Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

12 SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
PANUKALANG PROYEKTO

NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: PANUKALANG PROYEKTO
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria Chona S. Mongcopa


Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagasuri: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Clifford Jay G. Ansok
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Magandang araw!

Iba’t ibang akademikong sulatin na ang iyong natutuhan. Natatangi


ang mga ito dahil maisasabuhay ang mga natutuhan mo sa anumang
larangan kagaya ng pagsulat ng panukalang proyekto. Kung ikaw ay
magiging propesyonal balang araw, darating ang pagkakataon na
magsusulat ka ng ganitong dokumento upang maisagawa ang
implementasyon ng iyong pananaliksik. Kung ikaw naman ay
negosyante, kailangang magsulat ka ng proposal upang maibenta mo
ang iyong produkto.
Sa modyul na ito ay malinang ang iyong kasanayan sa pagsulat
ng panukalang proyekto. Dito mo maipamamalas ang kahusayan sa
nasabing kasanayan. Kaya, ihanda mo na ang iyong sarili sa pagtuklas
sa iyong natatanging galing sa pagsulat.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan. CS_FA11/12PU0p-r-95
2. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.
CS_FA11/12EP0p-r-40

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakakikilala ng mga bahagi ng panukalang proyekto.


2. Nakasusulat ng sariling panukalang proyekto.
3. Nakapagpapahalaga sa katapatan ng pagsulat ng panukalang proyekto.

1 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
SUBUKIN

A. Panuto: Hanapin sa hanay B ang angkop na kasagutan na nasa hanay A. Isulat


lamang ang titik ng tamang sagot iyong kuwaderno.

Hanay A Hanay B
____1. Proponent ng proyekto A. Pagbibigay ng kapaki-pakinabang
____2. Pamagat ng proyekto at oragnisadong silid-aklatan sa
____3. Pondong kailangan ANHSHS
____4. Rasyonal B. !50,000.00
____5. Kasangkot sa proyekto C. Pagsasaayos ng silid-aklatan ng
ANHSHS
D. ANSHS PTA
E. ABC Construction and
Renovation Company and
ANSHS PTA
(sites.google.com)

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.

A. Pamagat F. Deskripsyon ng Proyekto


B. Proponent ng Proyekto G. Badget
C. Kategorya ng Proyekto H. Pakinabang
D. Petsa I. Panukalang proyekto
E. Rasyonal

____1. Isusulat dito ang panlahat at tiyak na layunin o kung ano ang nais
matamo ng panukalang proyekto.
____2. Dito nakasaad ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang
maaapektuhan nito sa ahensiya o indibidwal na tumulong
upangmaisagawa ang proyekto.
____3. Tiyaking ito ay malinaw at maikli.
____4. Tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto.
____5. Ito ay tumutukoy kung ang proyekto ba ay seminar, palihan,
patimpalak o outreach program.
____6. Dito nakasaad kung kailan ipadadala ang proposal at ano ang
inaasahang haba ng panahon upang maisakatuparan ang proyekto.
____7. Dito ilalahad ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng
proyekto at kung ano ang kahalagahan nito.
____8. Isinusulat dito ang pamuhatan, e-mail, cellphone o telepono at lagda
ng tao o organisasyon.

2 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
____9. Dito itatala ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa
pagkompleto ng proyekto.
____10. Detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na
naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema.

Magaling! Nasubukan mong gawin ang


Panimulang Pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na tayo sa ating paggalugad ng
bagong kaalaman…

TUKLASIN

Panuto: Basahin at unawaing maigi ang isang sulatin na nasa ibaba. Pagkatapos,
sagutin ang katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Panukalang Proyekto

I. Pamagat: Panukalang Proyekto sa pagkakaroon ng maayos na silid-aklatan

II. Proponent ng proyekto: Cristine Joy Cabuga at Maricar Raven Carcosia

III. Kategorya:

Ang proyektong pag sasaayos ng silid aklatan ay pangangalapan ng pondong


galing sa gagawing fund raising upang makakalap ng sapat na pera para sa
proyekto ito sa tulong ng mga guro,magulang at punungguro ng paaralan.

IV. Petsa:

Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan
at matapos ang pag sasaayos ng lagayan ng libro at pagdadagdag ng mga libro sa
silid-aklatan na ilalahad sa ibaba.

3 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
Petsa Mga gawain Lokasyon

Pebrero 25-30, 2018 Pag-aaproba ng punong guro LHS

Maghahanap ng donasyon para


Marso 03-24, 2018 LHS
sa mga libro

Paghahanap ng murang bagong


libro para sa pagdadagdag sa
Marso 26-April 05, 2018 mga kinakailangang libro ABC Bookstore C
Inaasahang araw ng
Marso 27-April 10, 2018 pangongolekta ng mga libro LHS

V. Rasyonal:

Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapagbigay ng pakinabang sa


pagkakaroon ng maayos at organisadong silid- aklatan sa Lagro High School.

VI. Deskripsyon ng Proyekto:

Ang proyektong ito ay aabutin ng mahigit limang buwan upang maisakatuparan ang
nais matamong pag babago sa silid-aklatan.

VII. Badget:

Sa Proyektong ito inaasahang badget na igugol sa paaralan ay ilalahad sa ibaba.

Bilang ng Aytem Pagsasalarawan ng Aytem Presyong


pangkalahatan
A. Pangangalap ng
donasyong 0 Php
libro
B. Pagbili ng mga dagdag 15,000 Php
na libro base sa
sinumiteng presyo
ng ABC Company
C. Pagpapagawa ng mga 15,000 Php
bagong lagayan ng mga
aklat

Kabuuang Gastusin 30,000 Php

(Ang panukalang proyektong ito ay maaari mong bisitahinsa site na


https://bit.ly/3cGnhCb).

4 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
Mga gabay na tanong:

1. Ano ang iyong napapansin sa sulatin na iyong nabasa?


2. Paano ito naiiba sa iba pang akademikong sulatin?

SURIIN

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang masasabi mo sa gawain 1?


2. Maayos at organisado ba ang pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang? Pangatwiran.
3. Ano ang pinakamalaking hamon sa iyo sa pagsulat ng sulating ito?

PAGYAMANIN

Panukalang Proyekto
Ang Panukalang Proyekto ay isang dokumento na ginagamit upang
kumbinsihin ang isang sponsor. Ito rin ay isang paraan upang makita ang
detalyadong pagtatalakay sa dahilan at pangangailangan sa proyekto, panahon sa
pagsasagawa ng proyekto at kakailanganing resources.

May mga bahagi ang panukalang proyekto. Ito ay ang mga espisipikong
laman ng sulating panukalang proyekto.

• Pamagat – tiyaking malinaw at maikli ang pamagat

• Proponent ng Proyekto – tumutukoy ito sa tao o organisasyong


nagmumungkahi ng proyekto. Isinusulat dito ang address, e-mail,
cellphone o telepono at lagda ng tao o organisasyon.

• Kategorya ng Proyekto – ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya, palihan,


pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o outreach program

• Petsa – kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng


panahon upang maisakatuparan ang proyekto

5 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
• Rasyonal – ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng
proyekto at kung ano ang kahalagahan nito

• Deskripsyon ng Proyekto – isusulat dito ang panlahat at tiyak na layunin o kung


ano ang nais matamo ng panukalang proyekto. Nakadetalye rito ang mga
pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto at ang inaasahang
haba ng panahon upang makompleto ito

• Badget – itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa


pagkompleto ng proyekto

• Pakinabang – ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang


maaapektuhan nito sa ahensiya o indibidwal na tumulong upang
maisagawa ang proyekto

Ilan pang tips sa pagsulat ng panukalang proyekto:

✓ Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o


ahensiya sa pag-aaproba ng panukalang proyekto.
✓ Bigyan-diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukalang
proyekto. Mahihirapang tumanggi ang nilalapitang opisina o ahensiya
kung nakita nilang malaki ang maitutulong nito sa mga indibidwal o
grupong target ng proyekto.
✓ Tiyaking malinaw, makatotohanan, at makatuwiran ang badget sa
gagawing panukalang proyekto.
✓ Alalahaning nakaaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-aaproba ng
panukalang proyekto. Gumamit ng mga simpleng salita at
pangungusap. Iwasang maging maligoy. Hindi nakatutulong kung hihigit
sa sampung pahina ang panukalang proyekto

(Ang kabuuan ng talakayang ito ay maaari mong Makita sa aklat na “Pagsulat sa


Filipino sa Piling Larangan: Akademik” (Makati City: DIWA LEARNING SYSTEMS
INC, 2016), pp. 107-111).

Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng isang panukalang proyekto


na nasa ibaba.

Panukalang Plano sa Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng ANSHS

-ni Rebecca Aira Baliton at Jean Marie Pael

I. PROPONENT NG PROYEKTO: ANSHS PTA

II. PAMAGAT NG PROYEKTO: Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng Aurora National


Science High School

6 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
III. PONDONG KAILANGAN: Php. 237 000

IV. RASYONAL

Pagbibigay ng kapaki-pakinabang at organisadong silid-aklatan sa Aurora National


Science High School.

V. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO

Deskripsiyon

Pagsasaayos at a-apdeyt ng silid aklatan ng ANSHS.

Layunin ng Proyekto

Mabigyan ng kalidad na sanggunian at reperensiya ang mga magaaral


ng ANSHS.

VI. KASANGKOT SA PROYEKTO

Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:

· ABC Construction & Renovation Co.

· ANSHS School Library

· ANSHS PTA

VII. KAPAKINABANGANG DULOT

Ang mga mag-aaral ng ANSHS ay sinasanay na sa mga kakayahang kailangan sa


pananaliksik mula pa sa ika-pitong baitang hanggang sa huling taon ng Senior High.
Kasama pa dito ang mga karagdagang kompetensiyang pinapantayan sa isang
science high school. Kaugnay nito, mahalagang magkaroon ang mga estudyante ng
mga sangguniang may mataas na kredibilidad, tulad na lamang ng mga aklat. Bukot
sa mataas na kalidad ng sanggunian, ang pagkakaroon ng mas maayos na
silidaklatan ay makapagbibigay din ng tahimik na espasyo sa mga mag-aaral lalo na
sa mga nangangailangan ng karagdagang panahon para matuto.

VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA

Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itnatakda ang mga sumusunod na mga
gawain o hakbangin:

XI. GASTUSIN NG PROYEKTO

Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang paaralan ng kabuuang halagang


Php. 100 000 na inlalaan sa sumusunod na pagkakagastusan.

7 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
(Ang kabuuan halimbawa ng Panukalang Plano sa Pagsasaayos ng Silid-Aklatan
ng ANSHS ay maaari mong bisitahin sa link na bit.ly/3cFWztf).

Panuto: Kilalanin kung anong bahagi ng panukalang proyekto ang nasa


ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

_______________________1. Mark Edison Julian, Jenalyn Alonzo


_______________________2. Ang proyektong ito ay aabutin ng limang buwan
bago maisakatuparan o makompleto. Maliban sa pagbuo ng grupo, gagawa rin ang
mga ito ng newsletter at sasali sa ilang patimpalak.
_______________________3. PANUKALANG PROYEKTO SA PAGKAKAROON
NG PANGKAT PARA SA CAMPUS JOURNALISM SA SAN JOSE HIGH SCHOOL

_______________________4.
PETSA MGA GAWAIN LUGAR/LOKASYON

Agosto 19, 2019 Pagpupulong ng student council Room 202 / TLE Laboratory
officers (Julian at Alonzo) kasama
ang mga guro sa English at Filipino
na magsisilbing school paper
advisers

Agosto 20, 2019 Pagtatalaga ng mga guro na Room 202 / TLE Laboratory
magiging punong abala sa
paghikayat sa mga mag-aaral/
pagpaplano ng gagawing
campaign sa buong eskwelahan

Agosto 21, 2019 SJHS


Pagsasagawa ng campaign sa
buong SJSH upang makahikayat
ng mga gustong sumali/
pagpapatala sa mga nais
magpamiyembro

Agosto 22, 2019 SJSH Library/ Covered Court


Pagpupulong kasama ang mga
nagpalista at pagbibigay sa kanila
ng kaalaman kung ano ang dapat
malaman tungkol sa Campus
Journalism/ Paghahalal ng mga
magiging officers ng club o
organization

Agosto 23, 2019 Pagpupulong mga club officers Room 202 / TLE Laboratory
kasama ang council at school
paper advisers para sa mga
proyektong pasisimulan kabilang
ang isang campus newsletter at
pagsali sa writing competitions

8 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
____________________5.
Ang proyektong pagbuo ng pangkat para sa Campus Journalism sa San Jose High
School (SJHS) ay isasagawa sa pamamagitan ng pagpupulong sa mga guro sa
English at Filipino at pagbuo ng plano upang mahikayat ang mga mag-aaral na
sumali sa nasabing pangkat.

____________________6.
Kahati sa badyet ng student council ang magiging campus journalism group.
Magbibigay din ang paaralan ng pondo sa mga patimpalak na gagawin sapagkat isa
ito sa mandato ng paaralan.

____________________7.
Ang kahalagahan ng proyektong ito ay magbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral
ng kahalagahan ng pamamahayag at magbubukas ng bagong kaalaman para sa
mga mag-aaral

(Ang halimbawang ito ay makikita sa link na


https://www.panitikan.com.ph/panukalang-proyekto-halimbawa-kahulugankatangian-
layunin-pagsulat)

ISAISIP

Dapat makatotohanan ang mga iminumungkahi


sa paggawa at pagsulat ng panukalang proyekto
.

9 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
ISAGAWA

Panuto: Basahing mabuti ang senaryo. Nahirang ka bilang pangulo ng Student


Government ng iyong paaralan. Binigyan ka ng sampung buwang badyet na
magkaroon ng proyekto. Mula rito, gumawa at sumulat ka ng sariling panukalang
proyekto. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Sundin ang walong hakbang sa
pagsulat nito.

I. Pamagat:

II. Proponent ng Proyekto:

Pamantayan sa Pagmamarka

III.Kategorya ng Proyekto:

Di-
Napakahusay Mahusay Gaano
IV. Petsa:
V. Rasyonal:
5 3 2
Kasapatan ng impormasyon

VI. Deskripsyon ng Proyekto: 5 3 2


Porma at Organisasyon
VII. Badget:
Pagiging makatotohanan ng mga
Gawain at Badyet

10 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
VIII. Pakinabang: 5 3 2

Kabatiran ng Wika 5 3 2

KABUOAN

KARAGDAGANG
GAWAIN

Kailangang makatotohanan at makatuwiran ang panukalang proyekto dahil


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Magtatagumpay ang aking panukalang proyekto kung


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

TAYAHIN

A. Panuto: Kilalanin anong bahagi ng panukalang proyekto ang inilalarawan sa


bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang sa iyong kuwaderno.
_________________1. Humihiling kami ng 150,000 pesos upang maisakatuparan
namin nang lubos ang mga layunin ng proyekto.
_________________2. Tatagal ng tatlong buwan ng pagtatayo, mula
Hunyo - Agosto.
_________________3. Konsultasyon sa lahat ng mga mag-aaral kaugnay sa
iminumungkahing proyekto (tatlong araw).
_________________4. Panukala para sa mga mag-aaral ng SHS sa NOHS

11 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
_________________5. Hinihiling naming magkaroon ng Reading Center sa ikatlong
palapag sa kapakinabangan ng mga estudyanteng
naghahanap ng lugar sa pananaliksik ng mga aralin.
_________________6. Panukala para sa Reading Center taong panuruan
2020-2021.
_________________7. NOHS-SHS PTA Kagawasan Avenue, D.C
_________________8. Proyekto ng PTA

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik T kung
tama ang pahayag, M kung mali sa patlang bago ang bilang sa iyong
kuwaderno
_____9. Bago sumulat ng panukalang proyekto, kailangan munang malinaw ang
nais na mangyari sa binabalak na proyekto.
_____10. Hindi na kailangang malaman kung magkano ang iminumungkahing
badget.
_____11. Sa unang bahagi ng panukalang proyekto, ilalahad ang rasyonal o ang
mga suliranin.
_____12. Sa katawan ng sulatin, ilalagay ang mga hindi mahahalagang detalye ng
proyekto.
_____13. Sa pagsulat ng panukalang proyekto, isipin mo na nakikipag-usap ka sa
iyong kliyente at ang layunin mo.
_____14. Sa bandang kongklusyon ng panukalang proyekto, ilalahad ang mga
benepisyong maaaring idudulot ng proyekto.
_____15. Hindi naidaraos ang proyekto gaano man kahalaga ang layunin nito, kung
walang badget.

12 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

13 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
MGA SANGGUNIAN

Dela Cruz, Mar Anthony.Simon. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik


(Makati City: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016), pp. 107-109.

14 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul7_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros


Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like