PFPL Assignment

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Hannah Agravante

12 ABM- 1 Set A

Gawain 1

Ang isang bansa ay hindi makakamit ang kaayusan, kapayapaan at kaunlaran kung walang
pinunong mamumuno. Kaya't dumarating taon na kung saan tayo ay mamimili ng karapat dapat na
tao na syang mamumuno sa ating bansa. Ang pagkakaroon ng isang pinuno ay isang aspeto upang
makamit ang ating inaasam para sa ating bansa. Pagkalipas ng anim na taong panunungkulan ni
pangulong Duterte isinagawa ang panibagong halalan. Halalan na kung saan ito ang magiging daan sa
pagkamit ng ating pangarap na pagbabago. Noong Oktubre ‚1 2021 nagsimula ang unang araw ng
paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng bawat kakadidato sa darating na Mayo 22 national
elections. Marami ang naghahangad sa posisyong pagkapangulo ngunit alam nmn ng bawat isa na isa
lamang ang dapat umupo sa nasabing pwesto. Lalaban sa pagkapangulo sa Halalan 2022 si Bise
Presidente Leni Robredo, dala ang aniya’y hangaring “palayain ang sarili mula sa kasalukuyang
sitwasyon.” Ayon din sa kanya,”Buong -buo ang loob ko ngayon. Kailangan nating palayain ang sarili
mula sa kasalukuyang sitwasyon. Lalaban ako. Lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang
kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022." Sa mga Marcos Loyalist magandang balita dahil
naghain din ang dating senador na si Bongbong Marcos, anak ng dating pangulo na si Ferdinand
Marcos ng intensiyon niyang tumakbo sa pagkapangulo. Bagay ito na inalmahan ng iba't ibang rights
groups sa anila'y intensiyon nito na burahin sa kasaysayan ang mga karumaldumal na nangyari noong
panahon ng Batas Militar, na pinamunuan ng kaniyang ama. “That is why I am announcing here today
my intention to run for the presidency of the Philippines in the coming May 2022 elections. I will bring
that form of unifying leadership back to our country. Join me in this noblest of causes and we will
succeed. Sama-sama tayong babangon muli,” ani Marcos. Ang boxing icon ng Pilipinas at senador na si
Manny Pacquiao ay tatakbo sa pagkapangulo sa 2022 na halalan.Tinanggap ni Pacquiao ang
nominasyon ng PDP-Laban party sa national convention nito at sinabi na ang sambayanan ay
naghihintay ng pagbabago sa gobyerno. “Ako ay isang fighter at mananatili akong fighter sa loob at
labas ng ring”, ani Pacquiao sa kanyang talumpati. Kailangan natin ng isang gobyerno na magsisilbi sa
mga tao ng may integridad, compassion at transparency, aniya. Pormal din na inanunsiyo ni
Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tatakbo siya sa pagkapangulo sa halalan
2022.”Buong kababaang loob, inihahayag ko sa inyo, mga kababayan ko, sa darating na Mayo,
tanggapin niyo po ang aking aplikasyon bilang pangulo ng Pilipinas”. Para sa akin, lahat sila'y may
katangian ng pagiging isang pinuno ngunit isa lang ang karapat dapat magwagi at para sa akin sya ay
ang dating senador na si Bongbong Marcos sapagkat siya lamang ang nakikitaan ko ng may
kakayahang mamuno ng isang bansa tungo sa landas ng kaunlaran, kalayaan, kapayapaan, at may
kaayusan.
Sino nga bang nararapat mamuno sa ating bansa? Marami ang tumututol sa pagtakbo ni
Bongbong Marcos bilang pangulo sapagkat siya ay anak ng dating pangulong Ferdinand Marcos na
isang diktador, magnanakaw daw ng yaman ng Pilipinas at siya raw ang nagpapatay kay Benigno
Aquino. Maraming kuro kuro ang sinasabi patungkol sa kanyang pamilya kaya siya daw ay hindi
karapat dapat sa posisyong ito dahil hindi malinis ang kanilang talaan. Karamihan sa mga humuhusga
kay Bongbong Marcos ay mga kabataang wala namang sapat na kaalaman tungkol sa kanyang buhay.
Sabi nga sa kasabihan“ Don't judge a book by its cover”. Wala tayong karapatang husgahan ang
pagkatao nya sapagkat hindi naman natin siya lubosang kilala. Husgahan mo siya kung may sapat
kang ebidensya at nagpapatunay ginawa niya talaga ang bagay na iyon. Sa kabila ng sarisaring
kurokuro tungkol kay Marcos mas lalo tumibay ang aking paninindigan na siya ang iboto para
nalalapit na halalan. Ang aking boto ay mananatiling kay Marcos sa kabila ng lahat ng paninira ng
ibang mga partido sapagkat napatunayan na ng mga magulang ni Bongbong Marcos na sila'y walang
ginawang mali. Kung hindi dahil sa kanila di natin mararanasan ang masaganang pamumuhay, pati na
ang nga murang bilihin. At alam kong kayang gampanan ni Marcos ang kanyang tungkulin, hindi lng
siya matalino kundi may kasamang gawa ang kanyang mga salita. Ang isa pang dahilan kung bakit
mas nararapat maging pinuno si Marcos ay marami na siyang karanasan sa pamumuno. Sa kanya
pamumuno magagamit niya ang angkin niyang katalinuhan upang mas maging maayos ang
pamumuhay ng bawat Pilipino.

Ang pamununo ay hindi madaling gawain o tungkulin kaya't kailangan nating kilatisin ng maayos
ang mga kakandidato. Hindi pwedeng iboboto natin siya dahil binigyan ka ng pera o sinuhulan ang
inyong pamilya. Maging wais sa pagpili ng kandidato sapagkat tayo lang din ang maaapektuhan nito.
Nakadepende sa magiging pinuno ang kinabukasan nating mga Pilipino kaya't maging matalino at
wais sa pagboto upang kinabukasan natin ay mapabuti habang siya ang namumuno. Kaya't iboto natin
si Marcos siguradong magandang kinabukasan ang hangad niya para sa ating lahat. Hindi tayo
magsisisi sa huli dahil si Marcos ay subok na. Hindi lang puro salita o pangako kundi may kalakip na
paggawa.

You might also like