Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Lakbay”

Marianne Faye S. Cervera BSN 3C

Pinapangarap ng lahat na makapag lakbay kasama ang kaibigan o pamilya.


Masayang gawin kapag ang mga planong ito ay natutuloy. Mga alaala’t
samahan na nabubuo na kailan man ay di mo gustong kalimutan. Ito ang
isa sa di ko makakalimutang gala noong bakasyon.

Niyaya kami ng aming tiyahin na magbakasyon sa Antipolo dahil sila ay


umuwi galing ibang bansa at upang makapagpahinga mula sa aming pag-
aaral. Nasasabik kami dahil sa unang pagkakataon makakasakay narin
kami ng eroplano. Tatlo kami ng aking pinsan ang lumuwas upang
salubungin sila sa kanilang pag-uwi. Madaling araw noong kami ay
bumiyahe. Habang nasa himpapawid nadaanan namin nakakabighaning
Bulkang Taal. Tatlong linggo ang tagal ng aming bakasyon kaya
nagkaroon kami ng sapat na panahon upang makapunta sa iba’t ibang
bahagi ng Luzon. Pagdating palang namin
ay niyaya agad kaming maglibot-libot sa
mga nakakamanghang tanawin ng kanilang lugar. Halos araw-araw ay
lumalabas kami upang maggagagala kung saan-saan. Pumunta rin kami sa
mga sikat na punatahan sa Manila at sa mga kalapit na bayan nito.
Napuntahan din namin mismo at nakita ng malapitan ang kamangha
manghang tanawin ng bulkang Taal. Umabot narin ang aning gala sa
Enchanted Kingdom at nasubukan ang kanilang nakakalulang rides. Hindi
ko na mabilang kung ilang lugar ang aming napuntahan nang mga
panahong iyon. Pero alam naman natin na ang lahat nang ating gala ay
mayhangganan sa panahon na tayo ay uuwi na. Nakakapagod naman
talaga ang mag lakbay pero lahat nang iyon ay sulit.

Ito ay isa sa mga di ko makakalimutang


pangyayari sa aking buhay. Kahit sa
maikling panahon ko lamang naranasan iyon, ang mga alaala at karanasan
ay hindi ko makakalimutan. Masaya talaga ang maglakbay habang may
panahon pa kaya sulitin natin ang bawat oras. Sa pagdating ng panahon
ang mga alaalang ito ay aking babalikan kasama ang taong malapit sa
aking puso.

You might also like