Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

PROVINCE OF RIZAL
Municipality of Rodriguez
Office of the Punong Barangay
Omega 1 Subdivision, Brgy. Rosario, Rodriguez, Rizal

June 25, 2023

HON. ERIC T. JACINTO


Barangay Captain
Rosario
Thru : MARY GRACE DELA ROCA – GAD Focal Person

PB Eric:
Pagbati ng isang magandang araw!

Ang 3-day Gender Sensitivity Training and Foundational GAD Perspective Training of Trainers
na ginanap noong Hunyo 21-23, 2023 sa Bakasyunan sa Tanay, Rizal ay naglalayong magbigay
ng patnubay sa mga resource person at facilitator ng gender sensitivity at GAD Perspective
Trainings, na ang intensyon ay paigtingin ang antas ng kamalayan at pangako ng mga
nagpapatupad ng programa, stakeholder, at partner na benepisyaryo para sa pagpapatupad ng
programang tumutugon sa kasarian. Ang Pagsasanay sa Sensitivity ng Kasarian sa Lugar ng
Trabaho ay isang pag-aaral na nag-e-explore ng malawak na hanay ng mga malalim na
paniniwala ng mga tao tungkol sa sex at kasarian at nagpapaliwanag kung paano gumaganap ang
mga isyung ito sa mga organisasyon. Ang bawat isa sa mga aralin ay idinisenyo upang bigyan ka
ng mas malalim na pag-unawa sa isang partikular na isyu na may kaugnayan sa pagiging
sensitibo ng kasarian, at magtatapos sa isang pagsusulit o set of questionaires na susuriin ang
mga termino at konseptong tinalakay sa aralin kung ito ba ay naunawaan namin. Kalakip ng sulat
na ito ang ilan sa aming mga ginawang activity tulad ng teambuilding, Discussion tungkol sa
Basic GAD Concepts at kasamang tinalakay ang Use of Gender Fair Language, Understanding
Gender-Based Violence, series of test/quiz na lahat naman ay aking naipasa. Nagkaroon din ng
Demonstration Teaching ang bawat grupo upang ipakita kung naunawaan ba ang kabuuang
tinalakay mula day 1 hanggang day 3 ngunit ang Barangay Rosario ay in-exempt na po dahil
tayo po ay may kakayanan ng magsagawa ng initial training para sa community once matapos na
ang session 2 na gaganapin sa susunod na buwan. Maraming salamat po sa pagkakataong ito na
makapag-impart ng mga kaalaman sa kapwa trainees at maging updated tayo sa mga
kampanyang isinasagawa ng Pamahalaang Bayan ng Rodriguez sa pagsusulong ng
pagkakapantay-pantay ng tao regardless kung anumang kasarian.

Lubos na sumasaiyo,

APRIL A. RINO
Executive Assistant - OPB

“SERBISYO UNA ANG MAMAMAYAN”

You might also like