Handouts For TTL

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Cebu Normal University


Osmeña Blvd., Cebu City, 6000, Philippines

College of Teacher Education


Telephone No.: (+63 32) 254 1452 loc. 144
Email: cte@cnu.edu.ph
Website: www.cnu.edu.ph

Filipino 5

Pagtukoy sa Elemento ng
Kuwento (Tauhan, Tagpuan, at
Banghay)
Handouts

Prepared by:
Besin, Lonie Chisa
Binondo, Rizel Ann
Herbias, Fritchiel
Pradilla, Jessel Mae
Quijano, Shamae
Redulla, Ma. Genevieve
Mga Kasanayan ng Pagkatuto: Natutukoy ang mga elemento ng kuwento (tagpuan,
tauhan, banghay) (F4PB-Ia-97)

Mga Layunin

Sa pamamagitan ng mga iba’t ibang gawain, inaasahan ang mga mag-aaral sa


ikaapat na baitang na makakakuha ng hindi bababa sa 75% sa mga sumusunod na
antas ng pagkatuto:

A. nakikilala ang mga elemento ng kuwento sa napanood na maikling kuwento.


B. nakapagbabahagi ng sariling kaisipan at kahalagahan ng mga elemento ng
kuwento (tagpuan, tauhan, banghay) sa tunay na buhay o pangyayari.
C. nakabubuo ng isang graphic organizer na naglalaman ng mga elemento ng
kuwento batay sa napanood na maikling kuwento.

Balik-Aral
Panuto: Isaayos ang mga palaisipang salita ayon sa ibinigay na kahulugan.
_____________1. TAMAGAP - ito ang titulo ng isang kuwento.
_____________2. GNATPUA - ito ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari
sa kuwento.
_____________3. NAUHAT - ang pangunahing tagaganap sa kuwento.
_____________4. HYGNABA - ito ang sunod-sunod na pangyayari sa isang kuwento.

Paunang Gawain
Panuto: Panoorin ang maikling kuwento sa pamamagitan ng pagpindot sa link sa ibaba
at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

https://youtu.be/00lBkE2ZnNE
Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino ang matalik na magkaibigan ayon sa kuwento?
3. Saan nakita ni Pagong ang puno ng saging?
4. Ano ang ginawa ni Pagong at Matsing sa nakita nila na puno ng saging?
5. Ano ang ginawa ni Matsing kay Pagong matapos siyang nasaktan dahil sa tinik
na nilagay ni Pagong sa ilalim ng puno?

Aralin
Ang maikling kuwento ay isang uri ng pagsasalaysay ng mga pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan.

Elemento ng Maikling Kwento


● Tauhan ay mahalagang elemento ng maikling kuwento sapagkat tumutukoy ito
sa mga gumaganap sa kuwento.
● Tagpuan ay elemento ng kuwento na tumutukoy sa lugar, atmospera, at ang
panahon kung saan nagaganap ang kuwento.
● Banghay ay tumutukoy ito sa maayos at malinaw na pagkasunod - sunod ng
mga mag kaugnay na pangyayari.
Tatlong Bahagi ng Banghay
● Simula - ito pa lamang ay mababanggit na ang kilos, paglinang sa
pagkatao, mga hadlang o suliranin.
● Gitna - ito ay naglalaman ng mga maayos, sunod-sunod at
magkakaugnay na mga pangyayari.
● Wakas - dito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin.

Pagsasanay
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay ang mga elemento ng kuwento maliban sa isa.
a. Banghay c. Simula
b. Tauhan d. Tagpuan
2. Ano ang isang uri ng pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan?
a. Banghay c. Kanta
b. Maikling Kwento d. Tula
3. Anong elemento ng kuwento ang tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkasunod -
sunod ng mga mag kaugnay na pangyayari?
a. Wakas c. Simula
b. Gitna d. Banghay
4. Ito ay tumutukoy sa mga gumaganap sa kuwento.
a. Tauhan c. Banghay
b. Tagpuan d. Wakas
5. Sa bahaging ito ay nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin.
a. Simula c. Wakas
b. Gitna d. Banghay

Panapos na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Tukuyin ang tauhan, tagpuan at banghay ng
kwento at isulat sa papel.

Masayang Paglalakbay
ni Cheche Cortez

Tuwang-tuwa sina Roy , Rico at Rey sa kanilang field trip sa Legazpi City. Ang
una nilang pinuntahan ay ang Hoyop-hoyopan Cave sa Camalig. Namangha sila sa
ganda ng kuweba. Napagod sila sa sa pag-akyat sa bulubundukin ng Kawa -Kawa sa
Ligao ngunit sulit naman sa napakagandang tanawin doon. Lalo silang nasiyahan nang
makita nila ang iba't ibang hayop sa wildlife. Pagkatapos nilang mananghalian, sila ay
nagtungo sa PAGASA Center upang malaman kung paano namumuo ang isang bagyo
Nakita rin nila ang perspektong hugis Bulkang Mayon sa may Cagsawa Ruins. Sulit ang
pagod ng mga mag-aaral habang papauwi na sila sa kani-kanilang bahay.

Tauhan:__________________
Tagpuan:_________________
Panimula:_________________________________________________
Gitna:____________________________________________________
Wakas:___________________________________________________
Sanggunian
CastielVlog. (2022, October 22). Si Pagong at si matsing | kuwentong may aral
kuwentong pambata. YouTube. Retrieved May 7, 2023, from
https://www.youtube.com/watch?v=00lBkE2ZnNE.

DepEd Tambayan. (2022, March 9). Filipino 4 Unang Markahan–Modyul 4: Elemento at


Pagsulat ng Kuwento • DepEd Tambayan. DepEd Tambayan. Retrieved May
7, 2023 from,
https://depedtambayan.net/filipino-4-unang-markahan-modyul-4-elemento-at-pag
sulat-ng-kuwento/

K to 12 Gabay Pangkurikulum FILIPINO. (2016, May). DepEd. Retrieved May 7, 2023,


from https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/Filipino-CG.pdf

You might also like