Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Yunit V #Mga Napapanahong Isyung Lokal At Nasyonal (Ikalawang Bahagi)

Mga Isyung Politikal

Ang politika ay makikita natin saan mang dako. Lahat ng gawaing pantao ay likas na
may politika. Ngunit ano nga ba ang politika? Bakit marami ang interesado sa mga
isyung politikal?

Maraming suliranin sa ating bansa gaya ng katiwalian at ang mga dinastiyang


politikal ay malinaw na mga suliraning politikal. Ang mga rebelyon, bagama’t isang
suliraning ekonomiko, ay maituturing na kaugnay rin ng mga isyung politikal dahil
malinaw na may ugnayan din ang sistemang ekonomiko at sistemang politikal ng bansa.
Samakatuwid, maaaring may pinagmulan ding politikal na suliranin ang anumang
rebelyon.

Korapsyon at Iba Pang Katiwalian sa Gobyerno


Pangarap ng bawat Pilipino ang magkaroon ng isang maayos na lipunang ginagalawan
hindi lamang para sa kanilang kinabukasan kundi maging para sa kinabukasan na rin
ng kanilang mga magiging anak at iba pang salinlahi.

Maraming mukha ang katiwalian na patuloy na pumapatay sa itinuturing nating kakampi


sa buhay - ang pag-asa. Ang mga mukha na matatagpuan sa bawat sangay ng gobyerno ay
alinman sa mga sumusunod:
(1) pang-aabuso sa kapangyarihan;
(2) pakikipagsabwatan;
(3) pandaraya sa halalan;

(4) pagnanakaw sa kaban ng bayan;


(5) sistemang padrino o palakasan; at
(6) korapsyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Mga Bunga ng Korapsyon


Isa sa mga pangunahing bunga ng korapsyon ang kawalan ng oportunidad ng mga
ordinaryong mamamayan na magkaroon ng espasyo sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Pangalawang bunga ang pagliit ng pondo na maaaring magamit ng gobyerno para sa mga
serbisyong panlipunan (gaya ng pabahay, edukasyon, transportasyon , at kalusugan).
Malaking halaga ng badyet ng gobyerno ang napupunta sa korapsyon, na tinatayang
umaabot sa 200 bilyong piso kada taon (ayon sa World Bank). Ang ganitong kalaking
halaga ay maaari sanang magamit sa paglutas ng kahirapan at iba pang kaugnay na
suliranin.

Bunga rin ng korapsyon ang kawalan ng tunay na mga partido politikal sa bansa. Sa
halip na mga propesyonal at ideolohikal na partidong may magkakaibang paninindigan
sa iba’t ibang mahahalagang isyu, mga personalistikong partido ang nangingibabaw sa
bansa, mga partidong kontrolado at pinopondohan ng mayayamang dinastiya.

Mga Solusyon sa Korapsyon

Mga Isyung Kultural at Linggwistiko


Bawat bansa sa mundo ay may kani-kaniyang kultura, kultura sa pananamit,
pagsasalita, pananampalataya, at iba pa. Ang ating bansa ay napakayaman sa kultura.
Sinasabing bago pa man dumating ang mga dayuhan para sakupin tayo, ang ating bansa
ay mayaman na sa kultura. Ang kultura ng Pilipinas ay pinaghalong katutubong
tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop.

Ang nangyaring pananakop ng Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko na


tumagal ng 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa ating kultura. Isa sa ating
minana ay ang pagdiriwang ng pista at pag-alala sa mga Santong Patron. Sa
katimugang bahagi ng ating bansa kung saan ang mga kapatid nating Muslim ay
nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.

Namamatay na ang kultura ng ating bansa. Ang kabataan sa kasalukuyang panahon ay


wala ng pagpapahalaga para sa mga produkto at gawaing Pilipino. Ang sinasabi nilang
“colonial mentality’’, o ang kaugaliang pumapabor sa paggamit ng mga bagay na gawa
ng mga dayuhan, ay nagiging kanser na sa ating lipunan. Pero, bago natin suriin at
sagutin ang problemang ito, kailangan natin bumalik sa pinagmulan ng kaisipan na
ito.

Makikita natin na sa kasalukuyang panahon, karaniwan sa mga Pilipino ay hindi


naniniwala sa kagandahan at pagkakaiba ng kultura ng sarili nilang bansa. Ang mga
produktong Amerikano o mga produktong Europa ay laging binibili at hinahanap nila,
habang ang lokal na produkto ay nawawalan na ng halaga. Nabubulag ang mga Pilipino
sa realidad na hindi uunlad ang Pilipinas kung hindi nila kayang mahalin ang
sariling wika, produkto at kultura.

Ang cultural diversity o ang pagkakaiba-iba ng mga kultura sa daigdig ay ang


pagtingin na may esensyal na kaibahan ang mga kultura at nararapat lamang na
igalang, protektahan at paunlarin ang mga pagkakaibang ito. Subalit ang pakahulugan
sa cultural diversity – na itinataguyod ng globalisasyon at tinatangkilik ng
gobyerno – ay ang paglikha ng napakaraming produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang
kultura.

You might also like