Tunay Na Diwa NG Pasko

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

TUNAY NA DIWA NG PASKO

Ang Tunay ng Diwa ng Pasko ay nasa "PASKO" wala sa paligid ng Pasko.

Tunghayan natin ang kahulugan ng Pasko sa bawat titik ng salitang PASKO.

P-ag-ibig. Walang Pasko kung hundi dumating ang Panginoong Hesu-Kristo. Siya ang nagbigay ng tunay
na dahilan ng Pasko. Ipinakita ng Kanyang Ama ang pagmamahal Niya sa atin sa pamamagitan ng
pagbibigay Niya ng Kanyang bugtong na anak upang hindi tayo mapahamak
(Juan 3:16 16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay
niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.).

A-wa. Nakita ng Diyos ang panganib ng walang kaligtasan. Dahil sa Kanyang dakilang kaawaan, gumawa
Siya ng paraan upang magkaroon tayo ng kaligtasan mula sa panganib ng walang hanggang pagkawalay
sa Kanya
(Efeso 2:4 4 Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin.).

S-igla. Anuman ang antas ng ating buhay sa materyal at pisikal na kalagayan, ang tunay na diwa ng Pasko
ang nagbibigay sa atin ng sigla at lakas upang magpatuloy sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay dahil
si Kristo ang dahilan ng Pasko ang sanligan ng ating pag-asa. Ang siglang ito hindi lamang matatagpuan
sa pag-asa na nagmumula sa Diyos kundi sa kagalakang ibinabahagi Niya sa mga sumusunod sa Kanyang
kalooban
(Salmo 30:5 Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang
kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.).

K-apayapaan. Hindi nakadudulot ng tunay na kapayapaan ang mga materyal na bagay. Hindi ito
nakukuha sa dami ng pera o regalo. Dahil ang tunay na diwa ng Pasko ay nasa kapayapaan ng Diyos na
naghahari sa puso natin. Makakamtan natin ito kapag tayo ay sumuko kay Kristo at pagsisihan ang ating
mga kasalanan. Kapag nakamit natin ang kapayapaan ng Diyos, ito ang magbibigay sa atin ng lakas upang
makipagsundo sa ibang tao
(Romans 5:1 Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya,
mayroon na tayong mapayapang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-
Cristo.).

O-portunidad. Ang tunay na diwa ng pasko ay nagbibigay ng oportunidad upang maisakatuparan ang
kalooban ng Diyos sa ating buhay. Ngayong Pasko, i-grab natin ng pagkakataong maging pagpapala sa
iba sa pamamagitan ng pagbibigay. Huwag nating ubusin ang ating mga pagpapala sa mga pagkain at
mga materyal na bagay na nakakabit sa ating mga katawan at bahay. Let's take the opportunity this
season gives to reach out to others and be a blessing to them
(Proverbs 25:21 21 Kapag nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo at painumin kung siya'y
nauuhaw.)

Walang bagay, pangyayari, tao, o sitwasyon sa buhay ang maaaring makapagbago sa diwa ng Pasko dahil
ang tunay na diwa nito ay nasa puso ng tao, wala sa mga kamay at paligid ng tao.

Maligayang Pasko!

You might also like