Modyul 7 - G11-STEM

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Ginielle Gem A.

Belarmino 11-STEM

ARALIN 7: INSTRUMENTAL, REGULATORI, AT


HEURISTIKONG TUNGKULIN NG WIKA

IV. SAGUTAN MO
A. Sa tulong ng concept map, isa-isahin ang pagkakaiba ng mga tungkulin ng wika na tinalakay sa itaas.
Magbigay ng 3-5 katangian ng bawat isa. Lagyan ng pagkalahatang paliwanag (8-10 pangungusap) ukol
sa mahalagang papel ng tatlong tungkulin ng wika sa paglinang komunikasyon at panlipunang pakikipag-
ugnayan ng isang indibidwal.

INSTRUMENTAL REGULATORI

Ang layunin nito ay makipagtalastasan para Ang tungkulin nito ay magbigay ng


tugunan ang pangangailangan ng tagapagsalita. impluwensya sa kilos at asal ng iba.
Instrumental bilang wika ng panghihikayat – ito ang
paggamit ng wika upang paganapin at direkta o di Regulatori bilang wikang kumukontrol sa
direktang pakilusin ang kausap niya batay sa paraan ng paggawa ng kilos ng ibang
nilalaman ng mensahe. indibidwal.
Instrumental bilang naglilinaw ng tiyak na
kagustuhan at pangangailangan ng tagapagsalita.
May kapangyarihang makapanghikayat, mag-
Nagiging mabisa ang tungkulin ng wikang ito sa
pamamagitan ng paglilinaw at pagtitiyak ng utos, at humiling sa kaniyang kausap.
pangangailangan, naiisip, o nararamdaman.
Instrumental bilang wika ng patalastas- nakikita sa
iba’t-ibang medyum ng pahayagan. Gumagabay sa kilos at desisyon ng iba.

HEURISTIKO

Ginagamit ang wikang ito sa pagtuklas ng mga


bagong kalaman, impormasyon at datos.

Nakikita ang katangian ng heuristiko sa mga


pagkakataong nagtatanong, sumasagot, o
dumadaloy ang isang pamumuna bilang
pagkilos.
Nakikita rin ito sa paraan ng pag-alam sa mga
bagay-bagay, pagdududa, o palagay.
Ang wikang heuristiko ay sumusulpot sa mga
gawain ng pananaliksik at imbestigasyon.
Pangkalahatang Paliwanag:
Anumang wika ay may tungkulin tumugon sa pangangailangan ng tao at lipunang kinabibilangangan nito.
Sa wika nasasalamain ang pagtaya ng kalayaan, kamalayan at kultura ng tao. Ang Instrumental, Regulatori, at
Heuristikong tungkulin ng wika ay may mahalagang ginagampanan sa paglinang ng komunikasyon at
panlipunang pakikipag-ugnayan ng isang indibidwal. Una, sa pamamagitan ng instrumental, naipapahayag ng
isang tao ang kanyang mga pangangailangan at nais sabihin. Nagkakaroon din ng pagkakataon ang indibidwal
na linawin ang karunungan at mabigyang solusyon ang mga suliraning kinakaharap. Ang regulatori naman ay
mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito, nagkakaroon tayo ng kakayahan ng maimpluwensiyahan ang mga
pansariling desisyon at aksyon ng ating kapwa. Isa sa mga magandang naidudulot nito ay kung naipaparating
natin sa iba sa pamamagitan ng wika ang kanyang mga kahinaan at bigyan siya ng motibasyon na paunlarin o
baguhin ang kanyang sarili. Panghuli, mahalaga ang heuristiko sapagkat ito ang ginagamit kung tayo ay nag-
aaral at tumutuklas ng mga bagong impormasyon upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa panlipunang
ginagalawan. Mahalaga ang ibat-ibang tungkulin ng wikang nabanggit sapagkat isa ito sa mga paraan upang
mas lalo nating mapauunlad ang sarili at magkaroon ng magandang ugnayan sa kapwa. Ngunit may
responsibilidad tayong kailangang isakatuparan at ito ay ang pag-aralan ang pagkakaiba-iba ng mga nabanggit
na tungkulin ng wika upang maiwasan ang di pagkakaunawaan at umiral ang pagkakaisa sa ating bansa.

B. Pumili ng paboritong dokumentaryo at gumawa ng islogan na tumatalakay sa mensaheng binigyang-diin sa napanood


na dokumentaryo. Subuking ilapat ang mga natutuhang tungkulin ng wika bilang konsiderasyon sa mabisang pagpili ng
wika na gagamitin sa islogan. Maging malikhain sa paggawa at pagdisenyo nito. Maaaring pumili sa sumusunod na
dokumentaryo.
PAHALAGAHAN MO

A. Sa paglalapat ng instrumental na tungkulin ng wika, (1) magtala ng mga katangian na gusto at ayaw
mo sa isang lider. Matapos makompleto ng listahan, (2) sumulat ng maikling talata na naglalahad ng
mga kasalukuyang kalagayan ng pamumuno sa bansa sa tulong ng nabuong listahan.
1.

MGA GUSTO KO SA ISANG LIDER MGA AYAW KO SA ISANG LIDER


Malaki ang aking respeto sa mga lider na may Mataas ang pagtingin sa sarili at kinikilala ang sarili
prinsipyo sa kanilang buhay at iginugugol ang bilang isang makapangyarihang indibidwal.
pagkatao sa pagbibigay serbisyo sa taong bayan.
Saludo ako sa mga lider na tapat sa tungkulin, at may Magaling sa pagbigkas ng mga mabulak-laking mga
malasakit sa kapwa at bayan. Ginagampanan ang salita, ngunit ang mga pangako ay napapako.
obligasyon upang matamo ang kaayusan at pag-
unlad ng lipunang pinamumunuan.
Ang isang pinuno ay dapat na maging mabuti at Hindi tinutupad ang sinumpaang tungkulin na
mapanagutan. Kung nais ng isang pinuno na maging paglingkuran ang taong bayan. Pinapairal ang
positibo at magkaroon ng pangmataglang epekto at korupsyon, kapalastangan at pandaraya sa kalakal.
impluwensiya sa mundo kinakailangan na siya ay
maging mabuti at magkaroon ng mabuting
pamumuno.
Ang isang pinuno ay marunong dapat tumupad ng Walang malasakit sa kababayan at mas inuunang
mga pangakong binitawan sa kanyang mga pagtunuunan ng pansin na matamo ang mga
nasasakupan. pansariling interes.
Ang mahusay na pinuno ay mapagkumbaba,
magiliaw at higit na pinahahalagahan ang mga
pangkaraniwan at ordinaryong mamamayan.

2.
Bago magtapos ang taong 2019, dala natin ang pag-asa na ang susunod na taon ay magdadala ng
kaginhawaan at kagalakan sa ating mga buhay. Inakalang ang taong 2020 ay magbibigay ng tunay at direktang
pananaw sa buhay. Nangangarap na sana ay tahakin natin ang tamang daan patungo sa pag-unlad. Ngunit sa
kasamaang palad, ating napagtanto na ang taong 2020 ay ang naging daan upang tayo ay malinaw na namulat
sa kung gaano kalala ang gobyerno ng Pilipinas. Sa unang buwan ng taong 2020, agad na sinubok ang
katatagan ng sangkatauhan dulot ng Covid-19 pandemic. Totoong nagpatupad ng ibat-ibang polisiya ang
gobyerno upang mapigilan ang mabilis na paghawa nito. Ngunit sa paglipas ng panahon, tayo ay nakararamdam
na tila may kulang sa pamamaraan na ginagawa ng ating pamahalaan. Napupuno ng pagkadismaya ang aking
puso sapagkat wala akong nararamdamang pagbabago at tila sinukuan na tayo ng ibang mga opisyales. Lubos
ang aking pagkahabag dahil mas nangingibabaw pa rin ang kasakiman at kasamaan ng ibang opisyales kahit
na lahat tayo ay nahihirapan at hirap na makabangon mula sa pagkadapa. Hindi ko mapigilang itanong sa aking
sarili, “Nasaan ang mga taong ating inaasahan sa mga panahong nalulugmok ang sambayanang Pilipino?”

Kung kaya sa papalapit na Halalan 2022, taos-puso akong nananamplataya at umaasa na sana ang mga
taong mahahalal sa ibat-ibang posisyon sa ating lipunan ay tunay na karapat-dapat at may malasakit sa kapwa
at bayan. Hinihiling ko na ang mga taong magiging opisyales ng ating lipunan ay tinataglay ang mga katangiang
aking nais at inaasam-asam sa isang lider upang tunay nang makabangon ang bansang Pilipinas. Sa huli, ako’y
umaasang huwag ipagbili ng taong-bayan ang kanilang boto bagkus sila’y maging instrumento ng pagbabago.

You might also like