CA Ni A Cantere

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF JUSTICE
OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR
San Jose Office
San Jose, Occidental Mindoro

PEOPLE OF THE PHILS., NPS DOC. NO. IV-06-INV-23F-


Complainant, 00430

-vs- for

ALDON CANTERE @Kuya VIO. OF RA 10175


Aldon Moto,
Respondent,
x-------------------------------------------x

Kontra-Salaysay

AKO, ALDON HOMER CANTERE, nasa wastong gulang,


Filipino, may asawa, negosyante at nakatira sa Brgy. Bubog, San Jose,
Occidental Mindoro, pagkatapos manumpa ng ayon sa batas, ay
naglalahad ng mga sumusunod:

1. Na, ako po ay nakatanggap ng subpoena galing sa Tanggapan ng


Tagausig kung saan ako ay binigyan ng sampung (10) araw
upang sagutin ang mga paratang laban sa akin ni G. Genaro O.
Nolasco, Jr., kung saan ay pinaparatangan niya ako ng paglabag
sa Republic Act No. 10175 o tinatawag na “Cybercrime
Prevention Act of 2012”;

2. Na, sa loob ng itinakdang panahon, aking inihain ang kontra-


salaysay upang sagutin, pabulaanan at mariing itanggi ang mga
paratang laban sa akin sapagkat ito po ay pawang
kasinungalingan, walang basehan at pawang gawa-gawa lamang
ni G. Nolasco, Jr;
Page 1 of 4
3. Na, mariin ko pong itinatanggi na nag-post ako sa aking social
media account ng mga malisyosong pahayag laban kay G.
Nolasco, Jr., na siyang nagpababa sa kanyang dignidad at
pagkatao bilang isang mamamayan;

4. Na, bagaman ako po ay mayroon ding social media account,


hindi ko po ugaling manira o gumawa ng malisyosong pahayag
laban kaninuman lalo na kay G. Nolasco, Jr., na isang taong
hindi ko naman kilala o kaano-ano kung kaya’t wala akong
dahilan para siya ay siraan;

5. Na, palibhasa wala pong partikular na probisyon ng nasabing


batas ang aking diumano’y nilabag, ako po ngayon ay
nanghuhula kung alin po doon ang aking nilabag. Bilang isang
taong nahaharap sa ganitong klaseng kaso, sana po ay alam ko
din kung ano po doon ang aking nilabag sapagkat
napakaraming klaseng kaso o sitwasyon ang pinaparusahan sa
Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act;

6. Na, akin pong ilang beses binasa ang mga paratang laban sa
akin ni G. Nolasco, Jr., subalit kahit siya man po mismo ay
hindi sigurado kung ako po talaga ang nag-post ng sinasabi
niyang malisyosong pahayag laban sa kanya sapagkat noong
nai-post ang sinasabi niyang pahayag ay wala naman po siya
doon sa aking tabi o sa mismong pinangyarihan kung kaya
hindi niya po alam kung ako o kung sino talaga ang nag-post
nito. Samakatuwid, walang personal knowledge o
kaalaman itong si G. Nolasco, Jr., para ako po ay paratangan
ng nasabing krimen at, dahil po diyan, maliwanag pong ang
kanyang salaysay, pati na ang kanyang mga testigo, ay isang
hearsay bagay na hindi pwedeng tanggapin bilang ebidensya;

Page 2 of 4
7. Na, ang pagsasampa po ng kasong may kinalaman sa
Cybercrime Prevention Act ay isang technical in nature kung
kaya kailangan ng isang forensic expert opinion upang maging
matagumpay ang pagsasampa at prosekusyon ng kasong ito.
Subalit sa kasong ito, wala pong naipresenta si G. Nolasco, Jr.,
kung kaya walang basehan ang kanyang mga paratang laban sa
akin at wala itong katatayuan;

8. Na, bandang huli, sa kasalukuyan pong estado ng preliminary


investigation sa DOJ, ang ginagamit na pong alintuntunin
upang maisampa ang kaso sa korte ay reasonable certainty
of conviction at hindi na lang probable cause. Base dito,
tanging malalakas na kaso lamang ang dapat maihain at
maisampa sa korte sapagkat nagagamit ang DOJ upang
biktimahin ang mga taong wala namang kasalanan;

9. Na, sa kaso pong ito, malinaw na hindi papasa ang kasong


sinampa ni G. Nolasco, jr., laban sa akin sapagkat ito ay hearsay
lamang at hindi niya kayang patunayan na ako nga ang nag-
post ng inirereklamo niyang pahayag. Ako man po mariin pa
ring itinatanggi ang sinasabi niyang post at hindi ko po
inutusan sinuman na mag-post ng sinasabi niyang pahayag;

10. Na, dahil dito, nais ko pong hilingin na ma-DISMISS ang


kasong ito sapagkat wala itong legal o factual na basehan;

BILANG PATUNAY, inilagda ko ang aking pangalan, ngayong


ika-17 ng Agosto 2023, dito sa San Jose, Occidental Mindoro.

ALDON HOMER CANTERE


Respondent

Page 3 of 4
SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa aking harapan ngayong
ika-17 ng Agosto 2023, dito sa San Jose, Occidental Mindoro.

Copy furnished:

GENARO O. NOLASCO, JR.


Complainant
Purok 2, Brgy. San Roque,
San Jose, Occidental Mindoro

Page 4 of 4

You might also like