Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KABANATA 2

REBYU NG LITERATURA AT MGA PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do
they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon
noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan
ngpagbubuo ng Wikang Pambansa. Marahil ang pagkakaroon ng opisyal na wika ng
isang bansa ay siyang magiging tulay tungo sa matatag at matagumpay na
ekonomiya nito. Dagdag pa rito, ayon naman kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan,
2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating
mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa
maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na
Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa
pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Hindi rin kayang
baguhin, palitan, at malimutan ng isang bansa ang wika nito dahil Malaki ang naging
gampanin nito noon at magpahanggang ngayon.

Ayon kay Bienvenido Lumbrera (2007): “Parang hininga ang wika, sa bawat sandal
ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang
umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay
gumagamit tayo ng wika upang kamtan ang kailangan natin.” Kasabay ng araw-araw
na pamumuhay ng bawat indibidwal kabilang na ang mga pulitiko, propesyonal, at
mga simpleng mamamayan ay nakakabit na sa kanila ang paggamit ng wika sa
tuwing makikisalamuha’t makikipagtalastasan upang kanilang makamtan ang layunin
sa lipunang ginagalawan. Pinapatunayan lamang nito na kapag ginamit at
pinapalaganap ang Wikang Filipino kasabay ng modernisasyon sa kasalukuyan ay
maipapalaganap din ang produkto, kultura, at iba pang ipinagmamalaki ng Pilipinas.

Hindi maipagkaka-ilang kasabay ng modernisasyon sa lipunan ay siyang pagbabago


rin ng mga nakasanayan na ng mga mamamayan, kabilang na rito ay ang wikang
nakasanayan. Ayon kay Mario I. Miclat, Ph.D., nasabi niya sa artikulong Ang
Kalagayan ng Wikang Filipino sa Panahon Ngayon, “Hindi ngayon lamang dekadang
ito sumulpot ang problema ng pambansang wika, o lingua franca, o wikang panlahat.
Hindi noon lamang panahon nina Quezon sa pamahalaang Commonwealth
kalahating siglo ang nakararaan. Pinag-uusapan na iyan kahit noong mahigit apat na
raang taon na.” Isa sa mga salik na siyang nagiging dahilan ng mga samo’t saring
suliranin patungkol sa wika ay ang paglitaw ng mga makabagong salita na kung
minsan ay nagbubunsod ng hindi pagkakaintindihan ng bawat isa. Tulad na lang ng
paglaganap ng Jeje words, Beki language¸ at marami pang ibang nauusong salita na
nagiging kadahilanan ng mga orihinal na termino at kahulugan nito

.Ang Investigative Documentaries ni Malou C. Mangahas, isang Journalist at taga-


ulat ng GMA network, na may pamagat na Jejemon and the Filipino Language. Sa
dokumentasyong ito, gumawa sila ng eksperimento kung maiintindihan nga ba ng
mga Filipino ang wikang Jejemon sa pamamagitan ng pagpapabasa sa mga ito ng
isang partikular na mensahe na nakasulat sa wikang jejemon. Ang iba, partikular na
ang matatanda, ay nahirapang basahin ang mensahe dahil sa sari-saring karakter
na ginamit upang mabuo ang salita samantalang mabilis naman itong naintindihan
ng mga kabataan dahil ayon sa kanila, ang wikang Jejemon ay uso at pamilyar na sa
kanilang henerasyon. Sinubukan din nilang alamin kung kaya ng mga kabataan ang
tamang pagbabaybay sa wikang Jejemon. Dito, nadiskubre nilang higit na
binibigyang pansin ng ibang mga kabataan o mga Jejemon ang pagiging malikhain
sa pagsulat ng mga salita kaysa sa magiging kahulugan nito sa iba. Pinaalala rin sa
dokumentasyong ito na walang masama na sumabay sa uso ngunit may limitasyon
din ito. Mawawalan ng silbi ang kakaibang spelling kung iilan lamang ang
nakakaunawa at nakakalimutan na ang tamang pananalita. Ngunit sa kabilang dako
naman ay higit na akma na gamitin ang mga salita na may kinalaman sa modernong
panahon at mas nauunawaan ng mas malaking bahagi ng populasyon. Sa
kasalukuyan, malaki ang kinalaman ng teknolohiya at modernisasyon sa paglaganap
at paglaho ng ilang mga salita.

Sa isang panayam ng GMA News ay inihalintulad naman ni National Artist for


Literature Virgilio Almario Ang hindi paggamit ng ilang salitang Pinoy sa pera na
nawawala sa sirkulasyon. “Hindi naman namamatay ‘yon kaya lang hindi nagagamit,
hindi in currency,” paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng
Wikang Filipino. “Parang fashion lang ‘yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang
lengguwahe at hindi sumunod sa uso, mamamatay (ito),” dagdag niya. Sinabi pa ni
Almario na buhay ang wika kapag nakasasabay ito at bumabagay sa tawag ng
panahon.

Ayon kay Caroll (1964), ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng paglilinang sa loob ng maraming dantaon at
nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay
tinutukoy na isang set ng mga huwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at
ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon sa librong Kasaysayan ng Wika at Pananaliksik, ang wikang Filipino ay


napagtibay bilang Wikang Pambansa noong 1987 sa Order Pangkagawaran bilang
22 sa ilalim ng Artikulo XII Seksyon VI.
Ang artikulo naman ni Sara Boydon noong Agosto 10, 2014 sa Tomasino Web ay
nagpapahayag na ang wikang Filipino ay hindi lamang dapat maalala tuwing buwan
ng Agosto o tuwing may okasyon lamang dahil ito ang sumisimbolo na tayo ay mga
Pilipino at nararapat lamang na hindi natin ito makalimutan dahil lamang sa mga
bakas na naiwan ng mga dayuhan sa ating bansa.

Dapat lamang na palaging gamitin, tangkilikin, at pagyamanin ang wikang


kinagisnang upang hindi ito mawala sa sirkulasyon ng patuloy na pag-ikot ng mundo.
Dahil itinatanag ang wikang Filipino upang maging ilaw tungo sa pagkakaisa,
kapayapaan, at pagkakaintindihan ng bawat mamamayan.
Kaugnay na Pag-aaral

Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya


saisang bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng
bawat tao saisang ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi
pagkakaunawaan at maaring humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng isang
bansa. Masasabi na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang isang bansa sa mga
aspektong intelektwal, sikolohikal, at kultural.

Ayon kay Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks sa La Salle,


“Kapag

Walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung isiipin natin, kung walang lipunan,
walang

Transaksiyon, wala tayong ekonomiya.” Ang wika umano ay isang paraan ng


paggawa ng transaksyon. Binanggit din niya na lahat ng nangyayari sa ekonomiya
ay base sa kung paano mo

Ito naintindihan kung kaya’t dapat ay maipahayag mo rin ng malinaw sa iba ang
iyong naintindihan tungkol doon. Dahil dito, masasabi na ang wikang pambansa ay
may malaking papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng ating bansa.

Ayon kay Jose Laderas Santos, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino


(KWF), malaki ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pang-araw-araw nagawain
ng bawat Pilipino. Gawin na lamang na halimbawa ang pagbili ng isang ordinaryong
Pilipino sa tindahan. Ang ginagamit na wika sa transaksiyong ito ay Filipino. Sa
ganitong paraan ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang bawat isa at
nagkakaroon ng satispaksyon sa pagitannila dahil natamo nila ang pangangailangan
ng bawat isa.

Ayon kay Bernard Macinas, komisyner ng KWF mula sa Bicol, ang bawat bansa ay
may sariling wika na ginagamit upang magsilbing daan tungo sa landas ng
pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagmamahal. Kapag ito’y natamo, magkakaroon
ng katahimikan at kaayusan ang isang bansa. Masasabi rin na angkatiwasayan ng
isang bansa ay isa ring salik sa pag-unlad ng ekonomiya nito. Kapagnagkakaroon ng
kaayusan ang isang bansa ay maaiwasan ang gulo at mas mapapaunlad pa laloang
kanilang ekonomiya.

Para naman kay Vilma Tacbad, komisyner ng KWF mula sa Pampangga, bagaman
Ingles ang wika ng komersyo, hindi pa rin ito ang susisa kaunlaran ng bansa.
Binigyan niyang halimbaawa ang mga bansang Japan, South Korea, Thailand, at
China. Di tulad sa bansang Pilipinas, ang mga bansang ito ay masasabing mahina
sawikang Ingles. Ngunit hindi ito naging dahilan upang paunlarin nila ang kanilang
bansa. “Ang Japan ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat ginagamit nila ang
wikang sarili. Hindi ginamit ng Japan para umunlad ang wikang Ingles,” ani Tacbad.
Sa bansang ito na Ingles ang itinuturing na pangalawang lengguahe, malaking
bagay ang paggamit nito sa usaping pang-ekonomiya. Ngunit kung ikukumpara ang
Pilipinas sa ibang bansa, mas magkakaroon ngmalaking posibilidad na mapaunlad
ang ekonomiya sa pamamagitan ng paglinang sa kunganong sariling atin, Filipino,
ang wikang pambansa.

Sa kabilang banda, bagama’t mabilis ang pag-usbong ng makabagong mundo,


modernong teknolohiya at mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text
messaging at social media, hindi maiiwasan na may mga sinaunang salita na
nababaon na sa limot o nalilipasan na ng panahon.

Napatunayan ito sa ginawang eksperimento ng GMA News sa Pandacan, Maynila,


sa mismong harapan ng bantayog ng batikang makata at manunula na si Francisco
Balagtas, na siyang nasa likod ng epikong “Florante at Laura.” Ayon sa isinagawang
eksperimento ng GMA News, kung saan sinubukan nilang alamin mula sa mga
kabataan ngayon at ilan sa mga matatanda ang kahulugan ng mga lumang salita
kagaya ngalimpuyok, papagayo at salakat, wala sa mga modernong kabataan ang
nakakuha ng tamang sagot o kahulugan ng mga salitang ito subalit may isang
matanda ang nakakuha naman ng tamang sagot. Ayon saulat na ito, masasabi
nating mahirap para sa mga kabataan ngayon ang pagpapalaganap ng kaalaman
tungkol sa wika mula sa ating kasaysayan.

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang
kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon.
Maari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika,
naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging
ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga
sumusunod at susunod pang henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa
nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman
kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali.
TALASANGGUNIAN:

INTERNET

GMA Network Inc. (2009, August 31). Retrieved from GMA News Online:

http://www.gmanetwork.com/news/story/171158/news/nation/kasaysayan-ng-
wikang-filipino

Ang Kalagayan ng Filipino sa Panahon Ngayon. (2015, April 29):

http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-disseminationscd/
language-and-translation/ang-kalagayan-ng-filipino-sa-panahon-ngayon/

GMA Network Inc. (2014, August 28). Retrieved from GMA News Online:

http://www.gmanetwork.com/news/story/376707/news/ulatfilipino/ang-pagsabay-sa-
uso-ng-wikang-filipino

The Varsitarian. (2012, September 9). Retrieved from Varsitarian:

http://varsitarian.net/filipino/20110826/
pagpapaunlad_ng_wika_nakatutulong_sa_ekonomiya

You might also like