Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ARALING PANLIPUNAN 9 pamumuhay.

Hindi katanggap-tanggap angpananahimik at


pagsasawalang-kibo at pananahimik ng mga mamamayan sa mga
WEEK 2 GAMPANIN NG MAMAMAYAN SA PAG- maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan,
UNLAD NG BANSA pamahalaan at sa trabaho.

Ang isang bansa ay makikitaan ng pag-unlad sa pamamagitan ng MAABILIDAD


mataas na antas ng pamumuhay ng mga mamamayan na nakatira
A. Bumuo o sumali sa kooperatiba
dito. Makakamit ng mga mamamayan ang ganitong katayuan kung
sila ay sama samang kikilos para sa pambansang kaunlaran. Bawat Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang
isa sa atin ay may gampanin o tungkulin sa pamamagitan ng magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi ng
pansariling pagsisikap o sama samang pagtutulungan. Bilang isang yaman ng bansa. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng
responsableng mamamayan, maaring gawin ang sumusunod: puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na
Mapanagutan, maabilidad, makabansa, at maalam. makikinabang at tatangkilik ay ang mga kasapi rin. Ang kanilang kita
ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay
MAPANAGUTAN
sa bahagi sa kooperatiba. Ang nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga
A. Tamang Pagbabayad ng buwis kasapi ring naniniwala sa sama-samang pag-unlad.

Bilang isang mamamayang Pilipino tungkulin natin na magbayad ng B. Pagnenegosyo


tamang buwis mula sa ating kinikita o sa mga produkto at serbisyo
Hindi dapat manatiling mangagawa lamang ang Pilipino sa kanyang
na ating binibili. Mula rito nakalilikom ang pamahalaan ng salapi na
sariling bayan. Upang umunlad ang sarili, dapat nating sikapin na
magagamit sa kanyang mga programang pang-ekonomiya at
maging negosyante upang tunay na kontrolado nating mga Pilipino
serbisyong panlipunan. Ilan sa mga gastusin ng pamahalaan na
ang kabuhayan ng ating bansa at hindi ng mga dayuhan.
kinukuha sa buwis na nalilikom ay ang sumusunod: pagpapatayo ng
mga tulay at lansangan, libreng edukasyong, murang programang MAKABANSA
pangkalusugan at marami pang iba na nakakatulong sa pag-unlad ng
mga mamamayan. A. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa

B. Makialam Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong


lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga
Dapat na ipaglaban ang tama at labanan ang mali na nagaganap sa adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng
lipunan.Bilang isang responsableng mamamayan, tungkulin natin na bawat mamamayan upang umunlad ang bansa. Maaaring
alamin kung may nangyayaring katiwalian at anomalya sa lahat ng magmungkahi ang mga mamamayan upang makatulong sa
aspeto ng lipunan atpamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga kaunlaran.
mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong
B. Pagtangkilik sa Produktong Pilipino

Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang ISULAT ANG KASAGUTAN SA ISANG BUONG PAPEL
mga dayuhang produkto. Nangangailangan tayo lagi ng dolyar upang
 Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang pagkilos
ipambili ng mga produktong dayuhan. Matuto tayong gumawa ng
para sa pambansang kaunlaran?
sariling atin at dapat nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino.
Bilhin lamang ang mga produktong lubhang kailangan mula sa ibang
 Gumawa ng isang campaign slogan na naglalahad ng iyong
bansa.
saloobin bilang isang mamamayang Pilipino na nagnanais ng
MAALAM. kaunlaran.
A. Tamang Pagboto

Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga


kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga
isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong
kandidato ang may malalim na kabatiran nito

B. Pagpapatupad at Pakikilahok sa mga Proyektong Pangkaunlaran


sa Komunidad

Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang


ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at
pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Dapat ay
magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at
makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating
komunidad.

You might also like