Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

9  

   

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1.a: Layunin
ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Linggo: Una

 
 
Edukasyon  sa  Pagpapakatao  –  Ika-­siyam  na  Baitang    
Alternative  Delivery  Mode  
Unang  Markahan  –  Modyul  1.a:  Layunin  ng  Lipunan:  Kabutihang  Panlahat  
 
  Isinasaad  sa  Batas  Republika  8293,  Seksiyon  176  na:  Hindi  maaaring  magkaroon  ng  
karapatang-­sipi   sa   anomang   akda   ang   Pamahalaan   ng   Pilipinas.   Gayonpaman,   kailangan  
muna  ang  pahintulot  ng  ahensiya  o  tanggapan  ng  pamahalaan  na  naghanda  ng  akda  kung  ito  
ay  pagkakakitaan.  Kabilang  sa  mga  maaaring  gawin  ng  nasabing  ahensiya  o  tanggapan  ay  
ang  pagtakda  ng  kaukulang  bayad.  
 
Ang  mga  akda  (kuwento,  seleksiyon,  tula,  awit,  larawan,  ngalan  ng  produkto  o  brand  
name,  tatak  o  trademark,  palabas  sa  telebisiyon,  pelikula,  atbp.)  na  ginamit  sa  modyul  na  ito  
ay   nagtataglay   ng   karapatang-­ari   ng   mga   iyon.   Pinagsumikapang   matunton   ang   mga   ito  
upang   makuha   ang   pahintulot   sa   paggamit   ng   materyales.   Hindi   inaangkin   ng   mga  
tagapaglathala  at  mga  may-­akda  ang  karapatang-­aring  iyon.  Ang  anomang  gamit  maliban  sa  
modyul  na  ito  ay  kinakailangan  ng  pahintulot  mula  sa  mga  orihinal  na  may-­akda  ng  mga  ito.    
 
Walang   anomang   parte   ng   materyales   na   ito   ang   maaaring   kopyahin   o   ilimbag   sa  
anomang  paraan  nang  walang  pahintulot  sa  Kagawaran.  
 
Inilathala  ng  Kagawaran  ng  Edukasyon  
Kalihim:  Leonor  Magtolis  Briones  
Pangalawang  Kalihim:  Diosdado  M.  San  Antonio  
 

Bumuo  sa  Pagsusulat  ng  Modyul  


 
Manunulat:  Carmelyn  S.  Fonollera  
Editor:  Anna  Mae  I.  Tejada  
Tagasuri:  Conchita  T.  Caballes   Cita  J.  Bulangis  
Tagaguhit:    
Tagalapat:  Anna  Mae  I.  Tejada  
Tagapamahala:  Senen  Priscillo  P.  Paulin,  CESO  V     Rosela  R.  Abiera  
           Fay  C.  Luarez,  TM,  Ed.D.,  Ph.D.     Maricel  S.  Rasid  
           Adolf  P.  Aguilar         Elmar  L.  Cabrera  
           Donre  B.  Mira         Nilita  L.  Ragay  
 
 
Inilimbag  sa  Pilipinas  ng  ________________________  
 
Department  of  Education  –Region  VII  Schools  Division  of  Negros  Oriental
 
Office  Address: Kagawasan,  Ave.,  Daro,  Dumaguete  City,  Negros  Oriental
Tel  #: (035)  225  2376  /  541  1117  
E-­mail  Address: negros.oriental@deped.gov.ph  

 
 
 

9  

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1.a:
Layunin ng Lipunan: Kabutihang
Panlahat
(Linggo: Una)

 
   

 
 
 

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Layunin ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

 
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

   

ii  
 
 

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1.   Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2.   Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3.   Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4.   Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5.   Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6.   Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!  

iii  
 
 

 
 
Layunin  ng  Lipunan:  Kabutihang  Panlahat  
   

 
 
 
 
Natutukoy  ang  mga  element  ng  kabutihang  panlahat.  (EsP9PL-­la-­1.1)  
 
Nakapagsusuri  ng  mga  halimbawa  ng  pagsasaalang-­alang  sa  kabutihang  panlahat  
sa  pamilya,  paaralan,  pamayanan  o  lipunan.    (EsP9PL-­la-­1.2)  
 

Mga  Layunin  
 
 
  Sa  modyul  na  ito,  inaasahang  maipamamalas  mo  ang  sumusunod  na  
kaalaman,  kakayahan,  at  pag-­unawa:  
 
1.   Naiuugnay  sa  sariling  karanasan  ang  mga  elemento  ng  kabutihang  panlahat.  
2.   Nakakagawa   nang   sariling   representasyon   ng   elemento   ng   kabutihang  
panlahat.  
3.   Nabibigyang-­kahulugan  ang  mga  elemento  ng  kabutihang  panlahat.  
 
 

1  
 
 

  Panimula
 

  Sa   modyul   na   ito   ay   maiintindihan   natin   ang   layunin   ng   lipunan   para   sa  


kabutihang  panlahat.  Nakikilala  mo  rin  na  hindi  ka  lamang  nabubuhay  para  sa  iyong  
sarili   at   para   sa   iyong   pamilya,   na   mayroong   mas   malawak   na   mundong   iyong  
kinabibilangan  at  ikaw  ay  isang  mahalagang  bahagi  nito.        
    Siguro   ay   narinig   mo   na   ang   kasabihang   “Walang   sinumang   tao   ang  
maaaring   mabuhay   para   sa   kaniyang   sarili   lamang”.   Kinakailangan   ng   taong  
makibahagi  at  mamuhay  sa  lipunan,  isa  ito  sa  itinalagang  likas  na  katangian  ng  mga  
nilikha  ayon  sa  Likas  na  Batas.  Paano  ba  makakamit  at  mapananatili  ang  kabutihang  
panlahat?  Nakahanda  ka  na  bang  makaalam  at  makialam  sa  lipunan?    

 
 

  Panimulang  
Pagtataya  
 

Panuto:  Basahing  mabuti  ang  bawat  pangungusap  at  unawain  ang  tanong.  Pillin  ang  
pinakaangkop  na  sagot  at  isulat  ang  titik  nito  sa  inyong  kuwaderno.  
 
1.   Ayon  kay  Dr.  Manuel  Dy,  isang  propesor  ng  Pilosopiya  sa  Ateneo  de  Manila  
University,  binubuo  ng  mga  tao  ang  lipunan  at  binubuo  ng  lipunan  ang  mga  tao.  
Ito  ay  nangangahulugang:  
A.  Ang  tao  ang  gumagawa  sa  lipunan  at  kaalinsabay  nito  ay  ang  lipunan  at      
hinuhubog  ng  lipunan  ang  mga  tao.  
B.  Ang   tao   ang   bumubuo   sa   lipunan   dahil   mula   sa   kaniyang   pagsilang   ay  
nariyan  na  ang  pamilyang  nag-­aaruga  sa  kaniya;;  binubuo  ng  lipunan  ang  
tao  dahil  matatagpuan  ang  tao  sa  lahat  ng  bahagi  nito.  
C.  Ang   tao   ang   bumubuo   sa   lipunan   dahil   ang   kanilang   mga   kontribusyun  
ang  nagpapalago  at  nagpapatakbo  dito;;  binubuo  ng  lipunan  ang  mga  tao  
dahil  ang  lipunan  ang  nagbubuklod  sa  lahat  ng  tao.  
D.  Ang  tao  ang  bumubuo  sa  lipunan  dahil  pamilya  ang  nag-­aruga  sa  tao  at  
dahil   matatagpuan   ang  tao   sa   lahat   ng   bahagi   nito;;   binubuo   ng   lipunan  
ang   tao   dahil     sa   lipunan   makakamit   ang   kaganapan   ng   kaniyang  
pagkatao.  
2.   Ang  sumusunod  ay  hadlang  sa  pagkamit  ng  kabutihang  panlahat  maliban  sa:  
A.  Paggawa  ng  tao  ayon  sa  kaniyang  pansariling  hangad.  
B.  Pagkakaroon   ng   pakiramdam   na   mas   malaki   ang   naiaambag   ng   sarili  
kaysa  sa  nagagawa  ng  iba.  

2  
 
 

C.  Pakikinabang   sa   benipisyong   hatid   ng   kabutihang   panlahat   subalit  


pagtanggi  sa  pagbabahagi  para  sa  pagkamit  nito.  
D.  Pagkakait  ng  tulong  para  sa  kapuwa  na  nangangailangan.  
3.   Ano  ang  pagkakaiba  ng  lipunan  sa  komunidad?  
A.  Sa   lipunan,   ang   nangingibabaw   ay   ang   iisang   tunguhin   o   layunin  
samantalang   sa   komunidad   ang   mahalaga   ay   ang   pagkakabukod-­tangi  
ng  mga  kabilang  dito.  
B.  Sa  lipunan,  ang  pangkat  ng  mga  tao  ay  may  nagkakaisang  interes,  mithiin,  
at   pagpapahalaga   samantalang   sa   komunidad,   ang   namumuno   ang  
nagbibigay  ng  direksiyon  sa  mga  taong  kasapi  nito.  
C.  Sa  lipunan,  ang  namumuno  ay  inatasan  ng  mga  mamamayan  na  kamtin  
ang  mithiin  ng  mga  kasapi  nito  samantalang  sa  komunidad,  ang  mga  tao  
ang  nararapat  na  manaig  sa  pagkamit  ng  kanilang  mga  mithiin.    
D.  Sa  lipunan,  mas  malaking  pamahalaan  ang  nakasasakop  samantalang  sa  
komunidad  ay  mas  maliit  na  pamahalaan.  
4.   Ang  buhay  ng  tao  ay  panlipunan.  Ang  pangungusap  ay:  
A.  Tama,  dahil  sa  lipunan  lamang  siya  nakapamumuhay.  
B.  Tama,   dahil   lahat   ng   ating   ginagawa   at   ikinikilos   ay   nakatuon   sa   ating  
kapuwa.  
C.  Mali,  dahil  may  mga  pagkakataong  ang  tao  ang  nagnanais  na  makapag-­
isa.  
D.  Mali,  dahil  may  iba  pang  aspekto  ang  tao  maliban  sa  pagiging  panlipunan  
5.   Ang  sumusunod  ay  elemento    ng  kabutihang  panlahat  maliban  sa:  
A.  Kapayapaan  
B.  Katiwasayan  
C.  Paggalang  sa  indibidwal  na  tao  
D.  Tawag  ng  katarungan  o  kapakanang  panlipunan  ng  lahat.  
6.   “Huwag  mong  itanong  kung  ano  ang  magagawa  ng  bansa  para  sa  iyo,  kundi  
itanong   mo   kung   ano   ang   magagawa   mo   para   sa   iyong   bansa.”   Ang   mga  
katagang  ito  ay  winika  ni:  
A.  Aristotle  
B.  St.  Thomas  Aquinas  
C.  John  F.  Kennedy  
D.  Bill  Clinton  
7.   Ano  ang  tunay  na  layunin  ng  lipunan?  
A.  Kapayapaan  
B.  Kabutihang  panlahat  
C.  Katiwasayan  
D.  Kasaganaan  
8.   Ano  ang  kabutihang  panlahat?  
A.  Kabutihan  ng  lahat  ng  tao  
B.  Kabutihan  ng  mga  pangkat  ng  kasapi  ng  lipunan  
C.  Kabutihan  ng  bawat  indibidwal  na  kasapi  ng  lipunan  
D.  Kabutihan  ng  lipunang  nararapat  bumalik  sa  lahat  ng  mga  kasapi  nito.  
9.   Ang  tunguhin  ng  lipunan  ay  kailangang  pareho  sa  tunguhin  ng  bawat  indibidwal.  
Ang  pangungusap  ay:  

3  
 
 

A.  Tama,   dahil   sa   pagkakataon   na   ganito   lamang   matitiyak   na   makakamit  


ang  tunay  na  layunin  ng  lipunan.  
B.  Tama,   dahil   mahalagang   makiayon   ang   bawat   indibidwal   sa   layunning  
itinalaga  ng  lipunan.  
C.  Mali,   dahil   may   natatanging   katangian   at   pangangailangan   ang   bawat  
isang  indibidwal.  
D.  Mali,  dahil  ang  bawat  indibidwal  sa  lipunan  ang  nararapat  na  nagtatakda  
ng  mga  layunin.  
10.  Kalayaan  at  pagkakapantay-­pantay  ang  nararapat  na  manaig  sa  lipunan.  Ang  
pangungusap  ay:  
A.  Tama,  dahil  ito  ang  mahalaga  upang  mangibabaw  ang  paggalang  sa  mga  
karapatan  ng  tao.  
B.  Tama,  dahil  ito  ay  inilaan  na  makamit  ng  tao  sa  lipunan  ayon  sa  Likas  na  
Batas  
C.  Mali,   dahil   sa   kalayaan,   masasakripisyo   ang   kabutihang   panlahat   at   sa  
pagkakapantay-­pantay  masasakripisyo  ang  kabutihan  ng  indibidwal.  
D.  Mali,  dahil  sa  kalayaan,  masasakripisyo  ang  kabutihan  ng  indibidwal  at  sa  
pagkakapantay-­pantay,  masasakripisyo  ang  kabutihang  panlahat.  
 
 
 
Gawain  1    
 
Panuto:  
1.   Sa  unang  bahagi  ng  gawaing  ito  ay  mahalagang  maibahagi  mo  muna  kung  
ano  ang  larawan  ng  isang  matiwasay  na  lipunan  para  sa  iyo.  Ipakita  mo  ang  
mga  katangian  ng  isang  matiwasay  na  lipunan.  
2.   Ang  iyong  sagot  sa  tanong  na  ito  ay  maaari  mong  maipakita  sa  malikhaing  
pamamaraan.   Maaaring   gumupit   ng   mga   larawan   at   gumawa   ng   isang  
photo  collage  o  di  kaya  ay  pwedeng  iguhit  ang  larawan  ng  isang  matiwasay  
na  pamilya  para  sa  iyo.    
3.   Mahalagang   maglakip     ng   maikling   paglalarawan   sa   ginawang  
representasyon.
Dapat  sundin  ang  pamantayan  sa  paggawa.  
 
A.   Photo  collage    
Ideya  o  konsepto  na  naaayon  sa  paksa  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­  10  puntos  
Kaisahan  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­5  puntos  
                                                                             15  puntos  
B.   Guhit  
Ideya  o  konsepto  na  naaayon  sa  paksa  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­  10  puntos  
Malinis  ang  pagkaguhit  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­5  puntos  
                 15  puntos  
 

4  
 
 

 
Pagsusuri  
 

Mula  sa  Gawain  1  sagutin  ang  sumusunod.  


1.   Ano  ba  ang  nakikita  mo  mula  sa  representasyon  ng  isang  matiwasay  na  lipunan  
na  iyong  nagawa?  
2.   Ano  ang  larawan  ng  isang  matiwasay  na  lipunan  para  sa  iyo?  
3.   Ano   ba   ang   uri   ng   lipunang   kinabibilangan   mo   sa   ngayon?   Ito   ba   ay   tugma   o  
naaayon  sa  representasyon  na  iyong  nagawa?  Paano  mo  ito  nasasabi?    
 

  Pagpapalalim  
 
  Ang   salitang   lipunan   ay   nagmula   sa   salitang   ugat   na   “lipon”   na  
nangangahulugang   pangkat.   Ang   mga   tao   ay   may   kinabibilangang   pangkat   na   iisa  
ang  tunguhin  o  layunin.  Ang  lipunan  o  pangkat  ng  mga  indibidwal  ay  patungo  sa  iisang  
layunin  o  tunguhin.  Kolektibo  ang  pagtingin  sa  bawat  kasapi  nito  ngunit  hindi  naman  
nito  binubura  ang  indibidwalidad  o  pagiging  katangi-­tangi  ng  mga  kasapi.  Sa  kabilang  
dako,  madalas  na  ginagamit  ang  salitang  komunidad  upang  tukuyin  ang  lipunan.    
  Bigyan  naman  natin  ng  linaw  ang  kahulugan  ng  kabutihang  panlahat.  Ano  nga  
ba  ang  kabutihang  panlahat?  Sa  simpleng  salita,  masasabing  ito  ay  kabutihan  para  
sa  bawat  isang  indibidwal  na  nasa  lipunan.  Ito  ay  isang  pagpapahalagang  naiiba  sa  
pansariling  kapakanan.  Mahalagang  maunawaan  mong  ang  tunguhin  ng  lipunan  ay  
hindi  ang  kabutihan  lamang  ng  indibidwal  o  ang  koleksiyon  ng  indibidwal  na  kabutihan  
ng  mga  taong  bumubuo  nito.  Kapag  ganito  ang  paniniwalang  mangingibabaw,  patuloy  
na  mabibigyan  ng  laya  ang  mga  malalakas  na  apihin  ang  mga  mahihina.    Ang  tunay  
na  tunguhin  ng  lipunan  ay  ang  kabutihan  ng  komunidad  na  nararapat  na  bumalik  sa  
lahat  ng  indibidwal  na  kasapi  nito.  Kaya  sinasabing    may  kaugnayan  ang  tao  at  ang  
kabutihang   panlahat   dahil   ang   kabutihang   panlahat   ay   tinatanggap   ng   bawat  
indibidwal  na  sumasalamin  sa  kabuuan.  
  Ipinapaliwanag   ni   Santo   Tomas   de   Aquino   na   ang   tunguhin   ng   lipunan   ay  
kailangang  pareho  sa  tunguhin  ng  bawat  indibidwal.  Nangangahulugan  ito  ng  pagiging  
tugma   ng   personal   na   kabutihan   sa   kabutihang   panlahat.   Ibig   sabihin,   hindi   dapat  
ihiwalay  ng  mga  tao  ang  kani-­kanilang  sarili  sa  paghanap  ng  makabubuti  sa  bawat  isa  
sa   kanila   kundi   ang   magtipon-­tipon   upang   hanapin   ang   kabutihang   panlahat   na  
magkakasama.    
 
 
 

5  
 
 

Ang  kabutihang  panlahat  ay  binubuo  ng  tatlong  mahahalagang  elemento:  


 
1.   Ang   paggalang   sa   indibidwal   na   tao.   Ang   kabutihang   panlahat   ay  
nagpapahalaga  sa  kalikasan  ng  tao,  hindi  ito  lubos  na  iiral  kung  hindi  kikilalanin  
at   pahahalagahan   ang   kaniyang   dignidad.   Sa   dignidad   nakakabit   ang   iba’t  
ibang   karapatang   kailangang   igalang   at   dapat   matamasa   ng   lahat   ng   tao   sa  
lipunan.  
2.   Ang  tawag  ng  katarungan  o  kapakanang  panlipunan  ng  pangkat.  Ang  pag-­
unlad  ang  kabuuang  pokus  ng  panlipunang  tungkuling  kailangang  kailangang  
maibigay  sa  mga  tao.  Halimbawa:  
a.   mga  pampublikong  sistema  ng  pangangalaga  sa  kalusugan  
b.   epektibong  pampublikong  pangkaligtasan  at  seguridad  
c.   kapayapaang  namamagitan  sa  bawat  bansa  sa  mundo.  
d.   makatarungang  sistemang  legal  at  pampolitika  
e.   malinis  na  kapaligiran  at  umuunlad  na  sistemang  pang-­  ekonomiya.  
3.   Ang  kapayapaan.  Ang  pagkakaroon  ng  katahimikan,  kapanatagan,  o  kawalan  
ng   kaguluhan   sa   lahat   ng  aspeto   ng   buhay   tulad   ng   isip,   kalooban,   pamilya,  
lipunang   ginagalawan,   at   iba   pa,   subalit   ang   kapayapaan   ay   resulta   ng  
pagkakaroon  ng  katahimikan,  kapanatagan,  at  kawalan  ng  kaguluhan.    
 
Pinapakahulugan  ng  mga  elementong  ito  na  ang  kabutihang  panlahat  ay  hindi  lamang  
nangyayari   nang   kusa.   Upang   makamit   at   mapanatili   ang   kabutihang   panlahat,  
nangangailangan  ng  sama-­samang  pagkilos  ng  mga  tao,  hindi  ng  iilan  lamang  kundi  
ng  lahat.  Halimbawa,  kahit  na  anong  pagnanais  ng  pangulo  ng  isang  bansa  na  matiyak  
na  hindi  mananaig  ang  korapsiyon  sa  pamahalaan,  hindi  siya  magtatagumpay  kung  
hindi  ito  yayakapin  ng  lahat  ng  mga  namumuno  sa  ilalim  ng  kaniyang  pamamahala.  
Alam  ng  lahat  na  kung  ganap  sanang  maiiwasan  ang  korapsiyon  sa  pamahalaan,  mas  
malaki   ang   pondong   mailalaan   para   sa   edukasyon,   kalusugan,   imprastraktura,   at  
marami  pang  iba,  na  magiging  kapaki-­pakinabang  sa  lahat  ng  mga  mamamayan  lalo  
na  sa  mahirap.  
 
Mga  hadlang  sa  pagkamit  ng  kabutihang  panlahat:  
 
1.   Nakikinabang   lamang   sa   benepisyong   hatid   ng   kabutihang   panlahat,  
subalit  tinatanggihan  ang  bahaging  dapat  gampanan  upang  mag-­ambag  
sa   pagkamit   nito.   Ang   mahalaga   sa   iba   ay   ang   pakinabang   na   kaniyang  
makukuha   sa   kabutihang   panlahat   na   nagmumula   sa   malasakit   at  
pagsasakripisyo  ng  iba.    
2.   Ang   indibidwalismo   o   ang   paggawa   ng   tao   ng   kaniyang   personal   na  
naisin.   Nais   ng   taong   maging   malaya   sa   pagkamit   ng   pansariling   tunguhin  
nang  walang  ibang  nanghihimasok  o  nakikialam  sa  kaniya.  
3.   Ang  pakiramdam  na  siya  ay  nalalamangan  o  mas  malaki  ang  naiiambag  
niya  kaysa  sa  nagagawa  ng  iba.  Upang  mapanatili  ang  kabutihang  panlahat,  
hinihingi  sa  ilan  ang  mas  malaki  at  mabigat  na  pananagutan  kaysa  sa  iba.  
 

6  
 
 

Mulat  tayo  sa  isang  mundo  na  kapatid,  kamag-­anak,  kaklase,  kababayan,  at  marami  
pang  ibang  kasama  na  naaayon  sa  lipunang  ating  ginagalawan.  Makikita  ito  maging  
sa   media.   May   mga   estasyon   sa   telebisyon   na   nagtuturing   sa   kanilang   manonood  
bilang   kapuso,   kapamilya,   kapatid   at   iba   pa.   Ayon   kay   Jacques   Maritain,   ang  
manunulat  ng  aklat  na  “The  Person  and  the  Common  Good”  (1966),  hahanapin  talaga  
ng  taong  mamuhay  sa  lipunan  sa  dalawang  mahalagang  dahilan.    
 
1.   Ito  ay  dahil  sa  katotohanang  hindi  siya  nilikhang  perpekto  o  ganap  at  dahil  
likas  para  sa  kaniya  ang  magbabahagi  sa  kaniyang  kapuwa  ng  kaalaman  
at   pagmamahal.   Binigyan   ang   tao   ng   kakayahang   magwika   o   magsalita  
dahil  likas  na  nilikha  ng  Diyos  ang  tao  na  sumalipunan.  
2.    Ginugusto   ng   taong   mamuhay   sa   lipunan   dahil   sa   kaniyang  
pangangailangan  o  kakulangan  mula  sa  materl  na  kalikasan.  Mahalaga  ring  
makipag-­ugnayan   siya   sa   kaniyang   kapuwa   upang   matugunan   ang  
pangangailangang  ito  at  mapunan  ang  kaniyang  kakulangan.  
 
 

 
   
 
Paglalapat  
 

  Gawain  2    
 

 
Pagpapasulat   ng   isang   essay   na   may   limang   pangungusap   gamit   ang   gabay   na  
tanong.  Isulat  ito  sa  inyong  kuwaderno:  
 
1.   Paano   mo   maiuugnay   sa   sariling   buhay   ang   mga   elemento   ng   kabutihang  
panlahat?  
2.   Ano  ang  dapat  mong  gawin  bilang  miyembro  ng  lipunan?  
 
 
 
 
 
 
 

7  
 
 

 
 
       

           Gawain  3  
 

Mag-­isip  ng  pangyayari  o  senaryo  na  kung  saan  ay  ginamit  ng  tama  ang  isip  
at  kilos-­loob.  
 
Pamatayan  sa  Pagmamarka  
Nilalaman                                  5  
Organisasyon                      3  
Wika                                                  2        
                       10    
 
1.  Ano-­ano  ang  mga  elemento  ng  kabutihang  panlahat?  Ibigay  ang  kahulugan  ng  bawat  isa.  
Pagkatapos  ay  magbigay  ng  mga  angkop  na  halimbawa  o  sitwasyon  sa  bawat  elemento  nito.  
Maaaring  isulat  ang  sariling  karanasan  na  angkop  sa  mga  elemento.  
 

  Pagpapayaman/  
 
Pagninilay  
 

Napag-­alaman  ko  na  ____________________________________.  


 
Napagtanto  ko  na  _______________________________________  
 
Ang  aking  gagawin  ay  ___________________________________  
 
 
   

   
   
  8  
 
 
 
 

  PANGWAKAS  NA  PAGTATAYA  


 
 
I.   Tukuyin  ang  sumusunod  na  pahayag  kung  anong  elemento  ng  kabutihang  
panlahat.  
 
____________________1.  Ang  paggamit  ng  tao  ng  kaniyang  bokasyon  tungo  sa  
paglinang  ng  kaniyang  sarili  at  pinahahalagahn  nito  ang  kaniyang  didnidad  
____________________2.  Nabibigyan  ng  seguridad  ang  lipunan  at  ang  mga  kasapi  
nito  sa  mabuti  at  maayos  na  pamamaraan.  
____________________3.  Mayroong  malakas  na  epekto  sa  kapakanan  ng  mga  
kasapi  ng  pangkat  
____________________4.  May  epektibong  pampublikong  pangkaligtasan  at  
seguridad.  
____________________5.  Pagkakaroon  ng  katahimikan,  kapanatagan,  o  kawalan  ng  
kaguluhan  sa  lahat  ng  aspekto  ng  buhay  
 
 
 
 
 
 
 
 
Glossary    
The following terms used in this module are defined as follows:
Lipunan      
  Katipunan  ng  mga  tao  na  may  isang  layunin,  bawat  mamamayan  ay  nararapat  
makilahok  sa  mga  gawaing  makapagpapaunlad  ng  kaniyang  lipunan.  
 
Komunidad  
  Galing   sa   salitang   latin   na   communis   na   nangangahulugang   common   o  
nagkakapareho.    
 
 
 
 
 
 
 
 

9  
 
 

 
 
  SUSI  SA  PAGWAWASTO  
 

Gawain  3.    Ang  mga  halimbawa  rito  ay  maaaring  


magkakaiba.  

Mga  elemento  ng  kabutihang  panlahat.  


Panimulang  pagtataya:  
1. Ang  paggalang  sa  indibidwal  na  tao.  
1.  D   Ang  kabutihang  panlahat  ay  
nagpapahalaga  sa  kalikasan  ng  tao,  
2.  D   hindi  ito  lubos  na  iiral  kung  hindi  
kikilalanin  at  pahahalagahan  ang  
3.  A   kaniyang  dignidad.  
2. Ang   tawag   ng   katarungan   o  
4.  B   kapakanang   panlipunan   ng   pangkat.  
Ang   pag-­unlad   ang   kabuuang   pokus   ng  
5.  B   panlipunang   tungkuling   kailangang  
kailangang   maibigay   sa   mga   tao.  
6.  C   Halimbawa:  
7.  B   a. mga   pampublikong   sistema   ng  
pangangalaga  sa  kalusugan  
8.  D   b. epektibong   pampublikong  
pangkaligtasan  at  seguridad  
9.  C   c. kapayapaang   namamagitan   sa  
bawat  bansa  sa  mundo.  
10.  B   d. Makatarungang   sistemang   legal   at  
pampolitika  
Gawain1.  Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba   e. Malinis   na   kapaligiran   at   umuunlad  
Pagsusuri:     na  sistemang  pang-­  ekonomiya.  
3. Ang   pakiramdam   na   siya   ay  
1. Ang  sa  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.   nalalamangan   o   mas   malaki   ang  
2. Ang  sa  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.   naiiambag  niya  kaysa  sa  nagagawa  ng  
3. Ang  sa  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.   iba.   Upang   mapanatili   ang   kabutihang  
4. Ang  sa  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.   panlahat,   hinihingi   sa   ilan   ang   mas  
5. Ang  sa  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.   malaki  at  mabigat  na  pananagutan  kaysa  
  sa  iba.  
Pangwakas  na  pagtataya:  
Gawain  2.  Ang  sa  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
1.      Ang  paggalang  sa  indibidwal  na  tao.  
  2. Ang  kapayapaan.  
3. Ang  tawag  ng  katarungan  o  kapakanang  
  panlipunan  ng  pangkat.  
4. Ang  tawag  ng  katarungan  o  kapakanang  
panlipunan  ng  pangkat.  
5. Ang  kapayapaan  
 

10  
 
 

MGA  SANGGUNIAN  
 

Sheryll   T.   Gayola   et.al,   2015,   Edukasyon   sa   Pagpapakatao-­Ikasiyam   na   Baitang,  


Unang  Edisyon,  5th  Floor  Mabini  Bldg.,DepEd  Comples  Meralco  Avenue,  Pasig  City  
Philippines  1600  
 
Division  of  Negros  Oriental  ESP  DLP  Initiated  1st  Quarter  by    Daisy  V.  Cadiz  
 
 
Prepared  by:    
 
 
 
May   akda:   Carmelyn   S.   Fonollera,   nakapagtapos   ng   Bachelor   in  
Secondary   Education   at   Major   in   MAPEH   sa   Negros   Oriental   State  
University-­Main  Campus.  CAR  in  Master  of  Arts  in  Physical  Education.  
Kasalukuyang  nagtuturo  sa  Siapo  High  School.    
 

11  
 
 

Para  sa  mga  katanungan  o  puna,  sumulat  o  tumawag  sa:  


 
Department  of  Education  –  Schools  Division  of  Negros  Oriental  
Kagawasan,  Avenue,  Daro,  Dumaguete  City,  Negros  Oriental  
 
Tel  #:  (035)  225  2376  /  541  1117  
Email  Address:  negros.oriental@deped.gov.ph  
Website:  lrmds.depednodis.net  

 
 

You might also like