Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ricciella Joyce M.

Almarez Filipino 10
G10 – Archimedes Mitolohiya
“Ang Pagmamahal ng Ama”
Si Zeus, ang hari ng mga diyos, ay may anak na nagngangalang Athena. Si Athena
ang paborito niyang anak. Siya ang pinakamatino at matalino sakanilang magkakapatid.
Mayroon siyang kalasag at espada. May bjnigay din sakanya ang kanyang ama na
kwintas upang simbolo ng kanyang pagmamahal at pagiingat sakaniya.

Sa mga ulap, nakatira ang mga diyos at diyosa. Naninirahan sa isang malaking
palasyo si Zeus at kanyang mga anak. Si Zeus ay may trono at isa sa pinakamalaki ang
kaniyang silid-tulugan. Binigyan niya si Athena ng trono at isa sa mga pinakamalaking
silid-tulugan. Ito ay simbolo ng kanyang ama na siya ang kanyang paborito. Isang araw,
habang naghahanda si Athena para sa isang digmaan, pumasok si Zeus sa kanyang
silid-tulugan. “Tanggapin mo ang aking handog, Athena. Isang kwintas na
magproprotekta sayo sa digmaang iyong haharapin. May taglay itong kapangyarihan na
hindi ka masasaktan ng kahit na sino. Ito ay may basbas mula sa akin at ito ay ibinibigay
ko saiyo.” Sabi ni Zeus. “Salamat aking ama, ito ay makakatulong saakin na maipanalo
ang digmaan. Ito ay aking iingatan at lagi ko itong susuotin.” Tugon ni Athena. Siya ay
yumakap sa isa’t isa at namaalam. Umalis na si Athena kasama ang ibang mga diyos at
diyosa, at mga kawal. Ang layunin nila sa digmaang ito ay maibalik sa palasyo at Olympus
ang ulo ng kanilang kaaway. Nagsimula na ang digmaan at lahat ay nagsigawan,
nakipaglaban at ilan ay namatay sa mga pasabog at kapangyarihan na inilabas. Sa
kabilang dako, si Zeus ay labis na nag-aaalala para sa kanyabg mga anak lalo na kay
Athena. Alam naman niyang hindi sila mamamatay agad ngunit hindi pa rin siya
makakalma. Lumipas na ang ilang oras at natapos na ang digmaan. Nakauwi nang buhay
ang mga anak ni Zeus at naiuwi ang ulo ng kanilang kalaban. Muntik na mamatay si
Athena ngunit sa kwintas na bigay ng ama, siya ay nailigtas at nakapatay sa hari ng
kanilang kalaban. Labis na natuwa ang mga Olympians dahil sa tagumpay na inuwi nina
Athena. Muling nagkayakap ang mag-ama at sumama sa yakap ang ibang mga kapatid.
Sila ay nagdiriwang sa pamamamagita ng isang piging at sayawan.

Si Zeus ay labis na nagpapasalamat dahil naisipan niyang bigyan ng kwintas si


Athena na magproprotekta sakanya sa digmaan. Inalagaan nang mabuti ni Athena ang
kwintas at sinusuot ito palagi. Ang pagmamahal ng isang ama ay isa sa mga
pinakamahalaga sa pagmamahal subalit ito ay pagmamahal ng isang magulang.

You might also like