Bakit Mahalaga Ang Panalangin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

"BAKIT MAHALAGA ANG PANALANGIN?

"

SAGOT:
Ang panalangin ay napakahalaga sa buhay ng isang kristiyano dahil kung ang nagsasabing kristiyano ay
walang DAILY PRAYER ang kanyang RELASYON kay Jesus ay PATAY, ang kanyang FAITH AY PATAY at ang
kanyang PAGIBIG kay Jesus ay PATAY at ganoon din ang kanyang TIWALA AT PAGASA ay PATAY.

Sa Luk.18:1 ay sinabi ni Jesus na manalangin ng WALANG PATID at WALANG MANGLULUPAYPAY


gayundin sinabi ni Paul sa 1Thes.5:17, “PRAY ALWAYS”

Ang panalangin ay pasasalamat, pagsamba, papuri, paghingi ng tawad sa ating Panginoong Jesus.

BAKIT MAHALAGA ANG PANALANGIN?

1. ANG PANALANGING MAY PAGTITIWALA AY NAGBIBIGAY NG DIREKSYON SA IYONG LANDAS


NA TINATAHAK AT NAGBIBIGAY NG LINAW NG PAGIISIP OR CLARITY OF MIND

Prov.3:5-6
“Trust in the Lord with all your heart. Never rely on what you think you know. 6 Remember the Lord in
everything you do, and he will show you the right way”

“Isangguni mo ang lahat ng lakad mo sa Panginoon Jesus, tiyak magiging linaw ang iyong isip at may
direksyon ang lahat ng iyong lakad”

Ang totoong kristiyano na nagtitiwala sa kakayahan at kapangyarihan ng Panginoon Jesus ay dapat


ipagpray ang anoman ang kanyang gagawin at hindi nanghahawakan sa kanyang sariling kakayahan,
kalakasan, at kaisipan. Tandaan natin mas higit ang kanyang kaparaan Panginoong Jesus sa ating
kaparaanan at higit ang kanyang plano sa ating plano.

Kaya napakahalaga na iyong ipanalangin ang lahat ng iyong gagawin para magkaroon ka ng clarity of
mind at direksyon sa iyong tinatahak. Kung pagaaralan mo ang buhay ni king David bawat laban niya ay
kanyang pinagkakatiwala sa Panginoon. Kaya kahit anong tindi ng kalaban ay wala magawa ang mga ito
dahil ang kapangyarihan at kakayahan ng Panginoon ang nanaig laban sa mga ito.

2. ANG PANALANGIN AY NAGBIBIGAY NG TAGUMPAY SA LAHAT NG ATING PLANO-)


(Prov.16:3
“Ask the Lord to bless your plans, and you will be successful in carrying them out.”

‘Lahat ng plano mo ay idalangin mo at italaga kay Jesus, tiyak ang tagumpay nito”

Minsan sa buhay natin, marami tayong planong gustong gawin, pero kung ano ang gusto natin, ang
paraan natin at kung ano ang magagawa natin, yun ang gusto natin ipairal kaya hindi nagkakaroon ng
tagumpay ang mga plano sa buhay natin. May mga taong padalus dalus ng desisyon at di ilagak sa
magagawa at kakayahan ng Panginoong Jesus.
May kasabihan nga, ang lumalakad ng matulin, kung madapa ay malalim. Kaya nga, ang taong padalus
ng desisyon at di marunong idinalangin sa Panginoong Jesus ay nagiging palpak ang lakad ng kanyang
ginagawa.

Naaalala ko ngayon ang karanasan ko noong bata bata pa ako, na madami akong palpak pagdating sa
negosyo na hindi ipinagpray kay Jesus. Gaya ng: Frame shop, Barber shop, Lto registration, buko shake,
at mga shomai burger etc….. Lahat nga mga ito ay naging palpak dahil hindi ito kalooban ng Panginoong
Jesus.

Mga kapatid, mahalaga ang panalangin para hindi maging palpak ang lahat ng iyong plano. Ipagkatiwala
kung kalooban ito ng Panginoong Jesus.

3. ANG PANALANGIN AY NAGBIBIGAY NG LAKAS UPANG MAPAGTAGUMPAYAN ANG MGA TUKSO SA


BUHAY.

(Matt.26:41).
“Keep watch and pray that you will not fall into temptation. The spirit is willing, but the flesh is weak.”

“Ang panalangin ay nagbibigay ng lakas laban sa mga tukso sa buhay”

Mga kapatid, matutong manalangin lagi para magkaroon ng init o alab para mapaglabanan ang mga
tukso sa buhay natin.

ALL GLORY BELONGS TO JESUS!

You might also like