Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN V

I. MGA LAYUNIN

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo;


b. nasasabi ang mga produkto at serbisyo na angkop sa pangangailangan ng tao;
c. naipapakita ang pagpapahalaga sa angkop na pangangailangan na produkto at
serbisyo upang maging maayos at kapaki-pakinabang para sa lahat.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Mga Taong Nangangailangan ng Angkop na Produkto at Serbisyo

Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (ICT & Entrep) –


5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

Mga Kagamitan: Manila paper, colored paper, marker, pictures

Integrasyon: Pagpapahalaga sa angkop na pangangailangan na produkto at


serbisyo na ginagamit sa pang-araw-araw.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Ang buong klase ay mananalangin.
Magsitayo ang lahat para sa isang
panalangin.

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyong “Magandang umaga din po, Teacher.”


lahat mga bata.

3. Pagtala ng mga Lumiban

Maaari ko bang malaman kung sino-


sino ang mga lumiban sa ating klase Tutukuyin kung sino ang mga liban sa
ngayong araw? klase.

Itatala ang mga pangalan ng mga


liban sa klase.

4. Balik-Aral

Bago tayo tumungo sa pagtalakay Ang paksang ating tinalakay nuong


ng bagong aralin, ano nga ang nakaraang araw ay ang kahulugan at
paksang ating tinalakay nuong pagkakaiba ng produkto at serbisyo
nakaraang araw?

Mga Katanungan:

a. Ano ang produkto? Ang produkto ay karaniwang likha o gawa ng


mga kamay, makina at isipan.
b. Ano ang dalawang uri ng Durable at Non-durable goods
produkto?

c. Ano ang serbisyo? Ang serbisyo ay ang paglilingkod,


pagtatrabaho, o pag-alalay ng mga gawain
na may kabayaran ayon sa iba’t ibang
kasanayan at pangangailangan ng
pamayanan.

d. Ano ang tatlong sektor ng Propesyonal, teknikal, at may


serbisyo? kasanayan/skilled workers.
B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Magaling ba kayong manghula? Opo!

Panuto: Basahin ang sumusunod na


talata at bigyang pansin ang nasa
larawan.

Handa na ba kayo? Opo, Teacher!

Ordinaryong tao lamang ako na may mga


pangangailangang material sa buhay. Hanap
ko’y serbisyo at produkto na makasasagot sa (Sabay-sabay na babasahin ng mga mag-
aking pangangailangan. Kapag iyong na tugunan aaral ang talata)
ang aking pangangailangan, ikaw ay tatangkilikin
magpakailanman. Sino ako?

(Bibigyang pansin ng mga mag-aaral ang


larawan sa pisara)

SOCRATIC METHOD
Ang tinutukoy sa talatang binasa ay ang
1. Sino ang tinutukoy sa talatang
konsyumer o kostumer.
binasa?
Serbisyo at produkto na makasasagot sa
2. Ano ang hanap ng isang kostumer/
kanilang pangangailangan.
konsyumer na naka saad sa talata?
Makikita sa larawan ang mga mamimili o
3. Ano ang inyong napapansin sa
kostumer sa palangke.
larawan?
Hindi po
4. Pare-pareho ba ang mga mamimili
sa palengke?
Dahil mayroon po silang iba’t ibang
5. Paano ninyo nasabing may
pangangailangan
pagkakapareho o pagkakaiba ang
mga mamimili? Dahil ang iba po ay lalaki, babae, matatanda
at iba pa.
2. Paglalahad

Tama ang inyong mga kasagutan at


mga napansin patungkol sa binasang
talata at sinuring larawan.

Kostumer ang tawag sa mga bumibili o


namimili ng produkto at nagbabayad
para sa serbisyo.

Sino kaya sa tingin ninyo ang Ang gumagawa ng mga produkto at serbisyo
gumagawa ng mga produkto at serbisyo na may katumbas na mahusay na kalidad ay
na may katumbas na mahusay na mga negosyante o entrepreneur po.
kalidad?

Base sa inyong pagsusuri sa larawan, May babae, lalaki matatanda at iba pa.
sino-sino ang mga nakikita ninyong
namimili sa palengke?

Batay sa inyong mga naging sagot sa Ang bagong paksang ating aaralin ay
ginawa nating aktibidad, ano kaya ang patungkol po sa iba’t ibang taong
paksa ng aralin natin sa araw na ito? nangangailangan ng angkop na produkto at
serbisyo

3. Pagtatalakay

Ang bawat tao ay may kaniya kaniyang


pangangailangang produkto at angkop
na serbisyo ayon sa kanilang kalagayan.

Sino-sino ang mga maitututring na Babae, lalaki, buntis, sanggol, bata, mag-
konsyumer o kostumer. aaral, matanda, may sakit at nagtatrabaho.

Magbigay nga kayo ng mga halimbawa


ng pangangailangan ng isang pampisikal, intelektuwal, sosyal, o emosyonal
konsyumer.

Magaling!

Upang mas maintindihan ninyo ang


ating aralin, bigyang pansin ang mga
larawan na nasa pisara.

LARAWAN A

(Ang mga mag-aaral ay susuriin ang mga


larawan na nasa pisara.)

LARAWAN B

LARAWAN C
SOCRATIC METHOD

Sino ang nasa Larawan A? Babaeng buntis/Pregnant Woman

Sino naman ang nasa Larawan B? Sanggol/Baby

Ano naman ang ipinapakita ng Larawan Mga matatanda/Old people


C?

Sa tatlong larawan na ito, mayroon ba Meron po silang pagkakaiba, nagkakaiba po


silang pagkakaiba? Ano ito? sila sa edad, kasarian at kalagayan o
posisyon sa buhay.

Bigyang pansin natin ang Larawan A, Maternity dress, hospital check up/ ob gyne,
ano kaya ang mga pangangailangan ng gamot/bitamina para sa buntis,
isang babaeng buntis? (isulat sa pisara) masustansiyang pagkain.

Paano naman sa Larawan B, ano kaya Gatas, check-up sa pediatrician, crib, diaper,
ang mga pangangailangan ng isang tsupon, damit na pang sanggol, bitaming
sanggol? (isulat sa pisara) pang sanggol.

Sa Larawan C, ano kaya ang mga Masustansiyang pagkain, bitamina, check-up


pangangailangan ng isang babaeng sa doktor.
buntis? (isulat sa pisara)

Base sa inyong mga kasagutan Pare- Hindi po dahil, ang bawat tao po ay may
pareho ba ang kanilang mga kanya kanyang pangangailangang produkto
pangangailangang produkto at at serbisyo ayon sa kanilang
serbisyo? Bakit oo? Bakit hindi? pangangailangan at kalagayan.

Magkakaiba ang ating nakasanayan,


pangangailangan, kapaligiran.
Tandaan:

Mahalaga ang kalidad sa anumang


negosyo. Maaaring maging sanhi
ng paglayo ng kustomer ang kawalan ng
kalidad na siyang
magdudulot ng pagkalugi sa negosyo.

Mahalagang tugunan ang mga


pangangailangan ng kustomer.
Kasama rito ang produktong may
rasonableng presyo at mataas na
kalidad at serbisyong nagbibigay ng
tulong, respeto, ginhawa,
simpatya at tumutugon sa
pangangailangan ng kustomer.
C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Batay sa ating tinalakay, ano ang tawag Kostumer o Konsyumer


sa mga bumibili o namimili ng produkto at
nagbabayad para sa serbisyo?

Sino-sino ang mga maitututring na Babae, lalaki, buntis, sanggol, bata, mag-
konsyumer o kostumer? aaral, matanda, may sakit at nagtatrabaho.

Ano ang mga halimbawa ng Pampisikal, Intelektuwal, Sosyal, o


pangangailangan ng isang konsyumer o Emosyonal
kostumer?
2. Pagpapahalaga

Bakit kaya kailangang alamin ng isang Kailangang alamin ng isang entrpreneur ang
entrpreneur ang mga angkop na mga angkop na pangangailangang produkto
pangangailangang produkto ay ay serbisyo ng isang konsyumer para
serbisyo ng isang konsyumer? maibigay at matugunan niya ito na magiging
susi sa kaniyang tagumpay.

Ano ang maaaring idulot nito sa Ito ay may magandang dulot dahil kapag
ekonomiya ng ating bansa? masaya ang mga kosyumer o kostumer ay
patuloy itong bibili ng produkto at
magbabayad sa serbisyo na magpapaunlad
sa ekonomiya ng ating bansa.
IV. PAGTATAYA

A. Panuto: Tukuyin kung sino ang taong nangangailangan ng produkto at serbisyo base sa
mga sumusunod na sitwasyon. Pumili sa loob ng kahon.

pasyente sanggol mag-aaral guro dyanitor

1. Matibay, maganda at murang lapis at papel, edukasyon,


uniporme at sapatos na pang eskwela.

2. Sapat na gamit panturo sa paaralan.

3. Masustansayang, pagkain, gatas, bitamina at malinis na


boteng pinagdedehan.
4. Matibay na kasangkapang panlinis ng mga establisyemento.
5. Maayos na panggagamot ng mga kawani ng ospital, gamot,
masustansiyang pagkain, pagaalaga ng manggagamot.

B. Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan, isulat ang angkop na serbisyo at produkto na


nababagay sa mga taong nabanggit ayon sa kanilang pangangailangan.

Kostumer Pangangailangan Produkto Pangangailangang Serbisyo


1. Magsasaka
2. Pulis
3. Teenager
4. Mag-anak
5. Panadero/Baker

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Tanungin ang kasapi ng iyong pamilya kung anu-ano ang mga
pangangailangang produkto at serbisyo. Kopyahin ang talahanayan at sagutin ang
tanong sa ibaba pagkatapos.

MGA PANGANGAILANGAN NG AKING PAMILYA


Produkto Serbisyo
1.
2.
3.
4.
5.

Gawin at sagutin ito sa iyong kwaderno:


1. Mahalaga ba sa iyong pamilya ang mga itinala mong pangangailangan? Bakit?
2. Masasabi mo bang kapaki-pakinabang ang mga ito? Bakit?

You might also like