Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Hannah Agravante

12 ABM- 1 Set A

Gawain 1

Pagkalipas ng anim na taong panunungkulan ni pangulong Duterte isinagawa ang panibagong


halalan. Nagsimula noong Oktubre ‚1 2021 ang unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy
(COC) ng bawat kakadidato sa darating na Mayo 22 national elections. Marami ang naghahangad sa
posisyong pagkapangulo ngunit alam nmn ng bawat isa na isa lamang ang dapat umupo sa nasabing
pwesto. Lalaban sa pagkapangulo sa Halalan 2022 si Bise Presidente Leni Robredo, dala ang aniya’y
hangaring “palayain ang sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon.” Ayon din sa kanya,”Buong -buo ang
loob ko ngayon. Kailangan nating palayain ang sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon. Lalaban ako.
Lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022." Sa
mga Marcos Loyalist magandang balita dahil naghain din ang dating senador na si Bongbong Marcos,
anak ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos ng intensiyon niyang tumakbo sa pagkapangulo. Bagay
ito na inalmahan ng iba't ibang rights groups sa anila'y intensiyon nito na burahin sa kasaysayan ang
mga karumaldumal na nangyari noong panahon ng Batas Militar, na pinamunuan ng kaniyang ama.
“That is why I am announcing here today my intention to run for the presidency of the Philippines in
the coming May 2022 elections. I will bring that form of unifying leadership back to our country. Join
me in this noblest of causes and we will succeed. Sama-sama tayong babangon muli,” ani Marcos. Ang
boxing icon ng Pilipinas at senador na si Manny Pacquiao ay tatakbo sa pagkapangulo sa 2022 na
halalan.Tinanggap ni Pacquiao ang nominasyon ng PDP-Laban party sa national convention nito at
sinabi na ang sambayanan ay naghihintay ng pagbabago sa gobyerno. “Ako ay isang fighter at
mananatili akong fighter sa loob at labas ng ring”, ani Pacquiao sa kanyang talumpati. Kailangan natin
ng isang gobyerno na magsisilbi sa mga tao ng may integridad, compassion at transparency, aniya.
Pormal din na inanunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tatakbo siya sa
pagkapangulo sa halalan 2022.”Buong kababaang loob, inihahayag ko sa inyo, mga kababayan ko, sa
darating na Mayo, tanggapin niyo po ang aking aplikasyon bilang pangulo ng Pilipinas”. Para sa akin,
lahat sila'y may katangian ng pagiging isang pinuno ngunit isa lang ang karapat dapat magwagi at para
sa akin sya ay ang dating senador na si Bongbong Marcos sapagkat siya lamang ang nakikitaan ko ng
may kakayahang mamuno ng isang bansa tungo sa landas ng kaunlaran, kalayaan, kapayapaan, at
may kaayusan.

Sino nga bang nararapat mamuno sa ating bansa? Marami ang tumututol sa pagtakbo ni
Bongbong Marcos bilang pangulo sapagkat siya ay anak ng dating pangulong Ferdinand Marcos na
isang diktador, magnanakaw daw ng yaman ng Pilipinas at siya raw ang nagpapatay kay Benigno
Aquino. Maraming kuro kuro ang sinasabi patungkol sa kanyang pamilya kaya siya daw ay hindi
karapat dapat sa posisyong ito dahil hindi malinis ang kanilang talaan. Karamihan sa mga humuhusga
kay Bongbong Marcos ay mga kabataang wala namang sapat na kaalaman tungkol sa kanyang buhay.
Sabi nga sa kasabihan“ Don't judge a book by its cover”. Wala tayong karapatang husgahan ang
pagkatao nya sapagkat hindi naman natin siya lubosang kilala. Husgahan mo siya kung may sapat
kang ebidensya at nagpapatunay ginawa niya talaga ang bagay na iyon. Sa kabila ng sarisaring
kurokuro tungkol kay Marcos mas lalo tumibay ang aking paninindigan na siya ang iboto para
nalalapit na halalan. Ang aking boto ay mananatiling kay Marcos sa kabila ng lahat ng paninira ng
ibang mga partido sapagkat napatunayan na ng mga magulang ni Bongbong Marcos na sila'y walang
ginawang mali. Kung hindi dahil sa kanila di natin mararanasan ang masaganang pamumuhay, pati na
ang nga murang bilihin. At alam kong kayang gampanan ni Marcos ang kanyang tungkulin, hindi lng
siya matalino kundi may kasamang gawa ang kanyang mga salita. Ang isa pang dahilan kung bakit
mas nararapat maging pinuno si Marcos ay marami na siyang karanasan sa pamumuno. Sa kanya
pamumuno magagamit niya ang angkin niyang katalinuhan upang mas maging maayos ang
pamumuhay ng bawat Pilipino.

Ang pamununo ay hindi madaling gawain o tungkulin kaya't kailangan nating kilatisin ng maayos
ang mga kakandidato. Hindi pwedeng iboboto natin siya dahil binigyan ka ng pera o sinuhulan ang
inyong pamilya. Maging wais sa pagpili ng kandidato sapagkat tayo lang din ang maaapektuhan nito.
Nakadepende sa magiging pinuno ang kinabukasan nating mga Pilipino kaya't maging matalino at
wais sa pagboto upang kinabukasan natin ay mapabuti habang siya ang namumuno. Kaya't iboto natin
si Marcos siguradong magandang kinabukasan ang hangad niya para sa ating lahat. Hindi tayo
magsisisi sa huli dahil si Marcos ay subok na. Hindi lang puro salita o pangako kundi may kalakip na
paggawa.

You might also like