Professional Documents
Culture Documents
Fil-Course Pack-Yunit 1-5
Fil-Course Pack-Yunit 1-5
Inihanda ni:
Bb. Archel Briones Cruz
Instruktor
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl
Yunit I
Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang
Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon
at Lagpas Pa
Mga Layunin
1. Natatalakay ang pinagmulan ng pagkakabuo ng wikang pambansa sa mas lalong mataas na
antas nito.
2. Naihahambing ang kaibahan ng wikang Tagalog sa wikang Filipino sa iba’t ibang gamit at
konteks; at
3. Nakabubuo ng diskursong may kinalaman sa mga usaping pangwika.
Panahon ng Kastila
- Bago pa man dumating ang mga kastila ay mayroon ng sariling wika ang
mga Pilipino ngunit pinigil at sinunog ng mga kastila ang mga makalumang
panitikan
Panahon ng Amerikano
- Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda
ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan.
Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit
simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang
digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika. Pilit nilang pinaklimutan ang paggamit ng
Saint Francis Xavier College
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl
bernakular at sapilitang ipagamit ang wikang ingles.
- Malugod naman itong tinanggap ng ating mga ninuno dahil uhaw ang ating mga katutubo sa
edukasyong liberal.
- Ang mga naging guro noon ay mga gurong sundalo na kng saan ay tinatagawag na Thomasites.
Panahon ng Hapon
- Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensya ng mga Amerikano, ipinagait nila ang
katutubong wika spartikular ang wikang tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
- Ito ang panahong namayagpag ang panitikang tagalog at tinaguriang gintong panahon ng
panitikang Pilipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib
ng kultura, kaugalian, at paniniwalang Pilipino.
- Ipinatupad nila ang order military blg. 13 na nag-uutos nag awing opisyal na wika ang tagalog at
wikang hapon.
Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro
Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan na kung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng
wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gallego na gawing wikang pambansa at
wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng
isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong
Manuel Luis M. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang
Pambansa." Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng
Pamahalaang Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At
upang ipakilala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika
ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV,
Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.
Nobyembre 7, 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng
Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at
pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng
pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at
tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
Oktubre 24, 1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang
lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang
lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa
Pilipino.
Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura
ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat
ng kolehiyo at pamantasan.
Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng
Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon
ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:
BILINGGWALISMO
Bilinggwalismo ang tumutukoy sa ipinapakitang kakayahan sa pakikipag-usap sa pamamagitan
ng dalawang wika.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-
uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.
Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan
ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang
magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura
Upang mapadali ang pagtalakay ng kasaysayan ng wikang pambansa, narito ang
PDF na maaaring gamitin sa pagpapaliwanag. (kasaysayan-ng-wikang-pambansa.pdf)
B. SISTEMANG K TO 12 NG EDUKASYON
Sistemang K-12
Ang pagsulong sa repormang pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon (Department
of Educationv-DepEd) kaugnay sa tinatawag na Programang K-12 ay nagkaroon ng ganap na
katuparan noon 2011. Isinaalang-alang sa pagsulong nito ang modelo na ginagamit sa edukasyon
ng mga kanluraning bansa.
Hindi naging madali ang pinagdaanan ng mga nagsusulong nito bago ito pormal na
naipatupad dahil na rin sa pagtutol ng maraming kasapi ng akademya, mga mag-aaral at mga
magulang. Itinuturing nila itong dagdag pasikat sa balikat ni Juan Dela Cruz dahil sa dagdag
gastos na gugulin ng mga mag-aaral para sa higit na matagal nilang pamamalagi sa eskwelahan.
Mula sa sampung taon na basikong edukasyonay dinagdagan pa ito ng dalawang taon na hindi
naman alam ang patutunguhan. Naging malaking hamon ito para sa mga namumuno ng isang
eskwelahan bunga ng mataas nitong kahingian upang matugunan ang repormang kaakibat ng
programang K-12. Sa kabila ng kaliwa’t kanang demonstrasyon at mga pagtutol ay nanaig pa rin
ang inisyatibong ito ng Pamahalaang Aquino na baguhin ang Sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Pormal na itinalaga ang ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Educationv-DepEd)
bilang tagapagpatupad at tagapamahala ng Edukasyong k-12 noong taong 2013. Binigyan sila ng
ekslusibong ng kapangyarihang makapamahala sa mga pampublikong paaralan at mabigyan ng
regulasyon sa mga pribadong paaralan. Ang implementasyon ng programang k-12 at ang
ratipikasyon ng Kindergarten Education Act ng 2012 at Enhanced Basic Education Act ng 2013
ay nagbukas sa tatlong taong dagdag sa basikong edukasyon ng mga mag-aaral. Mula 1945
hanggang 2011 ay anim (6) na taon ang ginugol ng mga mag-aaral sa kanyang elementarya at
Larangan sa Pagpapakadalubhasa
Inaasahan na ang mga mag-aaral na makapagtatapos ng bagong sistemang edukasyon ay
makapagtatagalay ng kahusayan na kailangan upang sila ay agad na makapaghanapbuhay. Maari
itong magkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng mga electives na kanilang kukunin sa
kanilang sa kanilang ika-11 at 12 taong baiting ng pag-aaral. Ang mga electives na ito o
pagkakadalubhasaan ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Academics para sa nais magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo;
2. Technical-vocational para sa mga mag-aaral na nais makapaghanapbuhay matapos
ang kanilang high school.
3. Sports and Arts para sa mga mag-aaral na mahilig sa dalawang larangan.
Ipinaliwanag ni Licuanan na hindi naman daw naging tahasan ang pagkawala ng Filipino sa
kurikulum dahil may inilaan para rito sa ika-11 at 12 baitang ng pag-aaral sa Senior High School.
Kanya ring ipinaliwanag na ang bawat kolehiyo, pamantasan o unibersidad ay may opsiyon na
gamitin ang Fiipino sa tatlumpu’t anim na yunit ng General Education.
Kung susuring mabut ang mge naging pahayag ni cuanan, makikita na para bang kanyang
inihalintulad ang mga tagapagtanggol ng wika sa isang batang inagawan lamang ng laruan at
kayang patahanin kung bibigyan ng bago at higit na kaakit-akit na taruan. Nakalulungkot
sapagkat naging mababaw ag kanyang pagtingin sa pakikibaka ng mga tagapagtanggol na wik sà
kahalagahan ng Filipino sa mas mataas na antas ng pagkatuto. Ang programang K-12 lalong
higit ang mga probisyong may kaugnayan sa ating9 kuitura at wika ay hind dapat maging isang
laro o eksperimento lamang. Kaiiangang ng masidhing pag-aarai bago ipatupad dahit adito
nakasałalay ang kinabukasan ng indibidwal na ang nais lamang naman ay mag-aral upang
magkaroon ng sapat na kasanayan para sa higit na magandang estado ng pamumuhay.
Maging ang kanyang pahayag na ang bawat akademikong institusyon sa kolehiyo ay may
opsiyon na gamitin ang Filipino sa tatlumpu't anim na Pangkalahatang Edukasyon (General
Education) ay hindi rin katanggap-tanggap sapagkat ang salitang opsyon ay nangangahulugan ng
isang di-paborableng desisyon mula sa mga pribado at pampublikong akademikong institusyon
na ang karamihan ay nagsusuiong ng ingies bilang wikang pantur
Maganda rin ang naging argumento ni Antonio Tinio, ating kinatawan sa KOngreso
(https://youtube.com/watch?v=k3000u7bxdNM. Ayon sa kaniya, ang k-12 ay isang pagsusulong
sa labor-export policy na ang layunin ay manghikayat ng foreign investors para sa mga
serbisyong katulad ng business courses, outsourcing , call center at iba pa. Hindi sinuportahan ng
k-12 ang industriyalisasyon at pagpapaunlad ng agrikultura.
Idinagdag pa ni Tonio na ang programang k-12 ay mas nakatuon sa pangangailangan ng ibang
bansa (higit na mayayamang bansa) kaysa pangangailangan ng higit na nakararaming mga
Pilipino. Iginiit ni Tinio na ito ang dahilan kung bakit Ingles ang wikang na isinusulong sa ilalim
ng kurikulum habang ang Filipino naman ay patuloy na pinahihina.
Ang mga Sumusunod ay llan din sa mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyoner laban
sa CMO 20, Serles 2013:
(1) ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura, kasaysayan, at
pambansang pagkakakilanlan.
(2) Dudulo ang panghihina at kamatayang ito sa panghihina at kamatayan ng mga Plilpino blang
nagkakaisang mamamayan at may pagmamahal sa bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na
bansa-mga bagay na ilayong iwasan ng mga nagbalangkas ng Konstitusyon at ng sambayanang
nagratipika nito.
Saint Francis Xavier College
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl
3) Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng' mga petisyoner na ipaninto ang implementasyon
ng CMO No. 20, Serye ng 2013 sa pamamagitan ng temporery restraining order at/o writ of
preiiminary injunction y tuloy na maipatutupad ng CHED ang isang kurikulum na anti-Flipino,
art nasyonalista, at tahasang lumalabag sa Konstitusyon.
(4) Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidiad, kJurd, pagkabansa,
pagkakaisa, at demokrasya.
PARA SA KOMUNIKASYON
Mga Layunin
Mahalaga ang bahaging ito upang mabigyang tugon ang mga sumusunod na mahalagang layunin
ng pag-aaral:
1. Natutukoy ang mahahalagang sangkap na kailangan para sa isang
epektibong komunikasyon o pakikipagtalastasan.
2. Naiuugnay sa praktikal na buhay ng tao sa bawat pagpoproseso ng impormasyon para
sa epektibong komunikasyon;
3. Nakapipili ng batis(sources) ng impormasyon na mahalaga para sa iskolarling pag-aaral.
4. Nakapagbabasa ng mga pananaliksik na nanggaling sa mahahalagang batis ng
impormasyon;
5. Nakakabuo at nakapag-uugnay-ugnay ng mahahalagang impormasyon.
YUNIT II
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON
PARA SA KOMUNIKASYON
Mga Layunin
Mahalaga ang bahaging ito upang mabigyang tugon ang mga sumusunod na mahalagang layunin
ng pag-aaral:
6. Natutukoy ang mahahalagang sangkap na kailangan para sa isang
epektibong komunikasyon o pakikipagtalastasan.
7. Naiuugnay sa praktikal na buhay ng tao sa bawat pagpoproseso ng impormasyon para
sa epektibong komunikasyon;
8. Nakapipili ng batis(sources) ng impormasyon na mahalaga para sa iskolarling pag-aaral.
9. Nakapagbabasa ng mga pananaliksik na nanggaling sa mahahalagang batis ng
impormasyon;
10. Nakakabuo at nakapag-uugnay-ugnay ng mahahalagang impormasyon.
Uri ng Komunikasyon
1. Komunikasyong Berbal. Ginagamitan ng wika na maaaring pasulat o pasalita.
Halimbawa ng text messages, pakikipagtsismisan at pagbibigay ng mensahe sa mga
nakalimbag na teksto sa mga mambabasa.
2. Komunikasyong Di-Berbal. Ang komunikasyong ito ay hindi ginagamitan ng wika
bagkus kilos o galaw ng katawan lamang ang gagamitin sa paghahatid ng mensahe tulad
ng pagtango, pagkindat at pagkaway na halimbawa ng senyas.
Anyo ng Komunikasyon
1. Intrapersonal – isang self-meditation na anyo ng komunikasyon na kinakausap ng tao
ang kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong indibidwal.
2. Interpersonal – ito ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao na umaasa
sa mensaheng inihatid at tugon sa kausap.
3. Pampubliko - sa komunikasyong ito nagaganap ang linyar na komunikasyon na ibig
sabihin, natatapos ang komunikasyon kapag naiparating na ng nagpapadala ng mensahe
sa kanyang tagapakinig. Dalawa o higit pang katao ang kasangkot. (seminar, conference
at miting de avance)
4. Pangmadla- magkatulad ito sa pampubliko ngunit nagkakaiba lamang sa kagamitan sa
paghahatid ng impormasyon dahil sa komunikasyong ito, ginagamitan ito ng elektroniko
tulad ng cellphone, telebisyon at radyo.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl
Tagapaghatid. Nagsisimula ang proseso ng komunikasyon sa kung ano ang nais ipahatid
na mensahe ng tagahatid na sumasailalim sa malalimang pag-iisip sa bawat detalye na
partikular na paksa. Tinatawag din siya bilang communicator o source.
Mensahe. Ito ay naglalaman ng opinyon, kaisipan at damdamin na karaniwang nakabatay
sa paniniwala at kaalaman ng ng tagahatid patungong tagatanggap upang magkaroon ng
komunikasyon.
Tsanel. Mayroong dalawang anyo ang tsanel upang maipahayag at maihatid ang naturang
mensahe. Ang una ay pandama (sensory) tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy,
panlasa at pakiramdam; at Institusyunal (institutionalized) na tuwirang sabi o pakikipag-
usap, sulat at kagamitang elektroniko.
Tagatanggap. Ang nagbibigay ng kahulugan sa naturang mensaheng inihatid ng
tagapaghatid na tumutugon sa mensaheng natanggap. Mayroong tatlong antas ang
tagatanggap, Pagkilala, Pagtanggap at Pagkilos.
Balik-tugon. Hindi magiging matagumpay ang komunikasyon kung walang tugon sa
bawat mensahe. Dito rin makikita ang kabisaan ng paghahatid ng mensahe dahil ito ang
magiging batayan ng susunod na siklo ng komunikasyon.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl
Konteksto sa Komunikasyon
Mahalaga ring malaman ng mga mag-aaral ang iba’t ibang konteksto o paningin sa
komunikasyon. Ito ay nahahati sa limang kategorya.
1. Pisikal – oras at lugar na pinagdarausan ng isang pangyayari ay mahalagang konteksto sa
komunikasyon na maaaring kasangkutan ng aktwal na lugar, oras o antas ng ingay sa
kaugnay na salik halimbawa ang lugar kung saan gaganapin ang kumperensiya na dapat
closed door upang maunawaang mabuti ang mga presentasyon.
C. Kategorya ng Sanggunian
E. Sistemang Pansilid-aklatan
Ang tamang retrieval system ng silid-aklatan ay makatutulong nang malaki upang higit
na mapadali at mapaghusay ng mag-aaral ang pangangalap ng mga impormasyon at datos na
kailangan sa pag-aaral. Madalas na gumagamit ng kompyuter sa sistemang ito bagamat mayroon
pa ring mga silid-aklatan na higit na pinanaligan ang makalumang sistema. Ang retrieval system
ay nakatutulong nang malaki para sa higit na sistematikong database ng mga sanggunian na
kinasasangkutan ng mga sumusunod: pangalan ng may-akda (author), pamagat ng aklat o
publikasyon at iba pa.
4. Maari rin naming iugnay ng mag-aaral ang mga impormasyon sa teksto sa mga
mahahalagang personal na bagay sa mga mag-aaral o mananaliksik.
5. Makatutulong din sa pagtanda ng mga impormasyon ang paglalagay ng mga ilustrasyon
at iba pang marka habang nagbabasa.
Konsepto ng Pagbubuod
Sa website na https://www.cws.illinois.edu/workshop/writers/tips/summary ay binigyan
ng depinisyon ang pagbubuod bilang pamamamaraan ng pag-uulit ng salita ng iba sa kanilang
mga akda gamit ang sariling pananalita ng nagsasagawa ng pagbubuod.
Ang mga sumusunod ay maaring makatulong sa gawaing pagbubuod:
1. Pagsasaalang-alang sa kapakinabangan ng maaring idulot sa kapwa, kamag-aaral at iba
pa.
2. Ang buod ay higit na maiksi kaysa sa orihinal nanteksto.
3. Ang isang maayos na buod ay nagtataglay ng kakayahang manghikayat sa mga
mananaliksik at magbabasa ng mahigit na mainam na basahin ang pinaiksing bersyon
kaysa napakahabang orihinal. Nararapat na mapagtagumpayan ng nagbubuod na
mabigyan ng kagyat na ideya sa orihinal na bersyon ang mga sasangguni nito.
4. Ang pagbubuod ay isang gawaing naglalarawan ng mataas na antas ng pag-unawa sa
binasang teksto.
Pagbubuod at Synthesis
YUNIT III
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
Mga Layunin:
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas ng
lipunan;
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad;
3. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Pilipino;
4. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa
iba’t ibang antas ng larangan.
PANIMULA
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na
pakikipagsapapalaran ni Juan dela Cruz sapagkat nag-iiwan ito ng kakintalang maaring magdulot
ng karanasang magpapatakbo ng kanyang buhay. Ang mga sumusunod na paksa ay mga
gawaing pangkomunikasyon karaniwan subalit sa mahalaga sa buhay ni Juan:
1. Tsismisan
2. Umpukan
3. Talakayan
4. Pagbabahay-bahay
5. Pulong-bayan
6. Komunikasyong di-berbal
7. Mga ekspresyong local
Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino, ngunit may mas
negatibo na konotasyon ng salitang tsismis kumpara sa Ingles na may katumbas na
‘gossip’. Ang gossiper ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o magkalat ng
sikreto ng iba samantalang ang tsismosa ay kilala bilang sinungaling at mapag-imbento ng
kwento. Paminsan-minsan lamang kung magsabi ng katotohanan at kung totoo naman ang
mga kwento ay madalas namang exaggerated.
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismoso/a, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa mga sikreto at baho
ng iba. Ang mali sa pagiging tsimoso/a ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit na
naging pasimpleng paraan na upang makapanakit sa kapwa at mga kaaway.
Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng reputasyon
ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan, kamalian, at kasalanan. Ang
madalas na pinaguusapan na tsismis sa komunidad ay mga sensitibong bagay tulad ng sex,
paagbubuntis ng mga hindi kasal o ‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal, at pambababae,
ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya naman sa pag-
aaral.
Ito ay sinang-ayunan sa Kodigo Penal ng Pilipinas sa Artikulo 353, ang Libelo na isang
pampubliko at malisyosong mga paratang sa isang krimen o sa isang bisyo o depekto na
maaaring makatotohanan o haka-haka, anumang kilos, pagkukulang, kondisyon katayuan o
kalagayan na dahilang ng kasiraang-puri, ngalan o pagpapasala sa isang likas na tao o upang
masira ang alaala ng isang namayapa na (Salin mula sa Article 353, RPC).
Sa barangay, may karampatang multa ang bawat tsismis. 300, 500 at 1000 sa una,
ikalawa at ikatlong paglabag na may kaakibat na community service.
1. Malabong layunin sa pulong – dapat malinaw ang layunin sa pulong, ang may iba’t ibang
paksa ang pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay nakawawalang gana sa mga
kasapi.
2. Bara-bara na pulong – walang sistema ang pulong. Ang lahat ay gustong magsalita kaya
nagkakagulo, kaya dapat ang “house rules”.
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay – hindi na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami
ng agenda at pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng nagpupulong.
5. Pag-iwas sa problema – posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang
problema ng organisayon. Sa halip, ang binabangit nila ay iba’t iba at walang kabuluhang
bagay para maiwasan ang tunay na problema.
6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa – walang ibubunga ang mga pulong na walang
pagtitiwala at pagbubukas sa isa’t isa, dito kinakailangan ang “Iklas” manalig ka sa Allah,
palaging alalahanin ang kasabihan: “may Makita kang isda sa dagat na wala sa ilog, at may
Makita ka na isda na wala naman sa dagat”.
8. Hindi tamang oras ng pagpupulong – ang miting ay hindi dapat natatapat sa alanganing
oras –tulad halimbawa ng tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras ng trabaho ng mga
manggagawa.
Iba’t iba ang ekspresyong lokal na laganap sa bansa. Narito ang mga halimbawa:
1. Tagalog – “Bahala ka sa buhay mo”; “Tanga!”; “Nakupo”; “Inay ko!”; “Dyusko o
Susmaryusep”.
2. Ilocano – “Alla” o namangha; “Gemas” o nasarapan at “Anya metten!” o ano bay an!.
3. Bicolano – “Dios mabalos” o pasasalamat; “Garo ka man” o pagkadismaya; “Inda ko
sa imo” o ewan ko sayo at Masimut o Lintian” o sobrang galit.
4. Bisaya – “Ay, Tsada” o maayos sa paningin; “Samok ka!” o magulo ka; “Paghilum!”
o manahimik ka; “Ambot” o medyo inis o galit.
Isa rin sa mga di-tuwirang ekspresyon ang pagpapahayag ng biro kaya mayroon tayong
birong totoo, may halong hibla ng katotohanan at halos walang katotohanan pero naghahamon o
nang-uuyam o fishing tulad ng “Joke lang”, “Charot”, “Echos”, “Charing” at marami pang
#charotism.
YUNIT IV
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT
INTERNASYUNAL
Mga Layunin:
1. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa
buong bansa.
2. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa
mga komunidad at sa buong bansa batay sa pananaliksik.
3. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Flipino bilang daluyan ng makabuluhan
at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang
lunsaran sa mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa.
PANIMULA
Ipakikita ng bahaging ito ng pag-aaral ang paggamit ng wikang Pilipino sa konteksto ng
mga napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa tulad ng korapsyon sa gobyerno, kahirapan,
kalusugan at iba pa. Sa ganitong paraan , ang aklat na ito ay magsisilbing daluyan ng kaalaman
at malayang kaisipan na mahalaga sa pagbuo ng isang magandang lipunan at bansa.
Ang ayos ng pagtatalakay ay idinesenyo sa paraan ng mahigpit na madaling
mauunawaan ng bawat mag-aaral ang bawat konteksto ng mga usapin; pagbibigay ng
depinisyon, pagpapaliwanag at pagbibigay ng halimbawa.
1. Pang-aabuso sa Kapangyarihan
Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na magampanan ng isang lider ang tungkulin
na inaasahan sa kanya ng mga tao sa kanyang kapaligiran. Kung wala ito, walang pwersang
makapagbibigay ng pangil para sa mabuting pagtanggap ng lipunan sa maayos na
implimentasyon ng isang tungkulin. Ang kapangyarihan ay maaaring ipatupad sa dalawang
kaparaanan, ministerial na pagpapatupad at diskresyunal na pagpapatupad.
Sinasabing ang kapangyarihan na ipatupad ang tungkulin ay ministerial kung ang isang
namumuno ay walang ibang nararapat na gawin kundi ipatupad ang isang polisiya. Halimbawa
1. Pagtupad sa tungkuling pangbatas trapiko para sa maayos na transportasyon ng bawat
2. Pakikipagsabwatan
Ang sab’watan ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo na
nagkaisa na isakatuparan nang palihim ang isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng iba
upang tuparin ang kinakailangan o nais nilang gawin. Ito ay isang krimen ng pandaraya,
panloloko sa iba para sa kanilang mga karapatan upang makuha ang isang adhika na labag sa
batas na karaniwan ay sa pamamagitan ng pandaraya o paggamit ng hindi patas na kamalayan.
Halimbawa:
1. Manipulasyon ng presyo ng isang produkto (price fixing) sa pamamagitan ng
kasunduan ng parehong panig ng pamilihan na ibenta ang produkto sa itinakdang
presyo na nagbubunga ng pagkontrol sa suplay at pangangailangan.
2. Pagsunod ng lehislatibong sangay ng pamahalaan sa dikta ng ehekutibo na patalsikin
ang mga hindi kapanalig kahit na walang sapat na batayan at hayagan ang paglabag sa
basikong karapatan katulad ng magpahayag (expression) at karampatang proseso na
malaman ang krimen at maipagtanggol ang sarili (due process).
3. Pandaraya sa Halalan
Ipinagkakatiwala ng taong bayan sa mga pulitiko ang kinabukasan ng bawat mamamayan
sa pamamagitan ng kanyang boto sa pambansa at lokal na halalan. Ang bawat balota ay
sumisimbolo ng pag-asa sa pagkakaroon ng magandang bansa at pananalig na ang suportang
kanilang ibinibigay sa pamamagitan nito ay makabuluhan at kailanman ay hindi pagsisihan.
Sa kabila ng kahalagahan ng bawat balota para sa Pilipino at mandato sa Komisyon ng
Eleksyon na pangasiwaan ang malinis at maayos na halalan ay lantaranan ang mga pandaraya at
anomaly na ginagawa ang mga pulitiko at mga kasabwat na nagbubunga ng paghalal sa mga
taong hindi totoong napupusuan ng higit na nakakarami. Bunga nito ay ang maraming kilos
protesta at kawalan ng tiwala sa isang pamamahala.
Pinaniniwalaan ng may-akda na ang konsepto ng pandaraya sa halalan ay hindi lamang
umusbong sa kasalukuyan. Matagal ng kinakaharap ng bawat mamamayan ang suliraning ito, na
nagpasalin-salin at patuloy na magpapasalin-salin sa mga susund pang henerasyon.
Narito ang ilang mahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa eleksyon
1. Pandaraya sa eleksyon (electoral fraud). Tumutukoy ito sa illegal na panghihimasok
sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng pagdadag ng boto sa pinapaborang
pulitiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o pareho. Anumang akto na
Pamimili ng Boto. Ang isang actor ay maituturingna pamimili ng boto kapag ang
isang partido politikal o kandidato ay ng hihingi ng boto sa mga botante kapalit ng salapi, mga
kinakailangang kagamitan o kaya mga serbisyo. Ang kasanayang ito ay karaniwang ginagamit
upang hikayatinang mga botante na ganitong usapinng pandaraya sa eleksyon. Mahing sa United
States of America, Argentina, Mexico, Kenya, at Nigeria ay talamak din ang pamimili ng boto sa
eleksyon.
Sa Pilipinas, hindi na rin bagong maituturing ang usaping ito. Maraming isyu o usapin ng
katiwalian at pagnanakaw sa kabanng bayan ang ipinukol sa mga pulitikong pinagkatiwalaan ng
bawat Juan. Ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay pinukol ng maraming alegasyon ng
korapsyon at pagnanakaw sa bayan, dahilan kung bakit ang taong bayan ay nagsawa na at
natutong makipaglaban noong 1986. Hindi natupan ni dating Bise Presidente Jejomar Binay ang
kanyang pangarap na mahalal na Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 2016 dahil sa naging
mainit ang mga lumabas na isyu ng katiwalian (sa Makati noong siya ay Mayor pa lamang) ilang
buwan bago maganap ang Pambansang Halalan.
Ang pagnanakaw ay matatagpuan sa marami nitong anyo at maituturing na krimen sa
ilalim ng Kodigo Penal na Pilipinas at ilang mga umiiral na espesyal na batas (special laws).
Sa Civil Service Commission ay hindi rin ligtas sa usaping ito na masasabing nepotismo o
pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak ay lantarang ipinagbabawal at kronyismo ang pagbi
bigay pabor sa kaibigan, na matinding kinukundina ngunit walang tiyak na batas kasama rin sa
ugat ng padrino sa bansa sa pagkuha ng personal na benepisyo mula sa transaksyong
pamahalaan. Ang korapsyon ay tumuukoy sa maling gamit sa pinagkukunan ng pamahalaan para
sa personal na benepisyo habang ang graft naman ay tumutukoy sa maling gamit ng
impluwensya para sa personal na benepisyo na laganap sa ilalim sa RA 3019 o Anti-graft and
Corrupt Practices Act na mga kasanayang may kaugnayan sa korupsyon ng mga opisyal ng
gobyerno at idineklarang labag sa batas.
YUNIT V
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON
Mga Layunin
Ang konstektwalisasyon ng wikang Filipino ay mahalagang ,aipakita sa mga tiyak na
gawaing pangkomunikasyon sa bahaging ito ng pag-aaral. Espisipikong layunin ng bahaging ito
ng aklat ang mga sumusunod.
1. Napaghahambing ang kaniya-kaniyang kakanyahan ng mga tiyak na gawaing
pangkomunikasyon katulad ng lektyur o lecture, simposyum o symposium, worksyap,
pantas-ara o seminar.
2. Natatalakay ang mga tiyak na hakbang upang makabuo ng mga agwaing
pangkomunikasyon katulad ng lektyur o lecture, simposyum o symposium, worksyap,
pantas-ara o seminar.
3. Nakapaglulunsad ng alinman sa mga sumusunod na gawaing pangkomunikasyon ng
lektyur o lecture, simposyum o symposium, worksyap, pantas-ara o seminar sa paksang
mapagpapasyahan ng klase.
A. Lektyur o Lecture
Ang lektyur ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan
na kailangan ng tao para sa isang partikular na paksa. Maraming halimbawa ang lecture tulad ng
sermon ng pari sa kanilang homiliya, pagbebenta ng mga negosyante sa kanilang target na
mamimili. Karaniwang nakatayo sa harap ng maraming tao sa isang silid o tiyak na lugar upang
maisagawa ang pagatatalakay ng paksa.
Naniniwala si Bligh (1972) na ang lektyur ay isang paraan ng pagtalakay sa pamamgitan
ng walang tigil na pagsasalita ng dalubguro. Ang nasabing gawain ay maaaring maging one way
learning o active learning na nakadepende sa estratehiya ng guro sa isang klaseng pangwika kung
kaya nabuo ang konsepto na hindi dapat ikahon sa apat na sulok na lamang ng silid-aralan ang
klase.
Mahalagang salik na kailangang isaalang-alang ng lektyurer sa pagbuo ng lektyur ay
Layunin, Nilalaman at Istruktura at Mahahalagang kakanyahan ng isasagawang lektyur.
Mungkahi sa epektibong lektyur ay ang pagkakaroon ng kahandaan, pagkakaroon ng
pokus, pakikilahok ng mga tagapanood/tagapakinig at pagkuha ng komento o pidbak.
Pagkakaroon ng Kahandaan
Isa sa mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng lectyur ay ang pagkakaroon ng layunin ng
isinasagawang pagtatalakay. Ito ang bahagi na siyang magbibigay ng direksyon sa gawain at
siyang magdidikta sa mga bagay na dapat matutunan ng mga kasali sa lektyur o lecture at kung
bakit ito dapat na matutunan.
Ang magsasagawa ng lektyur ay kailangang bumuo ng balangkas at mga katulong na
audiovisuals na any pagsasaalang-alang sa inetres ng mga inaasahang tagapakinig o tagapanood
upang makuha ang kanilang atensyon sa isasagawang lektyure o lecture.
Kung sakali man na ang magsasagawa ng lektyur o lecture ay madalas na kabahan sa
tuwing humaharap sa maraming tao, makatutulong ang ibayong paghahanda upang
mapaglabanan ang kaba at takot. Maaring isulat ang inyong panimula at gawan ito ng
pagsasanay bago ang itinakdang araw ng lektyur o lecture.
Pagkakaroon ng Pokus
Makatutulong din ang pagkakaroon ng pokus upang maayos na maisaktuparan ang
gagawing lektyur o lecture. Maaring mapagtagumpayan ang layuning ito kung isasaalang-alang
ang mga sumusunod na mungkahi.
1. Pagbibigay ng lima o mababa pang puntos ng pagtatalakay sa lektyur o lecture.
2. Pagsasagawa ng masining biswal na gabay at mga halimbawa upang bigyan ng diin ang
mga puntos na tinatalakay.
3. Ang pamamahagi ng balangkas sa mga mag-aaral o participant ng lektyur ay maari ring
makatulong sa makabuluhang pagtatalakay.
4. Pagbibigay ng diin sa layunin at mahahalagang puntos sa panimula ng pagtatalakay at
maging sa pagbubuod nito.
B. Simposyum o Symposium
Ito ay isang pormal na pagtitipon sa akademikong tagpuan na kung saan ang mga
partisipant ay mga paham o eksperto sa kani-kanilang larangan. Dito tinatalakay ang mga
opinyon ng mga paham sa isang partikular na paksa na maaaring magkaroon ng malayang
talakayan matapos makapagsalita ang isang indibidwal.
C. Pantas-aral o Seminar
Pormal na akademikong instruksyon na maaaring ibigay ng isang pamantasan o kolehiyo,
komersyal o propesyunal na organisasyon. Tungkulin nitong lipunin ang mga maliit na pangkat
para sa mahalagang pag-uusap sa isang paksa. Ang magsasagawa ng seminar ay lagging handa
Saint Francis Xavier College
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl
upang maisguro ang pagiging epektibo sa iniaatas na paksa at sa madla.
D. Worksyap o Workshop
Kinabibilangan ng mga elementong taglay ng isang seminar bagamat ito ay nakapokus sa
“hands-on-practice” na idinisenyo upang aktwal a magabayan ng tagapagsalita o tagapangasiwa
ang mga partisipant sa pagbuo ng isahang output na bahagi ng pagtalakay.
Ayon nga kay Jolles (2005), ang training workshop ay mayroong dalawang anyo:
General workshop na ibinibigay sa magkakaibang partisipant at closedworkshop na inihanda
batay sa pangangailangan ng espisipikong pangkat ng tao.
Sa proseso ng pagbuo ng worksyap mayroong tatlong hakbang na kailangang matugunan
at ito ang mga sumusunod:
1. Pagpaplano – kabilang na rito ang paksa, partisipant, bilang ng partisipant, oras na
laan, mga gawaing nakahanda, mga kagamitan at presentasyon.
2. Paghahanda – kabilang na ang lugar ng pagdarausan, kagamitan na kailangan sa
aktwal na worksyap, pagkain para sa partisipant at tagapagsanay, dokumentasyon at
ebalwasyon.
3. Implementasyon – na binubuo ng panimula, nilalaman at wakas.
E. Kumperensya o Conference
Ito ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong na kung saan ang partisipant ay
bibigyan ng pagkakataon na makapagbigay ng kani-kanilang pagtalakay sa iba’t ibang paksa sa
iba’t ibang larangan. Mas malawak ang delegado ng kumperensiya kaysa simposyum.
Sa pagpaplano ng kumperensiya, kinakailangang isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Pagpapasya sa tema;
2. Magpasya sa mga maaaring makasama sa pangkat;
3. Ihanda ang plano para sa budget at paggugulan nito;
4. Paghahanap ng sponsor para sa mga gastusin;
5. Pagpapasya sa araw at lugar na pagdarausan;
6. Pagpapatala at promosyon; at
7. Pagpapasya sa mangangasiwa sa iba’t ibang komite;
8.
Ang mga komite ay nahahati sa pito at ito ang mga sumusunod: