Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Lanzones

Noong unang panahon, sa isang bayan sa Laguna matatagpuan ang napakaraming mga puno na
may mga bilog-bilog na bunga. Mukhang masarap ang prutas ngunit wala sino man ang
mangahas na kumain nito sapagkat ang mga bunga ay lason. Ni lumapit sa nasabing puno ay
ayaw gawin ng mga taong bayan.

Napatunayan nilang lason ang mga bunga nang isang araw ay may napadpad na manlalakbay sa
kanilang bayan. Dahil sa pagod, naupo ang matanda sa ilalim ng nasabing puno upang
makapagpahinga. Nang makita ng manlalakbay ang mga nakasabit na bunga ay bigla niyang
naalala ang kanyang gutom at pumitas ng mga ito.

May isa sa mga taong bayan ang nakakita nang isubo ng matanda ang bunga. Tinangka niya
itong pigilan ngunit huli na ng naabutan niya ang matanda. Nakain na nito ang lasong bunga at
unti-unti na itong nangingisay at bumubula ang bibig. Dahil sa pangyayaring ito, mas lalong
natakot ang mga taong bayan na lumapit sa puno.

Sumapit ang isang matinding tagtuyot sa lugar. Namatay ang mga pananim at ang tanging natira
ay ang mga lasong puno na hitik na hitik sa bunga. Taimtim na nag-dasal ang mga taong bayan
na matapos na sana ang tagtuyot upang sila ay muling makapagtanim at makapag-ani ng
makakain sapagkat malapit ng maubos ang naka-imbak nilang pagkain.

Isang araw sa kainitan ng tanghali, isang mahiwagang babae ang dumating at kumatok sa mga
pintuan ng mga taong bayan. Nanlilimos ang magandang babae ng makakain. Ngunit walang
maibigay ang mga tao sapagkat salat din sila sa pagkain. Isang bata ang lumapit sa magandang
babae at nagbigay ng kapiranggot na makakain. Pagpasensyahan na daw niya ito dahil iyon na
lamang ang natitira niyang pagkain.

Napangiti ang babae at kinuha ang pagkaing inabot ng bata. Pinanood ng bata ang babae habang
ito ay kumakain. Pagkatapos kumain, tinanong ng babae ang bata kung bakit nila nasabing salat
sila sa pagkain samantalang marami namang bunga ang kanilang mga punong-kahoy. Ikinuwento
ng bata sa babae na lason ang mga bungang ito. Napangiti ang babae at umiling ito.

Pumitas siya ng bunga at pinisil ito hanggang sa lumabas ang laman. Bago pa man napigilan ng
bata ang babae ay naisubo na nito ang puting laman ng bunga. Nagtaka ang bata sapagkat walang
nangyari sa babae; sa halip nakangiti nitong ibinigay ang prutas sa bata na siya namang tinikman
din ang bunga.

Masarap at manamis-namis ang prutas. Sa tuwa ng bata ay napasigaw ito at tinawag ang mga
kapitbahay upang matikman din nila ang prutas. Nagsilabasan ang mga taong bayan. Noong una
ayaw nilang paniwalaan ang bata ngunit di naglaon ay tinikman din nila ito at napag-alaman
ngang matamis ang bunga. Hinanap nila ang magandang babae upang pasalamatan ngunit wala
na ito.

Naniniwala silang tinanggal ng mahiwagang babae ang lason sa mga bunga. Simula ang dating
"lason" ay naging "lansones".

You might also like