Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

4

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan
(Home Economics)
Unang Markahan – Modyul 7:
Wastong Paggamit ng Kubyertos
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Home Economics) – Ikaapat na Baitang
Self - Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 7: Wastong Paggamit ng Kubyertos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Joyce O. Calambro
Editors: Ian R. Tenorio, Rowel E. Oyong, Gemma M. Garcelina, Leolyn Flores
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos
Tagaguhit: Eden Joy R. Judilla
Tagalapat: Renalyn Y. Corre
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz- Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Gilda A. Orendain – REPS, EPP/TLE
Elpidio B. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS In Charge of LRMS
Marcelo A. Bocatera- Division ADM Coordinator
Letecia A. Ebita - EPSVR, EPP/TLE

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
(Home Economics)
Unang Markahan – Modyul 7:
Wastong Paggamit ng Kubyertos

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Home


Economics) - Ikaapat na Baitang ng Self – Learning Module (SLM) para sa araling
Wastong Paggamit ng Kubyertos.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalala Para sa mga Guro


Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang panturo na
katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong
mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang
kanilang karunungan tungkol sa Wastong Paggamit ng Kubyertos. Ang inyong
tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang ating
layunin sa pag-aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain at sagutin nila nang


tama ang lahat ng mga Gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at


hangarin para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis
at mabisang pakatuto.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Home
Economics) - Ikaapat na Baitang ng Self - Learning Module (SLM) ukol sa Wastong
Paggamit ng Kubyertos.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Aralin
WASTONG PAGGAMIT NG
1 KUBYERTOS

Alamin

Ang masayang mag-anak ay makikitang sama-samang


kumakain sa hapag-kainan. Ang wastong pag-aayos, paghahanda,
at paggamit ng mga kubyertos sa hapag-kainan ay dapat
matutunan at maisagawang batang tulad mo. Ito ay makatutulong
upang maging kaaya-aya ang paghahain ng pagkain at ikagagana
ng bawat miyembro ng pamilya.
Sa modyul na ito mapag-aaralan ang kagandahang asal sa
hapag-kainan at kultura. Inaasahan na pagkatapos mong aralin
ang paksang ito ikaw ay makasusunod sa tamang panuntunan sa
pagkain na angkop sa kung ano mang kultura mayroon ka.
Makapagpapakita ng kagandahang asal sa hapag-kainan habang
kumakain.
Kaya, hinihikayat kang isagawa ang lahat ng gawaing
nakapaloob sa modyul na ito upang maging sapat ang iyong
kaalaman patungkol sa mga elemento ng kuwento.

Most Essential Learning Competency:

Naipakikita ang wastong paraan ng paggamit ng kubyertos.


(EPP4HE-Oi-14a)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:

Aralin 1: Makapagpapakita ng wastong paggamit ng


kubyertos.
Aralin 2: Makasusunod sa tamang panuntunan sa pagkaing
angkop sa kung ano mang kultura at
makapagpapakita ng kagandang asal sa hapag-
kainan habang kumakain.

Subukin
1
A. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay wasto at
Mali kung ang pangungusap ay di wasto. Isulat ang iyong sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat.
2. Ilagay na nakataob ang plato sa gitna ng cover.
3. Ilagay sa kanang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor.
4. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.
5. Bigyan ng sapat na pagitan upang makakilos nang maluwag
at maayos ang mga kakain.

B. Panuto: Itala ang bawat kagamitang ginamit sa hapag-kainan


na nasa larawan. Isulat ang pangalan nito sa iyong sagutang
papel.

1. __________ 2. _________ 3. ___________

4. __________ 5. ___________

Balikan

Panuto: Itala ang mga pagkain ayon sa kanyang pangkat na


kinabibilangan. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
mais saluyot carrots gatas kanin itlog
karne tinapay manga kamote kalabasa isda

GO FOODS GROW FOODS GLOW FOODS

Tuklasin

2
Wastong Paggamit ng Kubyertos
ni: Michael C. Trance

Wastong paggamit ng kubyertos sa hapagkainan,


Ikaw at ako, dapat nating matutunan.
Makitang masaya at kaaya-aya,
Kumakain ng magkakasama bawat miyembro ng pamilya.

Kubyertos ay kasangkapang pangkain,


Sa bahay, restawrant at salo-salo natin.
Sa salitang Espanyol ito ay hinango,
Gamitin ng wasto saan man magtungo.

Kutsara’t tinidor ay laging magkasama.


Pangkuha ng kanin at ulam silang dalawa.
Kutsilyo sa karne ay panghiwa.
Ang baso ay inuming tubig ang gawa.

Platito ay nilalagyan ng panghimagas o sawsawan.


Sandok ay pang-serb ng kanin o ulam
Kaya, wastong paggamit dapat tandaan
Ating pahalagahan itong mga kasangkapan.

Panuto: Basahin ang mga tanong at sagutin sa iyong sagutang


papel.

1. Tungkol saan ang tulang binasa?


2. Ayon sa tula, anong kubyertos ang laging magkasama?
3. Ayon sa tula, anong kubyertos ang ginagamit panghiwa sa
karne?
4. Ano ang naitutulong ng wastong paggamit ng kubyertos?
5. Bakit kailangang matutunan ang wastong paggamit ng
kubyertos?

Suriin

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
3
1. Nagluto ng Nanay ng spaghetti, anong kubyertos ang dapat
mong gamitin?
A. baso
B. kutsara
C. plato
D. tinidor

2. Inutusan ka ng Lola na ihanda na sa hapagkainan ang mga


pagkain. Anong kasangkapan ang ginagamit panlagyan ng
kanin?
A. baso
B. platito
C. plato
D. tinidor

3. May niluto ang ate na sinigang na karneng baka. Anong


kasangkapan ang dapat gamitin sa sabaw?
A. baso
B. kutsara
C. platito
D. tinidor

4. Anong kasangkapan ang ginagamit panlagyan ng sawsawan?


A. baso
B. kutsara
C. platito
D. plato
5. Anong kasangkapan ang ginagamit sa pagsaing?
A. kaldero
B. kawali
C. platito
D. sandok

6. Ang sumusunod ay ginagamit panlagyan ng tubig o juice,


maliban sa:
A. baso
B. pitsel
C. platito
D. tasa

7. Kailan dapat gamitin ang tinidor?

4
A. kapag may kape
B. kapag may pancit
C. kapag may sabaw
D. kapag kukuha ng kanin

8. Inutusan ka ng nanay mong maghiwa ng sibuyas. Ano ang


dapat mong gamitin?
A. baso
B. kaldero
C. kutsilyo
D. plato

9. Gusto ng tatay mong magkape, anong kubyertos ang


gagamitin mo sa pagtitimpla ng kape?
A. kutsilyo
B. platito
C. tasa
D. tasa at kutsarita

10. Paano mo mapapangalagaan ang mga kubyertos?


A. ipahugas sa kapitbahay
B. itapon pagkatapos gamitin
C. pabayaan at huwag hugasan
D. hugasan ng mabuti at ilagay sa tamang lalagyan

Pagyamanin

A. Panuto: Gamit ang graphic organizer, isulat sa kahon ang


wastong paraan sa paggamit ng kubyertos. Isulat ang tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

5
B. Panuto: Pagtambalin ang tamang kubyertos sa hanay A na
ginagamit sa paghain sa hanay B. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

A B

1. kutsilyo
a.

2. tinidor
b.
6
Isaisip

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang


sagot mula sa kahon at isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang
papel.
baso kutsara
kutsilyo pinggan
tinidor

7
1. Kadalasang ginagamit ang ________________ sa pagkain ng
pancit.
2. Ginagamit ang __________________ sa paghihiwa ng steak.
3. Ang ____________________ ay ginagamit panlagyan ng kanin.
4. Ginagamit ang _________________ upang lagyan ng tubig o
juice
5. Ang _________________ ay kubyertos na ginagamit sa
paghihigop ng sabaw.

Isagawa

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot sa


iyong sagutang papel.

1. Paano maipapakita ang wastong paraan ng paggamit ng


kubyertos tulad ng kutsara, tinidor at kutsilyo?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang wastong paraan ng paggamit ng


kubyertos?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Tayahin

A. Panuto: Buuin ang mga salita sa word puzzle. Isulat ang


tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. a g n g n p i
2. a o b s
3. a t s u a r k
4. o i n r t d i

8
5. i k l s u y t o

B. Panuto: Basahin ang sumusunod na mga katanungan.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Nagluto ng Nanay ng spaghetti, anong kubyertos ang dapat
mong gamitin?
A. baso
B. kutsara
C. plato
D. tinidor
2. Inutusan ka ng Lola na ihanda na sa hapagkainan ang mga
pagkain. Anong kasangkapan ang ginagamit panlagyan ng
kanin?
A. baso
B. platito
C. plato
D. tinidor
3. May niluto ang ate na sinigang na karneng baka. Anong
kasangkapan ang dapat gamitin sa sabaw?
A. baso
B. kutsara
C. platito
D. tinidor
4. Anong kasangkapan ang ginagamit panlagyan ng sawsawan?
A. baso
B. kutsara
C. platito
D. plato
5. Anong kasangkapan ang ginagamit sa pagsaing?
A. kaldero
B. kawali
C. platito
D. sandok

6. Ang sumusunod ay ginagamit panlagyan ng tubig o juice,


maliban sa:
A. baso
B. pitsel
C. platito
D. tasa

9
7. Kailan dapat gamitin ang tinidor?
A. kapag may kape
B. kapag may pancit
C. kapag may sabaw
D. kapag kukuha ng kanin

8. Inutusan ka ng nanay mong maghiwa ng sibuyas. Ano ang


dapat mong gamitin?
A. baso
B. kaldero
C. kutsilyo
D. plato

9. Gusto ng tatay mong magkape, anong kubyertos ang


gagamitin mo sa pagtitimpla ng kape?
A. kutsilyo
B. platito
C. tasa
D. tasa at kutsarita

10. Paano mo mapapangalagaan ang mga kubyertos?


A. ipahugas sa kapitbahay
B. itapon pagkatapos gamitin
C. pabayaan at huwag hugasan
D. hugasan ng mabuti at ilagay sa tamang lalagyan

Karagdagang Gawain

Panuto: Maghanap ng larawan sa mga lumang babasahin o


magasin na nagpapakita ng kabutihang-asal sa hapag-kainan.
Ayusin at idikit ito sa bond

10
Aralin
KAGANDAHANG-ASAL SA
2 HAPAG-KAINAN

Balikan

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa kahon. Iguhit ang wastong


pagkakaayos sa paggamit ng kubyertos sa hapag-kainan.

11
Tuklasin

Basahin ang tula at sagutin ang mga katanungan:

Kagandahang Asal sa Hapag-kainan


ni: Joyce O. Calambro

Kagandahang asal sa hapag-kainan


Ikaw at ako dapat nating malaman
Kumakain nang masaya
Kasama ang buong pamilya

Wastong gawi sa hapag-kainan


Sa loob ng isang araw dapat na isakatuparan
Magdasal bago at pagkatapos kumain

12
Magpasalamat sa Maykapal sa biyayang angkin

Maglaan ng upuan sa bawat isa


Bago maupo si Juan ay si Maria muna
Iwasang ipatong ang siko sa ibabaw ng mesa
Umupo ng matuwid na nakalapat sa sahig ang paa

Kutsara’t tinidor ay gamiting maayos


Nguyain ng Mabuti ang pagkain upang maubos
Wag magsasalita kung may pagkain ang bibig
Magkwento nang mga bagay na kaibig-ibig

Panuto: Basahin ang sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot


sa sagutang papel.

1. Tungkol saan ang tulang binasa?


A. kusina’t tinidor
B. masayang pamilya
C. alituntunin sa kusina
D. kagandahang asal sa hapag-kainan

2. Anong gawin bago at pagkatapos kumain ayon sa tula?


A. maglaro
B. magselfie
C. magdasal
D. magpost sa facebook

3. Ayon sa tula, sino ang unang pauupuin?


A. si Juan
B. si Maria
C. kahit sino
D. ang bawat isa

4. Kanino magpasalamat sa biyayang natanggap?


A. sa kalaro
B. sa Maykapal
C. sa kapit-bahay
D. sa mga kaibigan
5. Napadighay ka habang kumakain, ano ang dapat mong
sabihin?
A. salamat po
B. paumanhin po
C. paki-alam niyo
D. walang anuman

13
Suriin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at piliin ang


tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Anong dapat gawin bago at pagkatapos kumain?


A. kumanta
B. mag selfie
C. magdasal
D. sumayaw

2. Habang kumakain, gustong-gusto na ni Mylle kumain ng fried


chicken ngunit walang kutsilyong gagamitin sa paghiwa nito.
Maliban sa kutsilyo, ano ang pwede niyang gamitin pamalit dito
upang makakain siya?
A. baso
B. kutsara
C. pinggan
D. tinidor

14
3. Ano ang dapat mong sabihin kapag ipakisuyo ang pagkaing
malayo sa iyo?
A. paabot nga
B. dalhin mo dito
C. paumanhin po
D. paabot po ng pagkain

4. Habang kumain ay naisipan ni Bren na mag kwento. Anong


kwento ang dapat niyang sabihin sa pamilya?
A. Magkwento tungkol sa patay
B. Magkwento tungkol sa multo
C. Magkwento na nakipag-away sa kalaro
D. Magkwento ng masasayang nangyari sa buong-araw

5. Nakasanayan ni Nino na magdasal bago at pagkatapos kumain.


Tama ba ang ginagawa ni Nino?
A. Hindi, dahil hindi na kailangang magdasal.
B. Oo, dahil pinilit ka ng iyong mga magulang.
C. Hindi, dahil kumuha muna ng litrato bago magdasal.
D. Oo, dahil pagpapasalamat sa Maykapal ang dapat inuuna.
6. Ikaw ay inatasang magdasal sa hapagkainan. Ano ang iyong
gagawin?
A. iiyak ako
B. magagalit ako
C. tatakbo at magkulong sa silid
D. magdadasal ako ng kusang-loob at may galak sa puso
7. Habang nasa hapag-kainan, masayang ibinalita ni Japoy na
siya ay nakapasok sa top 10 nang kanilang klase. Paano niya
ito ibinalita habang kumakain?
A. Nagsasalita na pasigaw
B. Nagsasalita habang puno ang bunganga
C. Nilunok muna ang pagkain bago nagsalita
D. Natatapon ang pagkain habang nagsasalita
8. Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging maka Diyos. Naipapakita
ito sa hapag-kainan sa pamamagitan ng:
A. Pag-awit habang kumakain
B. Pagbasa ng bibliya habang kumakain
C. Magdasal bago at pagkatapos kumain
D. Pakikinig sa salita ng Diyos habang kumakain.

15
9. Si Ruby ay inanyayahan ng kanyang kaibigang si Bella na
kumain ng pananghalian sa kanila, ngunit hindi gusto ni Ruby
ang isang ulam na inihanda. Paano niya ito tatanggihan?
A. tanggihan na umiyak
B. tanggihan na tumawa
C. tanggihan ng magalang
D. tanggihan ng may pandidiri
10. Dumalo si Ian sa isang handaan, marami siyang naging
kasalo sa hapag-kainan. Ano ang nakakabuting gawin ni Ian
habang kumakain?
A. Ipatong ang siko sa ibabaw ng mesa.
B. Ipatong ang paa sa kaharap na upuan.
C. Hatakin palapit ang nagustuhang pagkain.
D. Umupo ng matuwid na nakalapat ang siko sa ibabaw ng
mesa.

Pagyamanin

A. Panuto: Isulat ang Tama kung ang larawan ay nagpapakita ng


kagandahang asal sa hapag-kainan at Mali naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. 4.

2. 5.
16
3.

B. Panuto: Pagtapatin ang larawan sa hanay A na naglalarawan


sa wastong gawi sa hanay B.
Hanay A Hanay B

a. Magdasal bago at
pagkatapos kumain.

b. Maghugas ng kamay bago


kumain.

c. Nguyain ang pagkain na


nakasara ang bibig.

d. Umupo nang wasto.

e. Magagandang bagay ang


pag-usapan habang
kumakain.

f. Magsipilyo ng ngipin.
17
C. Panuto: Lagyan ng masayang mukha ( ) ang patlang kung
ang pangungusap ay nagsasabi ng kagandahang-asal sa
hapagkainan at malungkot na mukha ( ) naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Punuin ng pagkain ang pinggan.


_____2. Gamitin ang gilid ng kutsara sa pagsubo ng pagkain.
_____3. Nguyain ang pagkain nang sarado ang bibig.
_____4. Magkuwento ukol sa patay o sa mga may sakit habang
kumakain.
_____5. Ilagay nang pahalang sa ibabaw ng pinggan ang mga
kubyertos kung tapos nang kumain.

Isaisip

Panuto: Punan ang patlang ng wastong salita upang mabuo ang


mga kagandahang asal sa hapag-kainan. Piliin ang tamang sagot
mula sa kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

kumain magdasal maghugas magsalita matakaw

Ang batang tulad mo ay dapat (1) ____________________ ng


kamay bago kumain. (2) ______________________ at magpasalamat
sa Panginoon, bago at pagkatapos kumain. (3) _________________
ng katamtamang dami ng pagkain. Huwag
(4)________________________ habang puno ang bibig. Huwag
maging (5)_______________________, kumuha lang ng pagkain na
kayang ubusin.

Isagawa

Panuto: Basahin at bigkasin ang tula at sagutin ang mga tanong


sa ibaba.

18
Ugaling Wagi: Wastong Asal sa Hapagkainan
ni: Marycris T. Aplejido

Kainan na, Pero tika, Maghugas ng kamay,


Bago humarap sa lamesa pero ops! ops! ops!
Huwag takaw mata, yong kaya lang kainin,
kunti-kunti lang ang kanin
At yong kaya lang ang kunin, alalahanin ang mga kasama at
siguraduhing makakain din sila, kapag may pagkain sa bibig
huwag muna magsalita,
lunukin muna bago magtsikahan kung didighay takpan ang
bibig at humingi ng
paumanhin, excuse me po!
Tandaan! Wastong Asal Ugaling Wagi.

1. Ano ang pamagat ng tula?


A. Hapagkainan
B. Ugaling Wagi
C. Wastong Asal
D. Ugaling Wagi: Wastong Asal sa Hapagkainan

2. Ano ang dapat gawin bago humarap sa lamesa?


A. magdasal
B. maupo ng matuwid
C. maghugas ng kamay
D. magpunas ng kamay

3. Kasabihang huwag takaw mata ay nangunguhulugang:


A. ipikit ang mata
B. maghugas ng kamay
C. kaya lang ang dapat kainin
D. punuin ang pinggan ng pagkain

4. Pagpuno na ang bibig, ano ang kailangang gawin?


A. maaaring umawit
B. makipagtsismisan
C. makipagtalastasan sa mga magulang
D. lunukin muna ang pagkain bago magsalita

5. Napadighay ka habang kumakain, ano ang dapat mong


sabihin?
A. salamat po

19
B. paumanhin po
C. paki-alam niyo
D. walang anuman

Tayahin

Panuto: Lagyan ng masayang mukha (😊) ang patlang kung ang


pangungusap ay nagsasabi ng kagandahang-asal sa hapagkainan
at malungkot na mukha (☹) naman kung hindi. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

_____1. Magsalita nang walang pagkain sa bibig.

_____2. Hayaang lumamig ang pagkain bago isubo.

_____3. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.

_____4. Maaaring gawing pamalit ang tinidor sa kutsilyo sa


pagputol ng pagkain.

_____5. Mag-ukol ng atensyon sa kalapit na kumakain.

_____6. Punuin ng pagkain ang pinggan.

_____7. Gamitin ang gilid ng kutsara sa pagsubo ng pagkain.

_____8. Nguyain ang pagkain nang sarado ang bibig.

_____9. Magkuwento ukol sa patay o sa mga may sakit habang


kumakain.

20
_____10. Ilagay nang pahalang sa ibabaw ng pinggan ang mga
kubyertos kung tapos nang kumain.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng 4 na kagandahang asal sa hapag-kainan na


ipinapakita ng larawan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

1. ___________________
2. ___________________
3. ___________________
4. ___________________

21
3. 4
4. 3 2. ☹ *depende sa sagot ng bata
5. 5 3. 😊
4. ☹
5. ☹
6. ☹
22
7. 😊
8. 😊
Subukin Balikan Tuklasin
• GO FOODS *depende sa sagot ng bata
A. B. kanin
1. Tama 1. kutsara tinapay
Aralin 2
2. Mali 2. baso kamote
3. Mali 3. tinidor • GROW FOODS
4. Tama 4. plato karne, gatas,
5. Tama 5. kutsilyo itlog, isda
• GLOW FOODS
mais, saluyot, carrots,
manga, kalabasa
Suriin Pagyamanin Isaisip
1. D A. 1. tinidor
2. C 2. kutsilyo
3. B 3. pinggan
4. C 4. baso
5. A 5. kutsara
-
6. A
7. B
8. C
9. D
10. D -
Isagawa
*depende sa sagot ng bata
Tayahin
A.
1. Pinggan -
2. Baso
3. Kutsara
4. Tinidor Karagdagang
5. Kutsilyo - Gawain
B.
1. D
*depende sa mapadikit ng
2. C
3. B bata
4. C B.
5. A
6. A 1. C
7. B 2. E
8. C 3. B
9. D 4. A
10. D
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
Isaisip
1. maghugas
2. magdasal
3. kumain
4. magsalita
5. matakaw

10.D
9. C
8. C
7. C
6. D
5. D
4. D
3. D
2. D
1. C
Suriin

23
Sanggunian
n.d. "Kagamitan ng Mag-aaral." In Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan, 314-318. Accessed 2020.
n.d. "Patnubay ng Guro." In Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 4, 122-124. Accessed 2020.

24
PAHATID – LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran


ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSAREGEN na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag – aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020 – 2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

25

You might also like