Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin Sa Filipino
Banghay Aralin Sa Filipino
Banghay Aralin Sa Filipino
I. Layunin
a. Nailalahad ang mga elemento ng alamat
b. Napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa alamat
c. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga katutubong panitikan tulad ng
alamat
II. Paksang-Aralin
A. Panitikan sa Panahon ng Katutubo: Alamat ng Saging
B. K-12 Teacher’s Guide Filipino Grade 7, PB2Aa, PB2Ab, PB2Ac
C. sipi ng alamat, larawan, chart, graphic organizers
D. Pagpapahalaga sa Katutubong Panitikan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan ng mga napapanahong kwento ng pag-ibig
(halimbawa: Aldub, Jadine o Kathniel).
Itanong: Kilala niyo ba ang mga nasa larawan?
Ano ang kanilang kwento?
Paano/Saan niyo nalaman ang kani-kanilang kwento?
B. Panlinang na Gawain (4As)
1. Mga Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin
Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang mga katutubong Pilipino ay may
mga kani-kaniyang kwento ng pag-ibig at ilan sa mga ito ay nailalahad sa
mga alamat.
b. Pag-alis ng Sagabal
Pagtapat-tapatin ang mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B.
A B
1. nasambit a) nakikipagkita
2. nakikipagtagpo b) ibinaon
3. binunot c) nakikipagkita
4. inilibing d) kinuha
2. Pagsusuri (Analysis)
a. Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay may kani-
kaniyang gawaing batay sa Multiple Intelligence
Pangkat Gawain
(Verbal-Linguistic)
1
Paggawa ng PLOT (Pamagat, Lugar, Oras, Tauhan)
(Logical-Mathematical)
2 Pagsunud-sunod ng pangyayari gamit ang Time Sequence
Pattern Organizer
(Visual-Spatial)
3
Pagbuo ng sariling wakas sa pamamagitan ng isang poster
(Musical-Rhythmic)
4
Pag-awit ng kantang maaring iugnay sa nabasang alamat
4. Paglalapat (Application)
Itanong: Kung kayo si Juana, susuway ba kayo sa utos ng iyong ama?
Oo o
hindi?
Dapat bang tularan sina Juana at Aging? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
C. Paglalahat
Pagpapahalaga:
Itanong: Anong aral ang inyong natutunan mula sa alamat?
Sa tinging ba ninyo ay mahalaga ang mga alamat? Bakit?
IV. Ebalwasyon
Iguhit ang kung ang pangyayari ay naganap sa alamat
at kung hindi.
V. Kasunduan
Magtanong sa mga magulang o nakatatanda tungkol sa mga alamat
na kanilang nalalaman ditto sa Iloilo. Isulat sa isang buong papel at ibahagi ito
sa klse.