Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Tayabas Western Academy

Founded 1928
Recognized by the Government
Candelaria, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

UGNAYAN NG PAGGAMIT NG IBA’T IBANG SOCIAL MEDIA AT


KAKAYAHAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA
IKAPITONG BAITANG NG TAYABAS WESTERN ACADEMY
_________________________________________________________________

Isang Papel Pananaliksik na Isinulit kay


EDITHA DEQUILLA
GURO

Bilang bahagi ng pagsasakatuparan ng mga pangangailangan para sa


asignaturang
Introduksiyon sa Pananaliksik- Wika at Panitikan

GRUMAL, JETHRO J.
BISCO, ANGELA C.
LACONSAY, ANNALUIZA G.
Mga Mananaliksik

Mayo 2023
Pangalawang Semestre

TALAAN NG NILALAMAN
 PAHINA NG PAMAGAT………………………………………………………………
 TALAAN NG NILALAMAN…………………………………………………………..
 PANIMULA………………………………………………………………………..……
 KALIGIRAN NG PAG-AARAL………………………………………………………..
 PAGLALAHAD NG SULIRANIN……………………………………………………..
 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL…………………………………...…….………
 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL…………………………….
 TALASANGGUNIAN…………………………………………………………………..

INTRODUKSIYON, KALIGIRAN AT SULIRANIN NITO


PANIMULA

Sa mga nagdaang taon hanggang sa kasalukuyan, isa sa mga pangunahing paraan ng

komunikasyon ng mga tao ay ang paggamit ng social media. Ayon sa isang survey ng

GlobalWebIndex (2021), halos 4.33 bilyong tao ang gumagamit ng social media, na

kumakatawan sa 55% ng kabuuang populasyon ng mundo.

Sa isang pag-aaral ni Singh S. (2019), natuklasan na ang social media ay maaaring

magdulot ng mga positibong epekto sa kakayahan sa pagsasalita ng mga mag-aaral, tulad ng

pagbibigay ng karagdagang pagkakataon upang magpraktis at magpahayag ng kanilang saloobin.

Gayunpaman, mayroon ding mga negatibong epekto na nakikita, tulad ng pagkakaroon ng

grammatical errors, pagkakamali ng mga tuntunin ng balarila, at kakulangan sa pag-unawa sa

kahulugan ng mga salita.

Sa isang pag-aaral ni Kanaan F. (2019), natuklasan na ang social media ay maaaring

magdulot ng mga positibong epekto sa pagpapalawak ng bokabularyo at kasanayan sa

pakikipagtalastasan sa iba’t ibang sitwasyon.

Sa pangkalahatan, mahalagang malaman ang ugnayan ng paggamit ng iba’t ibang social

media at kakayahan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-pitong baitang ng Tayabas Western

Academy upang mapag-aralan kung paano ito makakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na

buhay at kung paano ito maaaring mapabuti o mapabigat ang kanilang kakayahan sa pagsasalita.

KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Sa panahong kinabibilangan natin ngayon, ang paggamit ng “social media” ang isa sa

mga naging daan natin upang makipag komunikasyon sa ating mga mahal sa buhay, mga

kaibigan, at maging sa mga taong babago pa lamang natin kakilala. Mas naging madali para sa

atin ang kumustahin sila kahit ilang milya pa ang layo natin sa kanila dahil na nga rin sa tulong

ng “social media”. Sa madaling salita, ang paggamit ng “social media” ay naging parte na ng

ating pang araw-araw na pamumuhay lalong higit sa mga mag-aaral. Sinasabi pa nga nila na para

na nila itong kakambal sa buhay.

Kapansin-pansin din na napakalaki ng epekto ng “social media” sa kakayahan sa

pagsasalita ng mga mag-aaral sapagkat kung ano ang nakikita nila sa “social media” ay kanila

itong isinasabuhay. Isang halimbawa na nga lamang dito ay ang patuloy nilang paggamit ng mga

inimbento o makabagong salita sa araw-araw nilang pakikipagtalastasan. Ang halimbawa nito ay

ang paggamit nila ng mga salitang “forda, ferson, ganern, werpa,” at marami pang iba.

Ayon kay Aranda (2018), sa kasalukuyan ay nauuso ang pagbabaligtad sa mga salita

katulad ng “petmalu” para sa salitang malupit. Sinasabi niya na ang mga kabataan na kabilang sa

“Generation Z” ang mga nagpauso nito. Dagdag pa niya, kaya tuwang-tuwa ang mga bata na

bumuo ng mga makabagong salita dahil isa ito sa paraan nila upang magkaunawaan sila ng

kapwa kabataan nila sa kung anuman ang ibigsabihin ng mga makabagong salita na mga ito.

Subalit nandoon din ang pangangamba ng mga dalubwika na hindi na narerespeto ang Wikang

Filipino dahil sa mga makabagong salita na nauuso ngayon. Subalit ito ay dala lang din naman

ng walang hanggang katapusan ebolusyon ng ating wika at kultura.

Ayon kay Magtibay (2015), ang wika ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng mas

epektibong komunikasyon at pundasyon ng mabuting pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan.

Ang isa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging daynamiko. Ito ay dahil sa paglipas ng

panahon at pagkakaroon ng pagbabago sa kapaligiran at dahil na rin sa malikhaing pag-iisip ng

tao na ang nagsisilbing dahilan ng pagkakaroon ng mga makabagong salita.

Ang pagkakaroon ng “social media” ay may iba’t ibang dahilan at isa na nga rito ay ang
mas mainam na pakikipagkomunikasyon. Malaki ang naitutulong nito sa tao, subalit hindi sa

wika. Sapagkat madalas na napapalitan ang orihinal at tamang baybay ng mga salita. Kabilang sa

mga bagong lenggwahe na nabubuo ngayong kasulukuyan ay ang mga “Jeje Language, Gay

Language, at ang bagong grupo na gumagamit ng mga salitang tulad ng “eh di wow, rak na itou,

at pusuan tayo”. Ito ang nagtulak sa aming mga mananaliksik upang tuklasin kung ano ang

ugnayan ng paggamit ng social media sa kakayahang pagsasalita ng mga mag-aaral. Nais naming

tuklasin at alamin kung gaano nga ba kalaki ang impluwensiya ng social media sa kakayahang

pagsasalita ng mga mag-aaral

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang suliranin ng pag-aaral na ito ay tungkol sa ugnayan ng paggamit ng iba’t ibang social media at

kakayahan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng Tayabas Western Academy. Ito ay

isang kritikal na isyu sa panahon ngayon dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at paglaganap ng

“social media”. Ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang mga iba’t ibang "social media"na madalas gamitin ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng

Tayabas Western Academy?

2. Paano nakaaapekto ang paggamit nila ng iba't ibang "social media" sa kanilang kakayahan sa

pagsasalita?

3. Batay sa mga nakalap na datos, nakatutulong ba o hindi ang paggamit ng social media sa kanilang

kakayahan sa pagsasalita na magagamit nila upang mas mapaunlad ang kanilang akademikong pagganap

sa loob ng kanilang klasrum?


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na may paksang "Ugnayan ng Paggamit ng

Iba't ibang "Social Media" at kakayahan sa Pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng

Tayabas Western Academy" ay ang alamin kung paano nakaaapekto sa kakayahan sa pagsasalita

ang paggamit ng mga mag-aaral ng "social media" at kung ano ang ugnayan at ang epekto o

impluwensiya ng paggamit ng social sa kanilang kakayahan sa pagsasalita. Ang pananaliksik na

ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral mula sa ikapitong baitang

Ang pananaliksik na ito ay higit na makatutulong sa mga mag-aaral mula sa ikapitong

baitang ng Tayabas Western Academy sapagkat bukod sa sila ang napili naming respondante ay

makatutulong sa kanila ang pananaliksik na ito upang sila ay magkaroon ng kaalaman kung ano

nga ba ang ugnayan at kung paano nakaaapekto ang paggamit nila ng iba't ibang "social media"

sa kanilang kakayahan sa pagsasalita. Bilang sila ay kabilang sa mga kabataan na tutok sa

paggamit ng iba't ibang "social media" mahalaga na kanilang malaman kung paano ito

nakaaapekto at nakatutulong sa kanila at ito nga ay malalaman lamang nila sa pagsasakatuparan

ng pananaliksik na ito.

Mga Guro

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro upang sila ay magkaroon din ng

kamalayan sa epekto at impluwensiyang hatid ng "social media" sa kanilang mga estudyante.

Dahil ang pananaliksik na ito ay may layuning malaman ang ugnayan ng "social media" sa

kanilang kakayahan sa pagsasalita mas magiging bukas ang isipan ng mga guro sa

impluwensiyang hatid ng social media sa mga mag-aaral kagaya na lamang ng paggamit nila ng

mga makabago at inimbentong salita sa kanilang pakikipag-usap. Mas magkakaroon sila ng

kamalayan sa mga nangyayaring pagbabago na dulot ng paggamit ng social media sa

kapaligirang kanilang ginagalawan.

Mga magulang

Ang pananaliksik na ito ay kapaki-pakinabang din sa mga magulang sapagkat kanilang

mababatid kung gaano nga ba kalaki ang impluwensiya ng paggamit ng social media sa
kakayahan sa pagsasalita ng kanilang mga anak.

Mga administrador ng paaralan

Makatutulong ang pananaliksik na ito upang makabuo sila ng mga programa hinggil sa

paggamit ng "social media" upang mas lumawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral at magamit

nila sa tamang paraan ang "social media" kung saan mas mapapaunlad din nila ang kanilang

kakayahan sa pagsasalita.

Mga mananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga iba pang mananaliksik upang mas

mapagtibay at mas mapaunlad pa nila ang kanilang pag-aaral na may kauganayan din sa aming

isinasagawang pananaliksik na may paksang "Ugnayan ng Paggamit ng Iba't ibang "Social

Media" at kakayahan sa Pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng Tayabas Western

Academy"
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa pag-aaral ng ugnayan ng paggamit ng iba't ibang social media at kakayahan sa

pagsasalita ng mga mag-aaral, mahalagang mayroong mga kaugnay na literatura at pag-aaral

upang magbigay ng konteksto at kaalaman. Ang mga nabanggit na literatura sa naunang

katanungan ay nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon at konteksto sa pag-aaral na ito.

Ayon kina Boyd at Ellison (2007) ang “social networking sites” ay sinasabi ng serbidong

“well-based” na pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng mga pampublikong profayl

sa loob ng sistema, pinahihintulutan nito ang mga gumagamit na makita ang listahan ng mga

koneksyon. Ito ay tumutukoy sa iba't ibang “sites” tulad na lamang ng facebook., twitter,

instagram, skype, yahoo at iba pa. Ilan lamang sa mga nabanggit ang kumakalat sa internet na

mabilis na nakakaimpluwensya sa mga mag aaral. Ang internet ay isang tsanel kung saan mas

madaling makasagap ng mga impormasyon at madali rin makapagbigay ng impormasyon sa atin.

Isa sa pinakapakinabang nito ay ang pakikipag komunikasyon natin sa malalayo. Dahil sa

mabilis na pagkauso nito, marami sa mga kabataan ngayon lalo na sa mga sekondaryong mag-

aaral ang madaling maimpluwesyahan at labis na nahuhumaling sa paggamit nito. Ayon pa sa

pag-aaral nina Boyd at Ellison (2007), ito ay nagbibigay ng kahulugan at kasaysayan ng “social

media”, na nagbibigay ng malawak na konteksto sa ugnayan ng paggamit ng social media at

kakayahan sa pagsasalita ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng paglilinaw sa mga konsepto at

kahalagahan ng “social media”, maaaring makatulong ang pag-aaral na ito upang mas

maintindihan kung paano nakakaapekto ang paggamit ng “social media” sa pagsasalita ng mga

mag-aaral.

Lingid sa ating kaalaman, na ang “social media” ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-

ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga

ideya “online”. Kapansin-pansin din na habang dumarami ang gumagamit ng “social media” ay

may mabuti at masamang idinudulot ang paggamit nito. Ang ilan sa mabubuting epekto ay ang

madaling pagkalat ng mga kaalaman o mga impormasyon at ang pagkakaroon ng mabilis na

pakikipag-ugnayan sa mga taong nasa kanilang paligid. Nabibigyan din ng pagkakataon ang

bawat isa na malinang ang kanilang mga talento dahil sa patuloy na pag-usbong ng mga
makabagong ideya. Naibabahagi rin nila ito sa nakararami kaya mas madali ang pagdiskubre sa

kanilang mga talento. Samantala, ang ilan naman sa masamang dulot ng paggamit ng “social

media” katulad na lamang ng pagkalat ng mga maling impormasyon. Nagiging rason din ito

upang hindi na magkaroon ng oras ang mga mag-aaral sa kanilang pamilya at maging sa

kanilang pag-aaral sapagkat mas nabibigyan nila ng oras at pansin ang paggamit ng social media

(Angeles, 2020).

Ayon kay Geagonia (2011), ang “social media” ay nagbibigay ng kakayahang umangkop

sa pagkatuto, pasiglahin ang mga makabagong ideya at dagdagan ang interpersonal na relasyon

ng mga mag-aaral. Dahil nga sa patuloy na paglaganap at pagyabong ng iba’t ibang “social

media” ito ay nakaaapekto rin sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sapagkat kung

anuman ang kanilang nakikita o natutuhan sa paggamit nila sa “social media” ay kanilang

isinasabuhay. Halimbawa na nga lamang nito ay ang pag-usbong ng mga makabagong salita

kagaya ng “werpa, ferson, forda, bongacious” at marami pang iba. Minsan kapag sila ay

kinakausap ay ang mga salitang ito ang kanilang ginagamit kaya naman madalas ay nagkakaroon

ng hindi pagkakaunawaan sapagkat may mga tao na hindi alam ang kahulugan nito.

Ang “social media” ay ginagamit ng nakararami upang makipagugnayan o

makipagkomunikasyon at upang malaman din nila ang mga nangyayari sa kapaligiran. Sa tulong

din ng social media, nabibigyan tayo ng pagkakataon na mailabas ang ating mga saloobin sa

pamamagitan ng pagbabahagi o pagpopost nito “online”. Ang paggamit ng social media ay may

mga epekto rin sa mga mag-aaral, dahil nga mas binubuhos nila ang kanilang oras sa paggamit

ng social media sa isang klik lamang nila ay nakukuha na nila ang mga impormasyon na nais

nila. Ang mga mag-aaral din ay mas nagiging interesado sa mga bagay na nakikita nila “online”

kaya naman madali rin para sa kanila ang maimpluwensiyahan nito. Dahil sa paggamit nila ng

“social media” ay mas nagiging aktibo sila sa mga “latest” o napapanahon na bagay at sa kung

ano ang mga uso. Marami ring mga kabataan ang mga naiimpluwensiyahan ng mga laro na

nauuso online kaya minsan ay nakaaapekto rin ito sa kanilang pag-aaral sapagkat nalilibang sila

sa mga “online games” (Internet social media Word Press, 2011)

Ayon kay Patagatay (2016), hindi talaga mapipigilan ang pagbabagong ating mundo at

hindi rin maikakaila na hinaplos nito ang pangaraw-araw nating pamumuhay kahit ang ating mga
pag-uugali. Masasabi na ang isa sa mga may pinakamalaking impakt sa ating pamumuhay ang

“social media”. Sa tulong ng “social media” mas nagiging matatag ang pagkakaunawaan at

relasyon ng mga tao sa lipunan at mas nagiging bukas ang isipan sa mga nagyayari sa lipunan.

Ayon sa pag-aaral ni Pascual (2016), sa kasalukuyan ay may mahigit dalawang bilyong tao ang

aktibong gumagamit ng “social media” sa buong mundo at ito ay nakaaapekto sa ating

pamumuhay at edukasyon. Ayon din sa kaniyang pag-aaral iba’t ibang uri ng “social media” ang

ginagamit ng mga kabataan at mga mag-aaral upang sila ay makipag komunikasyon sa kanilang

mga mahal sa buhay.

Ang pag-aaral ni Junco (2012) ay nagpakita ng positibong epekto ng paggamit ng “social

media” sa pagkakaroon ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa mga gawain ng paaralan.

Ito ay nagpapakita ng potensyal na benepisyo ng paggamit ng “social media” sa pagpapalakas ng

mga kakayahang pang-edukasyon. Sa kaso ng ugnayan ng paggamit ng “social media” at

kakayahan sa pagsasalita, maaaring magpakita ang pag-aaral na ito ng mga kahalagahan ng

paggamit ng “social media” sa pagpapalawak ng kakayahang pangwika ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral nina Brown at Yule (1983) ay nagbibigay ng mga konsepto at prinsipyo sa

pagsusuri ng diskurso. Ang pagsusuri ng diskurso ay isang mahalagang kasanayan sa pagsasalita,

at maaaring makatulong sa pagpapalakas ng kakayahang pangwika ng mga mag-aaral. Sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring matuto ang mga guro at mag-aaral kung paano

pagsamahin ang paggamit ng “social media” at pagpapalawak ng kakayahang pangwika sa

pagsasalita ng mga mag-aaral.

You might also like