Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DAGATAN FAMILY FARM SCHOOL

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

Enero 9-13, 2022

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan inaasahang ang mga mag-aaral ay:
- Nabibigayang halaga ang iba’t-ibang uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
- Nakapagbibigay ng halimbawa sa bawat uri ng Pagbabagong Morponemiko
- Masiglang nakalalahok sa mga gawain sa talakayan
.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagbabagong Morpoponemiko
Sanggunian: PAROLA 8 (May akda: Jean Lopez-Royo)
Kagamitan: PowerPoint Presentation, laptop, Libro

III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
4. Balik-aral

B. Pagganyak
Salungguhitan mo!
PANUTO: Ang klase ay hahatiin sa dalwang pangkat. Ang bawat pangkat ay mag-uunahan
sa pagsasalungguhit ng tamang salita upang mabuo ang pangungusap. Bibigyan lamang ng
limang segundo ang bawat grupo sapag-iisip ng tamang sagot.

1. Si baste ay _______ sa larong sipa.


Panbato Pangbato Pambato
(makikita sa presentasyon ang mga susunod na gawain)

C. Talakayan
1. Ano ang Pagbabagong Morpoponemiko?
2. Bakit nangyayari ang Pagbabagong Morpoponemiko?

D. Paglalahat
Ang Pagbabagong Morpoponemiko ay ano mang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang
morpema dahil sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito.
(Magpapatuloy ang paglalahat sa silid-aralan)

E. Abstraksyon
Mga uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
Assimilasyon
Pagkakalatas ng Ponema
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis o Paglilipat
Pag-iisa ng dalawang salita o pag-aangkop
Pagususdlong o Pagdaragdag

IV. Pagtataya
. Tukuyin ang uri ng pagbabagong morpoponemiko sa sumusunod na mga salita.
_________1. Tamnan __________9. sintamis
_________2. Sandaigdig __________10. kunan
_________3. Niyakap __________11. aptan
_________4. Pantulog __________12. Panabas
_________5. Pantahi __________13. niluha
_________6. Simbango __________14. tena
_________7. Tawanan __________15. pamasko
_________8. sinulatan

V. Takdang Aralin
Basahin ang sumusunod na mga pangungusap at tukuyin kung anong pagbabagong
morpoponemiko ang gaganap dito.Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Asimilasyon c. pagkakaltas ng ponema
b. Pagpapalit ng ponema d. metatesis

_______1. Kahit kami ay mahirap lamang, marunong din naman kaming magmahal.
_______2. Dapat tupdin ng bawat tauhan ang papel na itinakda sa kanya.
_______3. Ang pangunahing layunin sa buhay ang humahanap ng pambuhay sa sarili at mga
mahal sa buhay.
_______4. Ang bawat Pilipino ay marapat lamang na magsumikap upang magtagumpay.
_______5. Mariing kinagat ng bata ang kanyang labi dahil sa matinding kalungkutan.
_______6. Pahiram mo ng palaman ang kanyang tinapay.
_______7. Suyurin moa ng pusod ng karagatan upang makita moa ng kagandahan nito.
_______8. Nakaligtaan ko ang aking mga kagamitang pangkulay na gagamitin ko sa pagbuo ng
poster.
_______9. Ginagamit niyang pamalo ang aking ruler kung kaya ito ay nabali.
_______10. Katatapos lang tamnan ang malaking pitak na makikita sa labas ng bahay.

Inihanda ni:

G. EUGINE M. GLINOGO
Guro sa Filipino 9

You might also like