Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ako’y Isang Pilipino

Ako’y isang Pilipino


Pilipinas ang bayan ko
At ang wikang Pilipino
Wikang sadyang minana ko.

Lahi ako ni Del Pilar


Nina Mabini’t Jose Rizal
Bonifacio, Luna’t, Silang
Lahi kami na may dangal

Ang kayumanggi kong balat


Ay tatak ko’t sagisag
Na sa digmaa’y walang gulat
Sa paggawa’y walang sindak.

Pilipinas bayang hirang


Lupain ng matatapang
Di yuyukod sa dayuhan
Pagkat laya’y minamahal

Ang wika ko’y Pilipino


Pilipinas ang bayan ko
Iyan, iyan ang tatak ko
Ako’y isang Pilipino.

You might also like