Short Play - ITO MANOK KO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ITO MANOK KO

(STORY BOARD)

VERSE:
ROMA 12:18
Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng
mga tao.

ALTERNATIVE: Jer 17:5


Awit 146:3

Ref: Bro Eli video : https://fb.watch/bhVoAKavCd/

CAST: Limang Magkakaibigan


GRACE: ayaw bomoto

ANNE: (MAKA ASUL) Aliw na aliw sa mga pulitiko na nag aaway away, loyalista, kung
cnu ang gusto
nyang iboto dapat ung din ang iboboto ng mga barkada nya. May ari ng studio
type suite na tinatambayan ng mag kakaibigan.

Kyth: (BEKS) ang opposisyon ng iboboto ni anne ang iboboto nya

Bev: Relihiyosa, kung anu ang i-endorso ng pastor nila un ang iboboto nya, at kilala
man nya o hindi
LIA: Tahimik lang, independent living, hindi nakikisabay sa anumang issue at gulo ng
pulitika

SETTING: PAJAMA PARTY SA BAHAY NI ANNE

SCENE1:
Nanunuod ng TV si ANNE, pinapanood nya ang mga sarisaring political issues ng bansa
ngayon. May kakatok sa pinto(Bubuksan)

Papasok ang mga kaibigan nya

BEV:
Hi Besh!

ANNE:
Oh! Anong meron?! Nadalaw kayo?

BEV:
Makikiutlog!, tara nood tayo movie. Dami kong downloaded. Horror, Romcom, Name it.. I have it
bes
KYTH:
May dala kaming food! Katatapos lang ng exam ko sa masteral. Tayo naman ay magcatch up
bev.Mishue na

ANNE:
(mapapnsin nito n iba iba ang kulay ng mga damit ng frends nya)
Naks! Mukhang nakapili na kayo ng susuportahan ah! (Papansinin nito si GRACE na
nakamaroon)

Grace?! Green?, Matatalino lang boboto dyn bes.

GRACE:
Anu ka ba? Di ako botante, diba pd ito lang nahugot ko saaking damitan?
(Mapapansin ni Lia na May nakasabit na ilang politikal parapelnarya sa room nito, puro azul)

LIA:
abah, tamu nga naman, solid supporters ka ah, makdilaw ka bes? Anu naman yang
pinapanood mo?

ANNE:
Yan,
Patalinuhan at mga istilo ng mga politiko.
Nakaka aliw. Lalo na kapag nagbabatuhan sila ng paninira at patusadahan ..
naku pati simbahan nakikisali bes.

LIA:
Huh, di ba dapat hindi yan ang pinapanood mo,yang paninira ng mga yan, kundi yung mga
plataporma nila bes.

ANNE:
Naku, sa mga ganitong Eleksyon labas lahat ng maiitim na lihim ng mga pulitiko,kanya kanyang
paraan ng paninira.

KYTH:
Ewan ko ba jan, bsta ako, purple , Matalino yun, Matapang , Maabilidad ang manok ko.
Pangakong hindi mapapako.

BEV:
Ah basta ako, solid voting kami, kung sino ang ibaba sa amin sa amin sa church. Yun ag
iboboto namin.

KYTH:
Ay paano kugn di mo kilala ang iboboto mo? Ganun pa din?
BEV:
Oo, bakit ba.. Pareparehas lng naman ang mga yan. Kung sino ang may entity na iboto sila, un
ang papaburan ng mga yan.

ANNE:
Naku di oobra sa akin yung ganyan, dikta dikta, kaya ngabrineal ko yung jowa ko eh…
Bah pinipilit ako bumuto sa gusto nyang pulitiko

LIA:
Huh?! Hiniwalayan mo si Bert? Dahil sa political differences nyu? Bakit?

ANNE:
Naku, kung sa pagpili nga ng magiging mayor, di nya ako masupport.. Paanu pa sa ibang
bagay?!Hay naku

GRACE:
Nakakaloka ka ha.

SCENE 2:PAAKYAT NA SA ITAAS ANG MAGBABARKADA


Nagliligpit ng kinainan si Keyth at Anne.

GRACE
(Nakapajama na at bagong labas sa CR)
Guys! I’m Ready!!! Tara na. Anung una natin panonoorin

KEYTH
Naks,.Go ghurl, hala panhik na nag sesetup na sila sa Taas.

GRACE:
Sunod n kayo guys ha!

(Aakyat na ito sa hagdan paitaas)


KYTH:
Ay Bes, puno na pala basura mo, lalabas ko na ba?

ANNE:
Naku, ako na,mga taga kabilang kampo yang mga nasa labas, alam mo na mga makapurple
mainit mata sakin ng mga yan,dilaw ako eh.Kaya nga pag madami akong niluto, nilalktawan ko
yung bahay nila, yung kabilang bahay ang binibigyan ko ng ulam.

KYTH:
Grabe ka nmn sa amin mars, para ba namang masasamang tao kaming mga makapurple.
SCENE 3: Sa Kwarto,

BEV:
Bakit ang tagal nung dalwa sa baba? Tara na pili na tayo ng papanoorin may bagong labas
ngayon sa hollywood, at nadownload ko na.

LIA:
Mamemerata ka talaga eh nuh. Akina yung usb mo.

BEV:
Huy, maganda ung Romcom na najan yung kay Rico Dee.

GRACE:
Ah yun,. Diba nademanda yun?! Kasi binanatan nya yung isang pulitiko. Eto oh,
(ipapakita ang cp nya na may trending issues.)
Lia, eto oh.

LIA:
Bilis ng reference beh ah

BEV:
Ang hirap talaga ngaun nuh, nagbibilangan ng puntos sa isa’t isa ang mga pulitiko. Pati mga
suporters nila kasama sa gulo. Tingnan mo,yan

GRACE:
Ah, Yan denemanda kasi nagbigay ng unwanted comment patungkol dun sa isang pulitiko, ung
isa naman sa kabilang istasyon, nag resign kasi magkaiba sila ng sinusuportahan n kandidato
sa eleksyon ng producer nila sa station.

BEV:
Kaya ako, quiet lang ako, kugn anu sabihin sa amin ng pastor. Sulat nlng sa balota, kasi
mababash ka, tingnan mo yan si Anne , G na G, pati jowa hiniwalayan.

LIA:
Yun na nga. G na G tayo sa pagsuporta, nakikipag away, para sa mga sinusuportahan natin,
eh hindi naman tayo kilala ng mga yan.
Sana tayo walang away away ha kahit magkakaiba yung ating mga pananaw sa pulitika.

(Makakarinig ng sigawan ang magkakaibigan sa ibaba, tatakbo ang mga ito pababang hagdan)

ANNE:
Palibhasa hindi ka nanonood ng mga trending issues, kay wala kang alam sa current situation
ng bansa, kaya pati manloloko iboboto mo.
Bakit ghurl? Brain wash ka?
KEYTH:
Bkit bes, yung sayo, anu ba ang alam nyan .Pakanta kanta lang yan, tapos peli-pelikulabes,
opportunista, Pilit na Elit! Pelitang pelita,! Kunwari matalino! Eh di ba nga involved yan sa drug
syndicate.Pati mga pasugalan allakas pag yan ang nanalo.

BEV:
Guys tama na yan! No Hate, Just Vote!

ANNE:
Oo bes, no hate, just vote kasi kayo puppet ng relihiyon nyu

BEV:
Hala, bakit ako kasali? Iboto mo nlng bes ang gusto mong iboto, sige lang..
Wag nlng tayo mag away.

GRACE:
Sinabi ko na sa inyo, mas mabuti pang hindi kau bumuto kaysa makigulo sa mga ganyan,.mga
pavictim naman pareparehas ang mga pulitiko na yan. Mga lahat nag mamalinis. Lahat walang
mali pag eleksyon.

KEYTH:
So anu Grace! Ganyan ka nlng, kailan mo iaaply ang human rights mo sa pagboto ha?!Paanu
tayo aahon sa hirap kung ganyan ang mindset natin mga pilipino,.

GRACE:
Ay bakit?! Hindi naman ako nainform, nakakayaman pala ang pagboto bes,?
Bes,walang pilitan sa pagboto. Makukulong ba ako kung hindi ako boboto?

KEYTH:
OO nga, oo nga,Pero anong magiging ambag mo sa pagpili ng maayus na lider kung hindi ka
boboto?Ayoko na sa friendship na ito.
Simpleng pagboto na nga lang, Idle pa tayo?

GRACE:
Saglit

KYTH:
Bitawan nyu nga ako, akina yang bag ko (aalis na sana ito)

GRACE:
Abah! Anu bang pinaglalaban nyu! Anong gusto nyu, pumili ako ng kandidato n susuportahan
ko nag pakikipag bangayan, Pag nagpakita ng freedom of speech,shaming naman sasabihin ng
kapilang partido.Guys! ayun sa constitution dapat tayong bumoto acording to our consience.
Hindi sa dikta ng kahit sino.
At hindi rin matatapos ang corruption sa gobyerno habang may politics ng utang na loob sa
bansang ito?
BEV:
Ako ba yun bes?Politics ng utang na loob?
Corruption?ano bang masama na magsolid voting kami?
Eh faith namin yun.

LIA:
Guys! Tama na, tama na. Diba kaya tayo pumunta rito para mag unwind.
Hindi para pagtalunan ang mga political differences natin.
Boboto tayo dahil yun ay bahagi ng batas ng tao, At kung sino ang mahalal na mamiminuno,
dapat magpasakop tayo.
Personal decision ang pag pili ng kandidato na iyong iboboto, oo may say sayong decisiona ng
relihiyon, still decision mo yun as individual.
Kaya Anne,Hindi dapat nag sisink in, sa personal na buhay ang political issues, at ikaw bes,
akina yan…
hindi mitsa ng pag aaway ng magkakaibigan.

At para hindi tayo magkamali sa pagboto, piliin natin yung kandidato na pinakamalapit… sa
pamumuhay na may Dios. Kumbaga God Fearing.
Marapat na mag sunod ang guidelines na nakasulat sa biblia sa pagpili ng ibobot natin, at hindi
marapat na isalig ang buong pagtitiwala sa tao, dahil isa lang ang dapat pag saligan ng ating
buhay kundi ang Dios.
At ang mahalaga, hindi tayo nakikipagbangayan dahil sa relihiyon.
Yan any individual preferences…

ANNE:
Bes, sorry na, natrigger kita kanina. Psensya na ha
BEV:
Oh anu? Bati bati na tayo

KYTH:
Sorry din ha.

GRACE:
Baka naman yung movie marathon natin.

MONTAGE:
Montage na mag kakaiba man ang kulay ng damit nila sa eleksyon, magkakasama silang
naglalakad sa kalsada, or namamsyal, or kumakain sa isang lugar.
Namimigay si anne ng ulam sa kapitbahay na kalabang pulitiko ang sinusuportahan.
Hindi na rin si Anne nanunuod ng mga away relihiyon. Instead mga updated news nalang
everyday at hindi na trending pulitical fight!

THE END

You might also like