatlong pangkat ay ang mga Malay na
Moslem.
• Nagsidating sila rito noong 1,300 taon at
1,500 taon at sila ang mga ninuno ng mga
Moslem
• Nanggaling sila sa Malaysia at nanirahan
sa Mindanao at Sulu.
• Nagdala sila rito ng epiko, alamat,
kwentong bayan at ng pananampalatayang
Moslem.
ANG MGA INTSIK
• nakarating sa Pilipinas sa pagitan ng ikatlo
hanggang ikawalong siglo.
• Marami sa kanila ang mga nanirahan sa baybayin
ng Batangas, Quezon, Sorsogon, Samar, Silangan
Mindanao, Palanan, Marinduque at Mindoro.
• Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika, kaya’t
mahigit sa 600 salitang Intsik ay bahagi na ng
wikang Filipino. Ang mga salitang gusi, susi,
mangkok, talyasi, kawali, inso, kuya, diko, sangko
at mga iba ay nanggaling sa Intsik.
• Ang ilang kaugaliang sosyal ay galing din sa kanila
gaya ng panggalang, pagkakalapit at pagkakaisa
ng pamilya at katipiran.
• Ang paglalagay ng bangkay sa gusi bilang
kabaong ay isang kaugaliang dinala rito kaya’t
sila’y tinawag na manggugusi.
ANG MGA INTSIK
• Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Intsik
noong taong 1405 hanggang 1417 noong
panahon ni Yonglo.
• Si Cheng Ho, ang mananalakay na Intsik
ang sumalakay sa Pangasinan, Mindoro,
Sulu at Maynila at ang Pilipinas ay
nagbayad ng buwis noon sa Tsina. Nang
mamatay si Cheng Ho ay nanghina ang
kapangyarihan ni Yonglo. Kaya’t
napabayaan na ng Tsina ang Pilipinas.
• sila ang nagbigay ng pangalang Luzon o
Lusong sa pinakamalaking pulo sa
Pilipinas.
IMPLUWENSIYA NG MGA BUMBAY
• Ang mga Bumbay o Hindu ay
nakarating sa Pilipinas noong
ikalabing dalawang siglo.
• Sila’y nandarayuhan muna sa
Indonesya bago nakarating sa
Pilipinas.
• Ang unang sapit ng mga Bumbay ay
nanggaling sa Borneo
• nagdala ng pananampalatayang
Budismo, epiko, at mahika.
IMPLUWENSIYA NG MGA BUMBAY
• Ang ikalawang sapit ay nanggaling sa
Java at Borneo din noong ikalabing-
apat na siglo, noong panahon ng
Imperyo ni Madjapahit.
• Nagdala sila ng pananampalatayang
Bramanistiko at panitikang epiko,
awiting bayan, at liriko.
• Marami ring salitang Bumbay o Hindu
na bahagi na ng wikang Filipino. Ang
mga ito’y guro, bansa, mukha, likha,
hukom, dukha at iba pa.
MGA ARABE AT PERSIYANO
• Dumating ang mga mangangalakal na Arabe sa
Pilipinas noong ika-12 siglo
•• nagdala ng pananampalatayang Muslim, tinatawag na
“Hadramaut Sayyids,”
• mga misyonerong Arabe na nanggaling sa Malaysia at
dumating sa Pilipinas noong ika 16-siglo.
• Kasama nila ang maraming mga nangangalakal na
Arabe at Persiyano
• sila’y nanirahan sa Mindanao at Sulu.
• Nagdala rin sila ng mga epiko, alamat, kwentong
bayan at dula.
IMPLUWENSIYA NG IMPERYO NG
MADJAPAHIT
• Ang Imperyo ng Madjapahit na ang
pinakasentro ay Java sa Indonesyo ay naging
napakamakapangyarihan at maraming mga
kalapit bansa ang nasakop.
• Kabilang dito ay Indo Tsina, Cambodia, Siam,
Anma, Tonkin at Pilipinas.
• Ang mga bansang ito’y nagkalapit-lapit at
nagkapalitan ng mga kalakal at kultura.
• Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon ng
impluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo
na sa panitikan.
• Ang mga kwentong bayan ng Cebu, Panay,
Negros at Palawan ay katulad ng mga
kwentong bayan ng mga nabanggit na mga
bansa.
IMPLUWENSIYA NG IMPERYO NG
MADJAPAHIT
ANG IMPERYO NG MALACCA

• Sa pagbagsak ng Imperyo ng Madjapahit ay


ang Imperyo naman ng Malacca ang naging
makapangyarihan sa Silangan.
• Ito’y imperyong Muslim na lumaganap sa
Borneo, Luzon at Mindanao. Nagtatag sila ng
pamahalaang pinamumunuan ng mga Sultan
o Rajah.
• Tumagal ang kapangyarihan ng Malacca ng
may 20 taon mula noong 1430 hanggang
1450.
• Sa mga baybayin ng mga lalawigan
Batangas, Rizal, Mindoro, Laguna, Quezon at
Lanao, naninirahan ang mga Muslim na ito.
• Sinasabing ang karaniwang pahayag na
“Allah-eh” sa Batangas ay impluwensiya ng
Imperyo ng Malacca.

You might also like