Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ZAMBOANGA DEL SUR SCHOOL OF ARTS AND TRADES

EAST DISTRICT
Ikalawang Sangkapatang Pagsusulit ng Grade 9-Filipino

Pangalan: Seksyon:
Baitang: Petsa:

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong nang maigi. Isulat sa espasyong nakalaan ang titik ng tamang sagot.

_______1. Anong uri ito ng tula na binubuo ng limang taludtod at may sukat na 7-7-7-5-5?
A. Haiku B. Tanka
C. A at D D. Tanaga
_______2. Alin sa mga sumusunod ang sukat ng Haiku?
A. 5-7-7-5 B. 7-7-5 C. 5-7-7 D. 5-7-5
_______3. Ano ang kadalasang paksa ng tulang Haiku?
A. lipunan B. kalikasan at pag-ibig C. tao at bayan D. pagkabigo
_______4. Anong uri ito ng kuwento na ang kadalasang tauhan ay mga hayop ?
A. Tula B. Maikling Kuwento C. Awit D. Pabula
_______ 5. Sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”, sino ang nagbigay ng hatol hinggil sa suliranin ng tigre at lalaki?
a. baka b. kuneho c. puno ng pino d. tigre
_______ 6. Mayaman ang batang binusog sa pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Mayaman ang bata dahil siya ay busog. B. Matalino ang bata dahil sa kanyang binasa.
B. May mabuting asal ang bata. D. Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming binasang pabula.

Para sa aytem 7-10 Basahin ang talata sa ibaba, pagkatapos sagutin ang sumusunod na tanong sa ibaba.

Naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan
ay binibigyan nang pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babaw ay tumatanggap nang pantay na posisyon at
pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaeng lider nito. Marami
pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami
pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na
karapatan nila sa lipunan.
Halaw sa: “Ang kababaihan ng Taiwan Noon at Ngayon at Noong Nakalipas na 50 taon” ni Sheila C. Molina

_______ 7. Ang talata ay tumatalakay sa mahalagang isyu sa kapaligiran, ano ang uri nito?
A. Balita B. editoryal C. Sanaysay D. Editoryal
_______ 8. Ano ang patunay na hindi pa ganap na pantay ang kalagayan ng babae at lalaki sa Taiwan?
A. hindi tinatanggap ang babae sa trabaho B. hindi binibigyan ng karagdagang sahod
C. hindi makatarungan ang trato sa mga lider na babae D. lalaki lamang ang napipiling lider sa kompanya.
_______ 9. Sa pangungusap na , “Ngunit hindi ito nangangahulugang na ang babe ay tumatanggap nang pantay na posisyon at
pangangalaga sa lipunan”. Ano ang gamit ng ngunit sa pangungusap?
A. pang-ukol B. pangatnig C. pantukoy D. pang-angkop
_______ 10. Saang bansa umiiral ang ganitong sistema ng pamumuhay?
A. Korea B. Singapore C. Amerika D. Taiwan
_______ 11. Ano ang pinakaluluwa ng dula?
A. Tanghalan B. Aktor C. Manonood D. Iskrip
_______ 12. Anong uri ito ng akdang pampanitikan na nahahati sa ilang yugto at maraming tagpo?
A. Balagtasan B. Dula C. Pabula D. Maikling Kuwento
_______ 13. Anong bahagi ng dula ang nagpapakita ng panahon at lugar na pinagganapan ng mga pangyayari sa dula?
A. Yugto B. Eksena C. Tanghalan D. Tagpo
_______ 14. Ano ang pinakamatindi o pinakamabugsong parte ng dula?
A. Kakalasan/ Kalutasan B. Tagpuan C. Kasukdulan D. Tunggalian
_______ 15.Sa dulang “Muling Pagsinta” ni Mary Grace A. Tabora, sino ang ama ni Temujin?
A. Borte B. Yesugei C. Temujin D. Wala sa nabanggit

Para sa aytem 16-20 Paglinang ng Talasalitaan: Panuto: Piliin ang pinakaangkop na kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

_______ 16. Nananalaytay na sa ugat. A. tumutukoy B. tumutubo C. dumadaloy D. umiikot


_______ 17. Busabos na pag-ibig. A. alimurain B. labis C. alipin D. dakila
_______ 18. Sukab na hangarin. A.matalino B. malabo C. masama D. mabuti
_______ 19. Ikinubli ang pagdadalang-tao. A. inilantad B. itinago C. ipinaalis D. inalagaan
_______ 20. Lantay na ginto. A. tago B. wagas C. puro D. makinis

Para sa aytem 21-26 Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng wastong salitang naglalarawan ng angkop na damdaming ipinapahiwatig.

_______21. “Hindi ka ba magpapasalamat kay Tiyo Li sa lahat ng tulong niya?


A. pagsisisi B. pagpapaalala C. paghihinakit D. pagkainis
_______22. “Pinapahirapan talaga ako ng tatay, kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa akin parang ampon”.
A. pagsisisi B. pagkagalit C. paghihinakit D. pagkainis
_______23. “Natanaw ko na ang mapanglaw na anyo ng aming bahay. Ngayon ay higit na ang kaba sa aking dibdib.”
A. pagkatakot B. pagkanerbiyos C. pag-aalala D. pagdadalamhati
_______24. “Para makatulong?” Nakatitig sa akin ang nag-aapoy niyang paningin.
A. Matinding galit B. masidhing galit C. galit D. lubhang galit
_______25. “Diyos ko, galing kay Huiquian? Paano nangyari ito?
A. pagkatakot B. pagsindak C. pagkabigla D. pagkagulat
_______ 26. “Utang na loob, patawarin mo na ako?
A. pagkatakot B. pagsisisi C. pakikiusap D. pagkahinayang
_______27. Sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”, ano ang ipinapahiwatig ng hatol nina Pino at Baka na…dapat kainin ng tigre ang
tao?
A. Naiinis sina Pino at Baka kaya ito ang kanilang hatol B. Malupit ang tao sa kalikasan kaya nais nilang mamatay ang tao.
C. Walang silbi ang tao sa puno at baka kaya wala silang pakialam kung kainin man ng tigre
D. Hindi makatotohanan ang kuwento sapagkat walang nagsasalitang puno at baka sa tunay na buhay.

Para sa aytem 28-31 Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng wastong salitang naglalarawan ng angkop na damdaming ipinapahiwatig.

Nailigtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquian, at ang kanilang pera ay mabilis niyang isinilid sa kanyang bulsa.
Bago siya nakapagtinda, matamlay niyang hinarap ang negosyo. Ngunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero.
Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibinunga ang mawalan ng pag-asa. Mas
mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang makakaalam kung kailan kakatok ang oportunidad. Hindi naman lahat ng
pagkakataon ay malas ka, hindi ba?, nag-isip si Huiquian.
Halaw sa: “Niyebeng Itim” ni Liu Heng (Isinalin sa Filipino ni Galileo Zafra)

_______28. Alin sa mga sumusunod ang hanapbuhay ni Huiquian?


A. negosyante B. kargador C. ahente D. karpintero
_______29. Ano ang mensahe ng kuwento?
A. Maging matatag sa buhay. B. Huwag palampasin ang pagkakataon.
C. Kailangang magtiyaga sa buhay. D. Huwag susuko sa buhay.
_______30. Anong katangian mayroon si Huiquian? A. madiskarte B. inspirado C. mahusay sa buhay D. maalalahanin
_______31. Ano ang ibinunga ng pagtitiyaga ni Huiquian?
A. nakapag-isip isip siya B. hindi nawalan ng pag-asa C. may pagbabago sa buhay D. may hinaharap sa buhay
_______32. “Nag-isip si Huiquian”, batay sa huling pangungusap, ano ang aksyong gagawin ng pangunahing tauhan?
A. maghahanap ng kasama B. dadagdagan pa ang paninda C. magtitiyaga sa paninda D. hahanap ng ibang trabaho
_______ 33. “Makikita sa loob ng bahay ang kasangkapang antik o sinauna”. Anong elemento ng dula ang itinuring sa pahayag?
A. aktor B. iskrip C. tanghalan D. manonood

Para sa aytem 34-38 Basahin ang talata sa ibaba, pagkatapos sagutin ang sumusunod na tanong sa ibaba.

Temujin: Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa matatanda lamang.
Yesugei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag nakapili ka ng babaeng pakakasalan mo ay magsasama na kayo.
Isang simpleng pamimili lamang ng babae ang gagawin mo at pangakong siya’y iyong pakakasalan.
Temujin: Ganoon po ba iyon?
Yesugei: Oo, anak. Tayo’y nabibilang sa Tribong Borijin kaya’t ikaw ay pipili ng babaeng mapapangasawa sa tribong Merit.
Temujin: Bakit sa tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman iyon ang ating tribo.
Yesugei: Malaki ang naging atraso ko sa tribo. Kaya’t sa ganitong paraan ako’y makababawi sa kanila.
Halaw sa: “Muling Pagsinta” ni Mary Grace A. Tabora

_______34. Anong kulturang Mongolia ang litaw sa diyalogo?


A. pambayad sa atraso ng anak B. maagang pag-aasawa
C. pagpili ng mapangangasawa sa murang edad D. pag-iisa ng dalawang tribo bunsod ng kasal
_______ 35. Anong pangyayari ang nakita sa diyalogo na karaniwang nagaganap sa iyong pamumuhay?
A. pagkumbinsi ng magulang sa anak B. pagpapaliwanag ng magulang sa anak ukol sa isang paksa
C. Pagtatalo ng magulang sa anak D. pagpapasya ng magulang sa anak
_______36. Anong kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa diyalogo na karaniwang nagaganap sa iyong pamumuhay?
A. pagsasaalang-alang sa damdamin ng nakaalitan B. paggalang sa kapasyahan ng magulang
C. pagpili ng babaeng mapangangasawa mula sa ibang angkan D. pagsunod sa utos ng nakatatanda
_______37. Alin sa mga sumusunod ang tribo ni Temujin?
a. Tribong Mongol B. Tribong Merit C. Tribong Borijin D. B at C
_______38. Sino ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula?
A. aktor B. direktor C. tanghalan D. manonood
_______39. Ano ang hindi kabilang sa pangkat?
A. direktor B. iskrip C. kariktan D. tanghalan
_______40. Anong uri ng maikling kuwento ang Niyebeng Itim?
A. makabanghay B. Humanismo C. Romantisismo D. Katutubong Kulay
SUSI SA PAGWAWASTO

1.
2. B 22. C
3. D 23. C
4. B 24. A
5. D 25. B
6. B 26. D
7. D 27. C
8. D 28. B
9. A 29. A
10. B 30. C
11. D 31. A
12. D 32. C
13. B 33. B
14. D 34. C
15. C 35. D
16. B 36. D
17. C 37. B
18. C 38. C
19. A 39. A
20. C 40. C
21. B 41. D

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MONALIZA T. BEJENIA AMALIA L. REMOTIGUE


Guro III sa Filipino Dalubguro II ng Fil. Dept.

Nagrerekumenda ng pag-apruba: Sinang-ayunan:

ARSENIO K. GANURAN, JR. VALERIANO M. BARTE, EdD


Ulong-guro-I Punong-guro-II

You might also like